You are on page 1of 3

PRESBYTERIAN CHRISTIAN ACADEMY

Fuentes, Maria Cristina, Iligan City


School ID: 405293
S.Y: 2021-2022

ARALING PANLIPUNAN
Quarter 1 – Week 1
Ikalawang Baitang

MGA URI NG PANAHON AT KALAMIDAD

 Ano ang dalawang uri ng panahon?


 Sa ating komunidad ay may dalawang uri ng panahon. Ito ay ang tag-ulan at
tag-init.
 Kailan natin nararanasan ang tag-init?
 Ang tag-init ay nararanasan mula sa buwan ng Nobyembre hanggang buwan ng
Abril.
 Kailan natin nararanasan ang tag-ulan?
 Ang tag-ulan ay nararanasan mula sa buwan ng Hunyo hanggang buwan ng
Nobyembre.
 Anong kasuotan ang isinusuot tuwing tag-ulan?
 Maaari tayong magsuot ng may makakapal na tela ng damit, jacket, padyama,
medyas, at iba pa.
 Anong kasuotan ang isinusuot tuwing tag-init?
 Maaari tayong magsuot ng maiikling kasuotan tulad ng sando, shorts, palda, at
swimsuits.
 Anong mga kalamidad ang maaari nating maranasan?
 Nakararanas ng iba’t ibang kalamidad tulad ng lindol, baha, bagyo, sunog at
pagsabog ng bulkan at aksidente.
 Maaaring magdulot ng paglindol ang pagputok ng bulkan.
 Ang Pilipinas ay mayroong tinatayang 23 aktibong mga bulkan.

 Mga dapat gawin kung may lindol

 Paalala: Kapag natapos na ang pagyanig o isang minuto, lumabas ng


tahanan at humanap ng ligtaas na lugar kung saan makakaiwas sa mga
posibleng bumagsak na bagay. Huwag tumayo sa gilid ng puno o poste.

 Ano ang epekto ng kalamidad?


 Malaki ang epekto nito, kapag may baha at bagyo, nasisira ang mga pananim,
maramng nalulunod na mga hayop at natutumba ang mga puno.

 Kung minsan mayroon pang namamatay na tao. Kpag tag-init naman, natutuyo ang
mga pananim at nagkakaroon ng sunog. Marami rin ang nagkakasakit kapag
matindi ang init tulad ng lagnat, sore eyes, allergy at marami pang iba.
 May kinalaman ba ang uri ng lugar sa ating uri ng panahon?
 Ang kinaroroonan ng isang lugar ay may kinalaman sa iba-ibang uri ng panahon na
nararanasan sa ating komunidad.

PAGSASANAY. Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan at isulat ito sa


inyong kwaderno sa AP sa cursive na paraan.
1. Ang mga sumusunod ay mga direktang epekto ng bagyo maliban sa __________.
a. malakas na hangin b. malakas na alon
c. sunog d. malakas na ulan
2. Kapag tag-ulan, nararapat lamang na manatili tayo sa labas ng bahay para maglaro.
a. tama b. mali
3. Ang ating tag-ulan ay nagaganap tuwing aling mga buwan?
a. Oktubre – Marso b. Hunyo – Nobyembre
c. Pebrero – Hulyo d. Disyembre – Mayo
4. Ang jacket ay maaaring isuot kung malamig ang panahon.
a. tama b. mali
5. Maaaring magdulot ng paglindol ang pagputok ng bulkan.
a. tama b. mali
6. Sapote, botas, at payong ay mga dapat isuot o gamitin kung _________.
a. maulan b. maaraw
c. maalinsangan d. mainit
7. Dapat kang magtago sa ilalim ng isang puno o poste kapag biglang lumindol.
a. tama b. mali
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa ‘drop, cover, and hold’ na dapat gawin
kapag lumindol?
a. tumakbo-takbo b. humawak
c. bumaba sa sahig d. magtago
9. Ang Pilipinas ay mayroong humigit-kumulang _____ aktibong bulkan.
a. 23 b. 12
c. 47 d. 35
10. Kapag lumindol habang nasa loob ka ng isang gusali, dapat mong gawin agad ang
‘drop, cover, and hold’.
a. tama b. mali

You might also like