You are on page 1of 4

Pagsulat sa Filipino Sa Piling Larang Akademik

Kuwarter 2 – Module 1

Larawang Sanaysay

Pangalawang Proyekto :

Sumulat ng
Larawang Sanaysay

Isinumite ni:
Christina P. Lumiguid 12- Aguinaldo

Isinumite kay:
Bbng. Listely Vasquez
“Pagtuloy parin ang Ilaw sa gitna ng Dilim”:
Ang Buhay Mag-aaral ng Modular Distance Learning

Dahil sa pag-usbong ng pandemya naging malaking hamon para sa mg kabataang mag-aaral ang
pagpapatuloy ng kanilang edukasyon. Kung kaya't upang maipagpatuloy ito, ang departamento ng DepEd ay
lumikha ng isang “New Normal Distance Learning” nang sa ganoon masisigurado rin ang pagpapatuloy ng
edukasyon ng mga kabataan kahit sa loob ng mga tahanan at masigurado ang kanilang kaligtasan.
Sa katunayan, hindi madali para sa akin ang buhay mag-aaral lalo na’t tayo ay nasa panahon ng
pandemya sa ilalim ng Modular Distace Learning. Ngunit, walang mahirap na pagsubok sa isang determinadong
mag-aaral para sa akin dahil, kung gusto mayroon talagang paraan.
Simula sa pagkuha ng aking modyul sa paaralan tunay talagang mahigpit ang implementasyon ng
palituntuning – pangkalusugan. Sa pagpasok mahigpit na kinukuha muna ang mga mahahalagang impormasyon
para sa “contact tracing. Kinukuha muna ang iyong temperatura na dapat hindi lalagpas sa 37°C, pangalan,
lugar na iyong pinanggalingan, ang iyong sadya sa paaralan, oras ng iyong pagpasok sa paaralan at pati na rin
ang oras ng paglabas mo. Nararapat rin ang bawat isnag papasok ay mag-disinfect gamit ang alcohol.

Ang implementasyon ng mga nasabing alintuntunin ay makikita rin sa bawat silid-aralan na iyong papasukan
upang kumuha at mag-balik ng mga modyul. Ito ay striktong ipinatutupad at dapat lahat ay sumunod.
Ayon sa alintuntunin mula sa DepEd para sa gabay ng mga mag-aaral at magulang sa Modular Distnce
Learning. Mahalaga na magkaroon ng sariling “study area” ang siang mag-aaral na nararapat na ito ay
maaliwalas, malinis at malayo sa mga gambala.
Wala talagang madaling daan patungo sa pangarap pero, l iyon ang ibig-sabihin na tayo ay nang dapat.
Ang pagkakamali ay hindi rin basehan na hindi na magtatagumpay. Ito ay pag-subok lamang at ito ang aying
basehan upang tayo ay umunlad, #PadayonEdukalidad.

You might also like