You are on page 1of 6

DZXN

LAKAS BALITA
94 kHz

OPENING BILLBOARD

(NEWSBED FADES IN)

PRESENTER 1 (JANNA): Sa mga balita’y nangunguna

PRESENTER 2 (GLAIZA): Serbisyong hindi pabaya

PRESENTER 1 (JANNA): Ito ang..

PRESENTER 2 (GLAIZA): DZXN 9-4 (nuwebe-kuwatro)

PRESENTER 1&2 (JANNA at GLAIZA): LAKAS BALITA

(NEWSBED FADES DOWN)

PRESENTER 2 (GLAIZA): Ang oras natin ngayon ay __:__ ng umaga.

PRESENTER 1 (JANNA): Narito ang inyong Anchors na sina Gillian Agbuya at Kathleen
Baes.

(NEWSBED FADES IN)

ANCHOR 1 (GILLIAN): Magandang umaga, Pilipinas! Ngayon ay ika ___ araw ng


Setyembre, taong 2019 (Dalawang libo’t labing-siyam). Kami ang
tagapaghatid ng inyong balita, ako si Gillian Agbuya.

ANCHOR 2 (KATH): Ako naman si Kathleen Baes.

ANCHOR 2 (KATH): At kayo ay nakikinig sa..

ANCHOR 1&2 (GILLIAN AT KATH): Lakas Balita!

(BOOM SOUND FX)

ANCHOR 1 (GILLIAN): Naghahatid ng balitang walang duda.

ANCHOR 2 (KATH): Nagsisilbing boses ng buong bansa.

ANCHOR 1 (GILLIAN): Narito ang mga maiinit na report.

(SEPARATOR: 2 SEC.)

ANCHOR 1 (GILLIAN): Pagtanggap ng mga pulis sa regalo, ipinagbabawal.

(SEPARATOR: 2 SEC.)
DZXN
LAKAS BALITA
94 kHz

ANCHOR 2 (KATH): Pagkulong sa terror suspects, pahahabain.

(SEPARATOR: 2 SEC.)

ANCHOR 1 (GILLIAN): Para sa balitang isports: Gilas Pilipinas naghanda na para sa 2019
FIBA World Cup

(SEPARATOR: 2 SEC.)

ANCHOR 2 (KATH): At sa balitang showbiz: Erich Gonzales, hindi nagustuhan ang


nakuhang role.

(SEPARATOR: 2 SEC.)

(NEWSBED FADES DOWN)

ANCHOR 1 (GILLIAN): Hindi na raw maaaring tumanggap ng regalo ang mga pulis. Ang
detalye nito ay i-uulat ni Janna Gonzales.

(NEWSBED FADES IN)

PRESENTER 1 (JANNA): Tama, Gillian.

Ang mga pulis na tatanggap ng pera o regalo ay mahaharap sa


kasong kriminal at administratibo ayon kay DILG Secretary
Eduardo Año.

Dagdag pa ni Año, bagama't may nakasaad sa batas na 'exception',


dapat alalahanin ng mga tauhan ng gobyerno lalo na ang mga
kasapi ng Philippine National Police (PNP) na ang buwis ng
taumbayan ang ibinabayad sa mga tauhan ng pamahalaan kaya
hindi na kailangan pang regaluhan.

Hindi lamang ang mga pulis kundi maging ang mga empleyado ng
DILG, Local Government Unit (LGU) na tatanggap ng pera o regalo
habang ginagampanan ang tungkulin ay maaaring sibakin sa
tungkulin.

Paglilinaw ni Año na ang pagtanggap ng pera o regalo na may


kapalit na pabor ay maaaring 'suhol' na paglabag sa batas.

Janna Gonzales, nag-uulat.

(SEPARATOR: 2 SEC.)

(NEWSBED FADES DOWN)


DZXN
LAKAS BALITA
94 kHz

ANCHOR 2 (KATHLEEN): Maraming salamat, Janna. Susunod, ang mahuhuling terror


suspects ay mas patatagalin ng 60 (anim na pung) araw sa
kulungan. Glaiza Sequin para sa detalye.

(NEWSBED FADES IN)

PRESENTER 2 (GLAIZA): Salamat, Kathleen.

Sa kasalukuyan ay tatlong araw lamang maaring ikulong ang mga


terror suspects ngunit isinulong kahapon ni Defense Secretary
Delfin Lorenzana na ang mga mahuhuling suspek ay ikukulong sa
loob ng 60 (anim na pung) araw.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, suportado siya sa panukala na


gawing 60 (anim na pung) araw ang kulong dahil kung ikukumpara
sa ibang bansa, mas mahaba pa rito ang ipinatutupad nila.

Aminado naman si Lacson na ang 60 (anim na pung) araw na


kulong ay maaaring tutulan ng mga “progressive-minded” na
mambabatas.

Glaiza Seguin para sa Lakas Balita.

(SEPARATOR: 2 SEC.)

ANCHOR 1 (GILLIAN): Maraming salamat, Glaiza. Huwag bibitiw at magbabalik ang DZXN
matapos ang isang mahalagang paalala.

(NEWSBED FADES DOWN)

INFOMMERCIAL

(RAIN SOUND FX)

ANAK (GLAIZA): Nay, ang lakas ng ulan! Nawalan pa po ng kuryente.

NANAY (MIA): Kunin mo ang payong at flashlight dahil ipapasok ko ang mga
gamit na nasa labas.

ANAK (GLAIZA): Nay, hindi ko po mahanap ang payong at wala na pong baterya
ang flashlight. Hahanapin ko po muna.

NANAY (MIA): Bilisan mo! Tumataas na ang baha at nababasa na ang ilang
kagamitan.
DZXN
LAKAS BALITA
94 kHz

ANAK (GLAIZA): Nay, wala po talaga akong makitang baterya.

NANAY (MIA): Naku, nasira na ang ilang kagamitan. Kung naging handa lang
sana ay naagapan natin agad. Ang daming nasayang.

(INFOBED FADES DOWN)

PRESENTER 1 (JANNA): Dapat maging handa sa bawat sakunang paparating. Ihanda ang
payong, at siguraduhing may baterya ang mga flashlight, radyo at
telepono. Gayundin ang paghahanda ng first aid kit, at kung maaari
ay manatili na lamang sa bahay. Isang mahalagang paalala mula
sa himpilang ito.

(DING-DONG SOUND FX)

ANCHOR 2 (KATHLEEN): Ang oras natin ngayon ay __:__ ng umaga

(DING-DONG SOUND FX)

(NEWSBED FADES IN)

(SEPARATOR: 2 SEC.)

ANCHOR 1 (GILLIAN): Kayo pa rin ay nakikinig sa DZXN 9-4 (nuwebe-kuwatro)

ANCHOR 1&2 (GILLIAN at KATH): LAKAS BALITA!

(BOOM SOUND FX)

(NEWSBED FADES DOWN SEGUE TO SPORTSBED)

ANCHOR 1 (GILLIAN): Dumako naman tayo sa balitang pampalakasan. Ang Gilas


Pilipinas ay nag-umpisa nang mag-ensayo para sa 2019 FIBA
World Cup kahit kagagaling lang ng Nationals sa mahabang byahe
mula sa Spain. Mia Laza ibalita mo.

(SEPARATOR: 2 SEC.)

PRESENTER 3 (MIA): Salamat Kathleen

Ngayon ang umpisa ng labis na paghahanda ng Gilas Pilipinas


para sa nalalapit na FIBA World Cup mula ika-31 (tatlumpu’t isa)
ng Agosto hanggang ika-15 (labinlima) ng Setyembre sa Foshan
China.
DZXN
LAKAS BALITA
94 kHz

Inaasahan ni head coach Yeng Guiao ang labin-isang manlalaro


na nakasama niya sa Spain. Kasama rin si Raymond Almazan na
hindi nakasama sa Spain dahil sa problema sa visa.

Samantala, posibleng hindi pa rin makakasali sa paghahanda ang


limang miyembro na sina Pogoy at Rosario ng TNT, at sina Fajardo,
Standhardinger at Lassiter ng SMB, sa kadahilanang hindi pa
tapos ang 2019 P-B-A Commissioner's Cup Finals sa Smart
Araneta Coliseum.

Mia Laza para sa balitang pampalakasan.

(SEPARATOR 2 SEC.)

(SPORTSBED FADES DOWN SEGUE TO SHOWBIZBED)

ANCHOR 2 (KATH): Maraming salamat, Mia. Atin namang pakikinggan ang ginawa ni
Erich Gonzales matapos malaman ang kanyang natanggap na role
sa “Love Thy Woman”. Mikka Soriano i-chika mo na yan!

(SEPARATOR 2 SEC.)

PRESENTER 4 (MIKKA): Hello, mga ka-chika! Ayon sa source, umpisa pa lang diumano ng
taping nila ay nagmamaldita na si Erich sa script nila. Pinapalitan
daw niya ang flow ng story sa script na ikinaimbyerna ng writer ng
serye kaya nasabihan nito si Erich na artista lamang siya at hindi
writer.

Pakiramdam ng mga tao ay hindi kayang tanggapin ng artista na


support lamang ang role nito. Kung kaya't wala ring nalungkot nang
mag resign si Erich sa "Love Thy Woman" na pagbibidahan sana
nila nina Kim Chiu at Xian Lim.

Mikka Soriano para sa Lakas Balita!

(SHOWBIZBED FADES DOWN SEGUE TO NEWSBED)

ANCHOR 1 (GILLIAN): Maraming salamat, Mikka Soriano. Ninyong na namang


napakinggan ang maiinit na mga balita. Muli, kami ang
tagapaghatid ng inyong balita, Gillian Agbuya.

ANCHOR 2 (KATH): At Kathleen Baes.

ANCHOR 1&2 (GILLIAN at KATH): Nagpapasalamat sa inyong pakikinig.

(XMAS SOUND FX)


DZXN
LAKAS BALITA
94 kHz

ANCHOR 1 (GILLIAN): ___ araw na lang ay Pasko na! Ang kagalakan nawa’y dumaloy sa
puso ng bawat isa.

(SEPARATOR: 2 SEC.)

(NEWSBED FADES IN)

PRESENTER 1 (JANNA): Sa mga balita’y nangunguna

PRESENTER 2 (GLAIZA): Serbisyong hindi pabaya

PRESENTER 1 (JANNA): Muli, ito ang..

PRESENTER 2 (GLAIZA): DZXN 9-4 (nuwebe-kuwatro)

PRESENTER 1&2 (JANNA at GLAIZA): LAKAS BALITA

(BOOM SOUND FX)

You might also like