You are on page 1of 2

San Isidro National High School

San Isidro, Sergio Osmena, Zamboanga del Norte


FILIPINO 11
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Quarter 3 (Week 4)
PANGALAN: _______________________________________________________ PETSA: ____________
BAITANG AT SEKSYON: ____________________________________________ ISKOR: ____________
Pagkatapos mong isagawa ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
ARALIN 4 Ang Mga Datos sa Pangangalap ng Impormasyon

a) Nakakakuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat;


b) Naiiugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at
daigdig.
Dome Houses, itatayo sa Dapitan
Bilang paghahanda sa mga sakuna gaya ng super bagyo o lindol nagbabalak na itatayo sa Barangay
San Vicente, Lunsod ng Dapitan, Zamboanga del Norte ang mahigit sa 200 na mga monolithic dome house

isang tirahang hindi matitibag ng super bagyo, lindol at sunog.

Ang mahigit 200 na mga dome houses ay itatayo sa mahigit tatlong ektaryang lupain sa San Vicente
bilang paghahanda sa mga matitinding sakuna tulad ng bagyo na ipapamahagi sa mahigit 200 residente na
nakatira malapit sa tabing-dagat na mapanganib s amalakas na bagyo at storm surge.

Ang mga itatayong dome houses ay kahawig ng igloo pero hindi mainit dahil may mga bintana at ang
istraktura ay medyo nakakaangat sa lupa at hindi basta basta nasusunog.

Nagkakahalaga ang bawat dome houses ng 290,000npeso at inaasahang magpapatayo rin ng mga
board walk at outdoor mall upang mabigyan ng trabaho ang mga residenting ililipat sa lugar.

PANDEMYA: PAGHARAP AT PAGBANGON


Gladys Q. Ferraren

Walang pinipiling kasarian, edad, at katayuan sa buhay ang bagong nakakahawang sakit o
masasabing pandemyang Covid19. Unang naitala ang birus sa Wuhan, Hubei, Tsina, noong Disyembre 2019.
Samantala buwan ng Enero 30, 2020, kung kailan nakumpirma ang unang kaso ng COVID-19 sa
Kamaynilaan at tuluyang pagpasok ng birus sa ating bansa. Karaniwang naipapasa ang sakit sa ibang tao sa
malapitang pakikitungo, kadalasan sa pamamagitan ng mga maliit na patak kapag umuubo, bumabahing, at
nagsasalita. Kadalasan, nahuhulog ang mga patak sa sahig o sa mga ibabaw sa halip na lumipad sa hangin
sa malalayong distansiya. Kabilang sa mga karaniwang sintomas ang lagnat, ubo, pagkapagod, pangangapos
ng hininga, at pagkawala ng pangamoy. Maraming mamamayan na ang nahawaan at marami na ang
namatay.

Naging mahirap sa ating lahat ang mga buwang nag daan. Pinagsisikapan nating masustentuhan ang
pang araw-araw na pangangailangan at kung paano ma-protektahan ang kalusugan at mga mahal sa buhay.
Unti-unting nasanay tayo sa panibagong sitwasyon, hindi lang sa ating bansa pati na rin ang buong mundo
sa kung tawagin nila ay “New Normal”. Kaakibat nito ang pagiging matatag ng mga Pilipino upang bumangon
sa kabila ng hinaharap na pandemya. Hindi madali sa atin ang agarang pagbangon lalong lalo na sa mga
taong nawalan ng kabuhayan at trabaho. Ngunit hindi nagpatinag ang mamamayang Pilipino at sa halip ay
matatag na hinarap ang hamon sa buhay. Lahat tayo ay ipinapanalangin sa puong maykapal ang agarang
solusyon sa problemang kinkaharap ng ating bayan at ang pagpanumbalik sa sigla ng ating ekonomiya sa
bansa at sa buong mundo.

Sa katunayan, maigting na ipinatutupad ng ating Gobyerno ang pag-iingat ng ating mamamayan


upang maiwasan ang pagkalat, pagkakasakit at kasawian sa buhay ng nakararami. Sa una, marami ang
nanibago sa sitwasyong kinakaharap natin. Mas tiwala na tayo ngaun sa paglaban sa Covid 19 dahil lalong
pinaigting ng ating pamahalaan at LGU’s ang pagpapatupad ng mga stratehiya upang labanan ang
pandemyang ito. Sa pamamagitan ng intensified tracing at testing, binigyang tuon din ng ating gobyerno ang
isolation capacity at ang maayos na isolation facilities.
Maiiwasan natin ang posibleng paglaganap ng Covid19 sa pamamagitan ng pagsunod ng mga
simpleng hakbang upang ma-protektahan ang sarili at iba laban sa Covid 19. Ang una ay; 1. Hugasan ang
mga kamay gamit ang sabon at tubig at ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand
sanitizer na may alkohol, 2. Iwasan ang paghawak sa iyong ilong, bibig, at mata. 3. Takpan ang iyong ubo at
bahing, 4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat at ubo, 5.
Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit, 6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa paghinga,
magpakonsulta agad, 7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad.

Dumanas man ng mga kalamidad tulad ng bagyo at pagputok ng bulkan at ang pandemyang Covid19.
Ngunit hindi tayo nagpadaig sa kahit anomang problemang ating kinakarap at sa halip ay bumangon at mas
lalong naging porsigido at matatag ang ating mga loob sa pagsugpo ng pandemyang ito. Masalimoot ngunit
hindi doon nagtatapos ang lahat at sa halip ay tumayo, lakas ng loob na hinarap ang problema at ang ating
pananampalataya sa puong maykapal upang masugpo at matapos ang problemang ito. Ang bawat isa sa atin
ay may ginagampanang papel upang sugpuin at talunin ang pandemya, maari nating maisakatuparan sa
pamamagitan ng pagsunod ng public health standard upang maiwasan ang pagkalat ng birus.

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot sa bawat katanungan.

1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag sa pangunahing kaisipang nakapaloob sa


tekstong iyong binasa (Dome houses).
a. Ang pagpapatayo ng Dome houses sa Dapitan ay bilang proteksyon sa super bagyo at sunog.
b. mahigit 200 residente na nakatira malapit sa tabing-dagat na mapanganib sa bagyo at strom surge.
c. Nagkakahalaga ang bawat dome houses ng 290,000 peso.
d. Wala sa mga nabanggit

2. Aling pangyayari sa teksto ang maiuugnay mo sa iyong sarili o komunidad.


a. Ang Dome houses na itatayo ay kahawig ng igloo.
b. Sa mga itatayong Dome houses ay inaasahang mabibigyan ng mga trabaho ang mga residente sa mga
ipapatayong board walk at outdoor malls.
c. mahigit na 200 na residente ang nakatira malpit sa tabing-dagat.
d. wala sa mga nabanggit.

3. Alin sa mga sumusunod na datos ang maari mong maggamit upang mapaunlad ang tekstong iyong
isusulat.
a. Itatayo sa mahigit tatlong ektaryang lupain sa San Vicente ang Dome Houses.
b. Mahigit 200 na mga monolithic dome house isang tirahang hindi matitinag ng super bagyo, lindol at
sunog.
c. Magkakaroon ng mga trabaho ang mga residente sa mga itatayong mga malls.
d. wala sa mga nabanggit

4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalahad ng pinaka-angkop na datos na nkapaloob sa teksto.
a. Monolitic Dome sa Dapitan
b. Nagkakahalaga ang bawat dome houses ng 290,000 peso.
c. mahigit 200 residente na nakatira malapit sa tabing-dagat na mapanganib sa bagyo at storm surge.
d. Bilang paghahanda sa mga sakuna gaya ng super bagyo o lindol nagbabalak na itatayo sa Barangay San
Vicente, Lungsod ng Dapitan, Zamboanga del Norte ang 200 Monolitic Dome houses.

5. Ano ang pinaka-angkop na pamagat ng tekstong iyong binasa.


a. Dome houses para sa maralitang taga-Dapitan.
b. Dome houses panangga sa bagyo.
c. Monolitic Dome sa Dapitan
d. Dome houses, itatayo sa Dapitan

Panuto: Isulat ang salitang DATOS kung ang pahayag ay naglalahad ng tiyak na datos at OPINION kung ang
pahayag ay naglalahad ng pananaw o opinion.

_____________6. Noong Disyembre 2019, unang naitala ang birus sa Wuhan, Hubei, Tsina,
_____________7. Kakayanin natin ang problemang eto sa pamamagitan ng lakas ng loob.
_____________8. Nakumpirma ang unang kaso ng COVID-19 sa Kamaynilaan at tuluyang nakapasok sa ating
bansa noong Enero 30, 2020.
_____________9. Mahalagang maghugas ng kamay upang hindi dapuan ng birus.
____________10. Sa panahon ngayon ay dapat maging maingat sa ating bawat galaw upang maiwasan ang
Covid10.

Alang sa mga pangutana mahitungod sa modyol


pede ko ninyo kontakon pinaagi sa; CHITO R. PACETE
Cp #: 09074035754
Messenger – Chito Noval Razonado Pacete Substitute Teacher
Email – chitonovalrazonadopacete@gmail.com

You might also like