You are on page 1of 1

STARGAZERS, bituin ang magsisilbing panalo at ang mga mamamahayag ang

aabot nito

Pursigido, iyan kung ituring ang mamamahayag ng Pambansang Mataas na


Paaralan ng Tacurong. Makalipas ang dalawang taong walang kompetisyon ng
manunulat, nagbabalik sa pagsasanay ang mga ito na siyang binansagang
“STARGAZERS”. Nito lamang ika-28 ng Pebrero, taong kasalukuyan, naganap ang
unang araw ng nasabing aktibidad sa SBM room ng paaralan at nagkaroon ng
Opening Program bago pa man nito. Inimbitahan naman ang Punong-Guro ng
paaralan, Ma’am Ma. Teresita H. Escobia at kasama rin ang mga utak ng
organisasyong ito, Ma’am Chona Estabillo at Sir Daryl Casamorin.

Kaagapay ang Temang, “Cultivating Responsive and Responsible Campus


Journalism in the Post-pandemic Education” na siyang nagsilbing inspirasyon upang
maipagpatuloy ang kagalingan ng bawat kabataang manunulat na nangangarap.
Tinatansyang nasa 115 ang kalahok rito. Pagsasanay umano ito para sa paparating
na Division Schools Press Conference at ang kanilang layunin ay masungkit ang
maraming parangal.

Inaasahang mahahasa ang kasanayan ng manunulat sa pamamagitan ng


mga kaalaman na ibabahagi ng bawat Resource Speaker. Ani nga ni Ma’am Chona
Estabillo, “Expect that your skills will be showcased.” Sa umaga ng unang araw,
nagsimulang magsanay ang mga manunulat ng Balita, Isports, at maging ang mga
Broadcasters na binahagian ng magaling na mamamahayag, Sir Apple John
Satorre. Ganoon din sa Editoryal na hawak naman ng may malawak na kaalaman
dito, Sir William Dalangbayan.

Matapos ang umagang akitibidad, sinundan agad ito at dalawa naman sa


magagaling na guro ng TNHS na siyang nagbigay ng kanilang kaalaman sa tatlong
karagdagang larangan ng pagsusulat. Sir Jeff Goce para sa Editorial Cartooning at
Sir Richie Umadhay naman para sa Pagsusulat ng Lathalain at Sci-tech. Sa
pagtatapos ng bawat pagbabahagi, binigyan ng sertipiko at token ang mga ito bilang
pasasalamat. Ayon sa daloy ng kanilang Programa, sa ika-isa naman ng Marso
magpapatuloy ang pagsasanay.

Tunay ngang walang inaatrasan ang kabataan ng TNHS. Ano mang hamon
ang dumating, ang manunulat ay patuloy parin. Hindi lamang sila Gazers, kung hindi
ay Aimers. Ayaw patinag, patuloy sa pagiging mapagkakatiwalaang mamamahayag.
#

You might also like