You are on page 1of 4

Department of Education

Pagadian City Division


DOMINADOR YOCOGO SR. INTEGRATED SCHOOL
Datagan, Pagadian City

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa FILIPINO 7


Pangalan: _______________________________________ Petsa: ____________________

Grade at Seksyon: ________________________________ Iskor: _____________________


I-A.Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap ng bawat bilang. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Ito ay kadalasang naging libangan ng mga kabataan at ang paksa nito ay nanunukso o
nang-uuyam.
A. palaisipan C.tugmang de-gulong
B. awiting panudyo D.bugtong
2.Isang uri ng babala na kalimitang makikita sa sasakyan layunin nito’y maipabatid ang mga mensahe sa
pasahero.
A.palaisipan C.awiting panudyo
B.tugmang de-gulong D.bugtong

B.Tukuyin kung anong uri ng karunungang bayan ang mga sumusunod. Piliin ang
titik ng tamang sagot.
A. Awiting panudyo C. Tugmang de-gulong
B. Bugtong D. Palaisipan
_____3. “Basta sexy Libre”
_____4. ”Bumili ako ng alipin,mataas pa sa akin.”
_____5. ”Pedro Penduko,matakaw na tuyo
Nang ayaw maligo,pinukpok ng palo”

II-Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot na angkop sa sumusunod na mga pahayag.
6. Ipinakilala mo ang iyong ina sa isang pari na kaibigan mo.
A.Padre Damaso/ang aking ina.
B.Padre/Damaso ang aking ina.
C.Padre Damaso ang aking ina.
7. Walang may ibang kasalanan kundi si Gweneth.
A.Hindi/si Gweneth ang may sala.
B.Hindi si Gweneth ang may sala
C.Hindi si Gweneth/ ang may sala.
8. Ang _____ ay masarap gawing inumin.
A.bu.ko B.bukó
9. ______ na ang mga kaibigan mong nagsisinungaling.
A.bu. ko B.bukó
10. Isang paboritong pagkaing inihanda lalo na kung pasko.
A.hamón B.ha.mon

11. Mula sa kalayuan ay may narinig silang tinig na nagsasabing huhukayin na nila mula ngayon ang ginto.
Doon, naisip nila ang matandang kuba na papilay-pilay na dumating sa kanilang cañao sa hindi inaasahang
pagkakataon na nakaupo sa isang lusong.
a. Panimulang Panyayari c. Resolusyon
b. Kasukdulan d. Pababang pangyayari

12. Walang nakakakilala sa isang matandang kubang papilay-pilay na naupo sa isang lusong sa kanilang pook.
Napansin lamang siya ni Lifu-o nang madagil ng mga katutubong nagkatuwaan sa paghahabol ng isang baboy
na iaalay nila sa idaraos na cañao, isang piging para mag-alay sa kanilang pinakadakilang bathala.

a. Papataas na pangyayari c. Pababang pangyayari


b. Kasukdulan d. Panimulang Panyayari
13. Nakaikot lamang kay Matandang Kuba, Lifu-o, at ibang mga katutubong Igorot ang kuwento.
a. Tagpuan c. May-akda
b. Tauhan d. Banghay
14. Tiningala at hinangaan ng maraming manunulat na Pilipino si Simplicio P. Bisa dahil sa kanyang obrang
“Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao.”
a. Tagpuan c. May-akda
b. Tauhan d. Katunggaliang tauhan

15. Sa bahaging ito nalulutas ang suliranin at nagtatamo ng pangunahing tauhan ang layunin.
a. Resolusyon c. Panimulang Pangyayari
b. Pababang Pangyayari d. Kasukdulan
III. A. Panuto: Tukuyin ang simula, gitna at wakas. Isulat ang bilang 1 sa simula, 2
hanggang 4 sa gitna at 5 sa huli o wakas. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
Hakbang sa Pagpapatala o Pagpapaenrol sa Paaralan ng Mag-aaral sa Baitang 7
____1.) Ikatlo, sulatan ang porma na nakuha.
____2.) Sa wakas, ikaw ay ganap o opisyal na mag-aaral na ng paaralan.
____3.) Una, kumuha ng diagnostic na pasulit.
____4.) Pagkatapos ay isumite ang filled-up form sa enrollment section.
____5.) Pangalawa ay kumuha ng enrollment form.
B. Panuto: Punan ng angkop na pananda o pahayag upang mabuo ang teksto. Piliin ang sagot
sa loob ng kahon.

panghuli una pagkatapos saka sumunod


6._________ pakuluin ang mantika sa kawali.7. _____________kapag kumukulo na ay
ilagay na ang mani 8._________halo-haluin iyon hanggang sa maluto. 9.____________hanguin na
ang maning naluto. 10._______________ipagiling na ang mani.
Kapag nagawa mo na ito, mayroon ka ng masarap na palaman.

III. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Isa sa pinakamasustansiyang prutas ang saging dahil malaki ang naitutulong nito sa ating kalusugan. Ayon sa
karamihan, ang saging ay hindi prutas kundi isang “berry.” Maituturing na “herb” ang puno nito. Nagtataglay
rin ng sustansiyang tumutulong sa pagpapabilis ng pagbuo ng mga nasirang “tissue” sa ating katawan ang
saging. Ano ang pangunahing kaisipan sa teksto
A. Maituturing na “herb” ang puno ng saging.
B. Isa sa masustansiyang prutas ang saging dahil malaki ang naitutulong nito sa ating katawan.
C. Ang saging ay hindi prutas kundi isang “berry.”
D. Malaki ang naitutulong ng saging sa ating katawan.

2. Ito ay mensaheng napapaloob sa larawan o sa isang sanaysay. Sinasabi nito kung ano ang ibig sabihin ng
kabuuang larawan, ng mga pangungusap, o ng teksto.
A. Pangunahing kaisipan C. Pamagat
B. Pantulong na kaisipan D. A at B
COVID-19 cases sa Pilipinas 429,864 na
MAYNILA-Umabot na sa 429,864 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas,base sa tala ngayong
Linggo ng Department of Health (DOH).Ayon sa DOH,nakapagtala sila 2,076 dagdag na kaso ng respiratory disease kaya umakyat sa halos
430,000 ang kabuuang bilang.Pero sa bilang na ito,22,867 ang active cases o iyong hindi pa gumagaling sa sakit.Tumaas din kasi sa 398,624
ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit matapos makapagtala ng 10,579 new recoveries ang DOH ngayong Linggo sa ilalim ng “Oplan
Recovery.”Nadagdagan naman nang 40 ang bilang ng mga namatay para sa 8,373 kabuuang death toll.Sa Quezon City naiulat ang
pinakamaraming bilang ng mga bagong kaso ngayong Linggo,na 137.Sinundan ito ng Laguna(122),Cavite (103),Batangas(96)at Angeles
City(79).Kamakailan,nagbabala ang mga awtoridad na patuloy na sumunod sa mga health protocol upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-
19,lalo’t posibleng tumaas umano ito sa darating na holiday season.
Mark Demayo,ABS-CBN News Nov.29,2020 04:40PM
3.Tungkol saan ang balita?
a. tungkol sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas
b. tungkol sa kung paano gamutin ang COVID-19
c. tungkol sa pag-iwas ng COVID-19
d. tungkol sa DENGUE Outbreak

4. Ano ang kabuuang kumpirmadong bilang sa kaso ng COVID-19 sa bansa?


a. 429,865 c. 429,860
b. 429,864 d. 429,863

5. Paano maiwasan ang pagkalat ng Covid-19?


a. pagpapabakuna ng flu vaccine c. paninirahan sa nayon
b. pagsunod ng health protocol d. pagsunod sa pamantayan ng pamayanan
6.Anong uri ng balita ang iyong binasa?
a. balitanglocal c. balitang pambansa
b. balitang pampolitika d. balitang pampalakasan

7. Ano ang karaniwang ginagamit sa pagsulat ng balita upang makikita ang pagpapahalaga sa
bahaging nais itampok ?
a.inverted pyramid c.inverted box
b.pyramid d.wala sa nabanggit
Lima patay sa pananalasa ng bagyong Ulysses
Radyo Inquirer, Nov. 13, 2020 08:07 AM
Ni Chona Yu
Patay ang lima katao sa Bicol region dahil sa pananalasa ng bagyong Ulysses. Ayon sa ulat ng Office of Civil Defense, kabilang
sa nasawi ang limang taong gulang na si John Lyndon Candelaria na namatay dahil sa landslide sa Labo, Camarines Sur.
Nasawi naman matapos malunod si Federico Taroza, apat napu’t taong gulang. Patay nang matagpuan si Johnny Mirana sa
baybaying dagat sa Camarines Sur. Nabatid na tinangka ni Mirana na iligtas ang kanyang alagang kambing. Patay din si Avelino
Cabaneta na nag-ayos ng bubong ng bahay at si Salva Mangubat na nadulas naman.

8 .Ano ang nangyari ayon sa balita?


a. may limang namatay sa pananalasa ng bagyong Ulysses
b. may limang nasunugan dahil sa bagyong Ulysses
c. may limang nalunod sa baha
d. may limang namatay dahil nadulas sa kasagsagan ng bagyo
9. Sinu-sino ang namatay dahil sa pananalasa ng bagyo?
a. John Lyndon Cadelaria, Federico Taroza, Johnny Mirana, Antonio Lopez, Salva Manggubat
b. John Lyndon Cadelaria, Federico Taroza, Johnny Legend, Avelino Cabaneta, Salva Manggubat
c. John Lyndon Cadelaria, Federico Sanchez, Johnny Mirana, Avelino Cabaneta, Salva Manggubat
d. John Lyndon Cadelaria, Federico Taroza, Johnny Mirana, Avelino Cabaneta, Salva Manggubat

10. Ayon sa balita, saan ito nangyari?


a. Camarines
b. Camarines Sur
c. Camarines City
d. Camarines Norte

11. Bakit namatay si Mirana, ayon sa balita?


a. dahil nadulas siya
b. dahil tinangka niyang iligtas ang kanyang kambing
c. dahil nalunod siya
d. dahil inayos niya ang bubong ng kaniyang bahay

12. Ano ang ikinamatay ni Federico Taroza?


a. Nalunod
b. Nadulas
c. Nahulog
d. nabagsakan ng kahoy

Para sa bilang 13 – 50. Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa iyong matalik na kaibigan na nagpapakita ng
isang pangunahing kaisipan/ideya at dalawang pantulong o pansuportang detalye. Bilugan ang pangunahing
kaisipan, at salungguhitan ang pantulong na detalye.

You might also like