You are on page 1of 17

DAMDAMIN, PANANAW AT KAALAMAN NG MGA ESTUDYANTENG SA UNIBERSIDAD NG SAN AGUSTIN HINGGIL SA MENINGOCOCCEMIA

Isang Pamanahong-Papel na Iniharap sa Kaguan ng Unibersidad ng San Agustin, Lungsod ng Iloilo

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2, Pagbasa ta Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

nina Henry Wendam Jr. David Joseph Palao June Miguel Defensor CpE-1

Marso 2013

PASASALAMAT Taus-pusong pasasalamat an gaming ipinaaabot sa mga sumusunod na indibidwal dahil sa mahahalagang tulong, kontribusyon at/o suporta tungo sa matagumpay na reyalisasyon ng pamanahong-papel na ito: kay Bb, Campos, ang aming masigasig na guro sa Filipino , sa pagtulong sa amin at paggabay sa paggawa ng isang pamanahong-papel sa pamamagitan ng pagtuturo ng tamang paggawa at mga tamang hakbangin sa pagsulat ng isang papel na ito. sa mga awtor, editor, at mananaliksik ng mga akdang pinaghanguan naming ng mahahalagang inpormasyong aming ginamit sa pagsulat ng una at ikalawang kabanata ng pamanahong-papel na ito. sa aming mga respondent, sa paglalaan ng oras upang maayos na masagutan ang aming ihihandang kwestyoneyr. sa aming mga kaklase na tumulong, sumuporta at pagsama sa amin kung saan kami makakuha ng mga mahahalagang impormasyon upang magamit sa pamanahong-papel na ito, sa aming kani-kaniyang pamilya, sa paggawa ta paghintulot sa amin umuwi sa oras na hindi naming kinagawian matapos lamang ang papel na ito, at higit sa lahat Poong Maykapal, sa pagdinig sa aming mga dalangin lalung-lalo na sa sandaling kami ay pinaghihinaaan na ng pag-asang matapos namin ito ng maayos sa itinakdang-panahon. Muli, maraming-maraming salamat po.

-Mga Mananaliksik

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito na pinamagatang Damdamin, Pananaw at Kaalaman ng mga Estudyanteng sa Unibersidad ng San Agustin Hinggil sa Meningococcemia ay inihanda at iniharap ng pangakat ng mga mananaliksik mula sa CpE-1 na binubuo nina:

Henry Wendam Jr. David Joseph Palao June Miguel Defensor

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Unibersidad ng San Agustin, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Bb. Campos Propesor

TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I, Ang Suliranin at Kagiliran Nito 1. Introduksyon 2. Layunin ng Pag-aaral 3. Kahalagahan ng Pag-aaral 4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 5. Depinisyon ng Terminolohiya Kabanata II, Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura Kabanata III, Metodolohiya Kabanata IV, Kongklusyon at Rekomendasyon Listahan ng mga Sanggunian 1 2 3 3 4

5 7 8 10

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KAGILIRAN NITO

1. Introduksyon Simula pa lamang noong 1980, marami nang naitalang biktima ng

meningococcemia. Ito ay isang karamdamang sanhi ng isang gram-negative baktirya na


tinatawag na neisseria miningitidis (Primer on Meningococcemia, 2005). Ang

baktiryang ito ay naninirahan sa nasal passage ng tao na maaaring maipasa sa iba sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahin, o may malapit na pasikal na ugnayan sa isat-isa (The Medical Advisor, A Complete Guide to Alternative and the Conventional Treatments, 1996). Halos gayon din ang nabanggit ni G. Aldrin Q. Reyes sa isang pakikinayan sa kanya sa Yahoo News. (Pebrero 2, 2013) Ayon sa kanya, ang meningococcemia ay isang sakit na dulot ng isang baktiryang na tinatawag na neisseria Meningitidis. Ito ay isang baktirya at hindi isang vayrus. Nangangahulugang lamang na ang sakit na

meningococcemia ay nakukuha sa pamamagitan ng droplets. Naipapasa lamang ang


droplets sa pamamagitan ng close contact at hindi nabubuhay sa hangin sapagkat ang mga droplets mabibigat, Bumabagsak ang mga ito at kusang namamatay, Hindi rin sila nabubuhay sa walang buhay na bagay tulad ng damit, laruan, tela, sofa, at kung anuano pa. Nabubuhay lamang sila kapag mainit na katawan ng tao ang napasukan nila. Ayon pa kay Reyes, wala rin sa klima ang pagsulpot ng meningococcemia. Sporadic ang sakit na ito. Maging sa ibang lugar ay mayroon ding kaso nito. Kaya lang sa Baguio mas

nakilala ang sakit na ito ay dahil sa pagdagsa ng tao doon na nagresukta ng pagsisiksikan at mas medaling pagpapasa ng baktirya. Ayon naman kay Oski, et al. (1991), ang kalimitang kaso ng meningococcemia ay lumalaabas lamang tuwing taglagas o pagsibol, at ang katumbas na panahon nito sa ating bansa ay sa pagitan ng mga panahong tag-ulan at tag-araw. Samakatwid,

nararapat lamang na mayroong karampatang impormasyon ang mga mag-aaral hinggil sa

meningococcemia sapagkat sa ating panahon ngayon, pabagu-bago ang

temperature ng panahon kaya maaaring sumalakay na ito sa kahit anong oras.

2. Layunin ng Pag-aaral Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay ng inpormasyon hinggil sa meningococcemia at naglalayong matugunan ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang antas na kaalaman ng mga estudyanteng nasa una at ikalawang taon ng Unibersidad ng San Agustin hinggil sa meningococcemia? 2. Anu-ano ang kanilang damdamin, pananaw, at saloobin ukol sa sakit na ito? 3. Sapat ba ang kaalaman ng mga estudyanteng upang maiwaasan o malabanan ang sakit na meningococcemia?

3. Kahalagahan ng Pag-aaral Naniniwala ang mga mananaliksik na napakahalaga ng pag-aaeal na ito. Maaari itong maging basic na kaalaman para sa mga estudyante dahil ang impormasyon dito ay maaari ring maiaplay sa iba pang sitwasyon o sakit. Mahahalaga ang mga impormasyong nakasaad ditto sapagkat malaki ang maitututlong nito, hindi lamang sa mga kasulukuyang mag-aaral kundi pati na rin sa mga mambabasa na maaring naghahanap ng karagdagang impormasyon tungkol sa

meningococcemia.

4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng damdamin, pananaw, kaaalaman ng mga mag-aaaaral hinggil sa meningococcemia. Saklaw nito ang mga estudyanteng nasa una at ikalawang taon sa Unibersidad ng San Agustin sa akademikong 2012-2013. Naniniwala ang mga mananaliksik sa kasalukuyang panahon ang pinakamainam magkaroon ng ganitong pag-aaral upang matugunan ang lumalawak na pagkauhaw sa impormaston hinggil sa meningococcemia hindi lamang ng mga respondent, kundi maging ng publiko at kabuuan.

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat naming bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pamanahong papel na ito: Ang antibiotic ay nanggaling sa salitang antibiosis na unang ginamit noong 1880 upang mailarawan ang kaganapang pagsira sa nabubuhay na organism sa isa pang organism ( Encyclopedia Britannica, 1984) Ang airborne droplets ay mga patak na naglalaman ng baktirya na naipapasa sa isang tao sa pamamagitanng close contact. Ang Benzyl Penicillin ang pinakasimpleng gamot ng meningococcemia na maaring ipainom sa posibleng may sakit na ito. Ang cerebrospinal fluids ay likidong nakukuha mula sa gulud-guluran o spinal column ng tao sa mga bangang batok. Ito ang pinakamainam na gamiting sampol upang madetermina ang sakit na isang tao. Ang close contact ay ang malapitang pagkakaroon ng pisikal na ugnayan o komunikasyon sa isa o higit pang tao. Ang culture ay ang proseso na pagpaparami ng isang organism tulad ng baktirya sa isang kontroladong sitwasyon. Maaaring makuha ang culture sample sa impatches o cerebrospinal fluids.

Ang endotoxin ay nangangahulugang lason sa loob ng katawan na inilalabas ng baktiyang meningitides na nakasisira sa mga daluyan ng dugo. Ang impatches ay mga parte ng katawan na kinakikitaan ng rashes na maaaring sanhi ng meningococcemia o iba pang uri ng sakit. Ito ang ginagamit upang madetermina kung ano nga bang uri ang sakit na dumapo sa tao. Ang meningococcemia ay tumutukoy sa malubhang impeksyon sa katawan ng tao na dulot ng baktiryang neisseria meningitides. (Alhambra, 2005) Ang meningitidis ay pamamaga ng meninges o ng mga joints sa katawan dulot ng baktirya. Ang nasopharyngeal epithelial cells ay isang uri ng lining sa loob ng katawan natin kung saan namamahay ang baktiryang meningococcemia.

KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Marami nang nailathalang mga pananaliksik hinggil sa sakit na meningococcemia. Kahit noong unang digmaang pandaigdig pa lamag ay laganap na ang sakit na ito. Ayon sa librong Microbiology ang Pathology (1993), mas marami pa ang mga kamatayang dulot ng meningococcemia kumpara sa kamatayang dulot ng mismong digmaan. Napakarami nang pananaliksik tungkol sa sakit na ito sapagkat tulad ng ibang uri ng sakit, kailangan ding makahanap ng lunas upang maiwasan ang paglaganap pa nito. Isa sa mga pananaliksik na ito ay ang ginawang disertasyon nila Mahmud Javid, MD ng University of Kansas School of Medicine. Ang kanyang pananaliksik ay pinangalanang Meningococcemia (2002). Ayon kay Javid, ang pasyente na may acute meningococcal infection ay pwedeng magpakita ng isa sa mga tatlong syndromes na ito: meningitis, meningitis na may kasama meningococcemia, o meningococcemia na walang bakas ng meningitis. Ayon sa kanyang pag-aaral, ang mga tao lamang ang tanging hosts ng meningococci o ang vayrus na sanhi ng sakit. Ang organismong ito ay nalilipat sa pamamagitan ng pagsama sa mga airborne droplets ngunit ang direktang pag-iinit sa organism ay nakapapatay dito, Ang nasopharynx ang unang naaapektuhan bago pa man kumalat ang sakit na ito. Ang pagdikit sa nasopharyngeal epithelial cells sa tulong ng pili na magmumula sa meningococci. Kasunod nito ang pagpasok ng vayrus sa dugo at pagkalat sa iba pang bahagi tulod ng meninges o joints s sa buong katawan. Limang

porsyento ang nagiging pangmatagalang tagapagpadala ng sakit at karamihan sa mga ito ay tinatawag na asymptomatic. Sa mga biglaan at pangmalawakang sakit, ang taas ng pagkalat nito ay maaaring umabot sa tatlumput limang porsyento. Inilahad ni Javid (2002) ang ilang mga pisikal na pagbabago kapag ang isang tao ay may meningococcemia. Ayon sa kanya, ang pasyente ay nagtataglay ng tachycardia, mild hypertension, lagnat, petechiae rash sa kili-kili, tagiliran, pagitan ng kamay at braso, at sa pagitan ng paa at binti, congestive heart failure, gallops, at pulmonary o edema, at kahirapan sa paghinga lalo kapag malala na ang sakit. Ang paraan sa panggagamot nito y sa pamamagitan ng antibiotics Kapansin-pansin na ang mga pag-aaral na ginawa ng mga nabanggit sa itaas ay nakatuon lamang sa sakit na meningococcemia. Wala sa mga inilahad na pag-aaral ang nakatuon sa damdamin, pananaw, at antas ng kaalaman hinggil sa sakit na meningococcemia. Samakatwid, masasabing ang pananaliksik na ito ay isang panimulang pag-aaral sa damdamin, pananaw, at kaalaman ng mga estudyanteng sa Unibersidad ng San Agustin hinggin sa sakit na meningococcemia.

KABANATA III METODOLOHIYA Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo sa pamaraang deskriptivanalitik na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang damdamin, pananaw at kaalaman sa meningococcemia ng mga respondente. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng survey sa mga 20 napiling mga estudyanteng sa Unibersidad ng San Agustin na naglalayong makapangalap ng mga impormasyon upang masuri ang damdamin, pananaw at kaalaman ng estudyanteng hinggil sa sakit na meningococcemia at ginawa ang pagsusurvey sa pamamagitan ng

random sampling upang magkaroon ng pantay na representasyon.

KABANATA IV KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON 1 . Kongklusyon Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon: a. Ang kaalaman ng mga estudyante sa Unibersidad ng San Agustin hinggil sa

meningococcemia ay katamtaman lamang.


b. Nababahala naman ang karamihan sa mga respondente hinggil sa pagkalat ng meningococcemia sa bansa. c. Telebisyon ang pinakakaraniwang hanguan ng impormasyon hinggil sa

meningococcemia.
d. Sapat lamang ang ginagawa ng pamahalaan upang malabanan at maipaalam sa mga mamamayan ang meningococcemia. 2. Rekomendasyon Kaugnay ng mga konklusyong nabanggit, buong-pagpapakumbabang inirekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod: a. Para sa pamahalaan paigtingin pa anng dimension ng impormasyon hinggil sa sakit na meningococcemia upang maturuan ang mga mamamayan ng pagiwas sa sakit na ito.

b. Para sa mag-aaral, mas palawakin pa ang inyong mga kaalaman sa sakit na meningococcemia upang maging alerto kayo sa pwedeng mangyari sa inyo dulot ng meningococcemia. c. Sa iba pang mananaliksik, ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-aaral na ito tungo sa pagtuklas ng marami at higit impormasyong maaaring makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa meningococcemia at/o iba pang sakit.

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN Alhambra, Vic Jr. 2005. www.abs-cbnNEWS.com/DZMM Encyclopedia Britannica Macromedia. (Vol. 1 & 6). 1984. Javid, Mahmud. 2002. Meningococcemia. http://www.emedicines.com/med/topic1445.html. Lutwick, Carry I. 1999. Meningococcemia. www.findarticles.com/p/articles/92601 Osci, Frank A. & Stockman, James. 1997. Yearbook of Pediatrics. Chicago Medical Publisher Inc. Smith, Alice Corraine. (Ed.). 1980. Microbiology and Pathology. Chicago: Phoenix Press Inc. The Encyclopedia Americana-International Edition. 1997. USA. Groiler Inc. Webster universal dictionary and thesaurus. 1993. USA: Tormont Publication, Inc.

You might also like