You are on page 1of 4

Pagsusuri sa Benepisyo ng “Time Management” sa mga Mag-aaral ng SJDEFI STEM 11-

BFO sa panahon ng Onlline Learning, Taong Panuruan 2020-2021

Isang Pamanahong-papel na Iniharap sa Kaguruan ng Kagawarang Filipino,


San Juan de Dios Education Foundation Inc.- College
2772-2774 Roxas Boulevard, Pasay City, Philippines

Bilang pagpatupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Sabjek sa


Pagbabasa at Pagsusuri

nina:

Abril, 2021
Kabanata 1
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
1.1 Introduksyon

Maraming mga mag-aaral sa henerasyon na ito ang madalas na minamadali ang kanilang
mga gawain sa eskwelahan katulad ng mga proyekto at takdang aralin. Marami rin ang
nagpupuyat upang mag-aral para sa mga pagsusulit kinabukasan. Ang pagmamadali ay walang
resultang maayos at maganda. Kailangan ang mga bagay na ginagawa natin ay planado at naka-
ayos.

Ang Time Management ay ang pagsasaayos at pagpaplano kung paano mo hahatiin ang
iyong oras upang magawa ang lahat ng mga dapat gawin. Malaki ang naitutulong ng Time
Management kung ito ay iyong gagawin. Mas marami ang mga gawaing matatapos sa loob ng
maikling panahon at hindi naghahabol ng oras.

Malaki ang epekto ng pagkakaroon ng time management sa mga estudyante. Ngunit ito
rin ay maaaring magkaroon ng dalawang posibleng epekto: ang positibo at negatibong epekto.
Nakaka-apekto ang pandemya sa pamamahala ng mga mag-aaral sa kanilang oras sa pag-aaral
dahil maraming hadlang ang nakapaligid sa kanila sa kani-kanilang mga tahanan gaya na lamang
ng maingay na kapaligiran, online games, kawalan ng espasyo, at mga gawain sa bahay. Inaabala
at inaalis nito konsentrasyon ng mga mag-aaral sa pagganap nila sa klase. Kadalasang
nahahalina at mas binibigyang pansin ito ng mga kabataan at nagiging sanhi ng pagbaba ng
kanilang marka dahil sa kanilang paggagahol o pag-aapura ng mga gawain.

Nalilimitahan ng bawat estudyante ang kanilang oras kung sila at mayroong time
management sa kanilang mga gawain. Mahalaga ang pagkakaroon ng time management sa
bawat mag-aaral upang maiwasan nila ang stress dahil sa mabibigat na gawain sa paaralan pati
na rin ang kanilang mga pansariling gawain. Ang pagkakaroon ng time management ay isang
importante at magandang kasanayan na makakatulong sa pagkamit ng layunin sa mga
mabibigat na gawain ng mga estudyante.
1.2 Layunin ng Pag-aaral
Nilalayon ng pag-aaral na ito na masuri ang mga Benepisyo ng Time Management sa mga
Mag-aaral ng SJDEFI sa STEM 11-BFO sa panahon ng Online Learning taong Panuruan 2020-
2021. Partikular, hihilingin nito na sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:

1.) Ano ang mga kaugalian sa pag-aaral na ginagamit ng mga mag-aaral sa STEM 11-BFO
ng SJDEFI?

2.) Ang "Time Management" ba ay kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral ng SJDEFI sa STEM


11-BFO sa panahon ng Onlline Learning?

3.) Nakatutulong ba ang pagkakaroon ng time management sa mga estudyante upang


magkaroon ng mataas na marka?

4.) Ano ang mga naging Benepisyo ng “Time Management” sa mga mag-aaral ng SJDEFI sa
STEM 11-BFO sa panahon ng Online Learning sa kanilang:

A. Pag-aaral

B. Sarili

C. Pamilya

1.3 Kahalagahan ng Pag-aaral


Ang napapanahong papel na ito na pinamagatang, “Pagsusuri sa Benepisyo ng “Time
Management” sa mga Mag-aaral ng SJDEFI STEM 11-BFO sa panahon ng Online Learning,
Taong Panuruan 2020-2021” ay magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral, ang pag-aaral na ito ay magsisilbing dahilan upang gamitin ang
“Time Management” sa kani-kanilang sarili at malinawan sa kung ano ang mga benepisyo nito.

Sa Ibang mga Kabataan, ang mga batang ito ay makakuha ng mga bagong pananaw sa
kung gaano kapaki-pakinabang ang “Time Management” para sa kanilang mga sarili.

Sa mga Guro(faculty/administrative members members), ang papel-pananaliksik na


ito ay magsisilbing gabay sa pag balangkas ng mga programa ukol sa “Time Management” para
sa mga estudyante.
Sa mga susunod na Mananaliksik, ang papel-pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay
nila sa pag-aaral ng mga pananaliksik na nauugnay sa paksang iniimbestigahan nila. Ito rin ang
magbibigay ideya upang makabuo ng bagong paksa.

1.4 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral


Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay makakuha ng tamang mga impormasyon
patungkol sa mga benepisyo ng “Time Management” sa mga mag-aaral ng SJDEFI. Ang mga
respondante ng pananaliksik na ito ay lilimitahan lamang sa tatlumpung (30) mag-aaral mula sa
STEM 11-BFO na (enrolled) sa taong akademikong 2020-2021 ng SJDEFI.

Lilimitahan ng pananaliksik na ito ang pag-aaral nito sa mga benepisyo ng “Time


Management” sa mga mag-aaral ngayon panahon ng Online Learning. Ang sarbey na ibibigay sa
mga mag-aaral ay binubuo ng mga naangkop na katanungan. Sa pamamagitan ng mga kalahok sa
pagnanaliksik, magbibigay ito ng sapat na impormasyon/datos upang mapunan ang mga layunin
ng pananaliksik. Ang bawat tagasagot ay bibigyan ng parehong mga katanungan upang sagutan.

1.5 Depenisyon ng mga Termonolohiya


Time Management- pagpaplano upang mahati ang oras para sa iba’t ibang bagay.
Online Learning- pag-aaral sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya tulad ng smartphone

Stress - isang pakiramdam ng pisikal o emosyonal na tugon sa mga magbibigat na pangyayari.


SJDEFI- San Juan de Dios Educational Foundation Incorporated

You might also like