You are on page 1of 24

Aralin 12: Maagap at

Wastong Pagtugon sa mga


Kalamidad
Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:
1. nakatutukoy at nakapagsasagawa ng
maagap at wastong pagtugon sa mga
kalamidad na madalas maranasan sa sariling
rehiyon.

Sanggunian: Inihanda ni:


Araling Panlipunan - Ikatlong Baitang Kagamitan Bb. Mary Abigail R. Bautista
ng Mag-aaral – Rehiyong III Unang Edisyon 2019 Guro II- Sta. Rita ES- DepEd Guiguinto- SDO Bulacan
Tuklasin Mo
Nag-uusap ang magkakaibigang Alma, Cesar,
Abie at Angel ukol sa mga nangyari pagkatapos
ng pananalanta ng Bagyong Ondoy.
Alma: Ano ang naranasan ninyo noong panahon
ng Bagyong Ondoy?
Abie: Umabot hanggang baywang ang baha sa
amin.
Angel: Nabalitaan ko sa radyo na maraming tao
ang naapektuhan ng bagyo. Marami ang mga
humingi ng tulong para sila ay mailikas.
Cesar: Marami ang hindi nakapaghanda sa mabilis na
pagtaas ng baha.
Naitala ang sumusunod na datos ng mga apektadong
pamilya mula sa Rehiyon III.
Alma: Marami nga pala talaga ang naapektuhan
ng pagbaha dulot ng bagyo.
Angel: Paano ba tayo makakapaghanda sa
pagbaha? Anong paghahanda ang dapat gawin?
Abie: Kailangan may paghahandang gagawin bago
ang bagyo o pagbaha. Tulad ng paggawa ng
emergency kit na may lamang pagkaing hindi agad
masisira, tubig, first aid kit, flashlight, battery, mga
damit at radyong de baterya. Maaari na ring isama
ang lubid at whistle o pito na pantawag ng tulong.
Alma: Sa panahon naman ng bagyo o baha,
kailangang manatili sa bahay at makinig sa
balita. Huwag tayong lulusong sa baha dahil
maaari tayong magkasakit.
Cesar: Pagkatapos ng bagyo, iwasang
pumunta sa mga lugar na binabaha pa,
patuloy na makinig sa radyo.
Angel: Ngayon ay nalaman ko na mahalagang
maghanda sa pagdating ng anumang sakuna.
Ito ay para sa kaligtasan nating lahat.
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang nangyari noong Bagyong
Ondoy?
2. Ano ang naranasan ng mga tao?
3. Bakit sila humingi ng tulong?
4. Ano ang nararapat gawin sa pagdating
ng isang bagyo?
5. Paano ka makakapaghanda sa
panahon ng bagyo?
Maagap at Wastong Pagtugon sa Baha
Bago Mangyari ang Baha:
• Maghanda ng emergency kit na may
lamang pagkaing hindi agad masisira,
flashlight, battery, radyong de baterya,
kapote, mga damit at gamot.
• Alamin ang antas ng pagbaha sa inyong
lugar.
• Makinig sa balita ukol sa pagbaha sa
inyong lugar.
Sa Panahon ng Baha:
• Makinig ng balita sa radyo tungkol sa
kalagayan ng pagbaha sa inyong lugar.
• Huwag lulusong sa baha upang
makaiwas sa sakit.
Pagkatapos ng Baha:
• Makinig ng balita sa radyo tungkol sa
mga lugar na apektado pa ng baha.
• Iwasang pumunta sa mga lugar na
binabaha pa.
Maagap at Wastong Pagtugon sa
Bagyo

Bago Mangyari ang Bagyo:


• Maghanda ng emergency kit na may
lamang pagkain, flashlight, radyong de
baterya, kapote, mga damit at gamot.
• Alamin sa balita ang antas ng bagyo
at saang direksyon ang tatahakin nito.
Sa Panahon ng Bagyo:
• Iwasang lumabas ng bahay sa
panahon ng bagyo.
• Makinig sa balita tungkol sa bagyo.

Pagkatapos ng Bagyo:
• Manatili sa bahay hanggang may
abiso nang ligtas ng lumabas.
• Tingnan ang pinsalang naidulot ng
bagyo sa tahanan.
Maagap at Wastong Pagtugon sa
Lindol

Paghahanda sa Lindol:
• Maghanda ng emergency kit na
may lamang pagkain, flashlight,
radyong de baterya, mga damit at
gamot.
• Makilahok sa mga earthquake
drill.
Sa Panahon ng Lindol:
• Isagawa ang “Duck, Cover and
Hold.”
• Iwasan ang pagkataranta (panic).
Pagkatapos ng Lindol:
• Mabilis at maayos na lumabas ng
gusali o bahay.
• Siguraduhing ligtas ang gusali o
bahay bago pumasok muli
Maagap at Wastong Pagtugon sa Pagguho ng
Lupa
Bago ang pagguho ng Lupa:
• Tukuyin ang mga lugar na mataas ang
posibilidad ng pagguho at iwasang magtayo
ng anumang istruktura rito.
• Maging alerto kung nagkaroon ng lindol o
kaya ay malakas at matagal na pag-ulan na
maaaring maging sanhi ng pagguho.
• Gumawa nang maayos na plano sa paglikas
kung gumuho ang lupa.
Sa Panahon ng pagguho ng lupa:
• Agad na lisanin ang lugar.

Pagkatapos ng pagguho ng lupa:


• Makinig sa balita tungkol sa naganap na
kalamidad.
• Lumayo muna sa lugar na gumuho dahil
baka may kasunod pang pagguhong
mangyari.
• Magpatulong sa mga rescuers kung may
nangangailangan ng tulong sa gumuhong
lugar.
Gawin Mo
Gawain A
Pangkatang Gawain Gumawa ng graphic organizer
tungkol sa maagap na pagtugon sa iba’t ibang
sakunang naranasan o maaaring maranasan sa
sariling lugar.
Pangkat 1 - Maagap at Wastong Pagtugon sa Bagyo
Kasama ang Pagbaha at Storm Surge
Pangkat 2 - Maagap at Wastong Pagtugon sa
Pagguho ng Lupa (landslide)
Pangkat 3 - Maagap at Wastong Pagtugon sa Lindol
Gawain B
Pangkatang Gawain Batay sa karanasan o mga napakinggan
sa mga magulang o telebisyon at radyo, ano-ano ang dapat
tandaan sa mga panahon ng mga sakuna? Magtalakayan sa
inyong pangkat at punan ng impormasyon ang data
retrieval chart. Isulat ang inyong mga sagot sa manila paper
na ibibigay ng inyong guro.
Gawain C
Sa nagdaang mga araw ay nakaranas ng
matinding sakuna ang maraming lalawigan
sa Pilipinas. Bilang pakikiisa, inatasan kang
gumawa ng isang information kit para sa
mga batang kagaya mo. Ano ang dapat na
laman ng information kit na ito? Pumili ng
isang panganib na madalas maranasan
kagaya ng bagyo at pagbaha, pagguho ng
lupa, o paglindol. Isipin ang dapat gawin ng
mga bata bilang paghahanda.
Maaaring gumawa ng outline kagaya sa
ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
I. Bago dumating ang sakuna
A.
B.
II. Habang nangyayari ang sakuna
A.
B.
III. Pagkatapos mangyari ang sakuna
A.
B.
Natutuhan Ko
A. Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin
ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang
papel.
1. Sa panahon ng bagyo nararapat na ako ay__________.
A. maligo sa ulan B. manatili sa loob ng bahay
C. sumilong sa ilalim ng mesa D. mamasyal sa labas ng
bahay
2. Kapag lumilindol kailangang kong __________.
B. manatiling nakaupo sa sariling upuan
C. mataranta at magsisigaw
C. sumilong sa ilalim ng mesa
D. itulak ang aking mga kamag-aral
3. May bagyong parating kaya’t ako ay
__________. A. makikinig ng balita tungkol sa
bagyo
B. babaliwalain ang mga babala
C. magtatago sa ilalim ng mesa
D. mamamasyal sa parke
4. Malakas ang ulan kaya bumaha sa inyong
lugar. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Ipagwalang-bahala ang pagtaas ng tubig.
B. Mag-imbak ng tubig ulan upang ipanlinis.
C. Makipaglaro sa mga kaibigan sa baha.
D. Sumunod kaagad sa panawagang lumikas.
5. Nakatira kayo sa gilid ng bundok at malakas
ang ulan. Napansin mong malakas na ang agos ng
tubig mula sa bundok at may kasama na itong
putik. Ano ang nararapat mong gawin?
A. maglaro sa ulan
B. lumikas na kaagad
C. manatili na lamang sa bahay
D. paglaruan ang putik mula sa bundok

B. Itambal ang mga pangungusap mula sa Hanay


A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

You might also like