You are on page 1of 13

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Pamamahayag 7
Mga Uri ng Balita
Ikalawang Markahan
Ikatlong Linggo

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakikilala ang mga uri ng balita
PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng
inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-
aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba
para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok– ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin– dito ibibigay ang pangkalahatang ideya
ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
agong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit– dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin
Aralin Mga Uri ng Balita

Mga Inaasahan
1. Natutukoy ang mga katangian ng mga uri ng balita

2. Nakikilala ang mga kayarian ng iba’t ibang mga uri ng balita

3. Nalilinang ang masusing pag-iisip sa pamamagitan ng paghahanay ng mga


detalye ng mga balita

Unang Pagsubok
Panuto: Piliin ang letra ng wastong sagot. Isulat ito sa inyong kwaderno.
1. Ang balita ay ulat ng mga bagay na

A. naganap B. naganap, nagaganap, magaganap C. magaganap

2. Kabilang sa katangian ng balita


A. walang kinikilingan B may kinikilingan C. may kinabibilangan

3. Sinusunod na kayarian sa pagsulat ng balitang sakuna, balitang pulisya at


balitang sunog
A. baligtad na tagilo B. tagilo C. hourglass

4. Balitang naglalahad ng pangyayari hinggil sa mga aksidente

A. sakuna B. sunog C. pulisya


5. Isinasaad sa balitang ito ang halaga ng pinsala at bilang ng mga taong
naapektuhan ng pangyayari.

A. pakikipanayam B. talumpati C. sunog

Balik-tanaw
Panuto: Maglista ng limang sangkap ng balita at magbigay ng mga halimbawa nito.

Mga sangkap ng balita Halimbawa

1.

2.

3.

4.

5.
Maikling Pagpapakilala ng Aralin
1. Balitang sakuna (accident story) - Naglalahad ang balita ng iba’t ibang
pangyayaring hindi inaasahan gaya ng banggaan ng mga sasakyan,
pagkasagasa, pagkahulog, pagkalunod, pagkakuryente, pagbagsak ng
eroplano, paglubog ng barko at iba pang aksidente o sakuna.

Sinusunod ang ayos na baligtad na tagilo sa pagsulat ng balitang ito.


Isinusulat ang impormasyon batay sa kahalagahan mula sa
pinakamahalagang impormasyon na dapat malaman ng mambabasa
hanggang sa paliit na kahalagahan.

Narito ang halimbawa ng balitang sakuna. Basahin at unawaing


mabuti ang mga nilalaman. Bigyang pansin din ang pagkakasunod-sunod
ng mga impormasyon sa bawat talata mula sa pamatnubay, katawan
hanggang sa huling bahagi.

Pitong tao ang nasawi at ilan pa ang nasugatan nang sumalpok ang
sinasakyan nilang pampasaherong dyip sa isang trak sa Cavite nitong
Miyerkules.

Kinilala ang dalawa sa mga nasawi na sina Francisca at Haber Agacan.


Kasama naman sa nasugatan ang kanilang kamag-anak na si Bong Agacan,
na nagtamo ng sugat sa ulo. Kabilang sa mga nasawi ang drayber ng dyip at
ang isang babae.

Nasa kostudiya naman ng pulisya ang


drayber ng tractor-trailer truck na kinilala
lang sa pangalang Suarez. Nahaharap siya
sa kasong reckless imprudence resulting in
multiple homicide and multiple physical
injuries.
Lumitaw sa paunang imbestigasyon na
naganap ang salpukan ng dalawang
sasakyan sa Brgy. Bacao sa bayan ng
General Trias. Sinabing nag-overtake
umano si Suarez at kinain ang linya ng
kasalubong na dyip.

https//:news.abs-cbn.news
Makikita sa halimbawa sa itaas na sinagot ang mga sumusunod sa
pamatnubay ng balita.

SINO ang biktima? Pito ang nasawi at ilan ang nasugatan

ANO ang nangyari? bumaliktad ang sinasakyang dyip matapos mabangga


ng isang tractor-trailer truck

SAAN nangyari? Sa Cavite

KAILAN nangyari? Noong Miyerkules

Sa balitang sakuna, laging binibigyang pansin sa pamatnubay kung may


nasawi o nasugatan at ano ang nangyari dahil ito ang unang gustong malaman ng
mga mambabasa.

Sa katawang bahagi naman, iniulat ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Sa ikatlong bahagi naman, inilalahad ang ulat ng pulisya ayon sa


isinagawang imbestigasyon. Binabanggit ang pangalan ng imbestigador, paano
naganap ang sakuna o dahilan nito at iba pang mga detalye.

2. Balitang pulisya (police story/crime story) – Naglalahad ng mga


pangyayari hinggil sa holdapan, nakawan, kidnapping, murder, rape, drug raid,
hostage at iba pang krimen.

Katulad ng balitang sakuna at sunog, sumusunod din ito sa ayos na baligtad


na tagilo.

Narito ang halimbawa ng balitang pulisya. Bigyang pansin din ang


pagkakasunod-sunod ng mga impormasyon.
BULACAN—Patay ang isang hinihinalang tulak sa buy-bust operation sa
Barangay Parulan, Plaridel, Bulacan, Martes ng madaling-araw.

Nanlaban umano si Ron Aldrin Cruz nang aarestuhin na sana ng mga pulis.
Nakuha sa kanya ang 19 na sachet ng hinihinalang shabu at isang kalibre .38 na
baril.

Ayon kay Police Lt. Col. Victorino Valdez


ng Plaridel police, big-time na drug pusher
umano si Cruz na nagtutulak din sa Baliuag
at Pulilan.

"Dati pa binabantayan talaga ito," aniya.

Si Cruz ang ikaapat na suspek na napatay ng


pulisya sa loob ng isang linggo mula nang
maupo ang bagong hepe ng Plaridel.

"Nanlaban siya sa mga pulis. Nung makita na


pulis ang katransaksiyon, pinaputukan
kami," ani Valdez.

https//:news.abs-cbn.news

Makikita sa halimbawa na sinagot ang mga sumusunod sa pamatnubay.

SINO ang napatay? Isang hinihinalang tulak

ANO ang nangyari? Nagkaroon ng buy-bust operation

SAAN nangyari? Barangay Parulan, Plaridel, Bulacan

KAILAN nangyari? Martes ng madaling araw


Sa balitang pulisya, katulad din sa balitang sakuna, binibigyang pansin sa
pamatnubay kung may namatay o nasugatan at ano ang nangyari dahil ito ang
unang gustong malaman ng mga mambabasa.

Sa katawang bahagi naman, nakalagay ang pangalan at pagkakakilanlan ng


suspek.

Sa iba pang mga talata makikita ang ulat sa naganap na operasyon ng


pulisya.

3. Balitang sunog (fire story) - Naglalahad ng mga pangyayari hinggil sa


naganap na sunog.
Kagaya ng balitang sakuna at balitang pulisya, sumusunod din sa ayos na
baligtad na tagilo ang balitang sunog. Isinusulat ang balita mula sa
pinakamahalagang impormasyon na dapat malaman ng mambabasa hanggang sa
paliit na kahalagahan.

Narito ang halimbawa ng balitang sunog. Basahin at unawaing mabuti ang


mga nilalaman. Bigyang pansin din ang pagkakasunod-sunod ng mga detalye sa
bawat talata mula sa pamatnubay hanggang sa huling talata.

MAYNILA - Limang magkakapatid na bata ang nasawi matapos ma-trap sa


nasunog nilang bahay sa Tondo, Maynila nitong umaga ng Lunes.

Naisugod pa sa ospital ang magkakapatid na Geminiano, na may edad


isa hanggang 12 taong gulang, matapos magtamo ng iba’t ibang pinsala sa
katawan dahil sa sunog pero binawian din ang mga ito ng buhay. Tanging
ang pangalawang anak na si John Michael lang ang nakaligtas matapos
tumalon mula sa bintana.
Ayon kay Chief Inspector Reden
Ayon kay Chief Inspector Redenarson
Alumno, Alumno, arsonsainvestigator
investigator Manila sa Manila Bureau of Fire
Bureau of Fire Protection (BFP), sa bahay
Protection (BFP), sa bahay ng mga Geminiano
ng mga Geminianosa samay kantongngLaperal
may kanto Laperal at Herbosa nagsimula
ang sunog. at Herbosa nagsimula ang sunog. "'Yon
ang sabi ni John Michael. Nakita niya
mismo, siya mismo ah... Nakita niya na
naglalaro ng lighter doon mismo sa tapat ng
pintuan nila, sinisindihan 'yong damit," ani
Alumno.
Tindera ang ina ng mga bata kaya
wala sa bahay habang lumabas naman ang
ama para magpagawa ng motor. Inamin ng
ama na nai-lock niya ang pintuan ng
kanilang bahay.
https//:news.abs-cbn.news
Makikita sa halimbawa sa itaas na sinagot ang mga sumusunod na
katanungan sa pamatnubay.

SINO ang mga biktima? Limang magkakapatid na bata

ANO ang nangyari? Nagkaroon ng sunog at ang limang bata ay nakulong sa


nasusunog nilang bahay

SAAN nangyari? Sa Tondo, Maynila

KAILAN nangyari? Kahapon ng madaling araw

Binibigyang pansin sa pamatnubay ng balitang ito ang laki ng dulot na


pinsala ng sunog lalo na sa pagkakataong marami ang naapektuhang biktima.

Ang katawang bahagi naman ay naglalaman ng pangalan ng mga biktima


(mga nasawi at ang kanilang mga pagkakakilanlan).

Sa mga sumusunod na talata, isinasaad ang imbestigayon katulad ng sanhi


ng pagkakaroon ng sunog.

Iniiwasan ang mahabang talataan kaya ang ibang ulat ay inilalagay sa mga
susunod na talata.

Sa mga kasunod pa na talata, maaaring ilahad kung saan pansamantalang


nakatira ang mga nawalan ng tirahan at ang iba pang karagdagang mga tala.

Gawain
Gawain 1
Balitang Sakuna
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga tala. Piliin kung saang bahagi dapat
ilagay ang mga detalye batay sa kayarian ng balitang sakuna. Isulat ang letra ng
tamang sagot.
A. pamatnubay B. ikalawang bahagi C. ikatlong bahagi

__________ 1. Isang mag-aaral sa ikalimang baitang sa Paaralang Elementarya ng


Masigasig
__________ 2. Nalunod sa isang pampublikong swimming pool
__________ 3. Nakita ng biktima ang mga kaklase niya na lumalangoy kaya
sumama siya sa kanila

__________ 4. Hindi pa nagtatagal ay nakita si Cruzada na humihingi ng saklolo


pero walang nakalapit sa kanyang mga kaklase

__________ 5. Pinulikat si Roger Cruzada, 11 taong gulang, kaya hindi na nakuha


pang umahon hanggang sa tuluyang nalunod
__________ 6. Nasa palikuran naman ang lifeguard ng pool kaya hindi nasaklolohan
ang biktima

__________ 7. “Kailangan ko lang pumunta sa cr kaya umalis ako saglit sa pool.


Pagbalik ko, iniaahon na ang biktima,” wika ng lifeguard

Gawain 2

Balitang Pulisya

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga detalye. Isulat ang bilang ng bahagi
ng balita kung saan dapat ilagay ang mga impormasyon batay sa kayarian ng
balitang pulisya. Isulat ang bilang 1, 2 o 3.
__________1. Sa Maynila naganap ang insidente hatinggabi ng Disyembre 31

__________2. Tatlong kalalakihan ang dinakip ng pulisya dahil naaktuhang


umiinom ng alak sa kalye

__________3. Pawang mga residente sa Panday Pira St. ang mga hinuli na

__________4. Barangay 117 Tondo


__________5. Payapa namang sumama sa pulis ang mga suspek

__________6. Kinilala ang mga hinuli na sina Jose Lopez, 25; Albert Reyes, 23 at
Dante Reyes, 26

__________7. Nasa bulsa ng mga suspek ang mga gagamiting paputok sa


pagsalubong sa Bagong Taon nang dinakip

Gawain 3

Balitang Sunog

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga tala. Isulat kung saang bahagi
dapat ilagay ang mga detalye batay sa kayarian ng balitang sunog.

A. pamatnubay B. ikalawang bahagi C. ikatlong bahagi

__________ 1. Tumanggap ng tawag ang mga bumbero, dakong ika-2:30 ng


madaling araw

__________ 2. Isang apat na palapag na condominium sa Felix, Sta. Ana ang


nasusunog

__________ 3. Nahirapan ang mga bumbero dahil mahina ang suplay ng tubig

__________ 4. Sa ikatlong palapag nagsimula ang apoy dahil sa sumabog na


airconditioning unit

__________ 5. Nailigtas sa sunog ang isang lola, kanyang apo at mga alagang aso
__________ 6. Ang matanda ay si Anita De Leon, 85 at Mario Brusas, pitong taong
gulang at dalawang alagang aso

__________ 7. Naganap ang sunog noong Lunes, Enero 4

Tandaan

Kayariang baligtad na tagilo ang sinusunod sa pagsulat ng balitang sakuna,


sunog at pulisya. Halos magkakapareho rin ang paraan ng pagkakasunod-sunod
ng mga impormasyon sa bawat talata na inilalahad.

Mahalaga na masuri nang mabuti ang mga tala upang maihanay ang mga
ito ayon sa kahalagahan.

Pag-alam sa mga Natutuhan


Panuto: Isulat ang nilalaman ng bawat isang kayarian ng balita.

A. Balitang Sakuna B. Balitang Pulisya C. Balitang Sunog

Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang inyong sagot sa inyong
kwaderno.

1. Sa balitang pulisya inilalagay din ang mga pangalan ng


A. reporter B. tanod C. suspek

2. Tulad ng balitang sakuna at sunog, sa balitang pulis, inilalagay din ang


A. pinangyarihan B. gusali C. kinalabasan

3. Halos magkakapareho rin ang paraan ng pagkakasunud-sunod ng impormasyon


sa bawat
A. pangungusap B. talata C. salita

4. Ayos na sinusunod sa pagsulat ng balitang sakuna


A. hourglass B. tagilo/piramide C. baligtad na tagilo
5. Uri ng pamatnubay na kadalasang ginagamit sa balitang sakuna at pulisya
A. Sino o Ano B. Kailan o Saan C. Saan o Paano

6. Ang pangalan ng kinapanayam ay inilalahad sa balita upang paniwalaan ang


mga impormasyon. Ang tawag dito ay
A. reporter B. byline C. source

7. Sila ang mga karaniwang nag-iimbestiga sa mga pangyayari at pinagkukunan ng


impormasyon para sa balita.
A. taumbayan B. reporter C. pulisya

8. Pagkalunod, pagbagsak ng eroplano, pagkasagasa, pagkakuryente ay mga


pangyayari sa
A. balitang pulisya B. balitang sakuna C. balitang sunog

9. Uri ng mga salitang ginagamit sa pagsulat ng balita


A. malalim B. payak at simple C. naglalarawan

10. Inilalahad sa balitang ito ang laki ng pinsala sa pangyayari.


A. balitang sunog B. balitang sakuna C. balitang pulisya

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Natutuhan ko sa araling ito na ____________________


___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________
___________________________________________________

___________________________________________________

www.clipart.com
Sanggunian

1. Cruz, Ceciliano Jose. Pamahayagang Pangkampus sa Bagong Milenyo.


Manila: Rex Books Store, 2003.
2. Tapang, Magdalena. Pamahayagang Pilipino.

BUMUBUO SA PAGSULAT NG MODYUL

Manunulat: Nilda T. Dimla


Mataas na Paaralang Mariano Marcos Memorial
Editor/Tagarebyu: Sonia A. Alberto, Master Teacher 1
Mataas na Paaralang Ramon Magsaysay

Balidator: Ayla B. Urrea, PSDS para sa Pamamahayag


sa Sekondarya

Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim – Tagapamanihalang


Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod; Aida H. Rondilla – Puno ng CID;
Lucky S. Carpio – EPS na nakatalaga sa LRM at tagapag-ugnay sa ADM at
Lady Hannah C. Gillo – Librarian II -LRMS
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3


1. A 1. 1 1. C

2. A 2. 1 2. A

3. C 3. 2 3. C
4. C 4. 1 4. C

5. B 5. 3 5. A

6. C 6. 2 6. B
7. C 7. 3 7. A

Unang Pagsubok Pangwakas na Pagsusulit


1. B 1. C 6. C

2. A 2. A 7. C

3. A 3. B 8. B
4. A 4. C 9. B

5. C 5. A 10. A

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

1.Balitang aksidente 2. Balitang pulisya 3. Balitang sunog

Ulat sa namatay,
nasaktan, napinsala

Ulat sa
pangyayari

You might also like