You are on page 1of 1

Earthquake at fire drills sa mga paaralan, ipinag-utos ng DepEd

Inatasan ng Department of Education (DepEd) ang mga pampublikong paaralan na magdaos ng


mga “unannounced earthquake at fire drills” tuwing una at ikatlong linggo ng bawat buwan. 

Layunin nitong matiyak ang kahandaan ng mga estudyante at mga school personnel, sakaling
magkaroon ng lindol o sunog sa mga paaralan.

Sa isang kautusan kamakailan, itinalaga rin ng DepEd ang mga school heads at school disaster
and risk reduction management coordinators upang siyang manguna sa pagpaplano,
implementasyon, at monitoring ng mga drills.

“These drills are to ensure that all learners are properly guided on what should be done during
and after an earthquake or occurrences of fire in schools,” bahagi pa ng kautusan.

“The plan shall specifically lay down the response should there be a scenario involving mass
casualties of learners and personnel,” anang DepEd.

Ipinaliwanag pa ng DepEd na bukod sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga estudyante at mga school


personnel, ang local drills at simulation exercises ay preventive measures din upang maging
pamilyar sila sa escape routes sa mga paaralan at pagpapatupad ng tamang pamamaraan sakaling
magkaroon ng kalamidad.

Samantala, binigyan naman ng DepEd ang mga pribadong paaralan, community learning centers,
at state or local universities and colleges (SUCs/LUCs) ng opsiyon na i-adopt ang mga probisyon
ng kautusan para sa kanilang sariling disaster preparedness plan.
Binigyang-diin ng ahensiya na ang pagkakaroon ng epektibong kahandaan ay makatutulong
upang magligtas ng buhay.

You might also like