You are on page 1of 6

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KOMISYON SA MAS MATAAS NA EDUKASYON


REHIYON XI
ASSUMPTION COLLEGE OF NABUNTURAN

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


BAITANG 6

Pangalan: ________________________________________ Seksyon:_________ Iskor: _______


Pagsusulit I-A.
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
_____1. Inilalarawan ng pang-abay ang pandiwa o ang mga salitang kilos. Alin ang wastong
gamit ng pang-abay sa paglalarawan ng pandiwa?
a. mabilis kumilos
b. mabilis ang tren
c. mabilis ang bata
d. mabilis ang pagbabago
_____2. Nakangiting sinalubong ni Zoe ang kaniyang ama. Kung ang pang-abay na pamaraan ay
naglalarawan kung paano naganap, nagaganap at magaganap ang kilos, tukuyin sa pangungusap
ang pang-abay.
a. nakangiti
b. Zoe
c. sinalubong
d. Ama
_____3. Alin sa mga pangungusap ang may wastong gamit ng pang-abay na pamaraan?
a. Maayos ang buhay nila sa probinsya
b. Maganda ang umaga para sa kanila
c. Maganda ang gising ni Dona sa araw na ito
d. Maayos niyang ginising ang kaniyang kapatid
_____4. Nakipaglaro at nakighabulan ang isang mag-aaral kaya ito’y nadulas at nasaktan dahil
basa ang sahig. Bakit nadulas ang mag-aaral?
a. tumatakbo siya
b. dahil basa ang sahig
c. Nakikipaghabulan siya
d. nakipaglaro siya
_____5. Pumutok ang gulong ng bisikleta ni Justin kaya napatigil siya sa daan. Ano ang bunga sa
pangyayari?
a. pumutok ang gulong
b. bisikleta ni Justin
c. kaya napatigil siya sa daan
d. gulong ng bisikleta
_____6.  Ano ang dapat nating gawin sa ating mga kamay upang mapanatili itong malinis?
a. huwag gumawa ng gawaing bahay upang hindi marumihan ang mga kamay
b. maghugas ng kamay gamit ang sabon
c. humawak kung saan saan
d. laging magsuot ng guwantes
_____7. Mahilig kumain ng kendi at tsokolate si Andrea. Isang araw umiiyak na lumapit ito sa
kaniyangina dahil masakit ang ngipin niya. Bakit umiiyak si Andrea?
a. masakit ang kaniyang tiyan
b. masakit ang kaniyang ngipin
c. masakit ang kaniyang ulo
d. dahil hindi siya nakakain ng kendi

B. Panuto: Basahin ang ulat sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng
iyong sagot sa patlang.

Ulysses, Iba Kay Ondoy — Climatology Expert


MANILA, Philippines — Malaki umano ang pagkakaiba ng Super Typhoon Ondoy na nanalasa noong
September 2009 sa Bagyong Ulysses na naranasan ngayon ng Metro Manila at Luzon dahil ang bawat
bagyo ay may kanya-kanyang uri at lakas na dalang ulan at hangin.
“Itong si Ulysses, hindi ito kabagalan. Hindi ito katulad ni Ondoy. Si Ondoy talagang napakabagal ng
kilos niyan. Sa unti-unti niyang galaw (Ondoy), puro ulan ang dinala niya. Walang masyadong
hangin,” pahayag ni Nathaniel “Mang Tani” Cruz, dating climatologist ng PAGASA at resident
meteorologist ng GMA.
Ayon kay Cruz, si Ondoy ay kumain ng maraming buhayat puminsala sa maraming ari-arian at
imprastraktura nang magkaroon ng flashfloods dahil sa matinding ulan na bumuhos sa loob lamang ng
anim na oras.
Samantala si Ulysses ay naapektuhan lamang ng mga nagdaang mga bagyo kaya ang dala nitong ulan
ay matindi ring nakaapekto sa mamamayan.
“Ito kasing si Ulysses, ilang bagyo na kasi ang dumaan bago ito dumaan. So, ‘yung lupa, maging sa
Sierra Madre ay babad na babad na. Saturated na kaya kaunting ulan lamang ay nagkakaroon ng run-
off,” dagdag ni Cruz.
Ito anya ang dahilan kung bakit umabot ang water level ng Marikina river ng 21.9 meters kahapon,
mas mataas sa 21.5 meters na water level ni Ondoy noon.
Sinabi rin ni Cruz na mas maraming bagyo na ang dumaan bago si Ulysses kaya pati ang mga dam
tulad ng Angat ay umapaw ang tubig.
Kung ikukumpara naman si Ulysses sa Super Typhoon Rolly, si Ulysses ay mas mahina pero ang
impact ay higit na naramdaman dahil kakadaan lang ni Rolly at hindi pa nakakabangon ay may bagyo
na naman.
Angie dela Cruz
Pilipino Star Ngayon
November 13, 2020
_____8. Kailan nanalasa ang Super Typhoon Ondoy sa Pilipinas?
a. Disyembre 2018
b. Disyembre 2011
c. Septyembre 2009
d. November 2015
_____9. Anong bagyo ang nanalasa sa Pilipinas nitong Nobyembere 11, 2020 na halos nalubog
sa baha ang buong Marikina?
a. Bagyong Rolly
b. Bagyog Ulysses
c. Bagyong Ondoy
d. Bagyong Quinta
_____10. Bakit umabot ng mas mataas ang level ng tubig ng Marikina River nitong kay Bagyong
Ulyses kaysa noong kay Bagyong Ondoy?
a. Dahil ang Marikina River ay maraming nakabara na basura.
b. Dahil sa ang bagyong Ondoy ay mas mahina kaysa bagyong Ulysses.
c. Dahil ang Bagyong Ulysses ang pinakamalakas sa lahat ng bagyo ngayong taon.
d. Dahil sa sunod-sunod na bagyo ang dumating bago pa man ang bagyong Ulysses.
_____11. Paano mo paghahandaan ang ganitong uri ng kalamidad?
a. Matulog dahil malamig ang panahon.
b. Manatili sa loob ng bahay kahit pinapalikas na.
c. Maghanda ng emergency kit at makibalita sa mga pangyayari.
d. Makinig ng balita sa radyo o telebisyon ng mga babala at signal.
_____12. Maraming pasa ang bata sa katawan dahil ang kanyang ama ay mabigat ang kamay.
a. galit na galit
b. mapanakit
c. kalimutan
d. matampuhin
_____13. Ibaon na natin sa hukay ang galit at poot sa ating kapwa at matutong magpatawad.
a. masipag
b. mapanakit
c. kalimutan
d. makapal ang mukha
_____14. Kumukulo ang dugo ng mag-anak sa mga taong nangmaliit sa kanila.
a. galit na galit
b. mapanakit
c. kalimutan
d. makapal ang mukha

_____15. Balat kalabaw talaga ang mga taong hindi man lang imbitado ngunit kumakain sa mga
handaan.
a. galit na galit
b. masipag
c. kalimutan
d. makapal ang mukha

C. Panuto: Basahin ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Bakit Hindi Naliligaw ang mga Langgam?


(ni Jojo Briones-Cruz)
Ang mga langgam, ay kung saan-saan napupunta sa paghahanap ng kanilang
makakain. Pero kapag oras na para bumalik sila sa kanilang lungga bumabalik sila sa
nakabibilib na diretsong linya.
Kung paano sila nakauuwi mula sa pagkuha ng mga pagkain ay palaisipan pa rin sa mga
siyentipiko. Ngayon ay ipinahihiwatig ng mananaliksik na German at Swiss na ang aspeto
ng gawaing ito ay gawa raw ng matalas at malikhaing pagkilos. Nalaman nila na ang mga
langgam kapag pinawalan sa patag na kalupaan ay nagsisimulang maghanap ng distansiya
mula sa kanilang lungga.
Pinag-aralan ng pangkat ni Sandra Wohlgemuth mula sa Humbolt University sa Berlin ang
mga langgam sa disyerto ng Sahara at tinuruang maglakad sa itaas at ibaba ng bundok para
kumuha ng pagkain
Ipinakikita nito na ang mga langgam ay may kakaibang uri ng odometer na nagtatala
sa distansya ng lupa, imbes na ang kabuuang distansiya na nalakbay sa taas-babang terrain.
Naniniwala ang mga mananaliksik na ang mga langgam ay posibleng mahulaan ang
kanilang gagawing pagkilos sa iniisip nilang pahalang na daanan at pagkatapos naitatala ang
16. Ano ang hayop na tinukukoy sa unang talata na nakakabalik sa lungga mula sa paghahanap
ng pagkain?
_____________________________________________________________________
17. Paano sila nakababalik sa kanilang lungga?
______________________________________________________________________________
18. Bakit nagsagawa ng pag-aaral ang mga mananaliksik tungkol sa kung paano nakakauwi ang
mga langgam?
______________________________________________________________________________
19. Ano ang naging resulta ng pagsasaliksik?
______________________________________________________________________________
20. Gaya ng mga langgam, ano ang iyong kakaibang angking kakayahan?
______________________________________________________________________________

Pagsusulit II-A
Panuto: Lagyan ng bilang 1-5 ang bawat talata ayon sa wastong pagkakasunod- sunod ng
pangyayaring nabanggit sa tekstong nabasa o napakinggan.
_____21. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang mga langgam ay posibleng mahulaan ang
kanilang gagawing pagkilos sa iniisip nilang pahalang na daanan at pagkatapos naitatala
ang distansiya ng lupa patungo sa kanilang lungga sa kapatagan.
_____22. Ang mga langgam, ay kung saan-saan napupunta sa paghahanap ng kanilang
makakain. Pero kapag oras na para bumalik sila sa kanilang lungga bumabalik sila sa
nakakabilib na diretsong linya.
_____23. Pinag-aralan ng pangkat ni Sandra Wohlgemuth mula sa Humbolt University sa Berlin
ang mga langgam sa disyerto ng Sahara at tinuruang maglakad sa itaas at ibaba ng bundok
para kumuha ng pagkain.
_____24. Kung paano sila nakakauwi mula sa pagkuha ng mga pagkain ay palaisipan pa rin sa
mga siyentipiko. Ngayon ay ipinahihiwatig ng mananaliksik na German at Swiss na ang
aspeto ng gawaing ito ay gawa raw ng matalas at malikhaing pagkilos. Nalaman nila na
ang mga langgam kapag pinawalan sa patag na kalupaan ay nagsisimulang maghanap ng
distansiya mula sa kanilang lungga.
_____25. Ipinakikita nito na ang mga langgam ay may kakaibang uri ng odometer na nagtatala sa
distansya ng lupa, imbes na ang kabuuang distansiya na nalakbay sa taas-babang terrain.

B. Panuto: Basahing mabuti ang Hanay A at piliin ang tamang sagot sa Hanay B. Isulat sa
patlang ang tamang titik.
Hanay A Hanay B
_____26. Anong bahagi ng pahayagan ang a. Palakasan
naglalahad ng pinakatampok na balita?
_____27. Saang bahagi ng bahayagan mababasa b. Opinyon
ang mga pinagbebentang lote?
_____28. Saang bahagi ng pahayagan makikita c. Pangmukhang Pahina
ang puzzle?
_____29. Saang bahagi ng pahayagan nasusulat d. Libangan
ang opinyon ng mga manunulat?
_____30. Saang bahagi ng pahayagan mababasa e. Anunsyo Klasipikado
opinyon ng editor?
f.Editoryal
C. Panuto: Basahing mabuti at unawain ang pangungusap. Piliin dito ang wastong pang-angkop
(NG, KAYA, AT, NA, G) at isulat sa patlang ang tamang sagot.
31. Tuwa _____ tuwa sila sa kanilang ginagawa.
32. Nais niyang makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit _____ nag- aaral siya gabi-gabi.
33. Maliligo rin sila sa malinis _____ ilog sa tabi ng kanilang bahay.
34. Lilinisin _____ mabuti ang mga gamit na kanilang daladala.
35. Mahusay gumuhit _____ magpinta si Tom.

Pagsusulit III-A
Panuto: Bumuo ng panibagong salita gamit ang panlapi at salitang-ugat.
36. kain + um = _________________
37. dilig + an = _________________
38. kuha + in = _________________
39. wasto + ka + han = _________________
40. tulong + ma +in = _________________

B. Panuto: Tayo’y magsulat ng sanaysay na naglalarawan sa pamamagitan ng paglagay sa mga


patlang ng angkop na salitang naglalarawan. Pumili ng mga salita sa kahon.

Ang aking 41.______________ ina ay mahilig mangolekta ng mga halaman. Madalas,


umaabot siya sa mga bukirin upang maghanap ng mga 42._______________ halaman. May mga
panahon na wala siya sa bahay dahil lamang sa paghahanap ng mga halaman. Kung minsan ay
buong araw din siya sa kanyang hardin dahil sa pagkahumaling niya sa mga tanim.
Napakarami na ng kanyang mga halaman, mayroon siyang 43._______________mga
gabi-gabi. Kompleto rin ang kanyang nagagandahang orchids. Sa katunayan pati ang
44.______________monstera ay pumupuno rin sa aming munting sala. Mala-gubat na nga ang
aming bahay dahil sa dami ng kanyang halaman.
Kahit 45._______________ siya sa kanyang mga halaman, hindi pa rin niya nalilimutan
ang kanyang tungkulin bilang isang ina. Samakatuwid, ginagabayan niya kami sa pagsagot ng
aming mga modyul.

C. Panuto: Isulat ang O kung ang nasabing pahayag ay isang Opinyon at K kung Katotohanan.
Isulat sa patlang.
_____46. Naging Pangulo ng Pilipinas sina Corazon Aquino, Fidel Ramos, Joseph Estrada, at
Gloria Arroyo.
_____47. May pananagutan sa batas ang nasabing pulis kaya siya nagtatago.
_____48. Napakaganda raw ng bansang Pilipinas.
_____49. Magaganap ang susunod na halalan sa Mayo 2022.
_____50. Siguro’y papayagan na ako ng aking in ana lumabas ng bahay dahil tapos ko na ang
aking gawain.

More than hard work there is luck, I wish you all the best!
-Binibining Joy
ANSWER KEY:
Pagsusulit I
A. B.
1. a 6. b 11. c.
2. a 7. b 12. b
3. d 8. c 13. c
4. b 9. c 14. a
5. c 10. d 15. d

C.
16. Langgam
17. Bumalik sila sa kanilang lungga bumabalik sila sa nakakabilib na diretsong linya
18. Dahil nanatiling palaisipan sa mga siyentipiko kung paano nakakauwi ang mga langgam
mula sa paghahanap ng pagkain
19. Napag-alaman na ang mga langgam ay may kakaibang uri ng odometer na nagtatala sa
distansya ng lupa
20. Depende sa sagot ng bata

Pagsusulit II
A. B. C.
21. 5 26. c 31. ng
22. 1 27. e 32. kaya
23. 4 28. d 33. na
24. 3 29. b 34. g
25. 2 30. f 35. at

Pagsusulit III
A. B. C.
36. kumain 41. butihing 46. K
37. diligan 42. di-karaniwan 47. K
38. kinuha 43. magagandang 48. O
39. kawastohan 44. dambuhala 49. K
40. matulongin 45. abala 50. O

You might also like