You are on page 1of 4

Manaoag District

PAO ELEMENTARY SCHOOL


S.Y.: 2018-2019

BUWAN NG WIKA 2018


NARRATIVE REPORT
(School Based)

Ang Paaralan ng pao Elementary School ay ay muli ipinagdiwang ang isa sa mga
pinakahihintay na okasyon ng mga mag-aaral upang ipamalas ang kanilang kakayahan o
talento sa ibat-ibang uri ng pagpapahayag sa pamamagitanng sariling wika na alinsunod
sa paksang diwa:“Filipino: Wika ng Saliksik”

Ang nasabing tema ng buwan ng wika ay nagsilbing ugat ng programa upang


gisingin ang kamalayan ng mga musmos na kaisipan ang pinagmulan ng ating
Pambansang Wika at kahalagahan nito sa kanilang pang araw-araw na pakikisalamuha sa
lipunan. At maipaalam nang mas maigi ang nais ng Kagawaran ng Wikang Filipino na mas
mapalawig at mas makilala ang ating sariling wika sa maraming aspeto. Na maging sa
pananaliksik ay ito ay hindi dapat maisantabi, ito ay dapat gamitin at tangkilikin tulad ng sa
ibang ibayo na mauunlad dahil sa paggamit ng kanilang sariling wikang pinagmulan.

Ang programa ay ginanap noong ika-29 ng Agosto ng hapon sa munting tanghalan


ng Pao Elementary School. Iba’t ibang patimpalak ang isinagawa tulad ng tula (Kinder-
Baitang I), isahang pag-awit (Baitang II-III), malikhaing pagkwento (Baitang IV- VI), sulat-
bigkas (baiting V-VI) at hindi mawawala ang pagtanghal ng Pambansang Kasuotan
panlalaki at pambabae para sa lahat ng baiting. Ang ilan sa mga patimpalak na
nabanggit ay maagang isinagawa dahil sa pabago-bagong panahon at pagbugso ng
ulan sa hapon. Gayon pa man ito ay naisagawa ng matagumpay at maayos dahil na rin sa
maagap at pagkakaisa ng mga guro sa mga gawain. Ang ilang mga guro ay inatasan ding
maging hurado sa ibang hindi sakop na baitang. Naimbitahan din ang aming presidente ng
PTA (Parent Teacher Association) nasi, Gng. Lerma S. Apilada, at nagpaanyaya din siyang
maging isang hurado sa pagpili ng Pambansang Kasuotan kasama ang ilang mga guro
(relieving teacher) para sa mas malinis na kompitisyon. Hindi man nakadalo ang isa sa
aming ispesyal na panauhin pandangal, Kapitan Eliseo Gabriel, sa ilang kadahilanan. Sa
isang banda lubos naman ang aming kagalakan dahil nakadalo ang aming butihing
principal, Dr. Cristina C. Camba, sa kabila ng kanyang hindi magandang pakiramdam at
nagbigay ng isang makabuluhang pangbungad para sa lahat.
Pinangunahan ng aming mga naatasang tagapagpakilala ang nasabing programa
sa katauhan nila Gng. Roselie R. Pagaduan at Gng. Jobelle c. Terrado. Inilahad ng aming
Master Teacher II, Gng. Evelyne M. Sison, ang mga pamantayan sa iba’t ibang patimpalak
at mga magiging hurado sa mga ito. At pinangunahang naman ng inyong lingkod ang
pagkuha ng mga rehistrado o kalahok para sa iba’t ibang mga patimpalak.

RESULTA NG IBA’T IBANG NASABING PATIMPALAK

Paligsahan sa Pagtula (Kinder-Baitang I)


Kalahok Nakamit na Gantimpala Tagapayo
Daniel Antonio Reyes Una Krisnha M. De Vera
Ikalawa Daphne M. Sernadilla
Ikatlo Jobelle C. Terrado

Paligsahan sa Isahang Pag-awit (Baitang II-III)


Kalahok Nakamit na Gantimpala Tagapayo
Daniel Antonio Reyes Una Krisnha M. De Vera
Ikalawa Daphne M. Sernadilla
Ikatlo Jobelle C. Terrado

Paligsahan sa Malikhaing Pagkwento (Baitang IV-VI)


Kalahok Nakamit na Gantimpala Tagapayo
Daniel Antonio Reyes Una Krisnha M. De Vera
Ikalawa Daphne M. Sernadilla
Ikatlo Jobelle C. Terrado

Paligsahan sa Sulat-Bigkas (Baitang V-VI)


Kalahok Nakamit na Gantimpala Tagapayo
Daniel Antonio Reyes Una Krisnha M. De Vera
Ikalawa Daphne M. Sernadilla
Ikatlo Jobelle C. Terrado

Paligsahan sa Pambansang Kasuotan Panlalaki


Kalahok Nakamit na Gantimpala Tagapayo
Daniel Antonio Reyes Una Krisnha M. De Vera
Ikalawa Daphne M. Sernadilla
Ikatlo Jobelle C. Terrado

Paligsahan sa Pambansang Kasuotan Pambabae


Kalahok Kalahok Kalahok
Daniel Antonio Reyes Daniel Antonio Reyes Daniel Antonio Reyes
Ang mga nasabing nagwagi ay ginawaran at nakatanggap ng medalya at Sash
para sa pambansang kasuotan. At sa mga nakilahok ngunit hindi pinalad na mapili ay sa
iba’t ibang patimpalak ay nabigyan ng sertipikasyon para sa kanilang di matawarang
partisipasyon. Muli ang inyong Pampaaralang Koordineytor sa Filipino ay lubos pong
nagpapasalamat at bumabati ng maligayang pagtatapos para sa ating programang
BUWAN NG WIKA 2018.

“Manatili sana sa ating isipan ang tunay na diwa ng ating programa at ang aral na sa
lahat ng kompitisyon may mga nagwawagi at natatalo. At ang maiiwang tunay na
kampyon ay ang bukas at mababang loob na tumanggap ng kanyang titolo.”

KRISNHA M. DE VERA
Pao ES Filipino School Coordinator

You might also like