You are on page 1of 1

Ika-3 NSED, ginanap sa BNHS

Anthony Abarecio

(Duck. Cover. And Hold. Ito ang naging pagtugon ng mga mag-aaral ng Binugao NHS sa ginanap na 3rd NSED upang
maipakita ang kahandaan ng kabataan sa pagtugon sa lindol at iba pang sakuna.

Nakiisa sa pagganap ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ang mga estudyante at
kawani ng paaralan noong ika-7 ng Setyembre 2023 matapos ang 4.2 magnitude na pagyanig nang
ika-6 ng Setyembre 2023 sa Binugao National High School.

Pinasimunuan ni Gng. Hazel A. Apale, tagapag-ugnay ng Disaster Risk Reduction Management ang
nasabong drill alinsunod sa madato ng Kagawaran ng Edukasyon na ayon sa kanya ay upang
masiguro ang kahandaan ng pampaaralang komunidad tuwing may lindol..

“Para gyud ni sa atong safety especially karon nga bag-o lang ta na-linugan”, wika niya.

Ang NSED ay inoorganisa ng Office of Civil Defense kada tatlong buwan sa buong Pilipinas.
Nilalayon niyo na suriin ang kahandaan at kakayahang tumugon sa mga panganib dulot ng lindol.

You might also like