You are on page 1of 7

Detailed Paaralan PANGHULO ELEMENTARY Baitang/Pangkat 3 - ZEUS

Lesson SCHOOL 1
Plan Guro MARICAR C. MORALES Petsa/Araw Marso 30, 2021

Subject: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO


Oras: 01:00 -02:00
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pananatili ng mga natatanging
kaugaliang Pilipino kaalinsabay ng pagsunod sa mga tuntunin at batas na may
kaugnayan sa kalikasan at pamayanan
B. Pamantayan sa Pagganap Naipagmamalaki ang mga magagandang kaugaliang Pilipino sa iba’t ibang
pagkakataon
C. Pamantayan sa Pagkatuto
I. Layunin Nakapagpapanatili ng ligtas na pamayanan sa pamamagitan ng pagiging
handa sa sakuna o kalamidad.
II. Nilalaman
Paksang-Aralin YUNIT III – Para sa Kabutihan ng Lahat, Sumunod Tayo
A. Paksa “Laging Handa”
B. Sanggunian Curriculum Guide: (EsP3PPP- IIIi – 18)
C. Kagamitan power point presentation, Learner’s module
D. Pagpapahalaga Pamamahala sa Panganib ng Sakuna (Disaster Risk Management)
Pakikiangkop sa Oras ng Pangangailangan (Resiliency)

E. Pinagsanib na asignatura Araling Panlipunan - Pagiging Handa Sa Kaligtasan


III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay (Drill) Pagsasanay:
Buuin ang “jumbled letters”
Ayusin ang mga letra upang mabuo ang wastong salita na may kaugnayan sa sakuna
o kalamidad.

1. D O L L I N
______

malakas na pagyanig ng lupa

2. A H A B
____

labis na p ag-apaw ng tubig o paglawak ng tubig na natatakpan ang lupa.

3. G O Y B A
_____

namumuong sama ng panahon na nagdudulot ng kalamidad sa ating


bansa.

4. U G S O N
_____

mabilis na pagkalat ng apoy.

5. L I D E S L A N D

_________

pagguho ng lupa dulot ng labis na pag-ulan at kawalan ng ugat ng


puno na kinakapitan ng lupa.
2. Balik-aral

Panuto: Ipakita ang thumbs-up kung ang ipinapahayag ng

pangungusap ay mabuting gawi at thumbs – down kung hindi.

______ 1. Maglalabas ng basura kapag may trak ng basurang dumating.


______ 2. Sisigawan ko ang makita kong nagtatapon ng basura sa tapat ng bahay
namin.
______ 3. Nagtatapon ako ng basura sa wastong lalagyan sapagkat alam kong ito
ang tama sa kalikasan.
______ 4. Nagkukunwaring tulog ako kapag ang aking ate at kuya ay maglilinis para
hindi ako mautusan.
______ 5. Ang kalinisan at kaayusan ng ating pamayanan ay nagiging isang
magandang tanawin at nagpapakita ng ligtas na lipunan.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak

Ano ang inyong nakikita na larawan?


Ano kaya ang tawag sa bag na ito?
Sa inyong palagay, bakit kailangan mayroon tayo nito sa bahay?
Saan kaya ito ginagamit?

2. Paglalahad Basahin natin ang isang kuwento tungkol sa kung paano dapat tayo maging
“Laging Handa”sa anumang parating na sakuna.

Isang umaga, narinig ni Miguel sa radyo ang babalang malaki ang


pagkakataong magkaroon ng malalim na baha sa kanilang lugar.
Agad niyang kinuha ang kanyang bag upang ilagay ang mahahalagang gamit.
Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang ilagay sa loob ng bag?
3. Pagtatalakay Tulungan natin si Miguel sa tamang pagpili ng mga bagay na dapat niyang
ilagay sa loob ng kanyang bag.

Bilangin natin kung ilan ang mga bagay na nakapalibot sa kanya.

Sa inyong palagay, ang lahat ba ng mga bagay na nakikita natin ay dapat


ilagay ni Miguel sa loob ng kanyang bag?

Ngayon bilangin naman natin kung ano lamang talaga ang dapat ilagay
sa loob ng kanyang bag.

Ano-ano ang mga bagay na dapat ilagay ni Miguel sa loob ng kanyang


bag?

Makatutulong ba ito sa oras ng kanyang pangangailangan? Ipaliwanag ang


sagot.

Dapat mo bang tularan si Miguel sa kanyang ginawa? Bakit?

Kung ikaw si Miguel maghahanda ka rin ba sa oras ng kalamidad? Paano


mo ito ihahanda?

Sa iyong palagay, ano ang kabutihang magagawa ng pagiging laging handa


sa panahon ng sakuna o kalamidad?

Ang mga sumusunod ay mga kalamidad at sakuna na dapat nating paghandaan


upang mapanatili nating ligtas hindi lamang ang ating mga sarili pati ang
ating pamayanan.

LINDOL BAGYO
SUNOG PAGPUTOK NG BULKAN

LANDSLIDE PANDEMYA
4. Paglalahat Tandaan
Ang panganib ay isang sitwasyon na nagbabanta sa buhay, kalusugan, ari-arian, o
kapaligiran. Ito ay maaaring natural o gawa ng tao.
5. Paglalapat (Pangkatang Gawain)

Ang bawat pangkat ay may gawain na sasagutan.


Bibigyan ang bawat lider ng limang minuto upang ipakita at ipaliwanag ang kanilang
natapos na gawain.

Pangkat 1
Buoin ang mga pinagpalit-palit na ayos ng mga letra upang malaman ang mga
sakuna at kalamidad na dapat paghandaan.
1. G B A O Y
2. L O D N I L
3. S U G O N
4. P A N E M D A Y
5. P A G S A B G O N G B L U A N K
6. P A G G U O H N G A P U L

Pangkat 2
Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang mga sumusunod na salita ay
nagpapahayag sa paghahanda sa anumang sakuna at kalamidad.
Lagyan mo naman ng (X) kung hindi.

___1. Nagdadasal
___2. Naglalaro
___3. Nakikinig ng balita
___4. Nagsa-shopping
___5. Nagkukumpuni

Pangkat 3
Ang buwan ng Marso ay tinaguriang “Fire Prevention Month”
Sumulat ng mga paraan o dapat gawin upang maiwasan ang maaring
pagmulan o pag-umpisahan ng sunog.

Pangkat 4
Kulayan lamang ang mga larawan na nagpapakita ng kahandaan sa mga
kalamidad o sakuna.

IV. Pagtataya Pangwakas na Pagsusulit:


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Sa panahon ng bagyo, nararapat na ako ay _______


A. Maligo sa ulan.
B. Manatili sa loob ng bahay.
C. Sumilong sa ilalim ng mesa.
D. Mamasyal sa labas ng bahay.

2. Kapag lumilindol, kailangan kong _________


A. Mataranta at magsisigaw.
B. Sumilong sa ilalim ng mesa.
C. Itulak ang aking mga kamag-aral.
D. Manatiling nakaupo sa sariling upuan.

3. Malakas ang ulan dulot ng bagyo kaya bumaha sa inyong lugar. Ano ang
nararapat mong gawin?
A. Maligo sa baha.
B. Makikipaglaro sa mga kaibigan sa baha.
C. Ipagwalang-bahala ang pagtaas ng tubig.
D. Sumunod kaagad sa panawagang lumikas.

4. Kung ang mga proyekto ng pamahalaan tungkol sa pangangalaga sa ating


kapaligiran ay matagumpay na maipapatupad, ano ang mangyayari sa ating
pamayanan?

A. Magiging maayos ang ating kapaligiran at maiiwasan ang mga


sakunang dulot nito.
B. Magkakaroon ng kaguluhan sa ating pamayanan.
C. Maghihirap ang mga tao sa pamayanan.
D. Marami ang mga taong magiging tamad.

5. Ito ay ahensiya ng pamahalaan na nagpapaigting sa kampanya ng


pagbibigay impormasyon para malaman ng mga pamilya ang kahalagahan ng
planong paghahanda sa oras ng sakuna.
A. DENR B. DOH C. NDRRMC D. MMDA

V. Takdang Aralin Takda:


Sumulat ng isang panuntunan sa pagiging handa sa isang uri ng sakuna o
kalamidad.

Pangako sa Pagiging Handa

Nangangako ako na magiging handa at maglalaan


ako ng panahon bago pa man dumating ang oras ng sakuna/kalamidad
tulad ng _______________________, para ________________.
Naniniwala ako na magiging ligtas ako kung
_________________________________________________________
_________________________________________________________
___________________.

______________
Lagda ng Mag-aaral

Petsa:

PUNA _____bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang


nagpapakita ng ___bahgdan sa pagkatuto ng aralin.

You might also like