You are on page 1of 3

Dcember 6, 2019

Detailed Lesson Plan in EsP

DLP Blg.: 30 Asignatura: EsP Baitang: 3 Markahan: 3 Oras: 30 minuto

Mga Kasanayan Nakapagpapanatili ng ligtas na pamayanan sa pamamagitan ng pagiging handa Code:


sa sakuna o kalamidad tulad ng bagyo EsP3PPP- IIIi – 18

Susi ng Ang pagiging handa sa panahon ng sakuna o kalamidad ay makatutulong upang maligtas ang ating
buhay. Isa rin itong paraan ng pagtulong sa sarili, sa pamahalaan, at sa bansa Maging handa tayo sa
Pag-unawa na darating na sakuna para hindi tayo mabigla. Ang pagiging kalmado sa oras ngsakuna ay makakatulong
Lilinangin din upang alam natin kung saan tayo tutungo sa panahon ng kalamidad. Laginghanda, iyan ang dapat
nating isaisip, isapuso at isagawa para maiwasan ang kapahamakan.

1. Mga Layunin

Kaalaman Nakatutukoy ng mga gawain na nagpapakita ng pagiging handa sa sakuna o kalamidad tulad ng bagyo.

Kasanayan Naipapakita ang pagpapanatili ng ligtas na pamayanan.

Kaasalan Natatalakay ang pagiging disiplinadong mag-aaral, marunong tumulong at mag- alaga sa kapwa lalo na’t
sa panahon ng sakuna o kalamidad.

Kahalagahan Nasasabi ang mga pamamaraan sa pagpapanatili ng ligtas na pamayanan.

2. Nilalaman Laging Handa

3. Mga
Mga larawan na nagpapakita ng pagiging handa sa panahon ng sakuna o kalamidad, Pangkasanayang
Kagamitang
Aklat, Kagamitan ng Mag- aaral
Pampagtuturo

4. Pamamaraan

Panimulang Ipakita sa mga mag-aaral ang mga larawan na nagpapakita ng naranasang kalamidad tulad ng bagyo.

Gawain

(2 minuto)

Itanong: Ano-ano ang ipinapakita ng bawat larawan?

Ano ang inyong gagawin kung mararanasan nyo ang ganitong kalamidad?

Tumawag ng boluntaryong mag-aaral para sagutin ang katanungan.

Mga Gawain/ Ipagawa ang gawain. Pasagutan ito sa bawat pangkat.

Estratehiya Pag-aralan ang nasa larawan. Ano ang iyong gagawing paghahanda kung sakaling magkaroon ng bagyo
sa inyong lugar?
(5 minuto)

(Ipaalala sa bawat pangkat ang kahalagahan ng pagtutulungan upang mas mapadali ang gawain.)

Gabayan ang mga bata sa pagsasagawa ng gawain.


Pagkatapos ng inilaarang oras, ipapaskil ang kanilang nagawa sa pisara.

Pagsusuri Pagsusuri sa ginawang gawain:

(2 minuto) a. Anong sakuna o kalamidad ang ipinakita ng larawan?

(Bigyan ng pagkakataong maipahayag ng bawat pangkat ang kanilang sagot.)

b. Kayo ba ay nakaranas na nito?

c. Ano ang inyong nararamdaman sa gitna ng sakuna o kalamidad?

d. Ano- ano ang iyong gagawing paghahanda kung may bagyo sa inyong lugar upang mapanitili ang

kaligtasan?

Pagtatalakay Ipakitang muli ang mga larawan na nagpapakita ng pagiging handa kung may sakuna o kalamidad tulad

(8 minuto) ng bagyo.

Bigyang- diin ang Tandaan Natin sa Kagamitan ng Mag- aaral sa pahina 184-185.

Ipaalala sa mga mag-aaral ang mga kailangang gawin upang maging ligtas sa bagyo.

Paglalapat Pangkatang Gawain: Pag- aralan ang nasa larawan at isulat kung ano ang gagawin kung may bagyo.

(4 minuto)

1. 2. 3.
2. Magkaroon ng pagbabahagi ng bawat pangkat.

5. Pagtataya Pasagutan ang graphic organizer.

(5 minuto) Panuto: Isulat sa bawat bilog ang iyong gagawing paghahanda upang maging ligtas sa bagyo.

6. Takdang Aralin

(2 minuto)

Paghahanda para Gumupit ng mga larawang nagpapakita ng pagiging handa kung may lindol.
sa bagong aralin

7. Paglalagom/ Pasagutan ang reflection.

Panapos na Ang aking natutunan ay …


Gawain

(2 minutes)

Inihanda ni:

Pangalan: GERALDINE S. NEPOMUCENO Paaralan: MALHIAO ELEM. SCHOOL

Posisyon/ Designasyon: TEACHER 3 Sangay:

Contact Number: Email address:

Reference: https://www.google.com.ph/search?
dcr=0&biw=1058&bih=570&tbm=isch&sa=1&q=larawan+ng+bagyo&oq=larawan+ng+bagyo
&gs_l=psy-
ab.3..0l5j0i30k1j0i5i30k1j0i8i30k1.1774029.1778874.0.1784839.9.9.0.0.0.0.567.2014.0j1j0j2j1
j1.5.0....0...1.1.64.psy-ab..4.5.2004...0i67k1.0.d3bvzhyyzgc#imgrc=_

You might also like