You are on page 1of 1

EDITORYALEditoryal:Edukasyon Pagkatapos ng Pandemya Dapat Pagtuunan ng Pansin ng

DepEdMaraming pag-aaral hinggil sa kalagayan ng edukasyon ngayong panahon ng pandemya ang


kasalukuyang ginagawa ng iba’t-ibang grupo upang mabatid kung talaga nga bang may natututunan ang
mga mag-aaral sa pamamagitan ng “distance learning” pangunahin na ang “blended learning” modality.
Gusto ring malaman ng mga opisyales ng Kagawaran ng Edukasyonbase sa resulta ng iba’t-ibang
ebalwasyon kung ang pagpapaiksi sa saklaw na kompitensi sa bawat asignatura sa pamamagitan ng
pagtuturo ng Most Essential Learning Competencies (MELCs) ay nakatulong ng malaki sa higit na
pagkatuto ng mga mag-aaral.Isang mahalagang hakbang ang gayong mga pag-aaral at pagsusuri para
makita ang pangkalahatang larawan ng ipinapatupad na Basic Education Learning Continuity Plan (BE-
LCP) ng Kagawaran at para mapunan ang mga “learning gaps” at masolusyonan sa lalong madaling
panahon ang ilang mga nakikitang problema o kakulangan.Sa kabilang banda, kinakailangang maging
“futuristic” ang approach ng Kagawaran sapagkat ang pinakamahalaga sa ngayon ay kung anong uri ng
edukasyon ang mayroon sa bansanatin pagkatapos ng pandemya. Ibig sabihin lamang nito na dapat
ituon ang pansin sa mga ipinapatupad na program sa ngayon na may layong paghandaan ang magiging
eksena ng edukasyon pagkatapos ng pandemya. Isa itong hamon sa bawat paaralan at pamayanan hindi
lang ng DepEd at gobyerno. Upang magawa ito, kinakailangan ang malalimang pagsusuri sa mga sistema,
struktura atprograma ng DepEd. Ang pamamaraan ng pagsusuri ay kinakailangang makatotohanan at
suportado ng mga totoong datos, hindi gawa-gawa o haka-haka lamang. Kinakailangan ang konsultasyon
sa iba’t-ibang grupo ng stakeholders hanggang sa lebel ng mga paaralan.Sa paggawa nito, mas
magkakaroon ng malalim na basehan ang Executive Committee ng DepEd bago ipatupad ang mga
programa na naglalayong maihanda ang bawat paaralan sa pagpapatupad ng edukasyon pagkatapos ng
pandemya. Halimbawa, baka hindi na kinakailang ang pagpapatayo ng maraming school building kung
modified face-to-face learning naman ang nakikitang dapat ipatupad. Pwedeng ilaan na ngayon ang
ibang Capital Outlay o pondo para sa mga struktura at ekwipment sa WinS (WASH in Schools) facilities.
Kailangang, magpatayo na rin ng mga struktura na may layuning makontrol o maapula ang paglaganap
ng virus gaya ng CoVid-19 gaya ng hand-washing at disinfection facility at visitors’ holding area sa bawat
paaralan. Kailangang pagtuunan na rin ng pansin ang internet connectivity maging sa mga liblib na
paaran. Kung kilakailangang magpatayo ang DepEd ng sariling antenna o tower lalo na kapag kaya
naman ng badyet, dapat na nitong gawin sa lalong madaling panahon. Nakikita na mas malaking
katipiran ito sapagkat kung lahat na ng mga modyul at Learning Activity Sheets ay pawang soft copies na
lang at makukuha na lang ng mga mag-aaral sa learning portal ng bawat paaralan o sa messenger at
google drive para kanilang klase. Lilimitahan din nito ang di

kinakailangang face-to-face encounter na siyang dahilan ng pagkalat ng virus sa ngayon at maraming


guro ang nagkasakit at ang iba ay namatay pa nga dahil sa CoVid.Ilan lamang ang mga ito sa mga
kinakailangang asikasuhin ng Kagawaran upang masiguroang tuloy-tuloy at de-kalidad na edukasyon
pagkatapos ng pandemya. Sabihin pa, ang kahandaan ng DepEd ngayon sa pagpapatupad ng edukasyon
sa mga susunod na taon ay isang napakahalaga at napapanahong hakbang.

You might also like