You are on page 1of 105

ESP 4 D

A
Paggalang sa Iba Y
1

Quarter 2 Week 6
Balik-aral
Isulat ang Tama kung nagpapakita ng pagiging
bukas palad sa kapwa at Mali kung hindi.
1. Piliin lamang ang mga tutulungan biktima ng
kalamidad.
Balik-aral
2. Tanging pinaglumaang damit lamang ang
ibahaging donasyon.
3. Magboluntaryo sa pag-repack ng mga relief
goods sa DSWD Center.
Balik-aral
4. Tumulong lamang kung may media coverage
sa inyong lokalidad.
5. Patuloy na ipanalangin ang mga nasalanta ng
kalamidad.
Pangganyak
Basahin at magbahagi ng karanasan.
Kailangan ng tao ng oras na ipahinga ang
sarili. Sa mga pagkakataon na nagpapahinga
ang isang tao lalo na sa oras ng pag-aaral
kinakailangan natin siyang igalang.
Paglalahad
Basahing mabuti ang kuwento.
Aming Pinakikinggan, Mahalagang Payo ni
Nanay!
Isinulat ni Agnes D. Nocos
Kalalabas lang mula ospital si Lola Mameng.
Mahigit isang linggo din siya doon dahil sa sakit
na pneumonia.
Paglalahad
Pagkagaling sa ospital, doon muna siya
tumuloy sa bahay ng kaniyang panganay na
anak na si Aling Josefa. May dalawang anak
na lalaki si Aling Josefa. Sila ay sina Marko at
Antonio. Marko: “ Naku! Andito na pala kayo
lola, mano po, kumusta po kayo?
Paglalahad
Lola: “Eto medyo mahina pa ang aking
pakiramdam”. Nasa sala noon ang isa pang
apo ni Lola Mameng na si Antonio at kaibigan
nitong si Dennis at nagkukulitan habang
naglalaro ng chess.
Paglalahad
Antonio: Lola, bakit natagalan kayo sa ospital?
Ahh, lola eto nga po pala si Dennis kaibigan ko
po. Lola: Sinabi ng doktor na kailangan ko
munang manatili doon ng isang linggo para
tuluyan na ang paggaing ko. Aling Josefa:
“Kayong dalawa, kung puwede pakihinaan ninyo
ang inyong boses at huwag ninyong kukulitin ang
inyong lola”.
Paglalahad
Kailangan niyang magpahinga ng mabuti
upang mapabilis ang kaniyang paggaling.
Matapos pagsabihan ni Aling Josefa ang
magkaibigang Antonio at Dennis ay tahimik
na ipinagpatuloy na ng mga ito ang kanilang
paglalaro.
Paglalahad
Iniwasan na muna nila ang kulitan para hindi
nila maistorbo ang kanilang lola Mameng na
noo’y pinagpapahinga na ni Aling Josefa sa
kanilang sild-tulugan. Aling Josefa: “Salamat
sa inyong dalawa at marunong kayong
pakiusapan.”
Paglalahad
Dennis: Walang anuman po Aling Josefa.
Aling Josefa: Sige huwag din muna kayong
pumunta sa kuwarto ng iyong ate at nag-aaral
siya para sa kanyang pagsusulit bukas. Hindi
siya dapat maistorbo.
Paglalahad
Kinabukasan sa silid –aralan ay sabay na
dumating ang magkaibigang Dennis at
Antonio at tahimik itong umupo at nakinig sa
sinasabi ng kanilang guro. Handang –handa na
silang makinig sa mga aralin na tatalakayin ng
kanilang guro para sa araw na iyon.
Pagtatalakay
1. Paano ipinakita nina Antonio at Dennis
ang kanilang pagmamalasakit kay lola
Mameng? 2. Sa iyong palagay, tama ba
ang ginawa ng magkaibigang Antonio
at Dennis? Pangatwiran.
Pagtatalakay
3. Bakit kailangang igalang ang mga taong: a.
nagpapahinga b. may sakit c. nag-aaral d.
pakikinig kapag may nagsasalita o
nagpapaliwanag
Gawain 1
Iguhit ang larawan ng timbangan sa iyong kuwaderno
o sagutang papel, ilagay sa kanang bahagi nito ang
mga bilang ng bagay na nagawa mo na at ginagawa
mo hanggang sa kasalukuyan. Ilagay naman sa kaliwa
ang mga bilang ng mga bagay na hindi mo pa
nagagawa.
Gawain 1
1. Matiyaga kong pinapakinggan ang talumpati
ng panauhing pandangal sa tuwing mayroong
palatuntunan sa aming paaralan.
2. Hinihinaan ko ang volume ng telebisyon kapag
natutulog ang mga kasama ko sa bahay.
Gawain 1
3. May pagsusulit ang aking ate bukas, kaya
hindi muna ako magpapatugtog.
4. Sa kapitbahay muna ako nakikipaglaro dahil
ayaw kong makaistorbo sa aking lolang maysakit.
Gawain 1
5. Iniiwasan ko ang paglalagi sa harapan ng silid-
aralan sa oras ng klase.
Gawain 2
PICTURE ANALYSIS. Panuto: Pag-aralan ang
mga larawan sa bawat sitwasyon at sagutin ang
mga gabay na tanong.
Gawain 2
Paano mo maipakikita ang paggalang sa taong
nagpapahinga o natutulog?
Paglalapat
PICTURE ANALYSIS. Panuto: Pag-aralan ang mga
larawan sa bawat sitwasyon at sagutin ang mga gabay
na tanong.
Paglalahat
Ang paggalang ay karaniwang ikinakabit sa
pagmamano, at paggamit ng po at opo na
ginagawa para sa mga nakatatanda. Subalit
ang paggalang ay kailangangang ibigay sa
lahat anuman ang kanilang gulang o katayuan
sa buhay sapagkat sila ay iyong kapuwa.
Paglalahat
Ang paggalang ay pagbibigay ng mataas na
pagpapahalaga sa isang tao. Mahalaga ang
kanilang kapakanan kaya’t kailangang
isinasaalang-alang ito. Maipapakita mo ito sa oras
ng kanilang pamamahinga, kapag sila ay nag-aaral,
kapag mayroong may sakit at sa pamamagitan ng
pakikinig kapag may nagsasalita o
nagpapaliwanag.
Paglalahat
Sa oras naman na may kapuwa ka batang nag-
aaral, kailangan niya ang katahimikan para mas
lalo niyang maintindihan ang kaniyang ibig
matutuhan. Ang hindi mo pagistorbo sa kaniyang
ginagawa ay naipapakita mo ang paggalang
Pagtataya
Isulat sa patlang ang salitang Wasto kung ang
sitwasyon ay nagpapakita ng paggalang at Di-
Wasto kung hindi.
_____1. Ipinapanalangin ng taimtim ang taong
maysakit.
_____2. Dahan-dahan at maingat na isinasara ang
pinto ng silid- tulugan kapag may natutulog.
Pagtataya
_____3. Ipinapapaliban muna ang paglalaro
kapag may nagpapahinga.
_____4. Hinihinaan ang volume ng telebisyon
dahil natutulog pa ang nakababatang kapatid.
_____5. Hindi ginagambala ang kapuwa batang
nag-aaral.
ESP 4 D
A
Paggalang sa Iba Y
2

Quarter 2 Week 6
Balik-aral
Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang bawat
sitwasyon na nagpapakita ng pagtulong sa
pangangailangan ng iyong kapuwa at ekis (X)
kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno. _____1. Hindi pinansin ni Ella ang
pulubing namamalimos sa kaniya.
Balik-aral
_____2. Ayaw ialok ni Ramon ang kaniyang
upuan sa pasaherong buntis.
_____3. Ibinahagi ni Salve ang kaniyang
pinaglumaang damit sa mga nasalanta ng
bagyo.
Balik-aral
_____4. Malugod na tinanggap ng pamilya
Jacinto ang mag- anak na biktima ng sunog sa
kanilang barangay.
_____5. Pinagmasdan lamang ni Karlo ang
matandang lalaki na may pasang mabigat na
sako ng kamote mula sa bukid.
Pangganyak
Tingnan ang mga larawan sa itaas. Nagpapakita ba
sila ng
paggalang sa kapwa? Ikaw ba ay batang
magalang? Ikaw ba ay tahimik sa tuwing may
natutulog pa na miyembro ng iyong pamilya?
Paglalahad
Basahin ang kuwento sa ibaba.
Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.
Paggalang Palaging Isaalang-alang

Sa loob ng kanilang tahanan, araw-araw


ay naghihintay ang batang si Ben sa pag-uwi ng
kaniyang nanay na isang front liner na
nagtatrabaho sa isang ospital bilang nars.
Paglalahad
Dalawang buwan na mula ng ito ay hindi
nakakauwi sa kanila at labis na ang
pangungulila niya sa kaniyang nanay.
Isang araw, sinabi ng tatay ni Ben ang
balitang kaniyang pinakahihintay: “Ben, anak,
ang iyong nanay ay uuwi na bukas.”
Tuwang-tuwa si Ben at napatalon siya sa balita ng
kaniyang tatay.
Paglalahad
“Anong oras po siya darating?
Sabik na sabik na kong makapiling sya!”
masayang tanong ni Ben sa kanyang tatay. “Ngunit
hindi pa natin sya maaaring makasama. Kailangan
nating pumunta sa bahay ng iyong lolo at lola at
doon tayo mananatili.
Paglalahad
Ang iyong nanay ay mag-isa muna ditong titira sa
ating tahanan,” tugon ng
kaniyang tatay. Nawala ang matamis na ngiti sa
mukha ni Ben at napaluha at sinabing: “Tay, bakit
po? Bakit kailangan po nating umalis sa sarili
nating bahay?
Paglalahad
Ano pong nangyari kay nanay?” patuloy na tanong
ni Ben. “Anak, kailangan nating respetuhin ang
kahilingan ng iyong nanay, kailangan niya ng
mamahinga dito sa ating bahay sa loob ng labing-
apat na araw para sa kaniyang quarantine at siya
ay galing sa ospital at kailangan niya ng
magpahinga.
Paglalahad
At isa pa, ito rin ang bilin ng mga taga barangay at
munisipyo,” paliwanag ng tatay. Lalong bumuhos
ang luha ni Ben at malungkot na tinanong: ”Kailan
po natin muling makakapiling si nanay? Yung mga
kaibigan ko kasama ang kanilang nanay kahit
lockdown tapos ako matagal naghintay at hindi pa
rin siya makakasama.”
Paglalahad
Mahinahong tumugon ang kaniyang tatay: “Anak,
kailangan lamang ay matapos ang quarantine ng
iyong nanay at kapag siya ay makapagpahinga na
at pinahintulutan na ng doktor ay maaari na
rin natin siyang makapiling sa loob ng ating
tahanan.”
Paglalahad
Pinunasan ni Ben ang kaniyang luha at sinabing:
“Kung ganun ay rerespetuhin ko po ang kahilingan
ni nanay at makikinig po ako sa inyong mga
sinabi. Ang tanging magagawa ko para kay nanay
ay paghandaan ang kaniyang pagdating dito.
Paglalahad
Tutulong po ako tatay, lilinisan ko po ang inyong
kwarto at ang ating palikuran ng sa pagdating ni
Nanay ay wala na siyang kailangang intindihin
kundi ang magpahinga at magpagaling.” Niyakap
si Ben ng kaniyang ama at sinabing: “Anak,
maraming salamat sa pag-unawa
at pagrespeto sa kahilingan naming sa iyo.
Paglalahad
Natutuwa ako na may kusang loob ka na tumulong
para sa ikabubuti ng iyong nanay. Tiyak na
matutuwa ang iyong
nanay kapag nalaman niya ito. Ito ay
makakatulong sa kaniyang pagpapagaling.”
Paglalahad
Makalipas ang labing-apat na araw ng
quarantine, ang nanay ni Ben ay binigyan na ng
clearance ng Municipal at Baranggay Health
Office. Sa pahintulot ng doctor ay nakabalik at
muling nakapiling ang kaniyang nanay. Labis ang
kaligayahan at galak ni Ben.
Pagtatalakay
1. Sino ang matagal ng inaantay ni Ben?
2. Ano ang trabaho ng nanay ni Ben?
3. Bakit hindi maaring makapiling agad ni Ben
ang kanyang nanay sa
pag-uwi nito?
Pagtatalakay
4. Anong magandang pag-uugali ang ipinakita
ni Ben?
5. Kung ikaw si Ben, tutularan mo ba ang
ginawa niya? Bakit?
Gawain 1
Iguhit ang puso sa iyong kuwaderno o sagutang papel,
ilagay sa kanang bahagi nito ang mga bilang ng bagay
na nagawa mo na at ginagawa mo hanggang sa
kasalukuyan. Ilagay naman sa kaliwa ang mga bilang
ng mga bagay na hindi mo pa nagagawa.
1. Nakikinig ako nang mabuti sa mga panuto na
sinasabi ng namumuno sa palaro.
Gawain 1
2. Iginagalang ko ang nagsasalita kahit hindi ko
nagugustuhan ang kaniyang sinasabi
3. Tumitigil ako sa aking ginagawa upang
pakinggang mabuti ang sinasabi ng aking nanay.
Gawain 1
4. Kailangang maunawaan kong mabuti ang
tinatalakay ng aming guro dahil magbibigay siya
ng pagsusulit bukas.
5 Mahinang mahina lang ang pag-uusap namin ng
aking kuya dahil may online class ang aming
gurong nanay.
Gawain 2
Paano mo maipakikita ang paggalang sa mga
batang nagpapahinga o natutulog sa kalye?
Paglalapat
PICTURE ANALYSIS. Panuto: Pag-aralan ang mga
larawan sa bawat sitwasyon at sagutin ang mga gabay
na tanong.

Sang-ayon ka ba sa inasal ng dalawang bata sa


larawan? Bakit? 2. Kung makakasaksi ka rin ng katulad
na tagpo, ano ang iyong gagawin? Bakit?
Paglalahat
Ang paggalang ay karaniwang ikinakabit sa
pagmamano, at paggamit ng po at opo na
ginagawa para sa mga nakatatanda. Subalit
ang paggalang ay kailangangang ibigay sa
lahat anuman ang kanilang gulang o katayuan
sa buhay sapagkat sila ay iyong kapuwa.
Paglalahat
Ang paggalang ay pagbibigay ng mataas na
pagpapahalaga sa isang tao. Mahalaga ang
kanilang kapakanan kaya’t kailangang
isinasaalang-alang ito. Maipapakita mo ito sa oras
ng kanilang pamamahinga, kapag sila ay nag-aaral,
kapag mayroong may sakit at sa pamamagitan ng
pakikinig kapag may nagsasalita o
nagpapaliwanag.
Paglalahat
Sa oras naman na may kapuwa ka batang nag-
aaral, kailangan niya ang katahimikan para mas
lalo niyang maintindihan ang kaniyang ibig
matutuhan. Ang hindi mo pagistorbo sa kaniyang
ginagawa ay naipapakita mo ang paggalang
Pagtataya
Isulat sa patlang ang salitang Wasto kung ang
sitwasyon ay nagpapakita ng paggalang at Di-
Wasto kung hindi.
_____1. Nakikipaghabulan sa kamag-aral habang
nagbibigay ng mensahe ang panauhing pandangal.
Pagtataya
_____2. Tahimik na nakikinig sa guro sa oras
ng talakayan.
_____3.Pasigaw na tinatawag ang kapatid
kahit may nagpapahinga sa silid-tulugan.
Pagtataya
_____4.Kinukuha nang walang paalam at
pinaglalaruan ang kwaderno ng kamag-aral.
____5. Ginigising ang magulang na
nagpapahinga upang sagutin ang tawag sa
telepono.
ESP 4 D
A
Paggalang sa Iba Y
3

Quarter 2 Week 6
Balik-aral
Isulat ang Tama o Mali ang ipinahahayag sa
bawat bilang.
1.Maging bukas palad ang isip at puso sap ag-
unawa sa kalagayan ng ibang tao.
2. Maging mapanghusga sa pinagdadaanan ng
iyong kapuwa.
Balik-aral
3. Isaisip ang pagdamay sa kapuwa sa anumang
oras at sa lahat ng pagkakataon.
4.Sisihin ang kaibigan sa kalagayan na
kaniyang kinakaharap at sabihing wala ng
solusyon sa kaniyang problema.
Balik-aral
5. Ang pagpapala ng Diyos ay palaging
ibinibigay sa mga taong nakakaunawa sa
kalagayan o pangangailangan ng ibang tao.
Pangganyak
Tingnan ang mga larawan sa itaas. Nagpapakita ba
sila ng paggalang sa kapwa? Ikaw ba ay batang
magalang? Inaabala mo ba ang mga nag-aaral sa
inyong bahay?
Paglalahad
Gumawa ng isang awit (maaring rap) na
nagpapakita ng paggalang o pagpapahalaga sa
mga taong lansanagan na nagpapahinga sa
daan o kalye.
Pagtatalakay
Pag-isipan at sagutin ang sumusunod.
Naglalakad ka sa kalye. Sa madilim na bahagi ng
daan, Nakita mo ang isang batang maruingis na
natutulog sa malamig na semento gamit ang
isang karton.
Ano ang dapat mong gawin upang hindi maabala
ang kaniyang pamamahinga?
Gawain 1
Pag-aralan ang sitwasyon sa bawat
larawan. Isulat kung ano ang ipinapakita ng
bawat larawan.
Gawain 2
Paano mo maipakikita ang paggalang sa mga
alagang hayop na nagpapahinga o natutulog?
Paglalapat
Gumuhit ng isang malaking puso. Isulat sa loob ng puso
ang salita o bagay ba sumasalamin sa Karapatan o
pangangailangan ng taong nagpapahinga.
Halimbawa: tahimik na paligid.
Paglalahat
Ang paggalang ay karaniwang ikinakabit sa
pagmamano, at paggamit ng po at opo na
ginagawa para sa mga nakatatanda. Subalit
ang paggalang ay kailangangang ibigay sa
lahat anuman ang kanilang gulang o katayuan
sa buhay sapagkat sila ay iyong kapuwa.
Paglalahat
Ang paggalang ay pagbibigay ng mataas na
pagpapahalaga sa isang tao. Mahalaga ang
kanilang kapakanan kaya’t kailangang
isinasaalang-alang ito. Maipapakita mo ito sa oras
ng kanilang pamamahinga, kapag sila ay nag-aaral,
kapag mayroong may sakit at sa pamamagitan ng
pakikinig kapag may nagsasalita o
nagpapaliwanag.
Paglalahat
Sa oras naman na may kapuwa ka batang nag-
aaral, kailangan niya ang katahimikan para mas
lalo niyang maintindihan ang kaniyang ibig
matutuhan. Ang hindi mo pagistorbo sa kaniyang
ginagawa ay naipapakita mo ang paggalang
Pagtataya
Basahin at unawain ang bawat pahayag.
Lagyan ng masayang mukha ( ) ang Hanay B kung ito
ay madalas na ginagawa at malungkot na mukha ( )
naman kung hindi.
1. Hindi nililipat ang channel ng TV
hangga’t hindi pa tapos manood ang iba.
Pagtataya
2. Iniiwasan ang pakikipaglaro sa mga
kaibigan sa panahon ng pagsusulit.
3. Tumitigil sa paglalaro kapag may
nagpapahinga o may sakit.
Pagtataya
4. Marahan sa pagsasara ng pinto at
pagkilos kapag may natutulog.
5. Pinagsasabihan ang mga kalaro o ibang bata
kapag
nakakaabala ang ingay nila sa nagpapahinga.
ESP 4 D
A
Paggalang sa Iba Y
4

Quarter 2 Week 6
Balik-aral
Buuin ang konsepto.
Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.
Ang bawat isa sa atin ay may mga ____ na
kinakaharap sa buhay. Subalit, sa mura mong
isip ay dapat mong malaman kung paano ito
haharapin.
Balik-aral
Kaugnay ng pagharap sa mga suliraning ito ay
ang kakayahan mong ____ ang kalagayan ng
iyong ____. Ito din ang isang mabisang paraan
upang matuto kang ____ sa mga
nangangailangan.
Balik-aral
Sa mura mong edad ay nararapat mong
malaman kung paano makapagpapakita ng pag-
unawa sa kalagayan o ____ ng kapuwa.
Pangganyak
Tingnan ang mga larawan sa itaas. Nagpapakita ba
sila ng paggalang sa kapwa? Ikaw ba ay batang
magalang? Ikaw ba ay tahimik sa tuwing may
natutulog pa na miyembro ng iyong pamilya?
Paglalahad
Sa pamamagitan ng sayaw, ipakita ang
paggalang sa tao na gustong mapag-isa upang
magmuni, magdasal o makiisa sa kaniyang
Diyos.
Pagtatalakay
Pag-isipan at sagutin ang sumusunod.
Namamasyal ka sa isang lugar na maraming puno.
Napansin mo na sa itaas ng puno ang isang ibon na
nakalimlim sa kanyang pugad. Ano ang iyong
gagawin?
Gawain 1
Pag-aralan ang sitwasyon sa bawat larawan.
Isulat kung ano ang ipinapakita ng bawat
larawan.
Gawain 2
Paano mo maipakikita ang paggalang sa
kapamilya na nag-aaral sa bahay?
Paglalapat
Gumawa ng isang poster na nagpapakita kung
ano ang paggalang na dapat ibigay sa taong may
sakit.
Halimbawa: hayaan siyang makapagpahinga.
Paglalahat
Ang paggalang ay karaniwang ikinakabit sa
pagmamano, at paggamit ng po at opo na
ginagawa para sa mga nakatatanda. Subalit
ang paggalang ay kailangangang ibigay sa
lahat anuman ang kanilang gulang o katayuan
sa buhay sapagkat sila ay iyong kapuwa.
Paglalahat
Ang paggalang ay pagbibigay ng mataas na
pagpapahalaga sa isang tao. Mahalaga ang
kanilang kapakanan kaya’t kailangang
isinasaalang-alang ito. Maipapakita mo ito sa oras
ng kanilang pamamahinga, kapag sila ay nag-aaral,
kapag mayroong may sakit at sa pamamagitan ng
pakikinig kapag may nagsasalita o
nagpapaliwanag.
Paglalahat
Sa oras naman na may kapuwa ka batang nag-
aaral, kailangan niya ang katahimikan para mas
lalo niyang maintindihan ang kaniyang ibig
matutuhan. Ang hindi mo pagistorbo sa kaniyang
ginagawa ay naipapakita mo ang paggalang
Pagtataya
Lagyan ng tsek (/) kung ito ay naranasan mo
nang gawin at ekis (x) kung hindi pa
naranasang gawin.
1.Tahimik na nag-aalay ng panalangin sa
kaibigang kukuha ng pagsusulit sa board.
Pagtataya
2. Maingat na isinasara ang pinto kapag may
natutulog.
3. Tumigil sa paglalaro at pag-iingay kapag
may nagpapahinga.
Pagtataya
4. Pinagsabihan ang mga kamag-aral o
kaibigan na huwag maingay dahil natutulog
ang nakababatang kapatid.
5. Inaaliw ang mga nag-aaral nang hindi
naabala ang kanilang pag-aaral.
ESP 4 D
A
Paggalang sa Iba Y
5

Quarter 2 Week 6
Balik-aral
Buuin ang mahalagang kaisipang ito.
Ang pagighing ____ ay pagbibigay ng bukal sa
kalooban. Ito rin ay pagbibigay ng anumang tulong
sa kapuwang nangangailangan nang hindi
naghahangad ng anumang ____.
Balik-aral
Ito ay ____ ng anumang abot-kaya na may galak at
saya.
Ang mga ____ ay katulad ng pagbabahagi sa
pulubi ng pagkaing nakalaan para s aiyo. Maari
ring maipakita ang pagiging bukas-palad sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng mga sariling
damit sa mga ____ ng bagyo at baha.
Balik-aral

Nasasalanta
Bukas-palad
Pagbabahagi
Kapalit
Munting gawa ng kabutihan
Pangganyak:
Tingnan ang mga larawan sa itaas. Nagpapakita ba
sila ng paggalang sa kapwa? Ikaw ba ay batang
magalang? Inaabala mo ba ang mga nag-aaral sa
inyong bahay?
Paglalahad
Ipakita sa pamamagitan ng pantomina ang
paggalang sa mga alagang hayop na
nangangailangan din ng paggalang sa
kanilang pamamahinga lalo na kung ang mga
ito ay may sakit.
Pagtatalakay
Pag-isipan at sagutin ang sumusunod.
Naiwan mo sa loob ng silid-tulugan ng iyong
magulang ang baon mo sa pagpasok sa
eskwelahan. Alam mo na ang iyong nanay na
may sakit ay natutulog sa silid. Ano ang iyong
gagawin?
Gawain 1
Surrin ang larawan. Tama ba ang ginagawa ng
mga batang naglalaro?
Paano mo maipapakita ang paggalang sa
nagpapahinga?
Gawain 2
Paano mo maipakikita ang paggalang sa
kapamilya na nag-aaral sa silid-aklatan?
Paglalapat
Gumawa ng isang slogan na nagsasad ng
paggalang sa batang nag-aaral.
Paglalahat
Ang paggalang ay karaniwang ikinakabit sa
pagmamano, at paggamit ng po at opo na
ginagawa para sa mga nakatatanda. Subalit
ang paggalang ay kailangangang ibigay sa
lahat anuman ang kanilang gulang o katayuan
sa buhay sapagkat sila ay iyong kapuwa.
Paglalahat
Ang paggalang ay pagbibigay ng mataas na
pagpapahalaga sa isang tao. Mahalaga ang
kanilang kapakanan kaya’t kailangang
isinasaalang-alang ito. Maipapakita mo ito sa oras
ng kanilang pamamahinga, kapag sila ay nag-aaral,
kapag mayroong may sakit at sa pamamagitan ng
pakikinig kapag may nagsasalita o
nagpapaliwanag.
Paglalahat
Sa oras naman na may kapuwa ka batang nag-
aaral, kailangan niya ang katahimikan para mas
lalo niyang maintindihan ang kaniyang ibig
matutuhan. Ang hindi mo pagistorbo sa kaniyang
ginagawa ay naipapakita mo ang paggalang
Pagtataya
Lagyan ng tsek (/) kung ito ay naranasan
mo nang gawin at ekis (x) kung hindi pa
naranasang gawin.
1.Iniiwasan ang pamamasyal sa bahay ng
kaibigan sa oras ng kanilang
pamamahinga.
Pagtataya
2. Hinihintay na matapos ang
pagpapahinga ng kapatid bago
magpatugtog ng paboritong maiingay na
musika.
3. Tahimik na hinihintay ang kaibigan sa
labas ng kanilang simbahan para
makipaglaro.
Pagtataya
4. Iniiwasan ang pangungulit sa taong
nagpapahinga o natutulog.
5. Hindi ginigising ang magulang na
nagpapahinga upang sagutin ang tawag sa
telepono.

You might also like