You are on page 1of 1

Abinasa, namayagpag sa DSPC 2024

Jasmine Jane Machitar

(Gawad ng parangal. Ginawad kay Kenneth T. Abinasa ang panalo sa ikatlong pwesto sa kategoryang pagwawasto ng
sipi at pag-uulo ng balita sa DSPC 2024 na ginanap sa Kapitan Monteverde Sr. CES. Makikita sa gitna si Abinasa
kasama ang kanyang tagapayo na si Gng. Louella Jane P. Apostol. Tagakuha ng larawan: Arjean P. Sabanal)

Tumanggap ng mainit na pag-bunyi ang kampus na mga mamamahayag ng Binugao National High
School, matapos ginanap ang parangal ng Division School Press Conference 2024 sa Kapitan
Tomas Monteverde Sr. Central Elementary School SPED Center nitong Pebrero 15 -17, 2024.

Ginawaran ng medalyon ng sina Vince Gayle Cena, ikaanim na pwesto sa Editorial Cartooning
(English) at Kenneth Abinasa, ikatlong pwesto sa Copy Reading and Headline Writing (Filipino) na
nakapasok at lalaban sa darating na Regional School Press Conference na gaganapin sa Davao de
Oro.

Pinalad din na makapasok sa round 2 ang tatlong mamahayag na sina Trisha Marie Poliran (Editorial
Writing), Jasmine Jane Machitar (Tagapagsulat ng Balita), at JB Yabao (Kartung Editoryal).
Nakatanggap naman ng mga sertipiko ng partisipasyon ang iba pang mga mamahayag ng paaralan
na nilagdaan ng Schools Division Superintendent, Reynante A. Solitario CESO V.

You might also like