You are on page 1of 8

DZRP (50.

5)

PILARIKANO NGAYON BALITA!

Glaiza Villanueva- Anchor 1


Frank Tamayo- Anchor 2 (Co- Anchor)
Jamaica Martinez- First Reporter (Local News)
Francine Morales- Second Reporter (National News)
Angel Agustin- Third Report (International News)
Princess Pagulayan- Fourth Reporter (Sports News)
Vilyn Baccay at Glaiza Villanueva- (Infomercial)
Xyrus Fernandez -(Technical Specialist)
STATION ID
Time Sfx News

Voice over: DZRP! Cinco-uno-cinco

(jinggle) Balita'y kasangga, himig ng madla


Sayong radyo't kasama-kasama, DZRP…

Voice over: PILARIKANO NGAYON


BALITA!
SFX: FADE IN….
FADE UNDER…

Anchor 1: Balitang Bayanihan


Anchor 2: Balitang Sambayan
Anchor 2: Ito ang DZRP
Voice over :DZRP!
Anchor 1: Mga balitang walang
inuurungan, mula noon
Anchor 2: Mga Balitang walang
pinapalampas, hanggang sa ngayon
Anchor 1: Ito ang-
Anchor 1 and 2: Pilarikano Ngayon!
SFX: FADE OUT…

TIME CHECK
SFX: FADE IN…
FADE UNDER…
Anchor 1:
Ang oras natin ngayon ay ______ minuto
makalipas ang alas ______ ng ______ ,
araw ng________ ,ika-__siyam_____ ng
OKTUBRE taong dalawáng libó dalawáng
pu’t tatlo.

SFX: FADE OUT…


Voice over: Ang oras na ito ay hatid sa
inyo ng PILARIKANO NGAYON BALITA.

HEADLINES
SFX: FADE IN…
FADE UNDER…

Anchor 1:
Isang Mapagpalang Araw Pilipinas!
Anchor 1: Ito ang inyong kaagabay,
Glaiza Villanueva
Anchor 2: at inyong kabayan, Frank
Tamayo
Anchor 1 and 2: Ang inyong mga
tagapagbalita!
Voice over: Para sa ulo ng mga
nagbabagang balita

Anchor 1: Balitang Lokal: HUSTISYA ANG


HILING NG PAMILYA NG ISANG
DALAGANG NATAGPUANG PATAY SA
LUGAR NG DIFFUN, QUIRINO
Anchor 2: Balitang National: OFFICE OF
THE VICE PRESIDENT, GINASTOS
LAMANG SA 11 NA ARAW ANG 125
MILLION PESOS NA CONFIDENTIAL
FUNDS
Anchor 1: at para naman sa Balitang
International: BANSANG CAMBODIA,
ALERTO SA KANILANG UNANG KASO NG
ZIKA VIRUS
Anchor 2: at sa Balitang Isports:
PINAKABATANG PILIPINONG KUPUNAN
SA ASIAN GAMES, NASUNGKIT ANG
PANGPITONG PUWESTO SA PARK FINALS

NEWS- LOCAL TO NATIONAL


SFX: FADE IN…
FADE UNDER…
Anchor 1: Para sa balitang Lokal:
PAMILYA NG ISANG DALAGANG
NATAGPUANG WALA NG BUHAY SA
DIFFUN, HUSTISYA ANG SIGAW, Kabayan
Jamaica, ibahagi mo.
SFX: FADE OUT…
News Presenter 1: Salamat Glaiza

Grade 11 student na dalaga, natagpuang


naaagnas sa masukal na bahagi ng Brgy.
San Isidro sa bayan ng Diffun, Quirino.
Ayon sa isinagawang autopsy ng
Provincial Forensic Unit lumabas ang
resulta na Asphysia by Strangulation o
pagkasakal ang sanhi ng kinamatay ng
estudyanteng si Lyan Ancheta na
nangyari lamang noong Biyernes ng
Setyembre (22). Inaalam din ng pulisya
kung doon ba pinatay o itinapon lamang
ang bangkay ng biktima at kung taga
bayan lang din ng Diffun. Posible din
umano na hindi lang iisang tao ang
pumatay sa biktima.

News Presenter 1: Nagbabalita, Jamaica


Martinez
SFX: FADE UNDER…
Anchor 2: Salamat Jamaica
Anchor 2: Para naman sa Balitang
National: 125 MILLION PESOS
CONFIDENTIAL FUNDS, GINASTOS
LAMANG SA LOOB NG 11 NA ARAW NG
OVP. Kabayan Francine, para sa mga
detalye
SFX : FADE OUT…
News Presenter 2: Salamat Frank

Nagastos ng Office of the Vice President


(OVP), sa ilalim ng pamumuno ni Vice
President Sara Duterte, ang isang daan
dalamput limang milyong-confidential
funds noong taong dalawang libo
dalawamput dalawa sa loob lamang ng
labing isang araw, mas maikling panahon
kaysa sa naunang naiulat na labing siyam
na araw. Ayon kay Senior Vice
Chairperson ng House Committee on
Appropriations, ito ay nagsasaad sa mga
reports ng Commission on Audit ng
Pilipinas. Ito ay kinumpirma ni Marikina
second District Representative, Stella
Quimbo sa plenary deliberations ng 2024
proposed budget ng Commission on
Audit (COA) na nangyari lamang noong
Septyembre 25 2023 (Ika dalawang put
lima araw ng setyembre taong dalawang
libo dalawamput tatlo).
News Presenter 2: Francine Morales,
nagbabalita
SFX: FADE UNDER…

Anchor 2: Salamat, Francine. Kami ay


magbabalik pagkatapos ng ilang minuto.
SFX: FADE OUT…

INFOMERCIAL
(Other Sound
effects)
SFX: FADE IN…
FADE UNDER…
A: Anu ba yan si marites sinlaki ng
bunganga ng bulkan ang bibig kung
makasalita ng ganyan.
B: Hay! Mare sinabi mo pa, araw-araw na
lang bumubuga ng apoy.
A: Sus! Sabihin mo pa, buong barangay
naapektuhan ng usok nyan.
B: Dapat kay andong tuwing
binubugahan naka-face mask.

SFX: FADE OUT…


Voice over: Ito ay munting paalala mula
sa PHIVOLCS (Philippine Institute of
Volcanology and Seismology)

NEWS-WORLD AND SPORTS


SFX: FADE IN…
FADE UNDER…
Anchor 1: Kayo’y patuloy pa rin nakikinig
sa…
Anchor 1 and 2: Pilarikano Ngayon!
Anchor 1: Para naman sa ating balitang
International: ZIKA VIRUS, NASA
BANSANG CAMBODIA NA. Pilarikanong
Angel, ibalita mo!
SFX: FADE OUT…
News Presenter 3: Salamat, Glaiza

Kinumpirma ng bansang Cambodia ang


kanilang kauna-unahang kaso ng Zika
virus nito lamang Setyembre
dalawampu't lima. Ayon sa Minister of
Health ng bansa, nagsimula ito sa isang
pitong taong gulang na babaeng
pasyente sa central province ng Kampon
Thom, na ngayo’y naka-admit sa Baray
Santuk Referral Hospital. Ang mga
sintomas ng Zika ay lagnat, pananakit ng
ulo, pantal, pamumula ng mata, at
pananakit ng kasukasuan, ngunit
karamihan sa mga apektado ay
gumagaling sa loob lamang ng dalawa
hanggang pitong araw, dahil sa
napakababang fatal rate nito.

News Presenter 3: Angel Agustin,


nagbabalita.
SFX: FADE UNDER…
Anchor 2: Salamat Angel.

Para naman sa ating Balitang Isports:


SIYAM NA TAONG GULANG NA PINAY,
NASUNGKIT ANG PANG PITONG
PUWESTO SA WOMEN’S PARK.
Pilarikanong Princess para sa mga
detalye
SFX: FADE OUT…
News Presenter 4: Salamat Frank

Sa murang edad kung saan hindi na


nanonood ng cartoons at nag-aaral sa
primarya ang karamihan sa mga bata,
nakipagtunggali si Mazel Paris Alegado
ng Pilipinas sa skateboarding event ng
women's park sa ginanap na Hangzhou
2022 Asian Games sa Hangzhou, noong
Setyembre 25, 2023. Si Alegado, na
posibleng pinakabatang atleta sa Asia, ay
kwalipikado sa final ng women's park at
sa una niyang sali ay nasungkit niya ang
ika pitong puwesto sa larong
skateboarding. Ayon kay Alegado,
nagsimula ang pagkainteresado niya sa
skateboarding nang obserbahan niya ang
pag skateboard ng kanyang kapatid sa
bahay ng kanilang pinsan.

News Presenter 4: Naguulat, Princess


Pagulayan, balik sa inyo Glaiza at Frank.

EXTRO
SFX: FADE IN…
SFX: FADE UNDER…
Anchor 1: at yun lamang po ang mga
nagbabagang balita mula sa istasyon na
hatid ang katotohanan mula noon
hanggang sa ngayon.
Anchor 2: Balitang Bayanihan
Anchor 1: Balitang Sambayan
Anchor 2: Ito ang inyong Kabayan, Frank
Tamayo
Achor 1: at inyong kaagabay, Glaiza
Villanueva.
Voice over: Ito ang D-Z-R-P, Pilarikano
Ngayon BALITA
Anchor 2: Mabuhay Pilipinas!
Voice over: D-Z-R-P, 51.5 (cinco-uno-
cinco)
SFX: FADE OUT…

You might also like