You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII – CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY
MANDAUE CITY COMPREHENSIVE NATIONAL HIGH SCHOOL NIGHT

Pangalan:____________________________________________ Petsa: _________________ Iskor:________


Taon at Seksyon: _______________ Phil-IRI 8

I.Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat kuwento. Isulat ang MALAKING TITIK ng iyong sagot sa patlang nakalaan.

SI DILIS AT SI PATING
Sa dagat nakatira si Dilis. Kalaro niya ang mga maliliit na isda. Sila ay masaya. Nasa dagat din si Pating. Malaki at mabangis
ito. Takot si Dilis at ang mga kalaro niyang isda kay Pating. Minsan, hindi kaagad nakita ni Dilis si Pating. Gutom na gutom na si
Pating. Mabilis si Dilis. Nagtago siya sa ilalim ng korales. Hindi siya nakain ni Pating. Matalino talaga si Dilis. Dapat maging matalino
para matulungan ang sarili.

1. Saan nakatira si Dilis? 1.________


A. sa dagat B. sa ilog C. sa lawa D.sa sapa
2. Ano ang sama-samang ginagawa nina Dilis at ng maliliit na isda? 2.________
A. namamasyal B. nagtatago C. naglalaro D.nagdidilig
3. Bakit takot si Dilis kay Pating? 3. ________
A. Baka awayin siya ni Pating. C. Baka agawan siya ni Pating ng pagkain.
B. Maaari siyang kainin ni Pating. D. Maaring iwan ito sa korales 4._________
4. Paano ipinakita ni Dilis ang pagiging matalino?
A. Mabilis siyang nakapagtago sa korales. C. Hindi siya nakipaglaro kay Pating. 5.________
B. Tinulungan niya ang mga maliliit na isda. D. Pinatago ang Pating
5. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat ng kuwento? 6.________
A. Sa Ilalim ng Dagat B. Ang Gutom na Pating C. Si Dilis, ang Mabangis na Isda D. Wais na Dilis
6. Paano ka maging dilis sa iyong pag-aaral sa sitwasyon natin ngayon?
A. Babasahin ang modyuls lamang C. Babasahin ang nasa online bago ang modyuls.
B. Babasahin ang modyuls at sagutan kaagad D. Babasahin mamaya ang modyuls bago ang deadlayn

Ang terminolohiyang ginagamit sa iba’t ibang larangan o disiplina ay tinatawag na rehistro ng wika (register). Ito ang mga
salitang angkop at ginagamit sa particular na larang o disiplina. Ang bawat pangkat at saray ng mga tao, gayundin ang bawat
Gawain, ay nakapaloob sa iba’t ibang larangan, at sa bawat larang ay may iba’t ibang salitang natatangi ito. Ang pagkakaiba-iba ng
kahulugan ng mga salitang magkapareho ang baybay at bigkas ay nakadepende sa larang na pinagmumulan nito.

Halimbawa, magkaiba ang habal-habal ng mga taga-Mindanao sa kalong-kalong ng mga taga-Cagayan bagama’t pareho itong
mga uri ng sasakyang pinapaandar ng motorsiklo. Ang habal-habal ay single na motorsiklong maaaring sakyan ng hanggang limang
tao, at kung minsan ay nilalagyan pa ng mga kahoy na ekstensiyong upuan. Ang kalong-kalong naman ay isang malaking traysikel na
ang hitsura ay tila isang maliit na jeep. Karaniwan nating maririnig sa mga magsasaka ang mga salitang may kinalaman sa
pagtatanim at bukid katulad ng ani, pinitak, sipok, mandala, at binhi. Sa mga mangingisda naman, karaniwan nating maririnig ang
mga salitang daluyong, taog, amihan, habagat, timon, at katig. At sa mga mananahi, ang mga salitang makina, medida, lilip, ohales,
laylayan, at butones.

7. Ano ang tawag sa salitang gamit sa particular na disiplina? 7. _________


A.bigkas B.rehistro C. disiplina D. larangan
8. Alin ang naiibang salita na ginagamit ng magsasaka? 8._________
A. binhi B. mandala C. daluyong D. sipok
Islam ang relihiyon ng mga Muslim. Hango sa mga salitang “pagsuko sa Diyos” ang Islam. Itinuturing nila na sumuko sila sa
kapangyarihan ng Diyos. Si Allah ang kinikilala nilang panginoon. Ang banal na aklat ng Koran ang gabay nila sa pamumuhay.
Ginugunita nila sa Koran ang rebelasyon kay Mohammed na isang propeta ng Islam.
Isang pagdiriwang ng mga Muslim ang Eid-ul-Fitr na isang uri ng pagpapahayag ng pasasalamat. Ang Eid ay isang salitang Arabo na
nangangahulugang pagdiriwang samantalang ang Fitr naman ay may pakahulugang wakas ng pag-aayuno. Kaya’t ang Eid-ul-Fitr ang
tanda ng wakas ng halos isang buwang pag-aayuno nila sa panahon ng Ramadan.
Nagsisimula ang Eid-ul-Fitr sa paggising sa mga Muslim gamit ang malalakas na tambol. Nagbibihis sila ng magagarang kasuotan.
Nagsusuot ng mahabang belo sa mukha ang mga babaeng Muslim. Tinutungo nila ang mosque upang doon manalangin. Habang
nagdarasal ay sinasambit nila ang “Allahu Akbar” na may kahulugang “Dakila si Allah”. Sa pagdiriwang na ito ay samasama ang mga
Muslim sa buong mundo na tunguhin ang pagkakaisa.

9.Ano ang Eid-ul-Fitr? Ang Eid-ul-Fitr ay isang uri ng pagdiriwang ng ____. 9.________
A. pagsuko ng mga Muslim C. pagsasalamat ng mga Muslim
B. pag-aayuno ng mga Muslim D. pagkakapatiran ng mga Muslim

Address: Plaridel Street, Centro, Mandaue City


Telephone Nos.: (032) 4202775 / (032) 4202774; (032) 3451174
Email Address: mandauecitycnhs@gmail.com | Website:
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII – CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY
MANDAUE CITY COMPREHENSIVE NATIONAL HIGH SCHOOL NIGHT

10. Alin sa sumusunod ang nasasaad sa seleksyon?


A. Masayang idinaraos ang Ramadan. C. Tanda ng wakas ng pag-aayuno ang Ramadan. 10.________
B. Unang nagaganap ang Eid-ul-Fitr sa Ramadan. D. Masayang pagdiriwang ang Eid-ul-Fitr para sa Muslim.
11. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng hango sa pangungusap sa kahon? 11.________
Hango sa mga salitang “pagsuko sa Diyos” ang Islam.
A. hiniram B. nagmula C. nag-ugat D. nanggaling 12.________
12. Ano ang pangunahing ideya na tinalakay sa seleksyong binasa? Tinalakay sa seleksyon ang __________.
A. kahulugan ng Islam C. mga paniniwala ng mga Muslim
B. pinagmulan ng mga Muslim D. pinanggalingan ng paniniwala ng Islam

Si Bulan at Si Adlaw
(Kuwentong bayan ng mga Tingguian)

Noong unang panahon daw ay may nag-isang dibdib na nilalang na nagngalang Bulan at Adlaw. Sa tamis ng kanilang pagsasama ay
nagkaanak sila nang marami. Nagpatuloy ng pag-aanak si Bulan hanggang mapuna ni Adlaw na maraming-marami na pala ang
kanilang mga bunga at nagsisikip na sa kanilang bahay.
Napagtanto ni Bulan na kausapin ang kanyang katuwang sa buhay na kikitilin ang kanilang bunga upang lumuwag ang kanilang
tinitirhan. “Huwag mong gawin iyan, Bulan!” sigaw na sagot ni Adlaw. Sa kaganapang ito ay naging dahilan ng pag-aaway ng mag-
asawa araw-araw tila mga aso’t pusa. Umiksi na ang pisi ni Bulan kay Adlaw kaya’t nagpasiya siyang makipaghiwalay ito sa kondisyon
na isasama niya lahat ang kanilang mga anak. Lalong nagalit si Adlaw sa sinabi ng asawa na hindi ito ipapakita sa kanya.
Kaya ngayon, makikita si Adlaw tuwing umaga na nagbibigay liwanag sa atin. Samantala si Buwan naman ay sa gabi lamang lumilitaw
kasama ang kanyang mga anak na mga bituin. At kapag nagkakatagpo sila ay sumisidhi raw ang poot ni Adlaw kay Buwan. Sa
madaling salita ito ang dahilan sa pagkakaroon ng laho o eclipse.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8 ni Julian, et.al

13. Sino sa tauhan ang nagkaroon ng anak? 13._________


A. Adlaw B. Bulan C. Bituin D. Julian
14. Saan galing ang kuwentong bayan na iyong binasa? 14._________
A. Cebu B. Bohol C. Tingguian D. Tinggiuan
15. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na “nag-isang dibdib”? 15._________
A. Kasal B. nanganak C. pagsasama D. poot
16. Sa tingin mo, ang pag-aaway ang dahilan ng pagkakaroon natin ng laho? 16._________
A. Oo dahil nabanggit ito sa kwento C. Hindi kasi walang siyentipikong dahilan ang naganap.
B. Oo dahil nag-away ang mag-asawa D. Hindi kasi ito lamang ay isang kwentong bayan.
17. Kung ikaw si Bulan, gagawin mo ba ang kanyang ginawa? 17.__________
A. Oo para hindi mahirapan sa paggalaw sa bahay. C. Hindi dahil may solusyon paano sila alagaan.
B. Oo upang maalagaan ko ang mga bata. D. Hindi dahil ayaw ng asawa ko kahit masikip na.

TERORISMO
Nang atakihin at pasabugin ang naval base ng Pearl Harbor noong 1941, alam ng Amerika kung sino ang nagsagawa nito at
kung bakit ito isinagawa. Hangad ng Hapon na papasukin ang Amerika sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Tulad ng nangyari sa Pearl
Harbor, ang ginawang pagpapasabog sa World Trade Center at Pentagon noong ika-11 ng Setyembre, 2001 ay nagdulot ng
malawakang bunga sa buhay at ekonomiya hindi lamang sa Amerika kundi pati na rin sa buong daigdig. Ang pagkakaiba nito sa Pearl
Harbor ay hindi matukoy kung sino ang may kagagawan ng karahasang ito. Ang kalaban ng Estados Unidos ay ang mga terorista,
grupo na naglalayong maghasik ng takot sa mga mamamayan.

Ang terorismo ay isang kakaibang uri ng karahasan na ginagamit sa panahon ng kapayapaan, salungatan at digmaan. Maituturing na
terorismo ang walang katarungan at pakundangan na paggamit ng puwersa at karahasan laban sa buhay at pag-aari ng mga
inosenteng tao. Naglalayon itong maghasik ng takot at kawalan ng pagtitiwala.

Malaki ang pagkakaiba ng terorismo sa digmaan. Ang digmaan ay idinedeklara ng pamahalaan. Ito ay paglalaban ng militar. Mayroon
itong simula at mayroon din itong katapusan. Sa kabilang banda, ang terorismo ay random acts of violence laban sa mga sibilyan.
Hindi ito idinedeklara kung kaya’t hindi matukoy kung sinu-sino ang may sala. May pinag-uugatan ito subalit walang makapagsabi
kung kailan ang katapusan. Ang digmaan ay kumikilala sa rules of war subalit ang terorismo ay walang kinikilalang batas o anumang
kasunduan.

18 . Alin sa sumusunod ang pagkakaiba ng terorismo at digmaan? 18.________


A. May katapusan ang terorismo at ang digmaan ay wala.
B. Idinedeklara ang terorismo at ang digmaan naman ay hindi.
C. Maituturo ang naghasik ng dahas sa terorismo at ang sa digmaan ay hindi.
D. May ginagalang na batas ang digmaan samantalang ang terorismo ay wala.

Address: Plaridel Street, Centro, Mandaue City


Telephone Nos.: (032) 4202775 / (032) 4202774; (032) 3451174
Email Address: mandauecitycnhs@gmail.com | Website:
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII – CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY
MANDAUE CITY COMPREHENSIVE NATIONAL HIGH SCHOOL NIGHT

19. Ano ang ginamit ng sumulat ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito? 19.________
A.Isinaad ang solusyon sa terorismo. C. Inilarawan ang mga sanhi ng terorismo at digmaan.
B.Tinalakay ang mga salot na bunga ng terorismo. D. Maingat na pinaghambing ang digmaan at terorismo.

Bayani ng Bukid
(Tula)

I. Ako’y magsasakang bayani ng bukid III. Ang haring araw di pa sumisikat


Sandata’y araro matapang sa init Ako’y pupunta na sa napakalawak
Hindi natatakot kahit na sa lamig Na aking bukiring lagging nasa hagap
Sa buong maghapon gumagawang pilit. at tanging pag-asa ng taong masipag
II. Ang kaibigan ko ay si Kalakian IV. Sa aking lupain doon nagmumula
Laging nakahanda maging araw-araw Lahat ng pagkain nitong aking bansa
Sa pag-aararo at sa paglilinang Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
Upang maihanda ang lupang mayaman Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8 ni Julian, et.al

20. Ito ang tanging sandata ng magsasakang bayani ng bukid. 20.________


A.araro B. balana C. pawis D. sipag at tiyaga
21. Ano tanging hangarin ng magsasaka sa kanyang pang-araw-araw na paggawa? 21.________
A. Dumami ang kanyang ani upang makinabang ang lahat.
B. Maging masagana ang kanyang buhay.
C. Marami ang kukuha ng kursong Agrikultura para may magbibigay pa ng pagkain. 22.________
D. Makikilala siya bilang isang magsasakang bayani.
22.Bakit tinuring ng may-akda na bayani ang magsasaka sa tula? 23._________
A. Sapagkat hindi niya alintana ang hirap maging init at lamig sa kanyang maghapong paggawa.
B. Sapagkat hindi siya natatakot sa ano o sinumang kalaban. 24.________
C. Sapagkat sa kanya nagmumula ang pagkain ng bayan.
D. Sapagkat ang tanging hangarin niya ay matulungan ang mahihirap.
23. Ano ang ibig sabihin ng kalakian?
A. babaeng kalabaw B.baka C. lalaking kalabaw D. wala dito
24. Sa palagay mo, bakit bibihira ang kumukuha ng kursong Agrikultura sa ating bansa?
A. Ito ay naimpluwensiyahan sa mga uso sa paligid.
B. Ito ay hindi na uso sa ngayon. 25.________
C. Ito ay hindi gumagamit ng teknolohiya.
D. Ito ay umaaayon sa lokalidad na napapabilang ang isang tao.
25. Ayon sa tulang binasa, alin ang naiiba sa mga pahayag:
A. Dugo’t pawis ang inaalay para may makakain ang pamilya at sambayanan.
B. Gumagamit ng teknolohiya para mapadali ang gawain.
C. Handang humarap sa init ng bukirin.
D. Sa kanilang kakayahan ay umaasa ang mga tao sa kanilang ani .

“Modyul muna para sa kinabukasan bago M.L, C.O.D o anumang laro diyan” -CMA

Inihanda ni:

Cherry Mae O. Acapulco, M.A.Ed.F.T.,E.M.S


Filipino Reading Coordinator

Address: Plaridel Street, Centro, Mandaue City


Telephone Nos.: (032) 4202775 / (032) 4202774; (032) 3451174
Email Address: mandauecitycnhs@gmail.com | Website:

You might also like