You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

PAMAMAHAYAG 7
Plagiarismo
at Tamang Atribusyon

Unang Markahan
Ikawalong Linggo

Kasanayang Pampagkatuto:

Nakasusunod sa tamang paggamit ng atribusyon


PAANO GAMITIN ANG MODYUL
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng
inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral
gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para
makamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.


2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin
ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng
iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL
1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos
makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating kaalaman
at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya
ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin
Aralin Plagiarismo at
8 Tamang Atribusyon

Inaasahan

1. Natutukoy ang tamang katuturan ng plagiarismo


2. Naibibigay ang tamang pagbanggit ng atribusyon sa artikulo
3. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng plagiarismo at ang ilang mga batas na may
kaugnayan dito

Unang Pagsubok

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa hanay A.

Hanay A Hanay B

1. Batas kung saan ang mga imbentor, A. Paggamit ng


manunulat at artist ay binibigyan ng exclusive wastong pandiwa
property rights

2. Paraan upang maiugnay nang maayos ang B. RA No. 8293


isang pahayag

3. Isang paraan ng pagnanakaw na kung saan C. Atribusyon


ang isang tao ay gumagamit ng ideya o gawa
ng iba na hindi nilalagay ang pinagkuhanan

4. Tinutukoy kung sino ang nagsabi, kanino o D. Plagiarismo


saan kinuha ang pahayag o datos

5. Mga halimbawa ng kataga o salita na E. Aniya, dagdag pa


maaaring gamitin o sabihin kung sino at niya, ayon kay
kanino nagmula ang impormasyon

F. Plagiaries

G. Cybercrime
Prevention Act
of 2012
Balik-tanaw
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ay binubuo ng panuntunan at regulasyon.


A. Etika B. Batas
C. Media D. Halagang Pangkatauhan

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi simulain ng pamahayagan?


A. Katotohanan B. Pananagutan
C. Walang Kinikilingan D. Obhektibo

3. Ito ay pilosopiya ng pag-uugali na dapat taglayin ng mga mamamahayag.


A. Batas B. Kodigo ng Etika
C. Magandang Kaasalan D. Pansarili

4. Ito ay nagpapakita ng tamang pamantayan tungo sa mabuting pahayagan.


A. Kadisentehan B. Obhektibo
C. Integridad D. Karapatan

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa katangian ng salitang etika?


A. Katapatan B. Pagiging Makatarungan
C. Moral D. Batas

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


Sa nakaraang aralin ipinakita natin ang kahalagahan ng kodigo ng etika sa
tulad mong mamamahayag. Napakahalaga ng iyong ginagampanan sa ating lipunan
dahil ikaw ang nagbibigay ng tamang impormasyon sa mga mambabasa. Ngayon,
tatalakayin naman natin sa araling ito ang plagiarismo. Ano ba ang plagiarismo o
pangongopya?

Plagiarismo

Ang Plagiarismo ay ang pagkopya ng gawa, ideya o salita na walang permiso,


pahintulot o pagkilala sa orihinal na awtor.
Ito ay mula sa salitang Latin na plagiaries na ibig sabihin ay kidnaper. Ito ay
isang paraan ng pagnanakaw kung saan ang isang tao ay nangopya ng ideya o gawa
ng iba nang hindi nagpapaalam.

Halimbawa:
a. Paggamit ng larawan o litrato na kuha ng ibang tao
b. Paggamit ng musika
c. Paggamit ng mga gawang sining na likha ng ibang tao
d. Paggamit ng mga salita o pahayag mula sa mga kilalang tao
Uri ng Plagiarismo
Minimalistic Plagiarism- ginamit sa sariling salita o ginawan ng paraphrasing ang
mga ideya o konsepto na nakuha o nabasa mula sa pinagkuhanan o source

Partial Plagiarism- dalawa o higit pa ang pinagkunan ng ideya at kombinasyon ng


mga ito ang kinalabasan ng ginawa
- nagkakaroon ng rephrasing o pagbabago ng ilang salita

Source Plagiarism - maaaring ibinigay ang pangalan ng may akda o pinagkunan


ngunit hindi na madaling mahanap dahil kulang o hindi sapat ang pinanggalingan
ng impormasyon

Self-plagiarism- muling paggamit ng sariling artikulo na nailathala na o muling


pagpasa ng materyal na dati nang naibigay
- pagresiklo ng sariling akda o gawa

Art and Tracing Plagiarism- pag-angkin sa kinopyang komposisyon, imahe at


istraktura ng trabaho ng isang may akda

Mga Batas Laban sa Plagiarismo


Republic Act No. 8293 o Intellectual Property Code – Nakasaad sa batas na ito
na ang mga imbentor, manunulat, artist at iba pa ay binibigyan ng exclusive property
rights o sila ang kinikilalang nagmamay-ari ng kanilang ginawa. Dahil dito, ang
pagkuha o paggaya ng isang bagay na walang pahintulot o walang pagkilala ay
sinasabi na isang pagkakasala.

Cybercrime Prevention Act of 2012- Maaari ring managot ang mga plagiarist o
ang mga nag-aangkin o nangongopya ng ideya o salita ng iba. Sa batas na ito, may
kapangyarihan ang kalihim ng Department of Justice na tanggalin ang mga
nilalaman o i-block ang access ng mga site ng sinumang pinaghihinalaang
lumabag sa copyright law o eksklusibong karapatan ng lumikha ng isang katha.

Atribusyon

Ang atribusyon ay isang mahalagang pangangailangan sa pagsulat ng balita.


Tinutukoy dito ang nagsabi o ang pinagkuhanan ng impormasyon.

Ipinababatid nito sa mambabasa, tagapakinig o manonood na malaman ang


pinagmulan ng impormasyon.
Mga patakaran sa paggamit ng atribusyon

Tuntunin 1 - Gumamit ng atribusyon sa balita hanggat maaari

Ang pinakamahusay na paraan upang makuha ang tiwala ng mambabasa ay


kung makikila ang pinagmulan ng mga detalye. Dapat kasama ang pangalan at
katungkulan ng tao na pinanggalingan ng impormasyon. Maaari rin na ang bibigyan
ng atribusyon ay ang tao na itinalaga o pinahihintulutan na humarap at
makipag-usap sa midya.

Halimbawa: tagapagsalita ng Department of Health o tagapagsalita ng Meralco

Tuntunin 2 - Gumamit ng mga pandiwa. Ang pinakamahusay na paraan upang


maiugnay ang isang pahayag ay ang paggamit ng mga salita na tulad ng sinabi ni.

Gayunpaman, hindi magagamit ang pandiwang sinabi para sa bawat


pagpapatungkol sa pinagmulan ng mga tala. Maaaring gumamit ng mga kahalili
tulad ng nakasaad, tinukoy o ayon sa.

Tuntunin 3 - Paglipat sa katotohanan mula sa opinyon

Tiyakin na maging maingat sa pag-uugnay ng mga pahayag ng ibang tao sa


gagawing ulat. Sa pakikisalamuha sa iba’t ibang indibidwal, naglalabas ang mga ito
ng kanilang mga hinaing, kagustuhan o inaayawan na hindi nangangahulugang
batay sa tala.

Tuntunin 4 - Walang atribusyon

Sa mga pagkakataon na hindi nais makilala ng pinagmulan ng impormasyon


dahil posibleng makapinsala sa kanya, maaaring hindi gumamit ng atribusyon.

Tuntunin 5 - Off the record

Ayaw ng pinagmulan ng impormasyon na mailathala ang ilan sa kanilang mga


sinabi kaya nagiging off the record ito.

Mga Gawain

Gawain 1
Panuto: Basahin at suriin ang ilang sitwasyon. Isulat sa ilalim nito kung anong uri
ng plagiarismo ang ipinapakita.

Sitwasyon 1
Kinailangan mong magsaliksik para sa takda na ibinigay ng guro ngunit gahol
ka na sa oras. Kinopya mo nang buo ang gawa ng iba.
Anong uri ito ng pangongopya? _________________________
Sitwasyon 2
Kinopya ng isang inhinyero ang istrakturang gawa ng kanyang katrabaho at
inangkin ito bilang kanyang sariling gawa.
Anong uri ito ng pangongopya? ___________________________

Sitwasyon 3
Humiram ng mga salita si G. Manny Pangilinan sa mga pananalita nina Oprah
Winfrey at J.K. Rowling na kanyang ginamit sa isang pagtatapos ng mga mag-aaral
ng Ateneo de Manila University na hindi binanggit ang orihinal na pinagkunan.
Anong uri ito ng pangongopya? __________________________

Sitwasyon 4
Sumulat ng sanaysay ang isang mag-aaral na maraming kawikaan at pahayag
ang kinuha sa mga bayani ngunit hindi niya ito ginamitan ng panipi, hindi ginamitan
ng paraphrase o walang binago sa istraktura ng mga pangungusap.
Anong uri ito ng pangongopya? _________________________

Sitwasyon 5
Ginamit ni Mark Solis ang kuhang larawan ni Gregory John Smith at isinali
sa isang kompetisyon.
Anong uri ito ng pangongopya? ________________________

Gawain 2
Panuto: Mula sa balita sa ibaba, basahin ito at unawain pagkatapos sagutin
ang ilang katanungan.

UV disinfection lights nakaka-cancer – DOH

Ludy Bermudo, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon)

MANILA, Philippines - Nagbabala ang Department of Health sa pangontra laban sa


sobrang paggamit ng UV disinfection light para sa COVID-19 dahil posibleng
magdulot ito ng cancer.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may mga lumabas
na pag-aaral na nagsasabing ang labis na exposure sa UV light ay nakakasama
sa kalusugan.
Ayon pa kay Vergeire, bukod sa posibleng magdulot ng cancer, maaari ring
mamula ang balat at maapektuhan ang mata kung tatagal sa 60 minuto ang
exposure sa UV light.
“And mayroon pong mga lumalabas, mga lumabas na mga studies na
halimbawa na-expose po kayo kahit 60 minutes or mayroon ding sinabi ang isang
study for hours, nakikita po na nagkakaroon ng pamumula ng balat. Maaaring
maapektuhan ang mata and of course prolonged exposure to this can be harmful
also because it is Carcinogenic. Ibig sabihin, it might cause cancer also,”
ani Vergeire.
Sinabi ni Vergerie na dapat lamang mag-ingat ang mga gumagamit ng UV light
at ikonsidera ang sinasabi ng mga ekspeto. Ipinunto rin ni Vergerie na wala pang
sapat na ebidensya na nagsasabi na ang UV light ay maaaring pumatay ng SARS
COVID 2 virus.
Bagaman at matagal na aniyang ginagamit ang UV light bilang isang procedure
sa disinfection sa mga health facilities pero mga trained o bihasa na ang mga
gumagamit nito.

1. Tungkol saan ang balita? ________________________________

2. Sino ang Health Undersecretary na binanggit sa balita? _____________

3. Ano ang mga atribusyon na binanggit sa mga sumusunod na talata?


a. ikalawang talata __________________
b. ikatlong talata __________________
c. ikaapat na talata __________________
d. ikalimang talata __________________

4. Bakit dapat mag-ingat ang tao sa paggamit ng UV light? _____________

5. Bakit dapat sundin ang tamang pagbanggit ng atribusyon sa pagsulat


ng balita? _______________________

6. Ano ang kahalagahan ng tamang pagsunod sa paggamit ng atribusyon?


______________________________________________________________________

Tandaan

Mahalaga ang katapatan sa pasulat o pasalitang pagpapahayag. Ang pag-


angkin, paggamit o pagkuha ng ideya o gawa ng iba nang walang pagkilala ay may
karampatang parusa.
Bilang mag-aaral, mahalaga na magsulat at magsalita gamit ang iyong
sariling pananalita at istilo upang maging orihinal ang akda.
Pag-alam sa mga Natutuhan
Panuto: Ano ang isinasaad ng mga sumusunod na batas na may kaugnayan sa
plagiarismo? Ilahad ito batay sa sariling pagkaunawa.

Cybercrime
Republic Act
Prevention Act
No. 8293
of 2012

Mga Batas
sa
Plagiarismo

Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Isulat ang W kung Wasto ang salitang may salungguhit. Ilagay ang DW kung
hindi wasto at isulat sa guhit ang tamang salita.

1. Ang pangongopya ay isang paraan ng pagpapakopya. _______________

2. Naaakusahan ang isang tao ng plagiarismo kung ito ay gumagamit ng ideya at


kumuha ng gawa ng ibang tao na walang pahintulot. ___________________

3. Ang art and tracing ay uri ng plagiarismo kung saan inilathala ang isang
materyal na nailathala na ngunit ginamit ang ibang midyum sa pagsulat ng artikulo.
____________
4. Ang panghalip ay ang pang -ugnay ng mga kataga o salita na ginagamit sa
atribusyon. _____________________

5. Ang plagiarismo ay hango sa salitang Griyego na “plagiaries” . ______________

6. Ang paggamit ng musika na walang pahintulot sa orihinal na lumikha ay isang


halimbawa ng plagiarismo. _______________
7. Ang pagiging tapat sa pagsusulat ng iyong artikulo ay mas mahalaga
kaysa sa magandang gawa ngunit kinopya. _____________
8. Ang Cybercrime Prevention Act of 2012 ay batas na nagpapakita na ang
pangongopya ng ideya o salita at aangkinin nang lubusan ay mananagot sa batas.
________________
9. Ang elipses ay pangunahing elemento ng pagsulat ng balita kung saan tinutukoy
ang nagsabi o pinagmulan ng mga impormasyon. ________________
10. Ang mga mamamahayag ay nararapat na alam ang tamang paraan ng pagbibigay
ng katotohanan sa pagbanggit ng atribusyon. _____________________

Papel sa Replektibong Pagkatutouto


Panuto: Dugtungan ang pahayag na nasa loob ng kahon upang mabuo ang diwa
nito. Isulat sa loob ng bawat kahon ang sagot.

Naunawaan ko na... Nalaman ko na ...

Natutuhan ko na ... Naniniwala ako na ...


Sanggunian
1.https://sites.google.com/site/thegistofplagiarism/contact

2.https://www.enago.com/academy/fraud-research-many-types-plagiarism/

3.https://www.vsb.bc.ca/site/nwc/for-
families/Resources/general%20resources/Documents/sbfile/190814/Plagiarism-

4.https://www.google.com/amp/s/www.easymedia.in/5-attribution-rules-every-
reporter-follow/amp/

5.http://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/09/2045259/31-
lalawigan-tinamaan-ng-asf/amp/

BUMUBUO SA PAGSULAT NG MODYUL

Manunulat: Gng. Iza B. Verzosa


Mataas na Paaralang Lakan Dula

Editor/Tagarebyu: Sonia A. Alberto, Master Teacher 1


Mataas na Paaralang Ramon Magsaysay

Balidator: Ayla B. Urrea, PSDS para sa Pamamahayag


sa Sekondarya

Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim – Tagapamanihalang


Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod; Aida H. Rondilla – Puno ng CID;
Lucky S. Carpio – EPS na nakatalaga sa LRM at tagapag-ugnay sa ADM at
Lady Hannah C. Gillo – Librarian II -LRMS
Pangwakas na
Pagsusulit
1. DW- pagnanakaw
2. W
3. DW- Gawain 1
self- plagiarism 1. Minimalistic
Plagiarism
4. W Unang
2. Art and Tracing
5. DW- Latin Balik-tanaw Pagsubok
Plagiarism
6. W 1. B 1. B
3. Self-plagiarism
7. W 2. D 2. A
4. Partial Plagiarism
8. W 3. B 3. D
5. Art and Tracing
9. DW-atribusyon 4. C 4. C
Plagiarism
10. W 5. D 5. E
Susi sa Pagwawasto

You might also like