You are on page 1of 1

MCNHS-SHS nagdaos ng SciMath Month 2019

MAASIN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL - Senior High School Department nagdiwang ng Science and
Math Month na may temang "Science for the People, People for the Science," noong ika - 17 ng
Setyembre taong 2019 na dinaluhan ng mga mag-aaral kasama ang mga guro sa asignaturang Agham at
Matematika.

Nagkaroon ito ng pambungad na palatuntunan na ginanap sa Senior High School Science


Laboratory, kung saan pinangunahan ito ng punong-guro G. Alfredo Gabor Jr. nagbigay siya ng
pambungad na mensahe at paalala sa mga mag-aaral.

"Science is a beautiful gift to the humanity we should not destroy it," ani niya.

Ipinahayag niya rin na ang teknolohiya ay bunga ng siyensiya at ginagamit ito sa pang-araw-
araw. Tinapos niya ang kanyang mensahe sa pag-iiwan ng pick-up line ukol sa siyensiya sa mga mag-
aaral.

Sinundan ito ng pagpapakilala ng mga mag-aaral sa pangkat Agua at Aire na kalahok sa


patimpalak sa Matematika 11, Agham 11 at 12, Scrap Art, Poster Making at ang paglalahad ng mga
alituntunin na pinangunahan ni G. Ian Maglines.

Pagkatapos ng pambungad na palatuntunan ay sinimulan agad ang patimpalak. Ginawa ang


patimpalak na ito upang pagtuusin ang mga mag-aaral sa pangkat na Agua at Aire, ang pagpapalain ay
siyang magrerepresenta sa MCNHS-SHS sa darating na District Level ngayong ika-25 ng Setyembre taong
2019.

You might also like