0% found this document useful (0 votes)
281 views10 pages

Script 2

Ang dokumento ay isang script para sa isang radyo balita program na naglalaman ng mga balita mula sa iba't ibang lugar. Nagbibigay ito ng mga balita tungkol sa pagguho ng lupa sa Cebu na nagtulak sa pagtaas ng bilang ng mga nasawi, isang lalaking nanalo sa lotto matapos makita ang lumang ticket sa loob ng aparador, at ang pagpatay sa anak ng isang negosyante sa Tagum City.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
281 views10 pages

Script 2

Ang dokumento ay isang script para sa isang radyo balita program na naglalaman ng mga balita mula sa iba't ibang lugar. Nagbibigay ito ng mga balita tungkol sa pagguho ng lupa sa Cebu na nagtulak sa pagtaas ng bilang ng mga nasawi, isang lalaking nanalo sa lotto matapos makita ang lumang ticket sa loob ng aparador, at ang pagpatay sa anak ng isang negosyante sa Tagum City.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

RADIO BROADCASTING SCRIPT

“Ratsada Balita Ngayon”


Format: Balita
Station: DZRP 101.5
Anchors: Justine Verallo
Angel Mae Tagalog
Reporters: Quia Marie Tumulak
Loraine Lyle Ursabia
Vincent Claire Villaceran
Marie Joy Sebungga
Anneca Manlangit

Station ID:
Ang himpilan ng mamamayan at sandigan ng malayang pamamahayag
Ito ang DZRP 101.5. Kapisanan ng mga broadcaster ng Pilipinas. DZRP 101.5! Ang
Radyo ng Pilipino sa inyong talapihitan.
Voice Over 1:
Mula sa bulwagang pambalitaan ng DZRP 101.5 narito ang matapang na Maghahatid ng
nagbabagang balita ang inyong tagapagbalita na si Justine Verallo at Angel Mae Tagalog,
ito ang Ratsada Balita Ngayon!
Voice Over 2:
Ang oras sa buong kapuluan, alas otso ng umaga.
Anchor 1&2:
Magandang, magandang umaga sa inyong lahat. Kami po ang inyong kabalitaan sa
umagang ito Kabayang Angel at Kabayang Justine at kayo’y nakikinig sa Ratsada Balita
Ngayon!

Anchor 2:
Para sa ulo ng mga balita ngayong araw!

Anchor 1:
Balitang Lokal!
 Bilang ng mga nasawi sa paguho ng lupa sa Cebu, umabot sa 29
 Lalaki, wagi sa lotto matapos maglinis ng aparador sa Canada Anchor 2:
Balitang Regional!

 Anak ng negosyante sa Tagum City patay sa pamamaril


 Isa patay sa banggaan ng dalawang trak sa Davao City Anchor 1:
Balitang Nasyonal!

 Senador Trillanes, nanawagan sa International Criminal Court


 Joint exploration ng Tsina at Pilipinas, pinag-uusapan pa Anchor 2:
Balitang Internasyonal!

 Hapon at Amerika, pahihigpitin ang kooperasyon sa isyu ng [Link]


 Akusasyon ng Amerika hinggil sa hacking ng Rusya, mapanganib: opisyal Ruso
Anchor 1:
Balitang Pangnegosyo!
 Mga mahihirap pauutangin ni Duterte ng puhunang pangnegosyo Anchor 2:
Balitang Sports!
 Melindo, olat sa Japan; bigo sa Mexico Anchor1:
Balitang Showbiz!
 Bb. Pilipinas Intercontinental 2017 waging Miss Word PH 2018

Voice Over 1:
Oras ngayon, tatlong minute makalipas ang ika-walo ng umaga.
Anchor 1:
Para sa Balitang Lokal!

 Bilang ng mga nasawi sa paguho ng lupa sa Cebu, umabot sa 29 Pakinggan natin


ang kabuuang detalye sa ulat ni Quia Marie Tumulak.
Reporter 1:
Patuloy na tumaas ang bilang ng mga nasawi sa paguho ng lupa kahapon ng umaga sa
Lungsod ng Naga sa Cebu. Umabot na sa 29 na bangkay ang nababawi sa gumuhong
lupa.
Ang pinakahuling nailigtas ay ang 12-taong gulang na babae na sinasabing tanging
nakaligtas sa kanyang pamilya.
Ani Baltazar Tribunalo, pinuno ng Cebu Provincial Disaster Risk Reduction and
Management Council, may 200 silang tumugon sa emergency at may mga heavy
equipment at may sinanay na aso.
Anchor 2:
Para sa ikalawang Balitang Lokal!
 Lalaki, wagi sa lotto matapos maglinis ng aparador sa Canada Iuulat muli ni
Quia Marie Tumulak ang buong detalye.
Reporter 1:
Nagbago ang buhay ng isang lalaki sa Montreal, Canada nang mahanap niya ang isang
lotto ticket, na binili niya 10 buwan na ang nakalilipas, sa loob ng jacket na nasa nalilinis
niyang aparador.
Pinilit lamang si Gregorio De Santis ng kaniyang kapatid na babae na linisin ang
kaniyang aparador para humanap ng mga lumang damit na maaari nilang ipamigay.
Pero sa paghalughog niyang iyon, nahanap ni De Santis ang isang lotto ticket na binili
niya noong Disyembre 2017, dahilan para mag-uwi siya noong Biyernes ng CAN$1.75
Milyon (o nasa P73 milyon).
Ayon sa Loto-Quebec, nang ipa-validate ni De Santis ang kaniyang tiket, inakala raw nito
noong una na CAN$1,750 Lang ang iuuwi niya “When he realized how much he had
won, he says his heart almost stopped,” sabi ng Loto-Quebec sa isang pahayag.
(Nang mapagtanto niya kung magkano ang kaniyang napanalunan, sabi niya muntik nang
tumugil ang puso niya).
Dekada 70 nang magsimula si De Santis na maglaro at dati rin siyang nanalo ng
CAN$4,000 (o nasa P166,000).
Ayon kay De Santis, balak niyang ilaan ang napanalunan sa kanyang retirement account
o pondo sa pagreretiro.
Hindi naman nabanggit kung may iniregalo ba si De Santis sa kaniyang kapatid na nag-
udyok sa kaniyang linisin ang aparador.
Voice Over 2:
DZRP 101.5! Ratsada Balita Ngayon.
Anchor 1:
Samantala sa Balitang Regional naman.
 Anak ng negosyante sa Tagum City patay sa pamamaril
Pakinggan natin ang kabuuang detalye sa ulat ni Loraine Lyle Ursabia.
Reporter 2:
Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa loob ng kaniyang sasakyan sa Barangay
Magugpo South sa lungsod na ito Lunes ng Umaga.
Kinilala ang biktima na si Senen Villaceran 38 taong gulang at residente ng Barangay
Mankilam.
Ayon sa testigong si Alan Superable, kakaparada lang ng minamanehong sasakyan ng
biktima nang tabihan umano ito ng mga hindi kilalang armadong lalaking nakasakay sa
motorsiklo at paputukan nang maraming beses.
Katabi ng biktima ang kaniyang ina nang mangyari ang insidente at swerteng hindi
natamaan ng bala.
Sa imbestigasyon ng pulis, negosyo ang isa sa mga tinitingnang motibo sa krimen
matapos nagblotter sa Tagum City Police station noong mga nakaraang lingo ang ina ng
biktima dahil may nagbanta umano sa kanila.
“They are engaged into business real estate business na accordingly may katransaksyon
na di inaprubahan na nagalit sa kanil,” ani Supt. Philip Jefferson Abaya, hepe ng Tagum
City Police.
Narekober sa crime scene ang 7 basyo ng bala ng pinaniniwalaang kalibre 45 na baril.
Nakuha rin ang baril ng biktima.
Iniimbestigahan pa ngayon ng Tagum City Police ang pagkakakilanlan ng mga suspek
base sa mga CCTV sa lugar.
Anchor 2:
Para sa ikalawang ulat ng Balitang Regional!
 Isa patay sa banggaan ng dalawang trak sa Davao City
Muli nating pakinggan ang kabuuang ulat sa pagbabalita ni Loraine Lyle Ursabia
Reporter 2:
Isa ang patay sa banggaan ng 2 trak sa lungsod ng Davao noong Lunes.
Sa imbestigasyon, hinahabol umano ng drayber ng trak ng basura ang nakabangga at
nakasira umano sa side mirror ng kanilang trak.
Kumabig ang drayber para mag-overtake pero nang makita na hindi kayang mag-
overtake dahil may kasunod na kotse, bumalik ito sa lane ta nabangga ang isa pang trak
na biglang tumigil sa harap ng gate ng isang subdivision.
Sa lakas ng impact, wasak ang harapang bahagi ng trak at umatras pa ito matapos
mabangga. Dahil dito, nabangga rin ang likod nito sa mga nakatambak na tangke sa isang
pribadong lote.
Nakilala ang drayber ng trak na namatay, na si Archie Cerro. Ligtas naman ang tatlong
sakay na pasahero nito na pawang nagtamo ng minor injuries.
Hindi na muna nagpaunlak ng interview ang pamilya ng drayber na namatay.
Anchor 1:
At para sa Balitang Nasyonal naman.
 Senador Trillanes, nanawagan sa International Criminal Court Ang buong
detalye ay iuulat ni Vincent Claire Villaceran.
Reporter 3:
Nanawagan si Senador Trillanes IV sa Internatinal Criminal Court na madaliin na ang
pagsisiyasat sa mga reklamong ipinarating laban kay Pangulong Duterte kasunod ng
kanyang pag-amin na ang mga extrajudicial killing lamang ang kaniyang kasalanan.
Ani senador Trillanes, nararapat lamang seryosohin ng ICC ang pahayag na ito upang
mabatid ang pananagutan ng pangulo laban sa taong bayan. Hindi umano
makapagkukubli ang pangulo at ang Malacanang sa pagsasabing biro lamang ang
pahayag kahapon sa harap ng mga taga-Civil Service Commission.
Hindi kailanman magiging biro sapagkat may 30,000 na ang nasawi sa programa ng
pangulo laban sa illegal na droga.
Anchor 2:
At para sa ikalalawang Balitang Nasyonal!
 Joint exploration ng Tsina at Pilipinas, pinag-uusapan pa
Muli nating pakinggan ang kabuuang ulat kay Vincent Claire Villaceran.
Reporter 3:
Nag-uusap na ang Pilipinas at Tsina hinggil sa posibilidad na magkaroon ng joint
exploration sa yamang likas na nasa South China Sea. Ito ang pahayag ni Chinese
Ambassador to Manila Zhao Jianhua pagkatapos ng pagdiriwang ng ika-69 na taong
pagkakatatag ng People’s Republic of China.
Napagtanto na umano ng magkabilang panig ang kahalagahan ng pagpapanatili ng
katatagan at kapayapaan sa South China Sea bago pa man makapagsimula ng mga
pagsusuri sa likas na yamang nasa ilalim ng karagatan.
Ani Ambassador Zhao, nauunawaan niyang mayroong ‘di pagkakasundo si ilang sektor
sa Pilipinas at mayroon ding ganitong situwasyon sa Tsina. Subalit idinagdag niyang
darating din ang panahong malulutas din ang mga isyung bumabalot sa kopiny
exploration.
Ikinagalak din niya ang pagdalo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Chinese
reception sa Makati Shangri-La kagabi. Napag-usapan nila ang magandang pagpapalitan
ng kaalaman at mga mag-aaral at maging mga alagad ng media.
Kumpirmado rin kay Ambassador Zhao na dadalaw si Pangulong Xi Jinping sa Pilipinas
sa malapit na panahon. Hinihintay na lamang umabot ang pagkakasundo kung kailan
makadadalaw ang pangulo ng Tsina sa Pilipinas.
Voice Over 1:
Oras, alas nuwebe impunto na nang umaga.
Anchor 1:
Samantala, pumunta naman tayo sa Balitang Internasyonal!
 Hapon at Amerika, pahihigpitin ang kooperasyon sa isyu ng [Link] Ang buong
detalye ipapahayag ni Marie Joy Sebungga.
Reporter 4:
Nagtagpo kahapon, Sabado, ika-6 ng Oktubre 2018, sa Tokyo, sina Shinzo Abe, Punong
Ministro ng Hapon at Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika.
Nagpalitan sila ng palagay hinggil sa mga paksang babanggitin ni Pompeo sa kanyang
pagdalaw sa Hilagang Korea na nakatakdang gawin ngayong araw.
Sinang-ayunan din ng dalawang panig, na patuloy na ipatupad ang mga resolusyon ng
United Nations Security Council hinggil sa pagpapataw ng sangsyon laban sa Hilagang
Korea, at panatilihin ang mahigpit na kooperasyon ng Amerika, Hapon, at Timog Korea,
para pasulungin ang pagsasagawa ng Hilagang Korea ng mga konkretong aksyon ng
denuklearisasyon.
Anchor 2:
Para sa ikalawang Balitang Internasyonal!
 Akusasyon ng Amerika hinggil sa hacking ng Rusya, mapanganib: opisyal Ruso
Muling ihahayag ang kabuuang detalye sa ulat ni Marie Joy Sebungga.
Reporter 4:
Ipinahayag nitong Huwebes, Setyembre 4(local time) ni Sergey Ryabkov, Pangalawang
Ministrong Panlabas ng Rusya na mapanganib sa relasyong Ruso-Amerika ang
akusasyon ng Amerika na di-umano’y hacking ang Rusya.

Ipinatalastas nang araw ring iyon ng Kagawaran ng Katarungan ng Amerika ang sakdal
sa pitong opisyal militar ng Rusya na pinaghihinalaang nakilahok sa hacking sa mga
doping agency at ibang mga organisasyong pandaigdig.
Anchor 1:
Magbabalik ang DZRP 101.5 Ratsada Balita Ngayon makalipas ang isang paalala.

INFOMERCIAL
Pedro: Oh, pare ba’t ang tamlay mo yata ngayon?
Juan: Nag-away kasi kami ng misis ko pare.
Pedro: Ano naman ang dahilan pare?
Juan: Sabi niya hindi na raw kasi siya maligaya sa piling ko dahil tuwing uuwi
ako galing trabaho. Hindi ko na siya napagtutuunan ng pansin. Kaya
ayon nagtampo tuloy.
Pedro: Aysus! Yan lang pala pare. Madali lang ang solusyon diyan.
Juan: Talaga pare! Ano?
Pedro: Uminom ka ng Dried Wax Capsule araw-araw. At tiyak hindi na
magtatampo yang misis mo. Nagbibigay kasi ito ng lakas na hindi
mo inaakala. Lakas sa pagbabakan hindi lang sa araw pati narin sa
gabi.

Juan: Talaga pare? Sige pare bili muna ako ng Dried Wax Capsule!

(Sa Bahay)
Juan: Hon I’m home!
Misis: Oh, mukhang iba yata ang energy mo ngayon?
Juan: Kasi Hon uminom ako ng Dried Wax Capsule. At ang galing, bilis ng
epekto. So ano? Game kaba?
Misis: Waaaaahhhh!!! HAHAHAHAHA. Ibang klase!

Voice Over 2:
Dried Wax Capsule. Bilis galing, bilis epekto.
Para ang pagmamahalan ay tuloy-tuloy!

Anchor 2:
Muling nagbabalik ang DZRP 101.5 Ratsada Balita Ngayon!
Ngayon dumako naman tayo sa Balitang Pangnegosyo!
 Mga mahihirap pauutangin ni Duterte ng puhunang pangnegosyo Pakinggan natin
ang buong detalye sa ulat ni Loraine Lyle Ursabia.
Reporter 1:
Nangako ang bagong Pangulong Rodrigo Duterte sa mga taga-Tondo na magpapautang
ng puhunan sa mga mamamayang hikahos sa buhay upang makapagsimula ng munting
negosyo.
Ang pahayag ng pangulo ay ginawa noong siya ay makipagsalu-salo sa isang hapunan na
ginanap sa Delpan Sports Complex sa Tondo. Bumisita siya sa nasabing lugar upang
magpasalamat sa suportang ibinigay sa kanya ng mga taga-Maynila noong halalan.
Ayon sa ulat ng Hataw Tabloid, sinabi umano ni Duterte na sa halip na pasukin ang
pagbebenta ng illegal na droga, mas mainam pa na magsimula na lang ng negosyo kahit
maliit lamang.
Ang tanging hiling ni Duterete ay ang maibalik sa gobyerno ang puhunang ipahihiram
kapag ang negosyong itinatag ay lumago na. Ito ay nang sa gayo’y maipahiram naman
ang pera sa iba pang mga Pilipinong nais ding magnegosyo.
Anchor 1:
Samantala sa Balitang Sports naman.
 Melindo, olat sa Japan; bigo sa Mexico
Pakinggan natin ang ulat ni Quia Marie Tumulak.
Reporter 1:
Ginamit ni WBC light flyweight champion Ken Shiro ang bentahe sa taas at haba ng mga
galamay para maitarak ang 7th round technical knockout kontra dating IBF junior
flyweight champion Milan Melindo ng Pilipinas nitong Sabado sa Yokohama, Japan.

Bagama’t nakipagsabayan si Melindo sa Hapones, nagkaputok-putok ang kaniyang


mukha sa matutulis na suntok ni Shiro kaya ipinatigil ng ring physician kay American
referee Laurence Cole ang laban eksaktong 2:47 ng 7th round.

Ito ang unang pagkatalo via stoppage ni Melindo sa kanyang 13 taong pagboboksing
kaya bumagsak ang kaniyang kartada sa 37 panalo. Napaganda naman ni Shiro ang
kaniyang kartada sa perpektong 14 panalo, 8 sa pamamagitan ng knockouts at ito ang
ikaapat na matagumpay na depensa niya.

Voice Over 1:
Oras, als nuwebe imedya na ng umaga.
Anchor 2:
Ngayon naman ay pakinggan natin ang Balitang Showbiz!
 Bb. Pilipinas Intercontinental 2017 waging Miss Word PH 2018 Alamin
natin ang buong detalye sa ulat ni Anneca Manlangit Reporter 5:
“Recycled” ang tinanghal na Miss World Philippines 2018 – Katarina Rodriguez.
Winner na si Katarina ang isa sa major titles nang sumali siya sa nakaraang Bb. Pilipinas
(Miss Intercontinental). Luhaan nga lang siya nang lumaban na sa international pageant
dahil hindi niya nasungkit ang korona.
Wagi naman si Alyssa Muhlach-Alvarez bilang Reina Hispanoamericana na unang
napanalunan ni Winwyn Marquez. Nanalo naman bilang 1 st Princess ang Regal Baby na
si Channel Morales.
Anchor 1:
Ulat panahon naman ang ibabalita ni Marie Joy Sebungga.
Reporter 4:
Makakaranas ng pulu-pulong pagkulog at pagkidlat sa kalakhang Cebu City. Ang
tinatayang agwat ng temperature ay mula pinakamataas (31) hanggang sa pinakamababa
(25) antas ng sentigrado.
Ang araw ay sumikat alas 6:16 ng umaga at lulubog mamayang alas 5:32 ng hapon. Araw
October 9,2018.

Anchor 2:
Sa puntong ito babalikan natin ang ating ulo ng mga nagbabagang balita ngayong
araw!

Anchor 1:
Balitang Lokal!
 Bilang ng mga nasawi sa paguho ng lupa sa Cebu, umabot sa 29
 Lalaki, wagi sa lotto matapos maglinis ng aparador sa Canada Anchor 2:
Balitang Regional!

 Anak ng negosyante sa Tagum City patay sa pamamaril


 Isa patay sa banggaan ng dalawang trak sa Davao City Anchor 1:
Balitang Nasyonal!

 Senador Trillanes, nanawagan sa International Criminal Court  Joint


exploration ng Tsina at Pilipinas, pinag-uusapan pa Anchor 2:
Balitang Internasyonal!

 Hapon at Amerika, pahihigpitin ang kooperasyon sa isyu ng [Link] 


Akusasyon ng Amerika hinggil sa hacking ng Rusya, mapanganib: opisyal Ruso Anchor 1:
Balitang Pangnegosyo!
 Mga mahihirap pauutangin ni Duterte ng puhunang pangnegosyo Anchor 2:
Balitang Sports!
 Melindo, olat sa Japan; bigo sa Mexico Anchor1:
Balitang Showbiz!
 Bb. Pilipinas Intercontinental 2017 waging Miss Word PH 2018 Anchor 1&2:
Muli kayo’y nakikinig sa……………… DZRP 101.5 Ratsada Balita Ngayon!
Ang himpilan ng mamamayan at sandigan ng malayang pamamahayag
Ito ang DZRP 101.5. Kapisanan ng mga broadcaster ng Pilipinas. DZRP 101.5! Ang
Radyo ng Pilipino sa inyong talapihitan.
Voice Over 2:
Mula sa bulwagang pambalitaan ng DZRP 101.5 narito ang matapang na Maghahatid ng
nagbabagang balita ang inyong tagapagbalita na si Justine Verallo at Angel Mae Tagalog,
ito ang Ratsada Balita Ngayon!

Anchor 1&2:
Hanggang sa muli naming pagbabalita!
Maraming salamat sa inyong pakikinig!

You might also like