You are on page 1of 4

FILIPINO 6 LEARNING ACTIVITY SHEETS 3RD QUARTER WEEK 1

Pangalan: ________________________________________________ Grado: ______


Petsa: ____________________________________________________ Seksyon:

GAWAING PAMPAGKATUTO sa FILIPINO 6


(Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/ binasang ulat at tekstong pang-impormasyon)

I. Kasayanang pampagkatuto at Koda


Matapos mong pag-aralan ang araling ito sa loob ng isang linggo, inaasahang matutunan mo ang mga
sumusunod na kasanayan at layunin:
 Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/binasang ulat at tekstong pang-impormasyon
F6PB-IIId-3.1.2
 Nasisipi ang isang ulat mula sa huwaran
 Naipamalas ang kakayahan sa mapanuring pagbabasa at pag-unawa sa nabasang ulat at tekstong
pang-impormasyon

II. Panimula
Mahalagang matutuhan natin ang pagsagot sa mga tanong tungkol sa anumang mapakikinggan/
mababasang ulat o mga tekstong pang-impormasyon dahil sa pamamagitan nito maipapakita natin ang pag-
unawa rito. Sa ating pagsagot sa mga tanong tungkol sa napakinggan/nabasang ulat o tekstong pang-
impormasyon kailangan naing unawain at kilalanin ang bawat salita. At kailangan din nating alamin ang
mga mahahalagang detalye at ang paksa nito.
Sa pagsisipi ng isang ulat kailangan mong isulat at kopyahin ang tamang pagkasulat ng mga
salita. Kailangan mong isulat nang wasto ang anumang pinagmulan at ginamit na sanggunian ng iyong
siniping ulat.

III. Sanggunian
https://pia.gov.ph/news/articles/1051878
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/11/13/2056506/ulysses-iba-kay-ondoy-
climatology-expert
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/11/13/2056520/ulysses-lalabas-na-ng-pa

IV. Mga Gawain


Gawain 1
Panuto: Basahin ang ulat at unawaing mabuti ang bawat detalye upang masagot mo ang mga sumusunod na
tanong.

Pagtugon sa COVID-19, mas pinalakas


sa Lungsod ng Batangas

LUNGSOD NG BATANGAS, Agosto 2 (PIA)-Mas pinalakas ng pamahalaang lungsod ng Batangas


sa pamamagitan ng City Health Office (CHO) ang mga preventive programs at activities nito kaugnay ng
COVID-19 bilang sagot sa patuloy na pagtaas ng bilang ng may kumpirmadong kaso sa buong lungsod.
 
Isa na dito ang pagsisimula ng konstruksyon ng 40-bed isolation facility sa Batangas City Evacuation
Center compound sa Brgy. Bolbok bilang karagdagan sa limang temporary health facilities na kasalukuyang
ginagamit ngayon para sa mga may asymptomatic at mild symptoms na COVID-19 positive at suspected
patients.

Libre ang akomodasyon sa mga pasilidad na ito gayundin ang pagkain, gamot at prutas na ibinibigay
sa mga naka in-house dito. Nagtalaga din ang CHO ng mga doktor at narses dito na nagdu-duty ng 24 oras
sa buong isang linggo bukod pa sa karagdagang narses at medical technologist na kinuha para sa mas
mabilis na pagsasagawa ng swab testing at contact tracing.
Ang pamahalaang lungsod ng Batangas at ang Philippine Red Cross ay may kasunduan para sa mas
mabilis na resulta ng RT-PCR testing na may inisyal na halagang P5M.Bunsod pa nito, ipinag-utos ni Mayor
Beverley Rose Dimacuha ang higit na pagpapalakas at pagpapabilis ng contact tracing kung saan ang dating
dalawang grupo ng contact tracing teams ay dinagdagan pa ng tatlong grupo.
 
Kabilang din sa contact tracing team bukod sa CHO ang mga empleyado ng City Disaster Risk
Reduction Management Office (CDRRMO), Batangas City Police at Information Technology and Services
Division (ISTD) kung saan sila ay sumailalim sa seminar workshop ni Baguio Mayor Benjamin Magalong
na tinaguriang “contact tracing czar” ng Pilipinas.
 
Kaugnay nito, patuloy ang panawagan ng pamahalaang lungsod na sumunod sa ipinatutupad na mga
ordinansa kaugnay ng safety and health protocols upang maiwasan ang COVID-19 tulad ng palagiang
paggamit ng face mask, palagiang paghuhugas ng kamay, pagsasagawa ng physical distancing, pag-iwas sa
malalaking pagtitipon, hindi paglabas ng mga edad 21 pababa at senior citizens, pagsunod sa liquor ban at
iba pa.

BHABY P. DE CASTRO
September 2, 2020
https://pia.gov.ph/news/articles/1051878

Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa nabasang ulat. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

1. Sino ang Mayor ng Lungsod ng Batangas?


2. Saan ang konstruksyon ng 40-bed isolation facility ng Batangas City Evacuation Center?
3. Kailan nagdu-duty ang mga itinalagang nurses at doctor?
4. Ano ang ginawa ng mga contract tracing team upang mapalakas at mapabilis ang kanilang
contract tracing?
5. Bakit nagpapatupad ng ordinansa kaugnay ng safety and health protocols ang Lungsod ng
Batangas?

GAWAIN 2
Panuto: Basahin ang ulat sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng iyong
sagot sa sagutang papel.

Ulysses, Iba Kay Ondoy — Climatology Expert


MANILA, Philippines — Malaki umano ang pagkakaiba ng Super Typhoon Ondoy na nanalasa
noong September 2009 sa Bagyong Ulysses na naranasan ngayon ng Metro Manila at Luzon dahil ang bawat
bagyo ay may kanya-kanyang uri at lakas na dalang ulan at hangin.
“Itong si Ulysses, hindi ito kabagalan. Hindi ito katulad ni Ondoy. Si Ondoy talagang napakabagal
ng kilos niyan. Sa unti-unti niyang galaw (Ondoy), puro ulan ang dinala niya. Walang masyadong hangin,”
pahayag ni Nathaniel “Mang Tani” Cruz, dating climatologist ng PAGASA at resident meteorologist ng
GMA.
Ayon kay Cruz, si Ondoy ay kumain ng maraming buhay at puminsala sa maraming ari-arian at
imprastraktura nang magkaroon ng flashfloods dahil sa matinding ulan na bumuhos sa loob lamang ng anim
na oras.
Samantala si Ulysses ay naapektuhan lamang ng mga nagdaang mga bagyo kaya ang dala nitong
ulan ay matindi ring nakaapekto sa mamamayan.
“Ito kasing si Ulysses, ilang bagyo na kasi ang dumaan bago ito dumaan. So, ‘yung lupa, maging sa
Sierra Madre ay babad na babad na. Saturated na kaya kaunting ulan lamang ay nagkakaroon ng run-off,”
dagdag ni Cruz.
Ito anya ang dahilan kung bakit umabot ang water level ng Marikina river ng 21.9 meters kahapon,
mas mataas sa 21.5 meters na water level ni Ondoy noon.
Sinabi rin ni Cruz na mas maraming bagyo na ang dumaan bago si Ulysses kaya pati ang mga dam
tulad ng Angat ay umapaw ang tubig.
Kung ikukumpara naman si Ulysses sa Super Typhoon Rolly, si Ulysses ay mas mahina pero ang
impact ay higit na naramdaman dahil kakadaan lang ni Rolly at hindi pa nakakabangon ay may bagyo na
naman.
Angie dela Cruz 
Pilipino Star Ngayon 
November 13, 2020

1. Sino ang dating climatologist ng PAGASA at resident meteorologist ng GMA?


a. Kim Atienza c. Mike Enriquez
b. Jessica Soho d. Nathaniel Cruz

2. Kailan nanalasa ang Super Typhoon Ondoy sa Pilipinas?


a. Disyembre 2018 c. Disyembre 2011
b. Septyembre 2009 d. November 2015

3. Anong bagyo ang nanalasa sa Pilipinas nitong Nobyembere 11, 2020 na halos nalubog sa baha ang
buong Marikina?
a. Bagyong Rolly c. Bagyog Ulysses
b. Bagyong Ondoy d. Bagyong Quinta

4. Bakit umabot ng mas mataas ang level ng tubig ng Marikina River nitong kay Bagyong Ulyses kaysa
noong kay Bagyong Ondoy?
a. Dahil ang Marikina River ay maraming nakabara na basura.
b. Dahil sa ang bagyong Ondoy ay mas mahina kaysa bagyong Ulysses.
c. Dahil ang Bagyong Ulysses ang pinakamalakas sa lahat ng bagyo ngayong taon.
d. Dahil sa sunod-sunod na bagyo ang dumating bago pa man ang bagyong Ulysses.

5. Paano mo paghahandaan ang ganitong uri ng kalamidad?


a. Matulog dahil malamig ang panahon.
b. Manatili sa loob ng bahay kahit pinapalikas na.
c. Maghanda ng emergency kit at makibalita sa mga pangyayari.
d. Makinig ng balita sa radyo o telebisyon ng mga babala at signal.

V. Repleksyon
Paano ang pagsagot ng mga tanong tungkol sa napakinggan o
nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon at usapan?
______________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
__________________________.

VI. Susi sa pagwawasto


PRECY C. HALAWIG
Teacher II
May akda

You might also like