You are on page 1of 11

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

PAMAMAHAYAG 7
Etika ng Pamamahayag

Unang Markahan
Ikapitong Linggo

Kasanayang Pampagkatuto:
Nasusuri ang mga artikulo mula sa pahayagan
ayon sa nararapat na Etika ng Pamamahayag
PAANO GAMITIN ANG MODYUL
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng
inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral
gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para
makamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.


2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin
ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng
iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL
1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos
makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya
ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin
Aralin
7 Etika ng Pamamahayag

Inaasahan
1. Nakapaglalahad ng sariling saloobin sa mga pamatnubay na
isinasaalang-alang ang Etika ng Pamamahayag

2. Napupuna ang balita batay sa pagsunod nito sa kodigong moral

Unang Pagsubok
PANUTO: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang ipinapahiwatig ng pahayag at
MALI kung hindi wasto ang pahayag.

______1. Ang panggagaya o pangongopya ay paglabag sa etika ng mamamahayag.

______2. Maituturing na ang etika ay pagpapahayag ng saloobin ng isang indibidwal


batay sa isang isyu.

______3. Nararapat na ang isang mamamahayag ay umiwas sa pagsulat ng mga


balitang nakaaapekto sa pribadong buhay maliban na lamang sa
kapakanan ng pampublikong itinakda ng saligang batas.

______4. Huwag maglimbag ng mga bagay na hindi makatarungan at tumutuligsa


sa karangalan ng buhay ng isang pribadong indibidwal.

______5. Iwasan ang pagkakapangkat at iharap ang dalawang panig sa


pinagtatalunang paksa na may buong katarungan at katapatan.

______6. Itaguyod ang kalayaan at iba pang mga karapatan sa pamahayagan.

______7. Huwag lakipan ng katarungan ang kapangyarihan ng pamahayagan.

______8. Maging makasarili sa panahon ng kaguluhan at buong pagkakaisang


humarap sa mga suliraning pampropesyonal.

______9. Tumutukoy ang moralidad sa mga pamantayan ng tama at mali na unang


natutuhan ng indibidwal sa kanyang komunidad.

______10. Iulat at iwasto nang walang pagkiling ang mga balita.


Balik-tanaw
Panuto: Punan ng tamang sagot ang patlang.

1. Ang ____________ay isang uri ng paninirang puri sa isang tao, patay man o
buhay, na nakalimbag.

2. Ang paninirang puri sa kapwa ay labag sa _________.

3. Kung kailangan pang patunayan na ang paninirang puri ay tunay na


nakapinsala, ito ay tinatawag na ______________.

4. Kung ang paninirang puring ito ay ginawa sa paraang pabigkas, ito ay


tinatawag na____________.

5. Ang libelo ______________ ay isang uri ng paninirang puri na di na kailangan


pang patunayan.

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


Napakahalaga ng gampanin ng mga mamamahayag na tagapaghatid ng balita
sa ating lipunan. Ang pangunahing layunin nila ay iparating sa publiko ang
makabuluhang pangyayari na tama at walang kinikilingan. Ngayon ay
matutunghayan natin ang responsibilidad at obligasyon ng isang mamamahayag sa
kanilang Kodigo ng Etika.

Ano ba ang tinatawag na ETIKA? Ang ETIKA ay nakatuon sa mga prinsipyo


ng etikal na pag-uugali sa modernong lipunan sa antas ng indibidwal, pamayanan
at interaksyon sa kapaligiran. Tumutukoy ang moralidad sa mga pamantayan ng
tama at mali na unang natutuhan ng indibidwal sa kanyang komunidad.

Samantala, ang BATAS ay isang alituntunin o patakaran na ginagawa o


binubuo para sa kapakanan ng mga mamamayan.

KODIGONG MORAL SA PILIPINONG MAMAMAHAYAG

I. Ako ay tapat na mag-uulat at bibigyang kahulugan ang balita, pangangalagaan


at hindi hahayaang pigilin ang mahalagang mga kaganapan o baluktutin ang
katotohanan sa pamamagitan ng hindi pagsasama o hindi pagbibigay diin sa mga
salitang gagamitin.

II. Hindi ko sisirain ang mahalagang materyal ng impormasyon na ipinagkaloob sa


akin batay sa tawag ng tungkulin.

III. Maayos akong magpapakilala bilang kinatawan ng midya kapag


nagsasakatuparan ng personal na interbyu para sa publikasyon. Gagamitin ko ang
karunungang bigay sa akin upang makakuha ng balita, mga larawan at dokumento
nang may katapatan.
IV. Ako ay iiwas sa pagsulat ng mga balita na makaaapekto sa pribadong buhay
maliban na lamang sa kapakanan ng pampublikong pakikipag-ugnayan na itinakda
ng saligang batas.

V. Hindi ko hahayaan ang personal na motibo o kapakanan na makaimpluwensya


sa aking ginagampanang tungkulin o hindi ako tatanggap ng anumang regalo o
suhol o bigyan ng konsiderasyon ang iba na makaaapekto o magiging sanhi ng pag-
aalinlangan sa aking personal na integridad.

VI. Hindi ako gagawa ng anumang aksyon ng panggagaya.

VII. Hindi ako mangungutya o pupuna ng sinuman sa pamamagitan ng kasarian,


paniniwala sa relihiyon, paninindigang pampulitikal, kultural at etnikong
pinagmulan.

VIII. Aking ipalalagay na ang sinumang akusado sa krimen ay inosente hanggang


hindi napapatunayan.

IX. Ako ay mag-iingat sa paglalathala ng mga pangalan ng menor de edad at mga


babae na kasangkot sa kasong kriminal upang hindi mawala ang kanilang
karangalan sa lipunang kinabibilangan.

X. Aayusin ko ang aking sarili sa publiko habang ginagampanan ang aking tungkulin
bilang mamamahayag nang sa gayong paraan ay aking mapapanatili ang dignidad
ng aking propesyon.

Mga Gawain
GAWAIN 1

Panuto: Basahin ang mga pamatnubay. Ibigay kung anong bilang ng Kodigong
Moral ang nasunod o hindi. Bigyan ng maikling pangangatwiran ang sagot.

Patay ang dalawang Maraming nagagalit kay


Kinilala ang ginahasa
katao, tatlo ang sugatan Coco Martin sa
na si Marilou Perez,
sa sunog na sumiklab pagsasalita niya nang
sampung taong gulang
sa residential barangay walang basehan sa
na nakatira sa 105
San Joaquin, Pasig, pamahalaang Duterte
Gagalangin street,
Martes ng madaling tungkol sa kaso ng
Tondo, Manila.
araw. ABS CBN.

Bilang ng Kodigo ng Bilang ng Kodigo ng Bilang ng Kodigo ng


Etika Etika Etika

Pangatwiranan Pangatwiranan Pangatwiranan


Iniimbestigahan ng National Bureau of
Investigation ang mga
Isang kagawad ng Barangay 101 ang
kwestiyonableng PhilHealth claim,
nagtago ng mga ipinamimigay na
ayuda para sa kanilang nasasakupan, kabilang ang isang ospital na
nakakuha umano ng P91 milyon dahil
bulong ng isang tindero.
sa mga pekeng medical mission
sa probinsya.
Bilang ng Kodigo ng Etika Bilang ng Kodigo ng Etika

Pangatwiranan Pangatwiranan

Gawain 2

Panuto: Basahin at unawain ang balita. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.

WHO itinanggi ang COVID-19 report na nangunguna ang Pinas


sa Western Pacific Region
by Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - Hulyo 1, 2020

MANILA, Philippines — Itinanggi ng World Health Organization (WHO) na sa kanila


nanggaling ang konklusyon na nangunguna ang Pilipinas sa pagtaas ng kaso ng
COVID-19 sa buong Western Pacific Region.

Sinabi ni Dr. Rabindra Abeyasinghe, WHO Country Representative, na hindi


sila nagkukumpara ng mga bansa sa mundo sa pagresponde, programa at mga datos
ukol sa COVID-19.

“It is unfair to say that WHO made that comment or assessment we did not.
The World Health Organization never made such a comment or an assessment,” ayon
kay Abeyasinghe.

Base sa ulat umano ng WHO-Western Pacific Region data, nangunguna ang


Pilipinas sa dami ng mga bagong kaso ng COVID-19 mula Hunyo 17-23.

Una na ring pumalag ang Malacañang at Department of Health sa ulat at


sinabing maganda ang resulta ng Pilipinas sa ibang kategorya tulad ng pagbagal ng
‘doubling of cases’, mababang death rate at paglaki ng mga bilang ng mga
gumagaling mula sa nasabing sakit.

Mga katanungan:
1. Tungkol saan ang ipinapahiwatig ng balita?
_______________________________________________________________________________

2. Gumamit ba ng tamang datos ang reporter tulad ng pangalan, posisyon


at pigura? Oo Hindi

Bakit? _______________________________________________________________________
3. Nagpakita ba ang reporter ng kanyang sariling opinyon sa kanyang balita?
Oo Hindi

Bakit? _______________________________________________________________________

4. Nagbanggit ba ang reporter ng mga atribusyon sa balita?


Oo Hindi

Bakit? _______________________________________________________________________

5. Nakasunod ba ang sumulat ng balita sa nakasaad sa Kodigo ng Moral ng


mga Mamamahayag? Oo Hindi

Bakit? _____________________________________________________________________

Tandaan
Sa pagharap sa pang-araw -araw na buhay, kailangan na ang bawat isa ay
may iniingatang moral sapagkat ito ang susi sa pakikitungo ng bawat indibidwal.

Bilang mga mamamahayag sa paaralan, gawin mong gabay ang kodigo ng


etika upang maging mahusay ka na mamamahayag ngayon at sa darating na
panahon.

Pag-alam sa Natutuhan
Panuto: Ayusin ang mga titik upang mabuo ang tamang salita na tinutukoy
sa pangungusap.

1. Ang nagsisilbing gabay o pamantayan sa ating pakikisalamuha upang


mapangalagaan ang karapatan at kaligtasan ng mga mamamayan

TABAS

2. Sistemang kinapapalooban ng pagpapahalagang moral

KEATI

3. Ang isang reporter ay hindi dapat itinatago ang pangalan ng isang opisyal na
kasangkot sa isang kaso dahil lamang sa isang pabor.

NGLWAA KLINIGAPG

4. Ang pangunahing balita na kinakailangang buo ang nilalaman at angkop

KUWAASTHNA

5. Katangiang dapat taglayin ng isang mabuting mamamahayag

NATAPAKAT __________________
Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot upang mabuo ang kaisipan.

A. Batas F. Simulain

B. Mamamahayag G. Katapatan

C. Integridad H. Pagkamakatarungan

D. Etika I. Katotohanan

E. Panggagaya J. Pamamahayag

1. Ang mabuting mamamahayag ay naglalabas ng totoo at maayos na balita


para sa kanyang mambabasa.

2.Paggamit ng larawan na kuha ng ibang tao na walang pagbanggit ng


pangalan.

3. Pagpapakita ng pagsunod sa patakaran at alituntunin na binubuo para sa


kapakanan ng mamamayan

4. Pagiging tapat sa pagbibigay kahulugan sa balita at hindi hahayaang


masira ang katotohanan

5. Isang uri ng pananaw ng isang indibidwal ayon sa paniniwala at maaaring


basehan ng tama o mali.

6. Pantay na pananaw sa pagpapahayag ng opinion.

7. Tao na nagtitipon, nagsusulat at namamahagi ng balita o ng iba pang


kasalukuyang impormasyon.

8. Mga pinagsamang pagpapalabas o kagamitang ginagamit sa pagtala at


paghatid ng impormasyon o datos.

9. Lupon ng tao o ahensya ng gobyerno na nagbibigay patunay at


nagpapaliwanag sa naganap na isang pangyayari sa balita.

10. Ang tumpak na pagsasanay ay nagbibigay ng malinaw na


pagtatanong kung alin ang talagang balita kaysa kuro-kuro lamang.
Papel sa Replektibong Pagkatuto
Panuto: Basahin at unawain ang Kredo ng Pamahayagan. Pagkatapos ay bumuo
ng pansariling kredo na magagamit upang maging mahusay na mamamahayag ng
iyong paaralan.

KREDO NG PAMAHAYAGAN
Walter Williams
(Isinalin sa Filipino ni Superbisor Magdalena Tapang)

Ako’y naniniwala sa propesyong pamahayagan.


Ako’y naniniwala na ang malinaw na pag-iisp at maliwanag na
pangungusap, tumpak at makatarungan ay pangunahing
pangangailangan sa mabuting pamahayagan.
Ako’y naniniwala na ang isang mamamahayag ay dapat lamang
sumulat ng isang bagay na sa kaibuturan ng kanyang puso’y makatotohanan.
Ako’y naniniwala na walang sinumang dapat sumulat bilang mamamahayag ng
anumang bagay na hindi niya masasabi bilang isang maginoo.
Ako’y naniniwala na ang pamahayagan na nagtatagumpay at karapat-dapat
sa tagumpay ay natatakot sa Diyos at nagpaparangal sa tao ay
matibay na nagsasarili, nakapagbabalangkas, mapagbigay ngunit hindi
pabaya, nakapagpipigil ngunit walang pagkatakot, madaling mapoot sa
walang katarungan at humahanap ng paraan upang mabigyan ang bawat tao ng
pantay-pantay na pagkakataon.

Ang Aking Kredo bilang


Responsableng Mamamahayag
ng Paaralan

google.clipart
Sanggunian
1. Matienzo, Narciso V. Ang Bagong Pamahayagan sa Filipino

2. http://yokohama-ashleey.blogspot.com/2007/06/kredo-ng-pamamahayag.html

3. https://tl.wikipedia.org/wiki/Mamamahayag

4.https://www.academia.edu/9397890/KODIGO_NG_ETIKA_NG_PAMAMAHAYAG_
SA_PILIPINAS (kodigong moral ng pilipinong mamamahayag)

5. https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2020/07/01/2024753/who-itinanggi-ang-covid-19-report-na-
nangunguna-ang-pinas-sa-western-pacific-region

BUMUBUO SA PAGSULAT NG MODYUL

Manunulat: Gng. Iza B. Verzosa


Mataas na Paaralang Lakan Dula

Editor/Tagarebyu: Sonia A. Alberto, Master Teacher I


Mataas na Paaralang Ramon Magsaysay

Balidator: Ayla B. Urrea, PSDS para sa Pamamahayag sa


Sekondarya

Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim – Tagapamanihalang Pansangay ng mga


Paaralang Panlungsod; Aida H. Rondilla – Puno ng CID; Lucky S. Carpio – EPS na
nakatalaga sa LRM at tagapag-ugnay sa ADM at Lady Hannah C. Gillo – Librarian
II -LRMS
Susi sa Pagwawasto

UNANG BALIK- TANAW GAWAIN 2


PAGSUBOK
1. libelo 1. Wala
1. TAMA 2. batas 2. Bilang IX
2. MALI 3. per quod 3. Bilang IV
3. TAMA 4. slander 4. Bilang V
4. TAMA 5. per se 5. Wala
5. TAMA
6. TAMA
7. MALI
8. MALI
9. TAMA
10.TAMA

GAWAIN 3 PAG-ALAM SA PANGWAKAS NA


NATUTUHAN PAGSUSULIT
1. Pagtanggi ng
WHO batay sa 1. Batas 1. I
balita na 2. Etika 2. E
nangunguna ang 3. Walang Pagkiling 3. A
Pilipinas sa 4. Kawastuhan 4. G
pagdami ng 5. Katapatan 5. F
COVID-19 6. C
2. Hindi 7. B
3. Oo 8. J
4. Oo 9. D
5. Oo 10. H

You might also like