0% found this document useful (0 votes)
5 views8 pages

News Report

Ang DZRM ay isang istasyon ng radyo sa Mabalacat na naglalayong maging boses ng mamamayan sa pamamagitan ng pagbabalita. Sa kanilang programa, tinalakay ang mga lokal at pambansang balita, kabilang ang pag-amin ni Zaldy Co sa isang kontrobersyal na budget insertion at isang malaking sunog sa Hongkong. Ang mga field reporters ay nagbigay ng detalyadong ulat tungkol sa mga pangyayari, habang ang mga anchor ay nagbigay ng mga paalala at impormasyon sa mga tagapakinig.

Uploaded by

Khaizher Miranda
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
5 views8 pages

News Report

Ang DZRM ay isang istasyon ng radyo sa Mabalacat na naglalayong maging boses ng mamamayan sa pamamagitan ng pagbabalita. Sa kanilang programa, tinalakay ang mga lokal at pambansang balita, kabilang ang pag-amin ni Zaldy Co sa isang kontrobersyal na budget insertion at isang malaking sunog sa Hongkong. Ang mga field reporters ay nagbigay ng detalyadong ulat tungkol sa mga pangyayari, habang ang mga anchor ay nagbigay ng mga paalala at impormasyon sa mga tagapakinig.

Uploaded by

Khaizher Miranda
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

DZRM

SCRIPTWRITING AND BROADCASTING

STATION ID: D-Z-R-M, Singko-Kwatro-Singko


Radyo Mabalacat

STATION HYMN: Himpilan ng Katotohanan, Boses ng Mamamayan

COACHES: Michael Bryan Rosilla

Jayrra Manangan

MAIN ANCHOR 1 - Mark Jay Naval

MAIN ANCHOR 2 – Viennah Viado

FIELD REPORTER 1 – Ilyena Dominguez

FIELD REPORTER 2 – Angelo Zarate

FIELD REPORTER 3 – Kaye Bernabe

FIELD REPORTER 4 – Johnley Luteria

TECHNICAL – Khaizher Miranda


(INTRO MUSIC MALAKAS NA BAGSAK TAS BIGLANG HIHINA)
ANCHOR 1 – Kumakaripas sa paghahanap ng katotohanan,

ANCHOR 2 – matatag sa pagbatid ng balita, at handang maging tinig ng sambayanang

Pilipino.

ANCHOR 1 – Kasama ninyo kami sa pagbabalita nang may puso at paninindigan,

ANCHOR 2 - Boses ang aming sandata sa pagbubukas ng bawat kwento ng masa.

ANCHOR 1 – Bawat salita ay para sa mamamayan, ang bawat ulat ay para sa bayan.

ANCHOR 2 – Ihanda ang inyong pandinig at damdamin, sapagkat tayo’y tutungo na sa

ulo ng mga balita.

(TRANSITION SA MASIGLANG MUSIC)

ANCHOR 1 – Magandang araw, Pilipinas! Mula rito sa lungsod ng Mabalacat, ika-28 ng

Nobyembre 2025

ANCHOR 1 – Ako si Mark Jay Naval,

ANCHOR 2 – At ako naman si Viennah Viado

(STINGER TING)

ANCHOR 1 – Para sa Himpilan ng Katotohanan..

ANCHOR 2 – Boses ng Mamamayan

VOICE - D-Z-R-M Singko-Kwatro-Singko

ANCHOR 1 - Rumaratsada, Radyo Mabalacat.


(STATION HYMN)

ANCHOR 1&2 - Iisang tinig, Titindig!

(MUSIC BAGSAK TAS HIHINA)

1. STD INTRO

(LIPAT SA MEDYO MABILIS NA MUSIC BED)

2. HEADLINES

ANCHOR 2 – Headlines ngayon!

(LASER SOUND EFFECT)

ANCHOR 2 - Patient Transport Vehicle sa Mabalacat City, Meron na!

(LASER SOUND EFFECT)

ANCHOR 1 - Zaldy Co, Umamin na sa umanoy malaking budget.

(LASER SOUND EFFECT)

ANCHOR 2 - Malaking sunog sa Hongkong: Mahigit 94 ang nasawi!

(LASER SOUND EFFECT)

ANCHOR 1 - Gilas Pilipinas handa na sa laban kontra Guam

(LASER SOUND EFFECT)

(PALIT SA TEASER MUSIC)


3. BALITANG LOKAL

ANCHOR 2 – Tinanggap ni Mayor Geld Aquino ng Mabalacat City ang Patient

Transport Vehicle na ipinagkaloob ng Phillipines Charity Sweepstakers Office. Para sa

karagdagang impormasyon, Ilyena Dominguez, Ibalita mo!

(LASER SOUND EFFECT)

(PALIT SA BACKGROUND MUSIC)

FIELD REPORTER 1 – Ipinagkaloob ng Phillipines Charity Sweepstaker Office ng

Mandaluyong ang Patient Vehicle sa syudad ng Mabalacat. Pinangunahan ni P-C-S-O

Assistant General Manager Atty. Laura Patiag ang turn over.

Ayon kay Mayor Aquino, malaking tulong ito upang magkaroon agarang pagresponde

sa mga nangangailangan at may malubhang karamdaman patungong ospital.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang P-C-S-O sa patuloy na suporta sa mga lokal na

pamahalaan. Tiniyak naman ng Local Government Unit na gagamitin para sa

Serbisyong Medikal ang mga sasakyan. Para sa D-Z-R-M Singko-Kwatro-Singko, Ilyena

Dominguez, Nag-uulat.

(LASER SOUND EFFECT KASABAY NG PAGBALIK SA TEASER MUSIC)

4. BALITANG NATIONAL

ANCHOR 1 – Pag-amin ni Zaldy Co sa umano’y 100-billion-peso Insertion, nagpasiklab

ng Kontrobersya sa gobyerno. Para sa karagdagang impormasyon, iuulat sa atin ni

Angelo Zarate.
(LASER SOUND EFFECT)

(PALIT SA BACKGROUND MUSIC)

FIELD REPORTER 2 – Naglabas ng video si dating AKO Bicol Representative Zaldy

Co, kung saan inamin niya na mayroon siyang di-umanong 100-billion-peso budget

insertions, para sa 2025 budget, Iginiit niyang utos daw ito mismo mula kina Pangulong

Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez. Ayon sakanya, personal

daw niyang hinatid ng maleta ng pera sa dalawang opisyal. Para sa D-Z-R-M Singko-

Kwatro-Singko, Angelo Zarate, Nag-uulat.

(LASER SOUND EFFECT KASABAY NG PAGBALIK SA TEASER MUSIC)

ANCHOR 2 – Kami’y magbabalik pagkatapos ng isang paalala…

(LIPAT SA MAINGAY AT MARAMING DUMADAAN SA KALSADA NA SFX)

5. INFOMERCIAL

PERSON 1 – Bili na po kayo sampaguita! Bente, isa lang po!

PERSON 2 – Uy, bata! Ano ginagawa mo?

PERSON 1 – Nagbebenta para may pangkain.

PERSON 1 (Bulong sa Utak) – Ang ganda naman ng uniforme niya, Sana ako rin..

(HIHINA UNG MUSIC TAPOS ACAPELLA)

VOICE - Hindi na makapag-aral. Minumulto nako ng pangarap ko, ng pangarap ko.

(RISER SOUND EFFECT)


VOICE - Mahalagang Paalala: Ang Bawat kabataan ay may Karapatan mag-aral para

sa kanilang kinabukasan. Ang paalalang ito ay hatid sa inyo ng Department of

Education at ng himpilang ito.

(BABALIK SA BACKGROUND MUSIC)

ANCHOR 1 – At muling nagbabalik ang

VOICE - D-Z-R-M Singko-Kwatro-Singko

ANCHOR 1 – Rumaratsada, Radyo Mabalacat

(STATION HYMN)

(TIMECHECK)

(LIPAT SA TEASER MUSIC)

6. BALITANG INTERNATIONAL

ANCHOR 2 – Matapos ang ilang dekada, muling nagkaroon ng malaking sunog sa

Hongkong. Para sa karagdagang impormasyon, Kaye Bernabe. I-ulat mo!

(BALIK SA BACKGROUND MUSIC NA MAY LASER SOUND EFFECTS)

FIELD REPORTER 3 – Ayon sa awtoritad ng Hongkong noong Biyernes, tumaas na

umano ng mahigit kumulang 94 ang nasawi at iilan ay pinaghahanap pa sa naganap na

malaking sunog sa Wang Fung Court sa Hongkong Tai Po District. Higit sa 76 na tao

ang sugatan, kasama na rin ang 11 bumbero at hindi na nadagdagan pa simula noong

Huwebes. Pinagpapatuloy pa rin ng mga bumbero na buhusan ng tubig ang gusali

upang hindi muling sumiklab ang apoy. Ayon naman sa isang nakasaksi ng pangyayari,
napakabilis raw ng pagkalat ng apoy at pakiramdam niya ay mabagal ng sinubukang

iligtas ang ilang mga gusali. Para sa D-Z-R-M Singko-Kwatro-Singko, Kaye Bernabe,

nag-uulat.

(LIPAT SA TEASER MUSIC KASABAY NG LASER SOUND EFFECT)

7. BALITANG SPORTS

ANCHOR 1 – Gilas Pilipinas, pinupuntirya ang panalo para sa Qualifiers. Para sa

karagdagang inpormasyon, iuulat sa atin ni Johnley Luteria.

(TRANSITION ULIT SA BACKGROUND MUSIC WITH LASER SOUND EFFECT)

FIELD REPORTER 4 – Magarbong simulan ang Laban kontra Guam ito ang pakay ng

Gilas Pilipinas sa first window FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayong araw sa Calvo

Field House. Nakatakda ang bakbakan sa Alas-Syete ng gabi at Alas-Sinko naman ng

hapon sa Maynila, kung saan nais ng mga Pinoy players na makuha ang panalo sa

qualifiers.

Importante ang larong para sa Gilas kaya’t kailangan makuha nito ang dalawang panalo

sa Home and Away game para sa malaking tyansang makapasok sa World Cup. Para

sa D-Z-R-M Singko-Kwatro-Singko, Johnley Luteria, Nag-uulat.

(LASER SOUND EFFECT)

(TRANSITION SA CLOSING NA MASIGLANG BACKGROUND MUSIC)

8. STD EXTRO

ANCHOR 1 – At iyan ang kabuuan ng mga balita ngayong araw. Muli, ako si Mark Jay

Naval.
(LASER SOUND EFFECT)

ANCHOR 2 - At ako naman si Viennah Viado.

(LASER SOUND EFFECT)

ANCHOR 1 - Para sa Himpilan ng Katotohanan.

ANCHOR 2 – Boses ng Mamamayan

VOICE - D-Z-R-M Singko-Kwatro-Singko

ANCHOR 1 - Rumaratsada, Radyo Mabalacat.

(STATION HYMN)

ANCHOR 1&2 - Iisang tinig, Titindig!

(MUSIC FADES)

You might also like