You are on page 1of 8

Epekto ng Pamamahala ng Oras sa Pang-akademikong Performans ng mga Piling

Mag-aaral sa Kolehiyo ng Our Lady of Fatima University

Ipinasa nila:

Catle, Riccah Mae C.

Del Rosario, Rowena Faye

Tiamson, Jaezl Ann

Kurso at Seksyon:

BS MLS 2Y1-3

Ipinasa kay:

Gng. Jeraline G. Gealan

Disyembre 2020

Talaan ng Nilalaman

I. Paksa

II. Rasyonal at Layunin

III. Pamamaraan

IV. Panimula

V. Pagtatalakay
VI. Lagom

VII. Konklusyon

VIII. Rekomendasyon

IX. Talaan ng Sanggunian


Epekto ng Time Management sa Pang-akademikong Performans ng mga Piling

Mag-aaral na Kolehiyo ng Our Lady of Fatima University

I. PAKSA

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa kung ano ang maaaring maging epekto ng

pagkakaroon o kakulangan ng pamamahala ng oras sa pag-aaral o akademikong

performans ng mga kolehiyong estudyante ng Our Lady of Fatima University.

II. RASYONAL AT LAYUNIN

Mahalaga ang paksang ito dahil marami sa mga estudyante na kolehiyo ang nakakaranas

ng hirap sa pagkakaroon o paglalaan ng wastong oras sa kanilang pag-aaral at iba pang

mga gawain sa eskwelahan. Ang pamamahala ng oras ay isa sa pinaka-importanteng salik

sa pag-aaral sapagkat ito ay nakakatulong upang mabawasan ang pagkataranta ng isang

estudyante sa dami ng gawain at isa rin itong susi sa pagiging matagumpay hindi lamang

sa akademya ngunit gayundin sa iba pang aspeto ng buhay.

Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na katanungann:

a. Ano ang mga epekto ng pagkakaroon ng maayos at di maayos na pamamahala ng

oras sa pag-aral ng mag-aaral?

b. Nakakaapekto ba ang kurso na kinuha ng estudyante sa pagsasaayos ng oras o

pagkakaroon nila ng pamamahala ng oras?

c. Ano ang mga paraan para maiwasan ang mga bagay na maaaring makapagresulta

sa di maayos na pamamahala ng oras para sa mga gawaing pang-akademiks?


d. Ano ang mga dahilan kung bakit kailangan malaman ng bawat mag-aaral ang

kahalagahan ng pagkakaroon ng pamamahala ng oras?

III. PAMAMARAAN

Isinagawa ang pananaliksik na ito sa pamamaraan ng quota sampling sa pamamagitan ng

pagbigay ng sarbey sa mga sakop ng saklaw ng pag-aaral na ito- mga piling mag-aaral ng

kolehiyo ng Our Lady of Fatima University. Isinigurado na ang mga sarbey na ibinigay

ay akma at ang mga katanungan ay may kaugnayan sa paksa.

IV. PANIMULA

Ang Epekto ng Pamamahala ng Oras sa Pang-akademikong Performans ng mga Piling

Mag-aaral na Kolehiyo ng Our Lady of Fatima University ay tumutukoy sa mga

maaaring epekto ng pamamahala sa oras o time management sa pag-aaral ng estudyante

ng Our Lady of Fatima University.

Ang oras ay importante sa kahit sinumang tao, mapa-propesyunal o mag-aaral. Dito

nakapaloob lahat ng gawain ng isang tao, kung kailan ito magsisimula at matatapos.

Isinasagawa ang pananaliksik na ito upang malaman kung mayroon bang naidudulot na

positibo o negatibo na epekto ang pagsasaayos at pagbabalanse ng oras ng mag-aaral sa

kolehiyo sa kanilang akademikong performans. Ang akademikong performans ng isang

estudyante ay isang pagsukat sa kung saan ang lebel ng pag-iintindi, pagkaunawa, at

pagsasaulo nila ay nailalahad sa numero.


Nais ng mga mananaliksik na matukoy ang mga epektong ito sa kadahilanan na

makapagtaguyod ng wasto at maaasahang impormasyon sa mga estudyante ng kolehiyo

na maaari makatulong sa kanilang pag-aaral.

V. PAGTATALAKAY

Ayon sa blog ng Maglakad (2017), ang pagkakaroon ng kaayusan sa pamamahala ng oras

hindi lamang nakakatulong sa pag-aaral ngunit pati na rin sa paraan ng pamumuhay ng

isang tao dahil mas nagiging epektibo ang paglalaan ng oras sa iba’t ibang gawain.

Mayroon tayong kasabihan na mas daig ng masipag ang matalino kung kaya naman may

mga pagkakataon na mas nakakakuha ng mas mataas na marka ang isang masipag na

estudyante. Hindi hadlang ang antas ng pag-aaral o edad sa pagkakaroon ng maayos na

pamamahala ng oras sapagkat maaari itong mahasa kung ito ay nanaisin ng isang mag-

aaral. Ang maaari lamang na humadlang sa bagay na ito ay ang teknolohiya lalo na ang

social media at mga laro sa selpon at kompyuter.

Ayon naman kay Christina Browning (2019), ang isang paraan upang magkaroon ng

maayos na pamamahala ng oras ay ang pag-alam sa kung ano ang mga bagay na higit na

importante at dapat paglaanan ng oras. Nakasaad sa artikulo na kanyang ginawa ang ilan

sa mga paraan upang magkaroon ng maayos na time management ang isang

estudyante.Una na rito ang isang teorya na tinatawag na “80/20 rule” kung saan

sinasabing dalawampung porsiyento ng lahat ng trabahong ginagawa natin ay katumbas

ng walumpung porsiyento ng pag-usad sa trabahong iyon. Ikalawa ay ang “slice ad dice

rule” kung saan ag isang proyekto ay hahatiin sa mas maliliit na bahagi upang mas

madali itong matapos. Pangatlo ay ang “single-handed every task” na nagsasabing huwag
pagsasabayin ang dalawag gawain sa isang upuan lang at sa halip ay tapusin muna ang

isang gawain bago magsimula sa panibagong aktibidad. Gayunpaman, sa kabila ng mga

paraan upang magkaroon ng epektibong pamamahala ng oras ay nasa estudyante pa din

ang responsibilidad upang maisaayos ang kanyang talaorasan.

VI. LAGOM

Bilang pagbubuod ng pagtatalakay, mailalahad na maraming benepisyo ang pagsasaayos

ng oras, mula sa mga mag-aaral na sumusulong para maiangat ang kanilang akademikong

performans hanggang sa mga matatanda na nagtatrabaho at nag-aasikaso ng buhay bahay.

Ayon sa mga eksperto, ang pagbabalanse ng oras at ang pagiging marunong sa pagaayos

at pag-una ng mga gawain ay nakakatulong para hindi matambakan ng gawain at hindi

mailagay ang pokus lahat sa paglilibang. Ngunit hindi dahil naisaayos na ang oras para sa

mga gawain ay sapat na ito. Kailangan isapatupad ng tao ang kanyang inilahad na oras

para sa mga kailangan niyang matapos.

VII. KONKLUSYON

VIII. REKOMENDASYON

IX. TALAAN NG SANGGUNIAN

(Ito po yung references ko, kayo na poang bahala mag-organize :3)

https://worldscholarshipforum.com/tl/mag-aral-ng-mas-matalinong-mga-tip-sa-

pamamahala-ng-oras/

https://www.thecampuscurrent.com/8239/campus-life/students-tackle-time-

management-issues/

You might also like