You are on page 1of 8

SAINT LOUISE DE MARILLAC COLLEGE OF SORSOGON

Burgos Street, Talisay, Sorsogon, Philippines


First Semester A.Y. 2023-2024

Pangalan: Petsa:
Baitang:
IKA-UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6

Panuto: Basahin ang ulat sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng
iyong sagot sa sagutang papel.

Ulysses, Iba Kay Ondoy — Climatology Expert

MANILA, Philippines — Malaki umano ang pagkakaiba ng Super Typhoon Ondoy na


nanalasa noong September 2009 sa Bagyong Ulysses na naranasan ngayon ng Metro
Manila at Luzon dahil ang bawat bagyo ay may kanya-kanyang uri at lakas na dalang ulan
at hangin.
“Itong si Ulysses, hindi ito kabagalan. Hindi ito katulad ni Ondoy. Si Ondoy talagang
napakabagal ng kilos niyan. Sa unti-unti niyang galaw (Ondoy), puro ulan ang dinala niya.
Walang masyadong hangin,” pahayag ni Nathaniel “Mang Tani” Cruz, dating climatologist
ng PAGASA at resident meteorologist ng GMA.
Ayon kay Cruz, si Ondoy ay kumain ng maraming buhay at puminsala sa maraming ari-
arian at imprastraktura nang magkaroon ng flashfloods dahil sa matinding ulan na
bumuhos sa loob lamang ng anim na oras.
Samantala si Ulysses ay naapektuhan lamang ng mga nagdaang mga bagyo kaya ang dala
nitong ulan ay matindi ring nakaapekto sa mamamayan.
“Ito kasing si Ulysses, ilang bagyo na kasi ang dumaan bago ito dumaan. So, ‘yung lupa,
maging sa Sierra Madre ay babad na babad na. Saturated na kaya kaunting ulan lamang
ay nagkakaroon ng run-off,” dagdag ni Cruz.
Ito anya ang dahilan kung bakit umabot ang water level ng Marikina River ng 21.9
meters kahapon, mas mataas sa 21.5 meters na water level ni Ondoy noon.
Sinabi rin ni Cruz na mas maraming bagyo na ang dumaan bago si Ulysses kaya pati ang
mga dam tulad ng Angat ay umapaw ang tubig.
Kung ikukumpara naman si Ulysses sa Super Typhoon Rolly, si Ulysses ay mas mahina
1. Sino ang dating climatologist ng PAGASA at resident meteorologist ng GMA?
pero ang impact ay higit na naramdaman dahil kakadaan lang ni Rolly at hindi pa
A. Kim Atienza C. Mike Enriquez
nakakabangon ay may bagyo na naman.
B. Jessica Soho D. Nathaniel Cruz

2. Kailan nanalasa ang Super Typhoon Ondoy sa Pilipinas? Angie dela Cruz
Pilipino Star Ngayon
A.Disyembre 2011 C. Nobyembre 2015
November 13, 2020
B.Disyembre 2018 D. Setyembre 2009

3. Bakit umabot nang mas mataas ang level ng tubig ng Marikina River nitong kay
Bagyong Ulyses kaysa noong kay Bagyong Ondoy?
A. Dahil ang Marikina River ay maraming nakabara na basura.
B. Dahil sa ang bagyong Ondoy ay mas mahina kaysa bagyong Ulysses.
C. Dahil ang Bagyong Ulysses ang pinakamalakas sa lahat ng mga bagyo
ngayong taon.
D. Dahil sa sunod-sunod na bagyo ang dumating bago pa man ang bagyong
Ulysses.

4. Paano mo paghahandaan ang ganitong uri ng kalamidad?

A. Matulog dahil malamig ang panahon.


B. Manatili sa loob ng bahay kahit pinapalikas na.
C. Maghanda ng emergency kit at makibalita sa mga pangyayari.
D. Makinig ng balita subalit balewalain lamang ito kasi di naman sigurado.
5. Ng dahil kay Ulysess umabot sa ilang metro ang level ng tubig sa Marikina River?
A. 5 C. 30.9
B. 21.9 D. 42.9

Basahin ang pahayag sa ibaba. Ito ay isang Health Advisory mula sa Department of Health.
Sagutin ang mga tanong. Iuugnay ang sariling karanasan ukol dito. Piliin ang letra ng tamang
sagot at isulat sa sagutang papel.

Alam ba ninyong sa panahong mayroong mga bagong sakit na natutuklasan. Mas


nakasasama kung tayo ay magpapanic. Katulad na lang ng bagong sakit na tinatawag na
NOVEL - CORONA VIRUS O NCOV. Ayon sa Health Advisory ng DOH dapat manatiling
kalmado at maniwala lamang sa abiso na nanggaling sa kanilang ahensiya. Pinapayuhan ang
lahat na siguraduhin ang madalas at tamang paghugas ng kamay. Ang pagtakip sa ilong at
bibig tuwing umuubo at iwasan ang malapitang kontak sa mga taong may sintomas ng
trangkaso. Magsuot ng wastong proteksiyon sa katawan kung lalapit sa mga hayop mula sa
farm o sa mga wild animals. Dapat lutuin nang mabuti ang ating pagkain at palakasin ang
ating resistensiya sa pamamagitan ng healthy lifestyle at pagtulog nang mahaba. Panuto:
Sagutin ang mga katanungang hango sa tekstong napakinggan.

https://www.youtube.com/watch?v=b_Lh2tjwuJQ LIGTAS ANG MAY ALAM

6. Ano ang dapat gawin kung may bagong sakit na natuklasan?


A. magsaya C. huwag pansinin
B. magpanic D. manatiling kalmado

7. Sa palagay mo, paano ka makatutulong upang maiwasan ang paglaganap ng sakit


na ito?
A. Sundin ang mga payo ng Department of Health.
B. Huwag maniwala at gawin ang gusto mo.
C. Huwag makinig sa mga balita.
D. Ikulong ang sarili sa bahay.
8. Paano natin mapapanatili ang kalinisan sa ating katawan ayon sa nabasa?
A. Gawin nang tama at madalas ang pag hugas ng kamay.
B. Huwag maging malinis sa kapaligiran
C. Iwasan ang pagkain ng masusustansyang pagkain.
D. Maging mapili sa pagkain.
9. Anong proteksyon ang maaring gawin upang maka iwas sa sakit?
A. Magsuot ng wastong proteksiyon sa katawan kung lalapit sa mga hayop mula sa farm o sa mga
wild animals. Dapat lutuin nang mabuti ang ating pagkain at palakasin ang ating resistensiya sa
pamamagitan ng healthy lifestyle at pagtulog nang mahaba.
B. Sundin ang payo ng matatanda.

C. Bumili ng mamahaling gamot.

D. Hayaan nalang na mahawa.

Panuto: Salungguhitan ang wastong panhalip sa panaklong.

10. Ang damit (mo, iyo) ay bagay sa iyo.

11. Hindi ( ko, ako) makita ang hinahanap mo.

12. Noong ako ay bata pa, madalas daw (ako, kami) mahulog sa hagdan.

Panuto; Sagutin ang mga sumusunod na tanong base sa nabasang pabula. Piliin ang letra ng
tamang sagot.

Ang Aso at ang Uwak

May isang ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw.Tinangay niya ito at lumipad
nang malayo. Sa dulo ng sanga ng isang puno ay sinimulan niyang kainin ang karne. Ngunit narinig
niya ang malakas na boses ng isang aso na nagsabing, “sa lahat ng ibon, ang uwak ang pinaka-
magaling. Walang kakumpara!” Natuwa ang uwak at binukas ang bibig para humalakhak. Ang
nangyari ay nalaglag ang karne mula sa kanyang bibig. Nahulog ito sa lupa kung saan kaagad
sinunggaban ng aso.Walang nagawa si uwak kundi tingnan ang pagkain ng aso sa nahulog nyang
karne. Mula noon hindi na muling nagpalinlang si Uwak kay Aso.

13. Ano ang pamagat ng nabasa na pabula?

A. Ang Aso at ang Karne C. Ang Karnes a Sanga

B. Ang Aso at ang Uwak D. Ang Uwak sa Karne

14. Sino sino ang tauhan sa pabula?

A. Aso at Agila C. Uwak at Agila

B. Aso at Uwak D. Uwak at Pusa

15. Kaninong boses ang narinig ni uwak at napahinto siya sa pagtuka ng karne?

A. Narinig niya ang boses ng aso.

B. Narinig niya ang boses ng pusa.

C. Narinig niya ang boses ng maya.

D. Narinig niya ang boses ng lawin.

16. Paano nalaglag sa bibig ng uwak ang karne?


A. Natuwa ang uwak at binuksan ang bibig para humalakhak.

B. Nagulat ang uwak at binukas ang bibig para humalakhak

C. Nabigla ang uwak at binuksan ang bibig para humalakhak.

D. Namangha ang uwak at binukas ang bibig para humalakhak.

Panuto: Piliin ang letra ng angkop na kahulugan ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.

17.________________bungang -isip

A. Mula sa bunga ng pangarap C. Mula sa bunga ng iba’t ibang ginawa

B. Mula sa bunga ng mga nakikita D. Mula sa bunga ng iba’t ibang pangyayari

18. ______________ nagpakitang-dilas

A. Ipakita ang pagiging malikhain C. Pagpapakita ng pagiging aktibo

B. Ipankita ang katalinuhan D. Ipakita ang kahusayan at kasanayan

19. ________________Kilalang pamilya

A. May kaya sa buhay C. Pamilya kasama sa pulitika

B. Sikay na pamilya D. Malaking pamilya

Basahin ang teksto sa ibaba. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Higit 500 katao patay sa magnitude 7.8 lindol sa Turkey, Syria

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

February 7, 2023 | 12:00am

MANILA, Philippines — Tinatayang mahigit sa 500 katao ang nasawi sa dalawang


bansa matapos ang 7.8 magnitude na lindol na yumanig sa southern Turkey, Lunes
ng madaling araw.

Base sa ulat ng CNN, tinatayang 284 ang nasawi at 2,300 ang nasugatan sa
Turkey habang sa Syria naman ay 237 ang nasawi at 639 ang sugatan.

Habang sinusulat ang balitang ito ang kabuuang nasawi sa Turkey at Syria ay 521.

Ang nasabing lindol ay pinakamalakas na tumama sa Turkey sa nakalipas na 100


taon kung saan naramdaman din ang pagyanig sa mga kalapit na bansang Israel at
Lebanon.

Dahil sa lakas ng pagyanig ay nagbagsakan ang mga gusali doon kaya nagtakbuhan
palabas ang mga residente sa mga kalsada.

Base sa ulat, tinatayang 1,700 mga gusali ang nasira sa 10 Turkish cities.

Iba’t ibang lider naman sa buong mundo ang nagpahatid ng pakikiramay at


nagpahayag ng kahandaan sa pagtulong sa Turkey at Syria.
Base pa sa ulat, punuan na rin ang mga ospital sa Syria kung saan nakasalansan na
lamang ang mga pasyente sa daanan matapos ang malakas na lindol.

Wala pa namang naiulat na Pinoy na nadamay sa nasabing paglindol.

20. Anong mga bansa ang lubhang naapektuhan ng lindol?


A. Israel at Syria C. Israel at Lebanon
B. Turkey at Syria D. Turkey at Lebanon
21. Dapat bang paghandaan ang mga kalamidad tulad ng lindol?
A. Hindi po, dahil kusa itong dumarating.
B. Opo, dahil kailangan nating mag-ingat.
C. Hindi po, dahil may mga ahensiya naman ng pamahalaan na nakatalaga para
rito.
D. Opo, dahil kailangang mailigtas ang sarili at pamilya laban sa sakuna at
kapahamakang maaaring maidulot nito.
22. Ilan ang bilang ng kabuuang nasawi sa Turkey at Syria?
A. 569 C. 659
B.760 D. 521
23. Sino ang nag ulat ng balitang iyong nabasa?
A. Atom Araulyo C. Ted Failon
B. Gemma Garcia D. Noli Kabangon
Punan ang patlang ng angkop na salitang upang mabuo ang diwa ng sanaysay na naglalarawan.
Isulat ang letra ng tamang sagot. (Para sa bilang 24-26).
A. pandemya C. nakamamatay
B. matataong D. nakahahawang

Pangangalaga sa Panahon ng Pandemya

Patapos na ang taong 2019, nang lumabas ang balita na bumulabog sa buong bansa,
ang paglaganap ng 24. ___________ na virus na tinawag na Covid 19. Nagsimula ang virus
sa bansang China, hanggang sa lumaganap na sa buong mundo.
Kailangan ang wastong pangangalaga at pag-iingat sa sarili upang hindi mahawaan ng
25.___________ sakit na ito.
Narito ang mga tagubilin na dapat tandaan at sundin upang pangalagaan ang sarili.
Gumamit ng malinis na mask o pantakip sa mukha bilang pananggalang sa talsik ng laway o
paglanghap ng virus. Laging maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o kaya’y
paggamit ng alcohol. Iwasan ang mga 26.___________ lugar at laging panatilihin ang
isang metrong distansiya. Kumain ng masusustansyang pagkain. Uminom ng bitamina at
laging mag ehersisyo.

Pag-aralan ang bawat pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot na nagbibigay ng tamang
argumento sa pahayag. Isulat ito sa sagutang papel.
27. Meralco at Maynilad may dagdag na singil sa susunod na buwan.

A. Hindi tama na tumaas ang singil dahil marami ng mga mahihirap na


naghihikahos sa buhay.
B. Hindi makatwiran dahil sa dagdag pasanin sa gastusin ng bawat pamilya.
C. Lalong maghihirap ang mga mahihirap
D. Lahat ng nabanggit.
28. Hindi dapat nakikipagbarkada ang isang estudyante.

A. Naaagaw ang panahon na dapat ay sa pag-aaral lamang.


B. Nakatutulong sa pag-aaral ang barkada.
C. Nagbibigay kasiyahan ang barkada.
D. Lahat ng nabanggit.
29. Suriin ang mga pahayag. Piliin ang letra ng pahayag na nagsasaad ng katotohanan.

A. May mga drayber na nagsasamantala sa pasahero.


B. Ang mga pasahero ay maaaring maghain ng reklamo.
C. Walang drayber na mas pipiliin ang mamasada kaysa magwelga.
D. Maraming pasahero ang natutulungan ng mga drayber na makarating sa
kanilang paroroonan at pauwi sa kanilang mga bahay.

30. Tumatakbo ang isang school bus. May narinig na putok ang drayber na nagmula sa school bus.
Bumaba ang drayber para tingnan iyon. Ano ang angkop na

pangungusap sa sitwasyon?

A. Bumaba kayong lahat.


B. Naku! Flat ang gulong.
C. Saan kaya may malapit na talyer dito?
D. Iiwan ko muna kayo rito, babalikan ko kayo mamaya pagkatapos maayos ng
Gulong

31. Napunit ang sagutang papel mo dahil natamaan ito ng kamay ng kaklase mo nang

bigla siyang mapaatras. Ano ang pangungusap na padamdam ang angkop gamitin?

A. Ang likot-likot mo kasi!


B. Tingnan mo ang ginawa mo!
C. Hala! Napunit ang papel ko!
D. Aray! Napunit ang papel ko!

Tukuyin ang ginamit na panghalip sa pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
32. Akin ang pagkain na dal ani inay kahapon.
A. Panao C. Pananong E.Panaklaw
B. Paari D. Pamatlig
33. Kanino ang pitakang napulot kanina sa palaruan?
A. Panao C. Pananong E.Panaklaw
B. Paari D. Pamatlig
34. Hayun ang mga bata at masayang naglalaro.
A. Panao C. Pananong E.Panaklaw
B. Paari D. Pamatlig
35.Tinanggap namin ang paanyaya ng pangulo ng samahan.
A. Panao C. Pananong E.Panaklaw
B. Paari D. Pamatlig
Basahin ang sitwasyon. Ibigay ang maaaring solusyon dito. Piliin ang titik ng tamang sagot.
36. Nakagawian ng mga tao sa barangay ang pagsunog ng basura na siya palang dahilan ng pagkasakit ng
bata sa asthma. Ano nga ba ang solusyon mo sa ganitong suliranin?
A. Ilagay sa loob ng buho at sunugin ang mga basura.
B. Iwanan lang ang basura
C. Itapon ang basura sa ilog, sapa, at dagat.
D. Ipunin at isegregate ang mga basura at itapon sa tamang tapunan.
37. Ang buong mundo ay humaharap sa nakapasalimuot na suliranin sa kalusugan dahil sap ag litaw ng
pandemic sa sakit na COVID-19. Alin ang maaaring solusyon dito?
A. Biogesic
B. Halamang Gamot
C. Paracetamol
D. Vaccine
38. May namatay sa kabilang barangay dahil sa sakit na dengue, ano ang maaring solusyon dito?
A. Tumulong sa paglinis ng sambayanan
B. Huwag ng linisan ang bakuran
C. Ipaubaya ang paglilinis sa opisyal ng barangay.
D. Gumamit ng pesticides pamatay ng lamok.
39. Mahilig kumain ng tsokolate ang iyong kapatid kaya palagi itong umiiyak dahil sa sakit ng ngipin.
Ano ang mabuting gawin dito?

A. Dalhin sa klinika
B. Huwag pansinin
C. Tawanan ang iyong kapatid
D. Yayaing mag laro sa parke ang kapatid.
40. Nagkklase ang iyong guro sa Filipino 6 at biglang sumakit ang iyong tiyan. Ano ang iyong gagawin?
A. Lumabas ng hindi nag papaalam sa guro
B. Magpaalam ng mayo sa guro
C. Magpaaalam sa iyong kaklase na ikaw ay lalabas
D. Tiiisin ang sakit ng tiyan.
41. Problema ang doble dobleng pag park sa aming kalye. Ano ang pinaka mabuting solusyon dito?
A. Guhitan ang sasakyan ng kahit anong tinta.
B. Magalit sa may ari ng sasakyang naka-park sa kalye.
C. Huwag pasinin dahil wala ka naming sasakyan.
D. Ipaalam sa opisyales ng barangay upang mahanapan ng tamang parking area ang sasakyan.
42. Umiigib ka sa tubig ng balon. Isang umaga kukuha ka sana ng tubig nang maamoy mong may amoy
gasolina pala ito. Ano ang iyong gagawin?
A. Manahimik nalang
B. Umuwi agad at huwag humingi ng tubig.
C. Humingi ng tulong para malinisan ang balon.
D. Ipagpatuoy ang pagkuha kahit alam mong may gasolina ang tubig.
43. Pagpupuyat at pagkahilig ng kabataan sa Online Games
A. Dapat tangkilikin ang ganitong klaseng laro.
B. Dapat iwasan ang pagkalulong ng kabataan sa Online Games.
C. Pabayaan ang kabataan
D. Suportahan ang ganitong klaseng laro.
44. Ang Covid-19 ay nagbigay daan sa mga Pilipino na magkaroon ng gulayan sa tahanan para makatipid
at makakain ng sariwang gulay.
A. Makapagtitindi siya ng gulay sa kanilang lugar.
B. Wala kaming bakuran kaya hindi kami nakakapag tanim.
C. Nadagdagan ng trabaho sa tahanan at nakakapagod.
D. Sa halip na lumabas at bumili sa tindahan ay maari ng pumitas sa bakuran.
45. Isyu: Pagkahilig sa Online Shopping sa panahon ng pandemya.
A. Maawa
B. Masisiyahan
C. Maiiyak
D. Matatakot.
46. Isyu: Pamimigay ng mga politico ng gadyet para sa mga mag-aaral.
A. Maawa
B. Masisiyahan
C. Maiiyak
D. Matatakot
47. Isyu: Pagbabawal sa paglabas ng bahay ng mga batang may edad 20 papaba sa panahon ng Covid -
19.
A. Iiyak
B. Hindi Susunod
C. Magrereklamo
D. Susunod
48. Nais ko ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa nan aka ayos sa alphabeto.
A. Almanac C. Diksyunaryo
B. Atlas D. Ensiklopedya
49. Kalendaryo ng impormasyong astronomiko at prediksyon tungkol sa panahon na naman ang hangad
ko makita.
A. Almanac C. Ensayklopidya
B. Atlas D. Tesawro
50. Hinahanap ni Nena angpinagsama-samang mga mapa sa iisang aklat.
A. Almanac C. Ensayklopidya
B. Atlas D. Tesawro

You might also like