You are on page 1of 3

San Isidro National High School

San Isidro, Sergio Osmeňa, Zamboanga del Norte


ARALING PANLIPUNAN 7
QUARTER 3 (WEEK 8)

PANGALA_______________________________________________________ PETSA: _____________


BAITANG AT SEKSYON: _________________________________________ISKOR: ____________

Sa Araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-uunawa:
1. Napahagalahan ang mga kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya sa kulturang asyano (AP7KSA
a. Natutukoy ang mga ambag o kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya na naging daan para makilala ang
kulturang Asyano
b. Naipapahayag ang panghanga at pagmalaki sa mga kontribusyon ng rehiyon ng Timog at Kanlurang Asya

Aralin 1 KONTRIBUSYON NG TIMOG AT KANLURANG ASYA AT ANG


PAGKAKAKILANLAN NG KULTURANG ASYANO

ARKITEKTURANG ASYANO
Sa pagbuo ng kabihasnang Asyano at sa kabila ng mga naranasang pananakop, naipakita rito kung paano
ipinagmalaki ang pagkakakilanlan, ang kanilang mga kakayahan, talino, galing ng mga Asyano sa iba’t-ibang
larangan tulad ng sining humanidades at pampalakasan.

Timog Asya
Kakaiba ang rehiyon ng Timog Asya na sa kabila ng mga impluwensya ng iba’t-ibang manankop hindi
natinag ang kanilang kulturang nabuo para makilala ang kanilang rehiyon bilang mayamang kultura.
Naiuugnay ang kanilang mga gusali sa kani-kanilang relihiyon tulad ng Hinduismo, Buddhismo at
Islam. May dalawang tanda ang arkitekturang Indian, ang kanilang templong budista sa India, ang Stupa na
gawa sa laryo o bato na may bilugang umbok na may tulis na tore. Dito rin inilagay ang mga sagrado at
panrelihiyong relikya at ang Taj Mahal na ipinatayo ni Shah Jahan para sa kaniyang pinakamamahal na asawa
na si Mumtaz Mahal na namatay sa panganganak. Ang mga obra maestro ng arkitekturang Indian ay ang temple
ng Borobudur sa Java at Angkor Wat sa Cambodia

Kanlurang Asya
Ang kilalang arkitekturang Islamic ay ang masjid o moske. Itinuturing ito na pinakamahalagang
pagpapahayag ng sining Islamik. Ang tala tungkol dito ay naglalarawan ng istrukturang minbar o pulpit at
mihrab o nitso na may madetalyeng disenyo. Ang moske ay napapalamutian ng marmol, mosaic at gawang
kahoy. Ang gusaling panrelihiyon na tinatawag na ribat ay may parisukat na hugis, ang entrada ay
napapalamutian, at sa gitna ay may patyo. Ang isa pang uri ng gusaling Islamik ay ang turbe (tomb), ang
musoleo ng sektang Shi’ite. Ito ay may maliit na gusali na hugis bilugan, ang bubungan ay may turret na hugis
dulo ng lapis.

PANITIKANG ASYANO
Maraming nagawa ang mga Asyano sa larangan ng panitikan halimbawa na rito ay ang mga kwentong
bayan, alamat, tula, maikling kwento at dula. Timog Asya Nasusulat ang wikang klasikal ng panitikang Indian
ang Sanskrit, na nakaimpluwensya sa mga wika ng karatig bansa sa Asya. May dalawang mahalagang epiko ang
India ang “Mahabharata” at “Ramayana.” Ang “Mahabharata” ay nagsasalaysay ng pantribong digmaan
samantalang ang “Ramayana” ay patungkol sa buhay ni Rama, ang lalaking bida sa epiko.
Si Kalidasa ang pinakadakilang dramatist na may akda ng “Shakuntala”. Ito ay tungkol sa pag-ibig ni
Haring Dusyanta sa ermitanya. Ang “Panchantra” naman ay ang pinakamatandang at pinakatanyag na
koleksyon ng mga pabula na may maraming kwento tungkol sa alamat, engkantada at pabula. Ang “Gitanjali”
ay isang aklat ng mga tula at ang “Gulpa Guccha” ay ang koleksyon ng mga kwento ukol sa ordinaryong
pamumuhay at dinadanas na paghihirap ng mga tao.
Kanlurang Asya
Ang panitikan ay repleksyon ng kanilang kultura ng mamamayan dito.
Si Yehuda Anichai ay nakilala sa kanyang akda na “Song of Jerusalem and Myself”, popular din ang
kanyang akda na “A Thousand and One Nights” na mas kilalang “Arabian Nights”. Isinalaysay ito ngisang
magandang prinsesa na nilibang ang hari upang hindi matuloy ang pagbitay sa kaniya. Ang “Ang
Pakipagsapalaran ni Sinbad,” ang “The Tale of Alibaba and the Forty Thieves” ay lubhang makasining ang
pagkasulat.

MUSIKA AT SAYAW NG MGA ASYANO


Sa maraming bansa sa Asya, ang musika at sayaw ay bahagi ng ritwal sa panganganak, pag-aasawa at
kamatayan. Bagaman maraming bansa sa Asya ang nasakop ng Kanluranin, nananatiling buo ang tradisyong
musical ng mga Asyano dahil na rin sa mahigpit at matibay na pundasyon nito.

Musika at Sayaw ng Indian


Mahigpit ang pagtuturo sa mga nais na mag-aral sa musika. Dahil sa higpit at dedikasyob sa pagtuturo,
nagbunga ito ng maraming nalikhang musika. Naniniwala ang mga Hindu na upang makamit ang Nirvana
(ganap na kaligayahan), ang pinakamadaling paraan ay ang paggamait ng musika. Maraming instrument
samusika ang ginagamit tulad ng tamburin, plawta (vina), at tambol (marindangan).
Ang ragas ay isang musika na nag-aalis ng sakit. Mayroong tiyak na oras at panahon sa pagtugtog nito.
May paniniwala ang mga Hindu na ang ayaw sumunod sa itinakdang oras ay malalagay sa panganib ang
tinugtugan at nakikinig nito.
Mahilig ang mga Hindu sa pagsasayaw. May paniniwala sila na ito ay libangan ng diyos nila. Patunay
nito na kahit sa kanilang temple ay may mga babaing nakaukit na sumasayaw.

Musika at Sayaw ng mga Arabe


Sa mga lungsod ng Mecca, Ukash, at Medina sa Saudi Arabia pumupunta ang manunula, payaso, at
musikero upang mag-aral at magpakadalubhasa sa musika. May mga instrumenting pangmusikal na ginagamit
tulad ng mi’zafa, gussaba, mizmar, at tambourine. Ang harpa at trumpeta ay nagmula sa Iraq. May sistemang
ginagamit ng mga unang musikerong Arabe na katulad ng Ragas ng mga Hindu. Makikita ito sa kanilang martsa
na gumagamit ng instrumentong banyaga

PAMPALAKASAN
Ang palakasan ay nagging daan upang magbuklod-buklod ang mamamayang Asyano. Hindi na
mabilang ang mga Asyanong nagging matagumpay, nakilala, at hinangaan sa iba’t-ibang palaro. Nagsilbing
inspirasyon upang patuloy na magkaisa at magnais ng kapayapaan sa lahat ng mamamayan sa Asya.
Karamihan ng mga larong kilala sa buong Asya at sa daigdig ay nagmula sa India. Hindi lamang ang
rehiyon sa Silangang Asya at Timog-Silangang Asya ang nakilala bilang isang orihinal na tagapagtatag ng mga
natatanging palakasan nakilala rin sa iba’t-ibang bansa ang rehiyon ng Timog at Kanlurang Asya. May tanyag
na laro sa India, ang kabaddi, napakasimple, hindi magastos, at hindi nangangailangan ng malaking espasyo
para ito maisagawa.
Ang larong chess, baraha, at martial arts tulad ng judo at karate ay nagmula sa India. Ang baraha ang
popular na laro sa mga hari at maharlika sa kahariang korte ng India. Ang judo at karate ay mahalagang
pananggalangng mga Budista sa mapanganib na paglalakbay patungong Japan, China, at Korea na nag-uugnay
sa repleksyong panloob ng mga Budista sa kanilang buhay.
Mahulig sa palakasan ang mga Asyano hindi lamang para Manalo at makilala sa buong mundo, kundi
taglay din ang katangiang dapat mataglay ng isang kasali sa laro.

Panuto: Isulat ang T kung ang kontribusyon ay nasa Rehiyon ng Timog Asya at K kung ang kontribusyon ay
nasa Rehiyon ng Kanlurang Asya.
____1. Stupa ____6. Ribat
____2. Epikong Mahabharata at Ramayana ____7. Sanskrit
____3. Mecca ____8. Sektang Shi’ite
____4. Ragas ____9. Turret
____5. Panchantra ____10. Judo at karate

CHITO R. PACETE
Substitute Teacher

You might also like