You are on page 1of 5

SUMMATIVE TEST 1

Bahagda Bilang ng Kinalalagyan ng


Mga Layunin CODE
n Aytem Bilang

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa


napakinggang/binasang ulat at F6PB-IIId-
33.33% 5 1-5
tekstong pang-impormasyon 3.1.2

Naipamalas ang kakayahan sa


mapanuring pagbabasa at pag-unawa F6PB-IIId-
33.33% 5 6-10
sa nabasang ulat at tekstong pang- 3.1.2
impormasyon

Nakapagbibigay ng lagom o buod ng (F6PN-


50% 10 11-20
tekstong napakinggan IIIe19)

Kabuuan 100 20 1 – 20
GRADE VI – FILIPINO

SUMMATIVE TEST NO.1


GRADE VI – FILIPINO

Pangalan:_________________________________________________ Grade and Section:_________

I. A. Basahin ang ulat sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng iyong sagot sa
sagutang papel.

Ulysses, Iba Kay Ondoy — Climatology Expert


MANILA, Philippines — Malaki umano ang pagkakaiba ng Super Typhoon Ondoy na nanalasa
noong September 2009 sa Bagyong Ulysses na naranasan ngayon ng Metro Manila at Luzon dahil
ang bawat bagyo ay may kanya-kanyang uri at lakas na dalang ulan at hangin.
“Itong si Ulysses, hindi ito kabagalan. Hindi ito katulad ni Ondoy. Si Ondoy talagang napakabagal
ng kilos niyan. Sa unti-unti niyang galaw (Ondoy), puro ulan ang dinala niya. Walang masyadong
hangin,” pahayag ni Nathaniel “Mang Tani” Cruz, dating climatologist ng PAGASA at resident
meteorologist ng GMA.
Ayon kay Cruz, si Ondoy ay kumain ng maraming buhayat puminsala sa maraming ari-arian at
imprastraktura nang magkaroon ng flashfloods dahil sa matinding ulan na bumuhos sa loob lamang
ng anim na oras.
Samantala si Ulysses ay naapektuhan lamang ng mga nagdaang mga bagyo kaya ang dala nitong
ulan ay matindi ring nakaapekto sa mamamayan.
“Ito kasing si Ulysses, ilang bagyo na kasi ang dumaan bago ito dumaan. So, ‘yung lupa, maging
sa Sierra Madre ay babad na babad na. Saturated na kaya kaunting ulan lamang ay nagkakaroon ng
run-off,” dagdag ni Cruz.
Ito anya ang dahilan kung bakit umabot ang water level ng Marikina river ng 21.9 meters kahapon,
mas mataas sa 21.5 meters na water level ni Ondoy noon.
Sinabi rin ni Cruz na mas maraming bagyo na ang dumaan bago si Ulysses kaya pati ang mga dam
tulad ng Angat ay umapaw ang tubig.
Kung ikukumpara naman si Ulysses sa Super Typhoon Rolly, si Ulysses ay mas mahina pero ang
impact ay higit na naramdaman dahil kakadaan lang ni Rolly at hindi pa nakakabangon ay may
bagyo na naman.
Angie dela Cruz
Pilipino Star Ngayon
November 13, 2020

_____1. Sino ang dating climatologist ng PAGASA at resident meteriologist ng GMA?


a. Kim Atienza c. Mike Enriquez
b. Jessica Soho d. Nathaniel Cruz

_____2. Kailan nanalasa ang Super Typhoon Ondoy sa Pilipinas?


a. Disyembre 2018 c. Disyembre 2011
b. Septyembre 2009 d. November 2015

_____3. Anong bagyo ang nanalasa sa Pilipinas nitong Nobyembere 11, 2020 na halos nalubog sa baha
ang buong Marikina?
a. Bagyong Rolly c. Bagyog Ulysses
b. Bagyong Ondoy d. Bagyong Quinta
_____4. Bakit umabot ng mas mataas ang level ng tubig ng Marikina River nitong kay Bagyong
Ulyses kaysa noong kay Bagyong Ondoy?
a. Dahil ang Marikina River ay maraming nakabara na basura.
b. Dahil sa ang bagyong Ondoy ay mas mahina kaysa bagyong Ulysses.
c. Dahil ang Bagyong Ulysses ang pinakamalakas sa lahat ng bagyo ngayong taon.
d. Dahil sa sunod-sunod na bagyo ang dumating bago pa man ang bagyong Ulysses.

_____5. Paano mo paghahandaan ang ganitong uri ng kalamidad?


a. Matulog dahil malamig ang panahon.
b. Manatili sa loob ng bahay kahit pinapalikas na.
c. Maghanda ng emergency kit at makibalita sa mga pangyayari.
d. Makinig ng balita sa radyo o telebisyon ng mga babala at signal.

B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.
Bawal Pumasok
_____6. Nakita ni James sa pintuan ang ganito:
a. Maaring pumasok. c. Hindi maaring pumasok sa loob
b. Sigawan ang nasa loob. d. Pumasok nang tuloy-tuloy sa loob

_____7. Ano ang ibig sabihin ng nakasulat na “Panatilihin ang Social Distancing”
a. Umiwas sa mga social na tao.
b. Maghawak kamay sa paglalakad.
c. Huwag makipagsiksikan sa mga tao.
d. Kailangan mananatili ang pagiging social

_____8. Habang naglalakad sa kalsada si Caye at ang kanyang nanay nakita nila ang simbolong nasa
ibaba. Ano ang ibig sabihin ng simbolong ito?
a. bilisan mo ang paglalakad
b. bawal ang pagtawid sa linya
c. iisang tao lang ang pwedeng tumawid
d. tumawid sa tamang tawiran o pedestrian lane

_____9. Ang tsart na nasa ibabaw ay ang Rainfall Warning Signal ng PAGASA tuwing may bagyo.
Ano ang ibig sabihin kung nasa Orange Warning ang isang lugar?
a. walang pagbaha sa mababang lugar
b. matinding pagbaha sa mababang lugar
c. aasahan ang pagbaha sa mababang lugar
d. nagbabadyang pagbaha sa mababang lugar

_____10. Ano naman ang gagawin kapag nasa Red Warning ang isang lugar?
a) subaybayan ang lagay ng panahon
b) maghanda sa posibilidad ng paglikas
c) lumikas at pumunta sa mataas na lugar
d) huwag pansinin ang warning sign ng PAGASA
II. Basahing mabuti ang lathalain at alamin kung bakit hindi naliligaw ang mga
langgam.

Bakit Hindi Naliligaw ang mga Langgam?


(ni Jojo Briones-Cruz)
Ang mga langgam, ay kung saan-saan napupunta sa paghahanap ng kanilang makakain.
Pero kapag oras na para bumalik sila sa kanilang lungga bumabalik sila sa nakabibilib na
diretsong linya.
Kung paano sila nakauuwi mula sa pagkuha ng mga pagkain ay palaisipan pa rin sa mga
siyentipiko. Ngayon ay ipinahihiwatig ng mananaliksik na German at Swiss na ang aspeto ng
gawaing ito ay gawa raw ng matalas at malikhaing pagkilos. Nalaman nila na ang mga langgam
kapag pinawalan sa patag na kalupaan ay nagsisimulang maghanap ng distansiya mula sa kanilang
lungga.
Pinag-aralan ng pangkat ni Sandra Wohlgemuth mula sa Humbolt University sa Berlin ang
mga langgam sa disyerto ng Sahara at tinuruang maglakad sa itaas at ibaba ng bundok para
kumuha ng pagkain
Ipinakikita nito na ang mga langgam ay may kakaibang uri ng odometer na nagtatala sa
distansya ng lupa, imbes na ang kabuuang distansiya na nalakbay sa taas-babang terrain.
Naniniwala ang mga mananaliksik na ang mga langgam ay posibleng mahulaan ang
kanilang gagawing pagkilos sa iniisip nilang pahalang na daanan at pagkatapos naitatala ang

A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa tekstong iyong binasa o napakinggan.
11) Ano ang hayop na tinukukoy sa unang talata na nakakabalik sa lungga mula sa paghahanap
ng pagkain? ____________________________________
12) Paano sila nakababalik sa kanilang lungga? ___________________________________________
13) Bakit nagsagawa ng pag-aaral ang mga mananaliksik tungkol sa kung paano nakakauwi ang mga
langgam? _________________________________________________________________________
14) Ano ang naging resulta ng pagsasaliksik?
______________________________________________
15) Gaya ng mga langgam, ano ang iyong kakaibang angking kakayahan?
__________________________________________________________________________________

B. Lagyan ng bilang 1-5 ang bawat talata ayon sa wastong pagkakasunod- sunod ng pangyayaring
nabanggit sa tekstong nabasa o napakinggan.
_____16. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang mga langgam ay posibleng mahulaan ang kanilang
gagawing pagkilos sa iniisip nilang pahalang na daanan at pagkatapos naitatala ang distansiya ng lupa
patungo sa kanilang lungga sa kapatagan.
_____17. Ang mga langgam, ay kung saan-saan napupunta sa paghahanap ng kanilang makakain. Pero
kapag oras na para bumalik sila sa kanilang lungga bumabalik sila sa nakakabilib na diretsong linya.
_____18.Pinag-aralan ng pangkat ni Sandra Wohlgemuth mula sa Humbolt University sa Berlin ang
mga langgam sa disyerto ng Sahara at tinuruang maglakad sa itaas at ibaba ng bundok para kumuha ng
pagkain.
_____19. Kung paano sila nakakauwi mula sa pagkuha ng mga pagkain ay palaisipan pa rin sa mga
siyentipiko. Ngayon ay ipinahihiwatig ng mananaliksik na German at Swiss na ang aspeto ng gawaing
ito ay gawa raw ng matalas at malikhaing pagkilos. Nalaman nila na ang mga langgam kapag
pinawalan sa patag na kalupaan ay nagsisimulang maghanap ng distansiya mula sa kanilang lungga.
_____20. Ipinakikita nito na ang mga langgam ay may kakaibang uri ng odometer na nagtatala sa
distansya ng lupa, imbes na ang kabuuang distansiya na nalakbay sa taas-babang terrain.
ANSWER KEY:

1. B 11.
2. D 12.
3. C 13.
4. D 14.
5. C 15.
6. C 16. 5
7. C
17. 1
8. D
18. 4
9. D
10. C 19. 3
20. 2

You might also like