You are on page 1of 1

Araling Panlipunan 3

Ikatlong Markahan
Samatibo # 4

Pangalan:____________________________________________________________ Iskor: __________


LAYUNIN:Napahahalagahan ang iba’t ibang pangkat ng tao sa lalawigan at rehiyon (AP3PKRIIIf-7)
Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang numero.

_____1.Kailangan nating kilalanin at _______ ang ibang tao na nabibilang sa ibang lahi.
A. itapon C. igalang
B. tawanan D. iwasan

_____2.Bigyang halaga ang mga taong nabibilang sa ibang pangkat dahil sila ay tao din na
kagaya natin.
A. tama C. siguro
B. mali D. hindi ko alam

_____3.Ano ang gagawin sa mga produktong gawa ng katutubong pangkat?


A. tangkilikin C. pagtawanan
B. iwasan D. ikahiya

_____4.Bilang mag-aaral,ano ang nararapat na maramdaman kapag nakita mo ang mga guro na nagsuot ng bahag
at tapis sa isang programa sa paaralan?.
A. malulungkot C. mahihiya
B. matutuwa D. walang pakialam

_____5.Ang bawat lalawigan sa Cordillera ay may kani-kaniyang gawaing sining na ___________.


A. ikinahihiya C. tinatawanan
B. ipinagmamalaki D. binabalewa

Naipamamalas ang pagpapahalaga sa pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng mga kultura gamit ang sining na nagpapakilala sa lalawigan at
rehiyon (e.g. tula, awit, sayaw, pinta, atbp.)

___6.Sa aling kaganapan inaawit ang Salidummay at Dongdong-ay ? ___________________?


A. Panliligaw at kasalan C. lamay at kasal
B. Pista o Ritwal D. panliligaw,kasalan,pista at ritwal

___7.Aling mga bagay ang ginagamit sa ilang sayaw sa Cordillera?


A. banga at panyo C. banga
B. panyo D. bilao

___8. Iniaangkop ang sayaw ng bawat lalawigan sa Cordillera sa______________.


A. Tagumpay sa buhay C. kalungkutan sa buhay
B. kabiguan sa buhay D. pakikidigma

___9. Aling instumento ang pinaka mahalaga sa pagsagawa ng katutubong sayaw sa Cordillera?
A. tambol C. gitara
B. gangsa D. plawta/flute

___10. Aling sayaw ang isinasagawa bilang pagdiriwang sa tagumpay sa pangangaso?


A. Banga C. Pinanyuan
B. Bendian D. Tadek

You might also like