You are on page 1of 41

PANREHIYONG PAGTATAYA SA IKAAPAT NA

KUWARTER SA FILIPINO 6
S.Y.2022-
2023
_____1. Alin sa sumusunod na pangkat ang magkakaugnay?
A. English, Math, Science, Filipino
B. uniporme, sapatos, libro, sandok
C. talong, sitaw, kalabasa, manok
D.timba, tabo, sabon, papel
_____2. Ang pangkat ng mga salitang kalye, kalsada, eskinita
ay magkakaugnay. Alin pa sa sumusunod ang kaugnay?
A. gamit pampaaralan
B. mga gulay
C. dinadaanan ng tao
D. pasilidad
_____3. Mukha, ilong, tenga, bibig at pisngi ay nauugnay sa
bahagi ng mukha. Anong bahagi naman ang kaugnay na pangkat
ng dahon, sanga, bulaklak, at bunga?
A. Bahagi ng paa
B. Bahagi ng katawan
C. Bahagi ng Puno
D. Bahagi ng Bahay
_____4. Barko-Tubig, Kotse- Kapatagan, Eroplano - ___________
A. Kabundukan
B. Kabukiran
C. Kalupaan
D. Himpapawid
_____5. Ang kabayo, manok, kambing, baka, kalabaw ay
nakatira sa bukid,
Ang Isda, dikya, balyena, pating, pugita ay sa tubig
nakatira at ang aso, pusa, kuneho,
goldfish at loro ay nakatira sa tahanan. Saan naman
nakatira ang palaka, buwaya, alimango, pagong?
A. himpapawid
B. tubig
C. lupa
D. lupa at tubig
_____6. Basahin ang patalastas na nasa itaas, aling Pangngalan
Pantangi ang ginamit dito?
A. hardinero
B. tumawag
C. kay
D. Bb. Mina Dela Cruz
____7. Tumawag sa Telepono na may numerong 88886232.
Anong bahagi ng pananalita ang salitang nakasalungguhit na
ginamit sa patalastas?
A. Panggalan
B. Panghalip
C. Pandiwa
8-10. Panuto: Gumawa ng sariling patalastas gamit ang iba’t ibang
bahagi ng pananalita batay sa hinihinging bahagi ng pananalita tungkol
sa larawan.
Tandaan n’yo kids, Hindi lahat ng nagma make-
up ay (8. Pang-uri) ______________! Dagdag
kaalaman hatid ni Mc Donalds.

Dito sa Jollibee Beeda ang (9.


Pandiwa) _____________!
Para kang (10. Pangngalan)
________________________________
Hindi ka kumpleto kung walang kang TOYO.
Number 1, ang Bakawan
May kakayahan na mag-impok ng malaking bahagi ng carbon sa kanilang mga
ugat ang mga Bakawan o mangroves.
Ito ang rebelasyon ni Nat Spring Senior Research Director ng Earthwatch.
Dahil sa kakayahang ito ng mga Bakawan, nakababawas ang mga ito ng matinding
init ng mundo. Kaya naman Bakawan ang masasabing Number One sa paglaban sa
global warming.
Bukod dito, kilala rin ang Bakawan na kanlungan ng mga isda sa mga
mahihigpit na nakakapit na mga ugat sa baybay dagat. Nakatutulong din ang mga
ito na pigilin ang pagbaha at pagguho ng lupa.
Kaya’t makibahagi sa mga gawaing may kaugnayan sa pagpaparami ng
Bakawan bilang tulong natin sa kalikasan.
_____11. Ano ang iyong reaksyon ngayong
nalaman mong may solusyon pa upang mapigilan
ang Global Warming?
A. Ako po ay natutuwa dahil mapipigilan na ang
matinding init ng mundo.
B. Ako po ay natatakot dahil may solusyon na
upang mapigilan ang Global Warming.
C. Naiinis po ako sa matinding init ng panahon.
D. Nalulungkot ako dahil iinit lalo ang mundo.
_____12. Tayo ay magtatanim ng maraming Bakawan
sa ating bansa. Ang mga opinyon o palagay na
mangyayari ay posibleng tama maliban sa isa.
A. Sa aking palagay, mapipigilan na ang matinding init
ng mundo.
B. Sa aking palagay, dadami ang mga isda sa
katubigan.
C. Sa aking palagay, mapipigilin ang pagbaha at
pagguho ng lupa.
D. Sa aking palagay, iinit lalo sa paligid.
_____13. Kung hindi ka nakatira malapit sa anyong
tubig, Paano ka makakatulong upang malabanan ang
Global Warming?
A. Iiwasan ko magsusunog ng basura.
B. Gagamit ako ng pabangong de-ispray.
C. Magpuputol tayo ng puno sa kagubatan hanggang
sa makalbo.
D. Gagamit ng sasakyan kahit malapit lang ang
pupuntahan.
_____14. Kung mabibigyan ka ng
pagkakataon makapagtanim ng Bakawan,
Kanino mo ito iaalay?
A. Iaalay ko sa aking alagang hayop.
B. Iaalay ko bagong henerasyon ng ating
kalahi.
C. Iaalay ko sa mga matatanda
D. Iaalay ko sa aking sarili
_____15. Bilang isan mag-aaral, Anong
proyekto ang gagawin mo upang
makapanghikayat na magtanim ng Bakawan?
A. Slogan tungkol sa Pagtatanim ng Bakawan
B. Slogan tungkol sa Pagtatanim ng Narra
C. Slogan tungkol sa Pagtatanim ng Buko
D. Slogan tungkol sa Pagtatanim ng gulay
_____16. Siya ay kilala bilang Dakilang lumpo at utak ng
Rebolusyunaryo na pangalawa sa walong anak nina
Inocencio at Dionisia, ng Batangas. Noong bata pa siya ay
nagpakita ng talino at pagkahilig sa pag-aaral. Nakatapos ng
abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas bilang scholar.
Namatay siya noong Mayo 13, 1903, sa gulang na 39 dahil sa
kolera. Ito ay di-Kathang Isip/di-Piksyon. Kanino Kuwento
ito?
A. Ang Talambuhay ni Apolinario M. Mabini
B. Ang Talambuhay ni Corazon C. Aquino
C. Ang Talambuhay ni Rodrigo R. Duterte
D. Ang Talambuhay ni Jose P. Rizal
_____17. Ang sumusunod ay
nabibilang sa kuwentong Piksyon
maliban sa isa.
A. Ang Alamat ng Ahas
B. Ibong Adarna
C. Ang Kasaysayan ng Pilipinas
D. Si Matsing at si Pagong
_____18. “Naku! Pinang, sana’y magkaroon ka ng
maraming mata upang makita mo ang lahat ng
bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin.”
Ang kuwentong ito ay isang uri ng piksyon o
kathang-isip lamang, ano ang pamagat nito?
A. Ang Alamat ng Pinya
B. Ang Alamat ng Durian
C. Ang Alamat ng Pipi, Bulag at Bingi
D. Si Pinang Bulag
_____19. Mapapansing nakahiwalay ang hinlalaki sa apat pang mga
daliri natin. Noong unang panahon magkakasama ang limang daliri ng
tao. Dahilan sa isang di inaasahang pagtatalo ay nagkaroon ng aberya
ang grupo. Ano ba naman kayo," paglilinaw ni Hinlalaki, "sa simpleng
pagnanakaw ay pinahahaba pa ninyo ang istorya. "Kung gusto mong
magnakaw, ikaw na lang at huwag mo na kaming idamay!" sabay-
sabay na sagot ng apat na daliri. Magmula noon, nagsama-sama na
ang Hintuturo, ang Gitnang Daliri, ang Palasingsingan at ang Hinliliit.
Namuhay na mag-isa ang Hinlalaki na laging kasamaan ang
pinupuntahan. Anong uri ng kwento ito?
A. Piksyon
B. Di-Piksyon
C. Wala sa nabanggit
D. Lahat ng nabanggit
_____20. Covid-19 ay nagdulot ng kahirapan,
kamatayan at kawalan ng hanapbuhay dito sa
Mundo. Ang pag-aaral ay modular lamang at
walang Face to Face Classes. Anong uri ng teksto
ito nabibilang?
A. Piksyon
B. Di-Piksyon
C. Wala sa nabanggit
D. Lahat ng nabanggit
_____21. Ang Aksyon ay pelikula na nakapokus sa mga
bakbakang pisikal. Maaaring hango sa tunay na buhay
o pangyayari o kay naman ay kathang-isip lamang. Ano
naman ang tawag sa pelikulang kung saan ang mga
nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o totoong
pagpapatawa sa bawat salitang namumutawi sa
kanyang bibig.
A. Animasyon
B. Drama
C. Komedya
D. Pag-ibig o Romansa
_____22. Ito ay uri ng pelikulang gumagamit
ng mga larawan o pagguhit/ drowing upang
magmukhang buhay ang mga bagay na
walang buhay.
A. Pag-ibig o Romansa
B. Drama
C. Komedya
D. Animasyon
_____23. Ito ay uri ng pelikulang
base sa mga tunay na kaganapan sa
kasaysayan.
A. Historikal
B. Drama
C. Aksyon
D. Animasyon
_____24. Katatakutan ang uri ng pelikula na
humihikayat ng negatibong reaksyong emosyonal
mula sa mga manonood sa pamamagitan ng pag-
antig sa takot nito. Alin pamagat kaya ang angkop
dito?
A. Darna
B. Spiderman
C. Shake, Rattle & Roll
D. Chupa
_____25. Pag-ibig/Romansa- Umiikot ang
kwento sa pag-iibigan ng mga tauhan sa
pelikula.
Alin pamagat kaya ang angkop dito?
A. Hugot
B. Dalaw
C. Shake, Rattle & Roll
D. I left my heart in Sorsogon
GWR, kinilala ang asong may pinakamahabang dila sa
buong mundo

Kinilala ng Guiness World Records (GWR) ang


“adorable dog” na si Zoey mula sa USA para sa titulong
“longest tongue on a living dog” dahil umano sa
kaniyang dila na mas mahaba pa sa lata ng soda.
Sa ulat ng GWR, may habang 12.7cm./ 5 inches ang
dila ni Zoey, isang Labrador/ German Shepherd mix,
mula sa Metairie, Louisiana, USA.
_____26. Ano ang naging reaksyon mo
nang mabasa ang tungkol sa asong si
Zoey?
A. Nalungkot
B. Nagulat
C. Nabilib
D. Natakot
_____27. Ano ang opinyon mo, bakit may
mahabang dila ang asong si Zoey?
A. Sa aking palagay, dinugtungan ang dila ng
aso
B. Sa aking palagay, pinainom ng bitamina
na pampahaba ng dila
C. Sa aking palagay, nasa lahi niya ang
pagkakaroon ng mahabang dila
D. Sa aking palagay, hinila ang dila ng aso
_____28. Kung magkakaroon ka ng
aso katulad ni Zoey, Ano ang
gagawin mo?
A. Ipapamigay ko siya
B. Aalagaan ko siya
C. Aalagaan ko at mamahalin siya
D. Itatapon ko
_____29. Kung bibigyan ka ng magulang mo,
ano ang gusto mong pet o alagang hayop at
bakit?
A. Aso, para may kalaro ako at may
magbabantay sa akin.
B. Pusa, upang manghuli ng daga.
C. Ibon, para mapalipad.
D. Isda, para may ulam kami.
_____30. Ano ang magiging reaksyon
mo, kung ikaw ang nagmamay-ari kay
Zoey?
A. Masaya
B. Natatakot
C. Mapapaiyak
D. Malulungkot
Ang Kambal
Si Aling loleng ay nagsilang ng kambal ng parehong babae, kung
iyong pagmamasdan, magkamukhang-magkamukha silang dalawa.
Pareho ang hugis ng mata, parehong matangos ang ilong, may maliit
na bibig, maputing kulay ng balat, subalit ang isa ay may nunal sa
ilong, ang isa ay may balat sa braso. Sila ay magkaiba ng palatandaan.

Pagkakatulad Pagkakaiba
_____36. Ito ay sanggunian na pinagkukunan ng kahulugan, baybay o
ispeling, pagpapantig, bahagi ng pananalitang kinabibilangan ng
salita, pinanggalingan ng salita, at nakaayos ito nang paalpabeto.
A. Diksyunaryo
B. Mapa
C. Globo
D. Atlas
_____37. Ito ay set ng mga aklat na nagtataglay ng mga impormasyon
tungkol sa mga bagay-bagay at mga artikulo tungkol sa katotohanan.
A. Ensayklopedya
B. Diksyunaryo
C. Mapa
D. Globo
_____38. Sangguniang aklat ng mga mapang
nagsasabi ng lawak, distansya at lokasyon ng
lugar. Ipinakikita rito ang mga anyong- lupa at
anyong tubig na matatagpuan sa isang lugar. Ito
ay nakayos ayon sa pulitika, rehiyon o estado
A. Ensayklopedya
B. Diksyunaryo
C. Mapa
D. Atlas
_____39. Teknolohiyang maaaring pagkunan ng impormasyon
gamit ang kompyuter, tablet o piling telepono ay
_____________?
A. Internet/ Google
B. Diksyunaryo
C. Mapa
D. Globo
_____40. Alin sa sumusunod ang isang maliit na replika ng
mundo.

A. B C D
_____41. Aling buwan sa isang taon ang may
pinakamaraming bilang na mag-aaral ang may kaarawan?
A. Mayo
B. Hunyo
C. Hulyo
D. Disyembre
_____42. Aling buwan sa isang taon ang may dalawang mag-
aaral ang may kaarawan?
A. Enero, Marso at Oktubre
B. April at Setyembre
C. Hulyo at Agosto
D. Hunyo at Disyembre
_____43. Ilan ang agwat na dami ang buwan na
may pinakamaraming bilang na mag-aaral na may
kaarawan kung ihahalintulad sa pinaka-kaunting
bilang.
A. Isa
B. Sampu
C. Siyam
D. Labing-isa
_____44. Kung sa taong 2008 ay 1Milyon ang halaga ng SUV, at sa
taong 2011 ay naging 700K nalang ang halaga ng SUV. Magkano ang
ibinaba nito sa loob ng tatlong taon?
A. 300K
B. 700K
C. 1Milyon
D. 1.4 Milyon
_____45. Kung susuriin ang line-graph, Habang tumatagal ang mga SUV
ay ____________?
A. Tumataas ang halaga
B. Biglang tumataas ang halaga
C. Paunti-unting bumababa ang halaga
D. Pare-parehong mataas ang halaga
San Fernando Elementary School
Mga batang mag-aaral mula Kinder- grade6
Pebrero 22, 2023
Earthquake Drill
Alarm, Response, Evacuation, Assembly, Headcount,
Evaluation Maging handa
_____________________________________________________
(Pamagat)

______________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________
21 TAKERS
1.19 6. 15 11.19 16. 12 21. 14 26.14 31. 36.21 41. 20
2. 19 7. 10 12. 11 17.18 22. 20 27. 20 32. 37. 20 42.10
3.16 8.21 13.16 18. 20 23.20 28. 21 33. 38. 8 43. 14
4.19 9.19 14.18 19.13 24.19 29.21 34. 39.21 44.18
5.20 10.19 15.20 20. 18 25.20 30.19 35. 40. 9 45. 20

You might also like