You are on page 1of 28

MODULES IN

GRADE 4
QUARTER 2 – WEEK 3

Page 1 of 28
Page 2 of 28
Page 3 of 28
Module Code: PASAY-F4-Q2-W3-D1

Pangalan:__________________________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:__________________________________

JKDEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 4
Ikalawang Markahan / Ikatlong Linggo / Unang Araw

Layunin:
➢ Nasasabi ang sanhi at bunga ayon sa nabasang pahayag, napakinggang teksto at
napakinggang ulat.

HALINA’T ALAMIN AT TUKLASIN NATIN!

Pagsasabi ng Sanhi at Bunga Ayon sa Nabasang Pahayag,


Napakinggang Teksto at Napakinggang Ulat

SANHI
Ang sanhi ay ang pagbibigay -dahilan o paliwanag sa mga pangyayari.
Halimbawa: Mahirap ang magulang ni Andres.Hindi siya nakapag-aral.

Siya ay nagsumikap matutong bumasa at sumulat.

BUNGA
Ang bunga ay ang kinalabasan o resulta ng pangyayari.

Halimbawa: Napaunlad niya ang kaalamang ito. Nakabasa at


nakasulat siya gaya ng nagtapos sa paaralan.

KARAGDAGANG
KAALAMAN Madaling maunawaan ang tekstong binasa at napakinggan kung
mapag-uugnay natin ang naging dahilan at kinalabasan ng mga pangyayari
sa binasa o napakinggan.

Page 4 of 28
Module Code: PASAY-F4-Q2-W3-D1

Pangalan:__________________________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:__________________________________

HALINA’T MAGBASA AT UNAWAIN

Panuto: Basahin ang isang pahayag at sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Si Mang Lito ang paksa


ng usapan ng mga tao sa
kanilang lugar araw-araw. Magaan ang
Maraming magagandang pamumuhay ni Mang
bagay ang nagawa niya Lito. Halos lahat ng
sa mga tao. kanyang anak ay may
kanya-kanyang
trabaho.

Napaayos ni Mang Lito


ang sirang poso at tulay
sa kanilang lugar.
Humingi siya ng tulong
sa Mayor ng kanilang
lugar.

Sagutin ang sumusunod na tanong tungkol sa binasang pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.

Si Mang Lito
1. Sino ang matulungin sa kuwento? _______________________________________________.

2. Ano-ano ang dahilan kung bakit araw-araw ay paksa ng usapan si Mang Lito sa kanilang
lugar?

dahil maraming magagandang bagay ang nagawa niya sa mga tao.


____________________________________________________________________

Magaan ang pamumuhay ni Man Lito.


3. Anong klaseng pamumuhay meron si Mang Lito? __________________________________

Halos lahat ng kanyang anak ay may


4. Bakit magaan ang pamumuhay ni Mang Lito? _____________________________________
kanya-kanyang trabaho.
5. Magbigay ng isang katangian ni Mang Lito na nagustuhan mo sa kuwento at ipaliwang kung
bakit mo ito nagustuhan?

______________________________________________________________.
matulungin dahil tinulungan niya na mapaayus ang sirang poso at tulay.

Page 5 of 28
Module Code: PASAY-F4-Q2-W3-D1

Pangalan:__________________________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:__________________________________

HALINA’T MAGSANAY

GAWAIN 1: SANHI AT BUNGA ALAM KO!


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at alamin ang SANHI at BUNGA.
Isulat ang S kung ang ipinahahayag ng pangungusap ay SANHI at B naman kung ito ay
BUNGA.
B
_______1. Magaan ang pamumuhay ni Mang Lito
_______2.
S Ipinakita niya ang iba’t ibang paraan ng paglilingkod sa kapwa.
S
_______3. Si Mang Lito ang paksa ng usapan sa kanilang lugar ng halos araw-araw.
B
_______4. Napaayos niya ang patubigan at tulay sa kanilang lugar
B
_______5. Maraming tulong ang nagawa niya sa mga tao.

S
_______6. Nagtatrabaho na halos ang mga anak ni Mang Lito.
S
_______7. Humingi ng tulong si Mang Lito sa Mayor ng kanilang lugar.
B
_______8. Nagkaroon ng malinis na tubig ang kanilang lugar at maayos na tulay na dadaanan.
B
_______9. Tuwang-tuwa ang lahat ng mga kapit-bahay ni Mang Lito sa kanyang ginawa.
S
_______10. Mahilig tumulong si Mang Lito sa kanilang lugar lalo na kung may problema.

GAWAIN 2: SANHI AT BUNGA PAKIKINGGAN KO!


Panuto: Humingi ng tulong o gabay sa magulang o kasapi ng pamilya upang basahin ang balita na
nakapaloob sa loob ng “speech bubble rectangle”. Alamin ang mga SANHI at BUNGA na
nakapaloob sa tekstong pinakinggan at isulat sa loob ng bawat kolum ang mga
pangungusap na nagsasabi ng SANHI at nagsasabi ng BUNGA.

ANG SAKIT NA CORONA VIRUS 2019

(COVID-19)
Ang sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19) ay isang sakit sa
palahingahan. Ito ay sanhi ng isang bagong virus. Sinuman sa
anumang edad ay maaaring magkasakit. Ang ilang tao ay maaaring
magkasait nang mas malala kaysa sa iba. Ang mga taong nagkakasakit
ng COVID-19 ay maaaring makahawa sa iba, kahit pa minsan parang
wala silang sakit. Hindi namimili ang mga virus kaya’t iwasan ang mga
pagpapalagay tungkol sa kung sino ang sa tingin ninyo ang may sakit.
Dahil sa COVID 19 maraming operasyon ang naantala, maraming
nawalan ng trabaho, maraming umaasa sa tulong ng pamahalaan,
nagsara ang mga iba’t ibang establisyemento, sarado ang iba’t ibang
tanggapan ng pamahalaan at mga paaralan. Lubhang naapektuhan ang
bawat isa sa atin kaya naman ibayong pag-iingat ang kailangan upang
hindi tayo magkaroon ng sakit na ito.

Page 6 of 28
Module Code: PASAY-F4-Q2-W3-D1

Pangalan:__________________________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:__________________________________

BILANG SANHI BUNGA

1.
Coronavirus 2019 (COVID-19) ay isang sakit sa
Sanhi ng bagong virus palahingahan.

2.
Coronavirus 2019 (COVID-19) Isang pandemya.

3. Ang mga taong nagkakasakit ng COVID-19 ay maaaring


Ang ilang tao ay maaaring
makahawa sa iba, kahit pa minsan parang wala silang
magkasait nang mas malala kaysa sa iba.
sakit.
4. Sinuman sa anumang edad ay maaaring
Hindi namimili ang mga virus
magkasakit.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

GAWAIN 3: SANHI AT BUNGA ALAMIN MO!


Panuto: Sa tulong ng iyong magulang o iba pang kasapi ng pamilya ay ipabasa mo ang mga
sumusunod na pahayag at suriin kung ito ay nagsasaad ng SANHI at BUNGA.
___________1.
Sanhi Walang tigil na pagputol ng mga kahoy sa mga bundok at kagubatan.
Bunga
___________2. Pagkakaroon ng pagguho ng lupa sa mga kabahayan malapit sa bundok at
kagubatan.
Bunga
___________3. Matinding pagbaha lalo na sa mga mababang lugar.
Sanhi
___________4. Pagsasagawa ng iligal na pagkakahoy.
___________5.
Bunga Ang mga kabundukan ay kalbo na.
___________6.
Bunga Nararanasan na natin ang paiba-iba ng panahon.
___________7.
Bunga Pagkakaroon ng tagtuyo’t kung tag-araw at malaking baha kung tag-ulan.
___________8.
Sanhi Hindi pagtatanim ng mga halaman kapalit ng mga matatandang puno na pinutol.
___________9.
Bunga Pagkasira ng tirahan ng mga hayop sa kagubatan.
___________10.
Sanhi Pagsusunog ng buong kagubatan.

Page 7 of 28
Module Code: PASAY-F4-Q2-W3-D1

Pangalan:__________________________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:__________________________________

HALINA’T TANDAAN NATIN!

PAGLALAHAT:
Bago natin ituloy ang susunod na mga gawain…
TANDAAN MO!
✓ Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito ay
nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari.
✓ Ang bunga naman ay ang resulta o kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito ang
epekto ng kadahilanan ng pangyayari.
IPAGPATULOY NATIN…...
PAGTATAYA
PANUTO: Basahin ang mga pangungusap at salungguhitan ang nagsasabi ng SANHI at bilugan
ang nagsasabi ng BUNGA.

1. Maghapong nakinig ang mga mag-aaral sa seminar tungkol sa pagpapalaganap ng
kapayapaan kaya sila ay umuwi ng may bagong kaalaman.
2. Magkakaroon ng kapayapaan sa isang bansa kung may pagmamahalan at pag-uunawaan.

3. Kalulugdan ka ng lahat kung ikaw ay may magandang pag-uugali sa lahat ng oras.
4. Uunlad ang ating bansa basta tayo ay sama-sama.
5. Marami ang mga sumusuporta sa mga ginagawang hakbang ng ating pamahalaan dahil sa
TARAtingin nila maganda
TAPUSIN ang mga layunin nito.
NA NATIN…….
6. Mabilis ang progreso ng isang bansa kung ang mga mamamayan nito ay nagbubuklod-buklod.
7. Magkakaroon ng kaguluhan ang isang bansa kapag walang disiplina ang mga taong
naninirahan dito.
8. Ang Pilipinong may mabuting ibinabahagi sa kanyang bansa ay magdudulot ng pag-unlad sa
bawat isa.
9. Napapatatag ang ating pananampalataya bilang Pilipino kung tayo ay laging nagdarasal sa
Maykapal.
10. Nagbahagi ng bagong programang pangkapayapaan ang ating pamahalaan kung kaya’t ang
bawat isa ay hindi na nag-aalala sa kanilang kaligtasan.
Integrated the Development of the Following Learning Skills:
Communication Following instructions/directions, responding to ideas, understanding messages
Critical reflection
Creativity open-mindedness

References for Further Enhancement:


1.) Online Reference:
https://www.health.state.mn.us/diseases/coronavirus/materials/basicstagalog.pdf
https://www.google.com/search?q=maikling+talata+na+may+sanhi+at+bunga&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahU
KEwibheHMr5vrAhVWw4sBHSOuBncQ_AUoAXoECAsQAw&biw=1366&bih=657
2.) Book:
Yamang Filipino 4: Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino pah. 55-60
Yaman ng Lahi 4: Wika at Pagbasa sa Filipino pah. 84

Inihanda ni:
ERMETHIAS ZEN HELLENIC M. GANADEN
Don Carlos Village Elementary School

Page 8 of 28
Module Code: PASAY-F4-Q2-W3-D2

Pangalan:__________________________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:__________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 4
Ikalawang Markahan / Ikatlong Linggo / Ikalawang Araw

Layunin:
➢ Nakasusulat ng timeline tungkol sa mga pangyayari sa binasang teksto.

HALINA’T ALAMIN AT TUKLASIN NATIN!

PANUTO: Basahin at unawain ang maikling usapan sa ibaba tungkol sa iyong aralin.
Pagsulat ng Timeline tungkol sa Mga Pangyayari sa Binasang Kuwento

Ano po ba ang Timeline? Ang TIMELINE ay tumutukoy


sa pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari, base sa paglipas
ng panahon. Ipinapakita nito
kung kalian naganap ang mga
pangyayari at ano-ano ang
mga bagay na nagbabago.

Pwede po ba naming ito


gamitin sa pagsusulat ng
mga pangyayari sa
kuwento? Papaano po?

Aba,siyempre mga bata pwedeng


pwede! Ang timeline ay maari natin
gamitin sa ating pagsusulat ng
kuwento ngunit ang isusulat natin ay
mga importanteng pangyayari lamang
upang maipakita ang pagkasunod-
sunod nito. O ayan ngayong alam na
ninyo eh tara na at magsanay na tayo!

Page 9 of 28
Module Code: PASAY-F4-Q2-W3-D2

Pangalan:__________________________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:__________________________________

HALINA’T MAGSANAY TAYO!

GAWAIN 1
Panuto: Basahin ang isang maikling kuwento tungkol sa buhay ng ating bayani na si APOLINARIO
MABINI at isulat sa loob ng kahon ang timeline ng mga pangyayari sa buhay niya. Piliin ang mga
pangungusap na isusulat sa loob ng kahon na makikita sa susunod na pahina ng modyul na ito.
ANG KUWENTO NG BUHAY NI APOLINARIO MABINI

Noong siya ay bata pa, nagpakita na siya ng hindi pangkaraniwang talino at pagkahilig sa pag-
aaral. Sa Maynila noong 1881, nakamit niya ang isang partial scholarship na nagbigay-daan upang
makapag-aral siya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Natapos niya ang kanyang Batsilyer sa Sining
noong 1887. Nag-aral din siya ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas mula 1888 hanggang
1894.

Noong 1893, isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbibigay-suporta sa
Kilusang Pang-reporma. Noong taong 1896 naman, nagkaroon siya ng matinding sakit na nagdulot sa
kanya na maging paralitiko habambuhay. Hinuli siya ng mga gwardiya sibil noong 10 Oktubre 1896,
dahil sa pagkakaroon niya ng koneksyon sa mga repormista. Sumailalim siya sa house arrest sa ospital
ng San Juan de Dios at nang kinalaunan ay pinalaya na rin dahil sa kanyang kondisyon.

Nang bumalik sa Pilipinas si Emilio Aguinaldo noong 19 Mayo 1898, pinasundo niya si Mabini
sa Laguna at matapos ang kanilang pagpupulong noong 12 Hunyo 1898, si Mabini ay naging punong
tagapayo ni Aguinaldo.

Isa sa mga pinakamahalagang rekomendasyon ni Mabini ay ang pag-aalis ng Diktadurya ng


pamahalaan ni Aguinaldo at ang pagpapalit nito sa isang rebolusyonaryong pamahalaan. Nagsilbi rin
siya sa kabinete ni Aguinaldo bilang Pangulo ng Konseho ng nga Kalihim at bilang Kalihim ng
Ugnayang Panlabas. Isa pa sa mga importanteng dokumento na kanyang nagawa ay ang Programa
Constitucional de la Republica Filipina, isang konstitusyon na kanyang iminungkahi para sa Republika
ng Pilipinas. Ang introduksyon sa balangkas ng konstitusyong ito ay ang El Verdadero Decalogo, na
isinulat upang gisingin ang makabayang diwa ng mga Pilipino.

Nang sumiklab ang gyera sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano, tumakas si Mabini papuntang
Nueva Ecija at nadakip ng mga Amerikano sa Cuyapo noong 10 Disyembre 1898. Nanatiling bilanggo
si Mabini hanggang 23 Setyembre 1900. Nanirahan siya sa isang maliit na dampa sa Nagtahan,
Maynila, at kumikita sa pamamagitan ng pagsusulat sa mga lokal na pahayagan. Ang artikulo niyang
El Simil de Alejandro ay nagdulot sa kanyang muling pagkadakip at pagkatapon sa Guam kasama ang
iba pang mga Pilipino. Habang nasa Guam, naisulat niya ang La Revolucion Filipina.

Namatay si Mabini noong 13 Mayo 1903, sa gulang na 39 dahil sa kolera.

Page 10 of 28
Module Code: PASAY-F4-Q2-W3-D2

Pangalan:__________________________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:__________________________________

HALINA’T IPAGPATULOY NATIN!

Gawain 1: Pagsulat ng timeline ng mga pangayayari sa kuwento ng buhay ni Apolinario Mabini.


PANUTO: Piliin ang mga pangungusap na nagpapahayag ng mga pangyayari sa buhay ni Apolinario
Mabini. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari batay sa kuwentong binasa.

1. Namatay si Mabini noong 13 Mayo 1903, sa gulang na 39 dahil sa kolera.


2. Nang sumiklab ang giyera sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano maraming pangyayari ang
napagdaanan niya.
3. Nirekomenda ni Mabini ang pag-aalis ng Diktadurya ng pamahalaan ni Aguinaldo at ang
pagpapalit nito sa isang rebolusyonaryong pamahalaan.
4. Kinuha siya ni Emilio Aguinaldo bilang punong tagapayo nito.
5. Nakulong siya noong Oktobre 26, 1896 dahil sa koneksyon niya sa mga repormista.
6. Siya ay nagkaroon ng sakit na nagdulot ng pagiging paralitiko niya habambuhay.
7. Taong 1893 binuhay niya ang La Liga Filipina na siyang nagbibigay-suporta sa Kilusang Pang-
reporma.
8. Nag-aral siya ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas.
9. Siya ay nakakuha ng scholarship at nakapag-aral sa San Juan de Letran at nakapagtapos ng
Batsilyer sa Sining noong 1887.
10. Bata pa lamang si Apolinario Mabini ay kinakitaan na siya ng galling sa pag-aaral.
GAWAIN 1: TARA NA AT SUMULAT!
PANUTO: Pagkatapos basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang isulat sa loob ng mga
kahon ang timeline ng wastong pagkakasunod ng kwento ng buhay ni Apolinario Mabini.

ANG TIMELINE NG BUHAY NI APOLINARIO MABINI


1 2 3 4 5

Bata pa lamang
Siya ay nakakuha ng Nag-aral siya ng Taong 1893 Siya ay
scholarship at abogasya sa binuhay niya ang nagkaroon ng
si Apolinario
nakapag-aral sa San Unibersidad ng La Liga Filipina sakit na
Mabini ay
Juan de Letran at
kinakitaan na siya Santo Tomas. na siyang nagdulot ng
nakapagtapos ng
ng galling sa pag- nagbibigay- pagiging
Batsilyer sa Sining
aaral. suporta sa paralitiko niya
noong 1887.
Kilusang habambuhay.
Pangreporma.

Nirekomenda ni Nang sumiklab Namatay si


Nakulong siya Kinuha siya ni Mabini ang pag- ang giyera sa
Emilio aalis ng Diktadurya pagitan ng mga
Mabini
noong Oktobre
Aguinaldo bilang ng pamahalaan ni Pilipino at noong 13
26, 1896 dahil
sa koneksyon punong Aguinaldo at ang Amerikano Mayo 1903,
tagapayo nito. pagpapalit nito sa maraming sa gulang na
niya sa mga isang pangyayari ang
repormista. rebolusyonaryong napagdaanan
39 dahil sa
pamahalaan. niya. kolera.

6 7 8 9 10

Page 11 of 28
Module Code: PASAY-F4-Q2-W3-D2

Pangalan:__________________________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:__________________________________

HALINA’T MAGSANAY

GAWAIN 2: KUWENTO, BABASAHIN KO, TIMELINE KO GAGAWIN KO!


PANUTO: Magbasa ng isang kuwento at isulat ang timeline ng mga pangyayari nito. Pagkatapos
ay bumuo ng sampung (10) mahahalagang pangyayari na may wastong pagkasunud-sunod nito.
Gamitin ang “ladder web” ng timeline sa ibaba para sa iyong pagsusulat.

PAMAGAT NG KUWENTONG BINASA

Ang Matalinong Pintor


_______________________________________________________________

10 wakas.

9 sapagkat ito ay isang simbolo ng tiwala.

Sa pagdadagdag, dapat ay ibigay mo ang iyong lahat sa mga bahay


8
na naiatas saiyo,

7 Nais ipahiwatig ng kwento na huwag kailanma’y manlamang ng tao.

6 dahil sa paiba-ibang estilo ng pagkakapinta.

naging bulag sa tunay na hitsura na kinahitnan ng bakuran


5

4 upang makakuha ng mga bagay na gusto niyang makuha. Tuwang tuwa si Zandrey sa
huli,

Sa una’y inip na inip ito hanggang sa maisipan nito na gamitin ang pagpipinta ng bakuran
3

2 dahil sa utos ng kaniyang ina na magpinta sa harang ng kanilang bakuran.

Inis na inis si Zandrey dahil nabulayasok ang kaniyang planong magbasketbol


1

Page 12 of 28
Module Code: PASAY-F4-Q2-W3-D2

Pangalan:__________________________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:__________________________________

PAGTATAYA:
Panuto: Basahin ang maikling kuwento na nakapaloob sa aklat. Isulat ang timeline ng mga
pangyayari tungkol dito Gawing gabay sa pagsusulat ng timeline sa ibaba.

SI LANGGAM AT SI TIPAKLONG

Isang umaga maganda ang sikat ng araw. Masayang naglalaro si Tipaklong.


Nakita niya si Langgam na may karga-kargang butil ng bigas. Kinausap ni Tipaklong si
Langgam at niyayang maglaro. Nagsabi si Langgam kay Tipaklong na hindi ito pwedeng
maglaro dahil nag-iipon pa ito ng mga pagkain at marami pa itong gagawin. Ipinaliwanag
ni Langgam kay Tipaklong ang kahalagahan ng pag-iipon ng pagkain lalo na kapag
malapit na ang tag-ulan. Pinilit at patuloy pa rin niyaya ni Tipaklong si Langgam upang
makipaglaro sa kanya. Hindi pa rin sumali si Langgam sa paglalaro, nagpatuloy pa rin ito
sa kanyang ginagawang pag-iipon ng pagkain. Pinagpatuloy pa rin ni Tipaklong ang
paglalaro habang patalon talon at pakanta-kanta pa ito.
Isang gabi dumating ang malakas na ulan, nasira ang bahay ni Tipaklong, wala na
rin siyang pagkain at basang- basa na ito ng ulan. Samantalang si Langgam ay nasa loob
ng kanyang bahay at hindi mapakali dahil naiisip nito ang kaibigan na si Tipaklong at kung
ano na kaya ang kalagayan nito. Maya- maya pa ay may kumatok sa pintuan ni Langgam
laking gulat nito sa nakita niya. Nakita nito si Tipaklong na basang-basa, nanginginig sa
lamig at naghihina sa gutom.
Pinatuloy ni Langgam ang kaibigan at binigyan niya ito ng pamunas at makakain.
Nagpasalamat si Tipaklong kay Langgam at nangako ito na magbabago na. Natuwa si
Langgam dahil natuto na si Tipaklong. Kinabukasan paggising ni Langgam laking gulat
nito ng makita si Tipaklong sa labas na nag-iipon na ng makakain pinuntahan niya ito at
sabay silang nag-ipon.

TIMELINE NG KUWENTONG SI LANGGAM AT SI TIPAKLONG


3 5
1

2 4

8
10 6

9 7

Inihanda ni:
ERMETHIAS ZEN HELLENIC M. GANADEN
Don Carlos Village Elementary School

Page 13 of 28
Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________
Pangalan ng Guro: ____________________
F4PS-II-12d12.11 Pasay - F4 - Q2 - W3 - D3
DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 4
Ikalawang Markahan / Ikatlong Linggo/ Ikatlong araw

Layunin : Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t ibang sitwasyon -


(pagpapahayag ng pasasalamat)

Ano ang ipinakikita ng larawan? Paano mo pa maipakikita ang pagiging magalang? Ang
paggamit ba ng po at opo ay tanda ng paggalang ?

Simulan Natin

Basahin ang tula

Magagalang na Salita
Magagalang na salita halina’t isagawa,
Hindi lamang sa matatanda kundi sa boung madla
Sa tahanan at paaralan paggalang natutuhan
Ito’y lagging tatandaan, huwag nating kalimutan
Salamat po, kumusta po, magandang umaga po
Maagandang gabi rin po. Paumanhin at paalam po

Tungkol saan ang tula? Sino-sino ang dapat nating igalang? Kailan mo dapat ipakita
ang pagiging magalang? Ano-ano ang magagaglang na pananalita kalimitan nating ginagamit?
Kailan ito ginagamit? Ikaw ba ay batang mgalang? Paano mo ito ipinakikita? Paano mo
mahihikayat ang ibang bat ana maging magalang?

Ang magagalang na pananalita ay ginagamit sa iba’t ibang paraan. Sa kabuuan, ang


paggamit ng mga ito ay nagpapakita ng respeto at paggalang sa kausap.
Gumagamit din ng magagalang na pananalita sa paghingi ng paumanhin at
pasasalamat. Ang paghalik o pagmamano ay pagpaakita rin ng paggalang bukod sa paggamit
ng mga magagalang na pananalita. Ang pagiging magalang ay isa sa katangian ng mga
Pilipino na dapat ipagmalaki.
Narito ang ilang mga magagalang na pananalita at kung kailan sila ginagamit:

Page 14 of 28
Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________
Pangalan ng Guro: ____________________
F4PS-II-12d12.11 Pasay - F4 - Q2 - W3 - D3

(pangsagot sa tanong
po, ho, opo
o tawag)
Makikiraan (po) (pakikiraan)
Salamat (po) (pagpapasalamat)
(paghingi ng
Maaari (po) ba?
pahintulot)
(pagsasagot sa
Walang ano man.
pasasalamat)
Magandang
(pagbati)
umaga/hapon/gabi/araw (po)
(paghingi ng
Pasensiya na (po)
paumanhin)
(paghingi ng pabor o
Paki…
tulong)

Pagsasanay 1
Piliin ang angkop na magagalang na salita para sa larawan. Isulat ang titik ng
tamang sagot. Piliin ang tamang sagot sa kahon.

A. Gabayan ko na po kayo sa inyong paglakad.


B. Ako na po ang magbubuhat ng inyong daladala.
C. Magandang gabi po. Mano po.
D. Kunin na po ninyo ang kaunting tulong na aking nakayanan.
E. Buhatin ko na po kayo, nang kayo po ay makatawid.
F. Tumayo tayo nang tuwid. Ilagay ang kamay sa dibdib at
igalang ang bandila natin.
G. Kumain po muna kayo habang inaantay ninyo si Inay.
H. Uminom po muna kayo ng gamot nang kayo ay gumaling.
I. Paalam na po Gng. Salvador, Ingat po kayo.
J. Paalam po inay! Papasok na po kami.

C E D
_______1. ______5. _____8.

______2.
B A
______6. _____9.
F

J G
______3. ______7. _____10.
H

I
______4.
__________________________________________________________________________

Page 15 of 28
Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________
Pangalan ng Guro: ____________________
F4PS-II-12d12.11 Pasay - F4 - Q2 - W3 - D3

Pagsasanay 2
Piliin ang angkop na magagalang na salita sa sitwasyon. Piliin ang titik ng may
akmang sagot.
_______1. Umalis ang nanay ninyo. May dumating na bisita mga 3:00 PM. Ano ang
sasabihin ninyo sa kaniya?
A. Magandang Umaga po. C. Magandang tanghali po.
B. Magandang Gabi po. D. Magandang hapon po
_______2. Nais mo siyang patuluyin sa inyong bahay, Ano ang sasabihin ninyo?
A. pasok kayo B. umupo kayo
C. Dumito muna po kayo habang hinihintay ninyo si nanay.’’
D. Maganda po ang suot ninyong damit.
_______3. Sa hindi sinasadyang pagkakataon. Nabasag mo ang iniingatang paso ng tita
mo. Ano ang sasabihin mo sa sa tita mo?
A. Pasensya na po kayo sa nangyari.’ C. Nabasag ko ang paso mo.
B. Basag na paso mo tita D. Sira na paso mo tita.
______ 4. Nakita mong may nag uusap sa daraanan mo. Ano ang sasabihin mo sa kanila?
A. Alis kayo diyan C. Tumabi kayo
B. Makikiraan po D. Lumayas kayo diyan.
_______5. Nakakita ka ng isang lolo na may mabigat na dala-dala. Nais mo siyang tulungan,
ano ang sasabihin mo sa kaniya?
A. Akin na yang dala mo. C. Kayang kaya mo yan Lolo
B. Ako na po ang magdadala niyan. D. Ang lakas mo po Lolo
________6.Inaawit ang pambansang awit, Nakita mo ang kaklase mo na nagkuwentuhan at
naglalaro. Ano ang sasabihin mo?
A. Huwag kayong maingay.
B. Sige mag ingay pa kau.
C. Maari bang tumahimik kau at ilagay ang kamay sa dibdib.
D. Maglaro tayo habang inawit ang pambansang awit
_______7. Inutusan ka ng nanay mo na bumili ng tinapay sa tindahan. Ano ang sasabihin mo
sa tindera?
A. Hoy! Pabili nga ng tinapay. C. Pabili po ako ng tinapay.
B. Pabili ako ng tinapay. D. Pagbilhan mo ako ng tinapay.
_______8. Dumating ang iyong lolo at lola mula sa probinsya. Ano ang sasabihin mo?
A. Lola, pasalubong.
B. Alin dito ang akin, lola
C. Mano po lolo, Mano po lola. Kumusta na po kayo.
D. Ano ang dala mo sa amin lolo.
_______9. Naliligaw ka ng daan. Nakakita ka ng isang pulis trapiko. Nais mong magtanong
ng daan sa kaniya. Ano ang sasabihin mo?
A. Saan ko makikita ang lugar na ito?
B. Paano pumunta sa lugar na ito?
C. Ano ang sasakyan ko para makarating dito?
D. Maari po bang magtanong? Papaano po makarating sa lugar na ito?
_______10. Nais mong humingi ng pagkain sa iyong kapatid. Ano ang sasabihin mo?
A. Akina na iyan. C. pahingi ako
B. Maari ba akong makahingi. D. hablutin ko na lang.
___________________________________________________________________________

Page 16 of 28
Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________
Pangalan ng Guro: ____________________
F4PS-II-12d12.11 Pasay - F4 - Q2 - W3 - D3

Pagsasanay 3
Basahin ang talata. Lagyan ng angkop na pangungusap ang patlang. Isulat ang titik
ng tamang sagot.

Ang Mag Lola

Isang araw namasyal ang MagLola sa Luneta. Sa kanilang pamamasyal, nakakita


sila ng batang naghahabulan, Natamaan nila ang isa pang batang naglalakad.
1. “___________________”
2 . Naglalaro kasi kami. Okey lng ang sabi ng bata. Hindi
naman ako nasaktan. Nagpatuloy na na kami sa paglalakad. Nakakita ako ng isang sorbetero.
Lola, 2. _________________
6 3. _____________________
7 . oo naman mahal kong apo.
4. ________________________
4 ang sabi ko.
Nakakita sila ng isang upuan sa ilalim ng isang puno. Halika po Lola ang sabi ko.
5. ______________________
1 . At sila ay naupo at nagpahinga.
Nagpatuloy sil sa pamamasyal. Maya maya ay may lumapit sa amin at nag wika
5
6. _______________7. __________________
8 8. _________________
9 . Kahapon pa po kami
hindi nakakain. At niyaya nila ito sumabay sa pagkain. Tuwang tuwa ang bata at nag wika.
10
9._____________________.Tuwang tuwa ako at nag wika.10.___________________
3

1. Maupo po tayo doon at nang makapagpahinga po kayo.


2. Ipagpaumanhin mo at nasagi ka namin.
3. Napakabait po ninyo lola at matulungin.
4. Salamat po Lola sa binili po ninyo para sa akin.
5. Maari po bang makahingi ng pera.
6. Nais ko pong kumain ng ice cream.
7. Maari ninyo po ba akong ibili?
8. Gutom na gutom lng po ako.
9. Ibibili ko lng po ito ng pagkain.
10. Napakabait ninyo po lola. Maraming Salamat po sa tulong ninyo.

Ang pagiging magalang ay isang magandang pag-uugali ng mga


Pilipino. Ang paghalik sa kamay o pisngi at pagmamano sa matatanda ay
isang paraan ito ng paggalang. Karaniwang ginagawa ito ng mga bata
matapos magdasal ng orasyon, pagkagaling sa simbahan, bago umalis ng
bahay, Maraming paraan ng pagpapakita nga paggalang
1. Paggamit ng po, ho opo, oho
2. Paghingi ng paumanhin
3. Pagpupugay o pagsaludo
4. Pagpapasalamat sa taong tumulong/ nagbigay
5. Pagbati sa umaga tanghali hapon at sa lahat ng pagkakataon.

Page 17 of 28
Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________
Pangalan ng Guro: ____________________
F4PS-II-12d12.11 Pasay - F4 - Q2 - W3 - D3

Pagtataya
Tukuyin kung anong uri ng paggalang ang gagamitin. Piliin ang titik ng tamang sagot.
______1. Inaawit ang pamabansang Awit ng Pilipinas. Itinaas ng mga guro ang kanilang
kamay at inilagay sa tapat ng kanilang puso. Ang batang iskawt ay nagbigay pugay sa
pamamagitan ng pagsaludo. Ang mga mag-aaral ay nakatayo nang tuwid. Anong uring
paggalang ang ibinigay nila?
A. Paggalang sa magulang C. paggalang sa matatatanda
B. Paggalang sa watawat D. paggalang sa pangulo ng bansa
_____2. Nakagawa ka ng isang pagkakamali sa taong mahal mo o kakilala mo. Nais mong
humingi ng kapatawaran sa nagawa mo. Anong uri ng magalang napananalita ang gagamitin mo?
A. Pagpupugay C. pagpapasalamat
B. Pagbati D. pag hingi ng paumanhin
_____3. Kinakausap ka ng iyong mga magulang tungkol sa saloobin mo sa nalalapit mong
karawan. Nais mong magpaliwanag ng iyong saloobin. Anong magagalang na pananalita ang
iyong gagamitin?
A. Paghingi ng paumanhin C. paggamit ng po, ho, opo, oho
B. Pagpapaslamat D. pagbati
_____4. Dumating ang tita mo galing sa malayong lugar. Pinasalubungan ka niya ng regalong
gusting-gusto mo. Paano mo maipararataing ang iyong paggalang sa pagtanggap ng regalo.
A. Pagpapasalamat sa taong tumulong o nagbigay C. Pag mamano
B. Paggamit ng po at opo D. Lahat ng nabanggit
_____5.May dumating na bisita ang nanay at tatay mo. Pano mo maipapakita ang pagagalang
sa kanila?
A. Pagmamano C. Pagpapasok sa tahanan
B. Pagbati D. Lahat ng nabanggit
______6. Habang ikaw ay nag-aaral ay binigyan ka ng ate mo ng meryenda. Ano ang
sasabihin mo sa ate mo?
A. ala bang coke? C. Salamat po ate sa meryenda.
B. ito lang? D. ala na bang iba?
_______7. Nakita mo ang iyong magulang. Nais mong siyang ipakilala sa iyong mga
magulang. Paano mo ito sasabihin?
A. Ito si Ej C. Nanay ito po Ej, aking kaibigan.
B. Siya si Ej, kaibigan ko siya. D. Pssst! Nay, si Ej kaibigan ko.
____8. Nais mong maglaro sa bandang dulo ng palaruan. Ano ang sasabihin mo sa nanay mo?
A. Doon ako maglalaro C. maraming bata roon ma, punta ko don.
B. Maari po ba akong pumunta at maglaro roon? D. pupunta ako roon
______9. Nakatanggap ka ng tawag ng mula sa kaibigan ng nanay mo? Paano mo siya kakausapin?
A. Wala si nanay rito.
B. tawag ka na lng ulit
C. Naglalaro ako istorbo ka
D. Magandang araw po, ikinalulungkot ko po wala po dito si nanay
_____10. Nakita mo ang kapatid mo na gumuhit ng larawan. Nais mong tulungan kung paano
ito mapagaganda.. Ano ang sasabihin mo?
A. Ang pangit niyan.
B. Maganda na ang iyong gawa pero mas gaganda pa iyan kung kukulayan mo.
C. ayusin mo nga
D. Ano ba yan. Daming lampas hindi mo maintindihan
______________________________________________________________________________________________________________
Inihanda ni:
Enone S. Molleda
Kalayaan Elementary School
__________________________________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1.) Books: Hiyas sa Wika 4,
2.) Sanayang Aklat sa Pilipino
3.) Mga Banghay Aralin sa Filipino 4
4.) TG and LM Filipino 4

Page 18 of 28
Pangalan: ________________________________________________ Baitang at Pangkat: _______________
Pangalan ng Guro: _________________________________________________
Pasay-F4-Q2-W3-D4
F4D-IId- 87

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY
MODYUL SA FILIPINO 4

Ikalawang Markahan / Ikatlong Linggo/ Ikalapat na araw


Layunin: Naisasalaysay nang may tamang pagkakasunod-sunod ang nakalap na
impormasyon mula sa napanood,

Ano ng paborito mong palabas sa telebisyon? Nasusubaybayan mo ba ito?


Natatandaan mo ba ang simula, gitna at hulihan ng pangyayari?

Sangkap / Elemento ng Maikling Kuwento


1.TAUHAN– ang siyang kumikilos sa kuwento. Siya ang gumagawa ngmga desisyon na
nagpapatakbo sa salaysay. Ang tauhan ay maaaring tao (bata o matanda, babae o lalaki, mula
sa totoong daigdig o lugar na likhang-isip lamang), hayop, (gaya ng nina Pagong at
Matsing),halaman (mga nagsasalitang puno, gulay, o bulaklak) o mga bagay(lumilipad na
aklat, nagsasayat na kutsara at tinidor, mga larawang nabubuhay pagsapit ng takdang oras).
Tao man o hindi ang tauhan,sila ay kailangang magkaroon ng mga katangiang pantao. Ibig
sabihin,may kakayahang ipahayag ang niloloob, nakapagdedesisyon,nakakikilos, at may
damdamin.

2.TAGPUAN – dito nakasaad ang oras, petsa, lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o
mga insidente, gayundin ang panahon kung kalian naganap ang kuwento. Naglalarawan ito ng
ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan. Inilalarawan ito nang buong linaw, pati na ang
kaugalian ng mga nasa kapaligiran ay masisinag sa mabisang pamamaraan.

3. BANGHAY – Tumutukoy ito sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Dapat itong


maging maayos at magkakaugnay upang maging matatag at kapanipaniwala. Gaano man ito
kapayak o karaniwan ang mga pangyayari, ang pagiging kawiliwili nito ay nakasalalay sa
makatwirang pagkakasunod sunod na magpapadulas sa sa daloy ng salaysay.

Page 19 of 28
Pangalan: ________________________________________________ Baitang at Pangkat: _______________
Pangalan ng Guro: _________________________________________________
Pasay-F4-Q2-W3-D4
F4D-IId- 87

MGA BAHAGI NG KUWENTO


1. Simula - Ang kawilihan ng mga mambabasa ay nakasalalay sa bahaging ito. Dito
ipinakikilala ang mga tauhan at tagpuang iikutan ng kuwento.
2. Tunggalian - Dito makikita ang pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliranin
sa kuwento.
3. Kasukdulan - Ito ang pinakamataas na pangyayari sa kuwento kaya’t ito ang
pinakamaaksiyon.
4. Kakalasan - Sa bahaging ito bumababa ang takbo ng kuwento. Ito ay nagbibigay ng daan
sa wakas.
5. Wakas - Ang kahihinatnan o resolusyon ng kuwentong maaaring masaya o malungkot.

Pagsasanay 1

Tukuyin kung anong bahagi at sangkap ng maikling kuwento ang mga sumusunod na
pangungusap.Piliin sa nakatalang salita na nasa loob ng kahon.. Maari kang pumili ng
dalawang beses.

Tauhan tagpuan banghay simula tunggalian kasukdulan kakalasn wakas

simula
_____1. Ang kawilihan ng mga mambabasa ay nakasalalay sa bahaging ito. Dito ipinakikilala
ang mga tauhan at tagpuang iikutan ng kuwento.
wakas
_____2. Bahagi ng kuwento kung saan malalaman mo na ang kahihinatnan o resolusyon ng
kwento. Maari itong masaya o malungkot.
_____3. Ito elemento ng kuwento na maaaring tao, hayop o bagay ng gumaganap o
tauhan
kumikilos sa kuwento.
_____4. Dito makikita ang oras ng pangyayari, lugar ng pinangyarihan ng kuwento.
tagpuan
_____5. Ito ang pinakapuso ng kuwento.
kasukdulan
_____6. Naglalarawan ito ng ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan.
tagpuan
kakalasan
_____7. Sa bahaging ito bumababa ang takbo ng kuwento. Ito ay nagbibigay ng daan sa
wakas.
_____8. Ang pagiging kawiliwili nito ay nakasalalay sa makatwirang pagkakasunod sunod na
banghay
magpapadulas sa sa daloy ng salaysay.
____9. Ito ang pinakamataas na pangyayari sa kuwento kaya’t ito ang pinakamaaksiyon.
kasukdulan
____10. Sila ay may kakayahang ipahayag ang niloloob, nakapagdedesisyon,nakakikilos, at
tauhan
may damdamin.
__________________________________________________________________________

Page 20 of 28
Pangalan: ________________________________________________ Baitang at Pangkat: _______________
Pangalan ng Guro: _________________________________________________
Pasay-F4-Q2-W3-D4
F4D-IId- 87

Pagsasanay 2
Iayos ang mga sumusunod na larawan ayon sa wastong pagkakasunod sunod. Lagyan
ng bilang 1 hanggang 4

_______1.
1 4 3 2

_________2.

3 2 1
4

________3.
1
3 4 2

________4.
4 1
2 3

________5. 3 4 1 2

_______6.
3
2 1 4

_______7.

3 4 1
2

_______8.
1 2
4 3

_______9.
2
1
3 4

_______10. 1 3 4 2
___________________________________________________________________________________________

Page 21 of 28
Pangalan: ________________________________________________ Baitang at Pangkat: _______________
Pangalan ng Guro: _________________________________________________
Pasay-F4-Q2-W3-D4
F4D-IId- 87

Pagsasanay 3
Mula sa napanood ‘”Ang kuneho at ang Pagong”. Pagsunod-sunurin at gumawa ng
pangungusap mula sa mga larawan ayon sa wastong pagkakasunod-sunod. (5 pts)

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Mula sa napanood ‘”Little Red Riding Hood”. Pagsunod-sunurin ang mga larawan at
gumawa ng pangungusap mula sa mga larawan ayon sa wastong pagkakasunod-sunod. (5
pts)

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Page 22 of 28
Pangalan: ________________________________________________ Baitang at Pangkat: _______________
Pangalan ng Guro: _________________________________________________
Pasay-F4-Q2-W3-D4
F4D-IId- 87

Mga gabay upang mapadali ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari.


1. Mga pananda – mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunod sunod ng kilos,
gawa o pangyayari.
Sa pagsisimula - ang mg salitang una, sa umpisa, noong una, unang una
Sa Gitna – ikalawa , ikatlo…..sumunod, pagkatapos, saka
Sa wakas – sa dakong huli, pagkatapos
2. Kilalanin ang mga tauhan sa kuwento at ang kanilang papel na ginagalawan.
3. Alamin ang pinagyarihan ng kuwento.

Panoorin natin ang kuwentong Cinderella. Buksan natin ang video ng kuwentong
Cinderella. https://www.youtube.com/watch?v=F18EnMoRvfw. Mula sa napanood, isalaysay
muli ang kuwento. Bumuo ng sampong pangungusap upang maisalaysay nang maayos ang
kuwento. (10 pts). Sa hindi makapanunuod ay magpakuwento sa kapamilya o kaibigan na
nakapnuod na at mul sa napakinggan ay muling isalaysay ito.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Inihanda ni

Enone S. Molleda
Kalayaan Elementary School
__________________________________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1. Books: Hiyas sa Wika 4,
2. Sanayang Akalat sa Pilipino
3. Sambitla
4. Mga banghay aralin sa Filipino
5. TG at LM
6. . https://www.youtube.com/watch?v=F18EnMoRvfw

Page 23 of 28
Module Code: PASAY-F4-Q2-W3-D5

Pangalan:__________________________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:__________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 4
Ikalawang Markahan / Ikatlong Linggo / Ikalimang Araw

Layunin:
➢ Nailalarawan ang elemento ng kuwento (tagpuan, tauhan, banghay at pangyayari)

HALINA’T ALAMIN AT TUKLASIN NATIN!

Paglalarawan ng mga Elemento ng Kuwento


(TAUHAN, TAGPUAN, BANGHAY AT PANGYAYARI)

Elemento ng
Kuwento ating pag-
aralan sa Sa araling ito, ating ilalarawan ang walong (4) elemento
pamamagitan ng ng maikling kuwento at kanilang mga kahulugan.
paglalarawan.
Maikling Kuwe
1.Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa
kuwento.
2. Tagpuan – Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang
kuwento.
3. Banghay – Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari sa kuwento. Mayroong
limang (5) bahagi ang banghay:
▪ Panimula – Kung saan at paano nagsimula ang
kuwento.
▪ Saglit na Kasiglahan – Ito ay ang panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhan sa kuwento.
▪ Kasukdulan – Dito na nangyayari ang problema sa
kuwento.
▪ Kakalasan – Ito ay tumutukoy sa parte kung saan
unti-unti nang naaayos ang problema.
▪ Wakas – Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o
natapos ang kuwento.
▪ Pamagat- Ito ang pangunahing kaisipan ng kuwento.
4. Pangyayari- Dito nakapaloob ang mga eksena na
matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng banghay. Ang
banghay at pangyayari ay magkaugnay.
KARAGDAGANG IMPORMASYON
• Ang mga elementong ito ang bumubuo sa isang
maikling kuwento. Ang maikling kuwento ay anyo
ng panitikang nagsasalaysay sa madali, maikli at
masining na paraan. Ito ay nagdudulot ng aliw at
karaniwang kapupulutan ng mga aral sa buhay.

Page 24 of 28
Module Code: PASAY-F4-Q2-W3-D5

Pangalan:__________________________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:__________________________________

HALINA’T MAGSANAY NG ATING ARALIN

GAWAIN 1: ELEMENTO NG KUWENTO ATING SURIIN AT ALAMIN!


PANUTO: Lagyan ng tsek ang kahon na may wastong paglalarawan sa mga sumusunod
na elemento ng kuwento.

1. TAUHAN Tumutukoy sa mga panauhin o kumikilos sa kuwento.


Tumutukoy sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.

2. TAGPUAN
Tumutukoy sa kung paano nagwakas o natapos ang kuwento.
Tumutukoy kung saan naganap ang kuwento.

3. BANGHAY
Tumutukoy sa problemang ikinakaharap ng tauhan sa kuwento.
Tumutukoy sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.

4. PANIMULA
Tumutukoy kung saan at paano nagsimula ang kuwento.
Tumutukoy sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.

5. PANGYAYARI
Tumutukoy sa mga eksenang nangyari sa kuwento. Ito ay may
kaugnayan sa banghay.
Tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos ang problema.

6. KAKALASAN
Tumutukoy sa mensahe ng maikling kuwento sa mambabasa.
Tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos ang problema.

7. KASUKDULAN
Tumutukoy sa pinangyarihan ng problema sa kuwento.
Tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos ang problema.

8. WAKAS Tumutukoy sa kung paano nagwakas o natapos ang kuwento.


Tumutukoy kung saan at paano nagsimula ang kuwento.

9. PAMAGAT
Tumutukoy sa pangunahing kaisipan ng kuwento.
Tumutukoy sa mga tauhan ng kuwento

10. SAGLIT NA
KASIGLAHAN Tumutukoy sa panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa
NG KUWENTO kuwento.
Tumutukoy sa kung paano nagwakas o natapos ang kuwento.

Page 25 of 28
Module Code: PASAY-F4-Q2-W3-D5

Pangalan:__________________________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:__________________________________

HALINA’T MAGSANAY

GAWAIN 2: ELEMENTO NG KUWENTO ALAM KO!


Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang maikling kuwento at tukuyin kung anong elemento ng
kuwento ang sinalungguhitan sa mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang sagot sa loob
ng parihaba sa ibaba at isulat sa patlang ang iyong sagot.
“Ang Hindi Ko Malilimutang Pangyayari sa Aking Buhay”
Ako si Celia, may isang bagay na hindi ko na muling gagawin pa. Ito ay ang umalis ng
bahay nang hindi nagpapaalam sa aking mga magulang. Paano ay nadala na ako.
Nang minsan ay sumama ako sa aking mga kaklase upang mamasyal sa ilog na may
kalayuan sa amin. Hindi ako nagpaalaam kina Inay at Itay dahil hindi nila ako papayagan.
Ginabi kami ng aking mga kaibigan sa pagtatampisaw sa tubig. Nang kami ay pauwi na ay
napahiwalay ako sa kanila. Naligaw ako at sa takot ko ay naupo na lamang ako sa ilalim ng
isang puno. Doon na sana ako maghihintay ng umaga. Mabuti na lamang at ako’y binalikan
ng aking mga kaibigan. Kung hindi ay baka kung ano na ang nagyari sa akin. Nakauwi ako
ng aming bahay ng maayos at ako’y niyakap ng aking mga magulang. Humingi ako ng
paumanhin sa aking nagawang pagkakamali.

___________1. May isang bagay na hindi na muling gagawin pa ni Celia sa kanyang buhay.
___________2. Namasyal kami ng aking mga kaklase sa ilog na may kalayuan sa amin.
___________3. Mabuti na lamang at ako’y binalikan ng aking mga kaibigan. Kung hindi ay baka
kung ano na ang nagyari sa akin.

___________4. Nagtampisaw kami ng aking mga kaklase sa ilog.


___________5. Si Celia at ang kanyang mga kaklase ay namasyal sa ilog.
___________6. “Ang Hindi Ko Malilimutang Pangyayari sa Aking Buhay”.
___________7. Hindi nagpaalam si Celia sa kanyang nanay at tatay dahil alam niyang hindi
siya nito papayagan.
___________8. Nakauwi si Celia ng kanilang bahay nang maayos at humingi siya ng tawad sa
kanyang mga magulang.

___________9. Umalis ng bahay ng hindi nagpapaalam si Celia. Namasyal sila ng kanyang


mga kaklase sa ilog at nagtampisaw. Malalim na ang gabi at nang papauwi ay
nahiwalay siya sa mga ito. Mabuti na lamang at binalikan siya ng mga kaibigan
niya. Nakauwi nang maayos si Celia sa kanilang bahay at humingi ng tawad sa
kanyang mga magulang.
__________10. Naligaw at takot na takot si Celia. Siya ay naupo sa ilalim ng puno, mabuti na
lang at binalikan siya ng mga kaibigan niya.

TAUHAN BANGHAY SAGLIT NA KASIGLAHAN KAKALASAN PAMAGAT


TAGPUAN PANIMULA KASUKDULAN WAKAS PANGYAYARI

Page 26 of 28
Module Code: PASAY-F4-Q2-W3-D5

Pangalan:__________________________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:__________________________________

GAWAIN 3: ELEMENTO NG KUWENTO ISAISIP MO!


Panuto: Buuin ang mga nakarambol na salita upang maibigay ang elemento ng kuwento na
inilalarawan sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

1. Y A H G N A B - Isinasaad nito ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.


SAGOT:

2. S A K A W – Isinasaad nito ang katapusan ng kuwento.


SAGOT:

3. N A H U A T – Isinasaad nito ang mga gumanap sa kuwento.


SAGOT:

4. N A U P G A T – Isinasaad nito ang lugar ng pinangyarihan ng kuwento.


SAGOT:

5. A L U M I N A P – Isinasaad nito kung saan at paano nagsimula ang kuwento.


SAGOT:

6. N A H A L G I S A K A N T I L G A S - Isinasaad nito ang panandaliang pagtatagpo ng mga


tauhan sa kuwento.
SAGOT:

7. N A L U D K U S A K – Isinasaad nito ang mga nangyaring problema sa kuwento.


SAGOT:

8. N A S A L A K A K – Isinasaad nito ang parte kung saan unti-unti nang naaayos ang
problema.
SAGOT:

9. T A G A M A P – Isinasaad nito ang paksa ng kuwento.


SAGOT:

10. I R A Y A Y G N A P – Isinasaad nito ang mga eksenang naganap sa bawat bahagi ng


banghay na nakapaloob sa kuwento.
SAGOT:

Page 27 of 28
Module Code: PASAY-F4-Q2-W3-D5

Pangalan:__________________________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:__________________________________

HALINA’T TANDAAN NATIN!

PAGLALAHAT:
Bago natin ituloy ang susunod na mga gawain…
TANDAAN MO!
✓ Ang mga sumusunod ay mga elemento ng maikling kuwento;
a. Tauhan
b. Tagpuan
c. Banghay at mga bahagi nito
d. Pangyayari na may kaugnayan sa banghay.
✓ Mahalagang mailarawan ang mga elemento ng isang maikling kuwento upang malaman
ang kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa. Dito din lubusang mauunawaan ang mga
pangyayari sa isang kuwento.
IPAGPATULOY PA NATIN ….

PAGTATAYA
PANUTO: Sumulat ng halimbawa ng isang maikling kuwento upang mailarawan ang mga elemento
nito.

✓PAMAGAT:


TAUHAN:
TAGPUAN:

TARA TAPUSIN NA NATIN…….


BANGHAY/PANGYAYARI
PANIMULA:
SAGLIT NA KASIGLAHAN:
KASUKDULAN:
KAKALASAN:
WAKAS:

References for Further Enhancement:


1.) Online Reference:
https://www.youtube.com/watch?v=nYBXYNViadU
https://philnews.ph/2019/07/19/elemento-ng-maikling-kwento-8-elemento-kahulugan/
https://www.google.com/search?q=nailalarawan+ang+mga+elemento+ng+kuwento+(tauhan+tagpuan+banghay)&source=ln
ms&tbm=vid&sa=X&ved=2ahUKEwjZsc6jjaLrAhVpwosBHSzQBYoQ_AUoAnoECAwQBA&biw=1366&bih=657

2.) Book:
Yamang Filipino 4: Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino pah.57-61, 93

Inihanda ni:
ERMETHIAS ZEN HELLENIC M. GANADEN
Don Carlos Village Elementary School

Page 28 of 28

You might also like