You are on page 1of 2

"Boses ng kabataan, dapat pakinggan.

"
Malaki ang ginagampanang papel ng Supreme Student Government (SSG) sa isang paaralan dahil
ang mga taong namumuno dito ay ang boses ng bawat mag-aaral sa iba't-ibang isyu ng Paaralan. Ang
SSG ay isang organisasyon na pinamumunuan ng mga mag-aaral na responsable sa pamamahala ng
buong Paaralan. Ang mga lider nang nasabing organisasyon ang nangunguna sa mga iba't-ibang programa
at plataporma na makabubuti sa mga mag-aaral at para sa ika-gaganda ng Paaralan.
Layunin ng Supreme Student Government na mahasa ang mga kasanayan sa pamumuno ng mga
mag-aaral upang maging isang mabuti, responsable at mapanagutang lingkod bayan sa hinaharap.
Naglalayon din itong bumuo ng karanasan sa iba't-ibang aspeto ng serbisyo publiko at kung paano
pamamahalaan at bigyang solusyon ang mga problemang panlipunan.
Noong ika-anim ng Marso taong 2019, ang Supreme Student Government ng Paaralang Doña
Hortencia Salas Benedicto National High School, ay naghalal ng bagong hanay ng mga SSG Officers sa
kauna-unahang "SSG Automated Election", para sa pasukang 2019-2020.
Naging posible at matagumpay ito dahil sa pagsisikap nina Mr. Remar M. Calacat at Mrs. Ma
Laarni Karen S. Calacat - SSG Adviser na pasimuno ng isang napakagandang ideya. Tumulong din sa
pangangasiwa ang mga kasalukuyang SSG Officers, sa pangunguna ni Kurt Louis D. Varon - SSG
President at ng Commission on Election (COMELEC) sa pangunguna ni Janus Aries Esportuno -
COMELEC Chairperson.
Dahil sa "Automated Election", naging mabilis at maayos ang kinalabasan ng halalan kumpara sa
mga nakaraang taon. Mayroon lamang isang presinto kung saan boboto ang mga mag-aaral. Binida ang
dalawampung yunit ng mga kompyuter kung saan sa pamamagitan nang pag-click sa mga napupusuang
kandidato ay maipapasa agad ang iyong boto. Hindi na kailangang magtali pa ng mga kabuuang boto
dahil ang kompyuter mismo ang gumagawa.
Bago ang araw ng halalan, ang mga tumatakbong kandidato kasama ang kanilang partido ay
nangampanya sa mga kapwa nila estudyante sa pamamagitan ng "Grand Rally" at "Room-to-Room
Campaign."
Pagiging tapat, may integridad at responsableng lider ang kanilang hinahanap. Kayang mamuno
sa kapwa nila mag-aaral tungo sa pag-unlad ng Paaralan.
Nagsimula ang halalan ng eksaktong alas syete y medya ng umaga at nagtapos ng alas kwatro y medya ng
hapon. Ang halalan ay nagkaroon ng kabuuang, 2,332 na mga botante mula sa ika-pitong baitang
hanggang ika-siyam na baitang. Pagkatapos ng halalan, lumabas agad ang resulta.
Ang mga nanalo sa nasabing eleksyon ay sumusunod:

Magic 7
President: Vinnz Xyzer Flores
Vice President: Anyah Krestell Magan
Secretary: Celenah Mae Garzon
Treasurer: Kheziah Nicole Cusay
Auditor: Nethanea Xznarelle Ganza
PIO: Lian Ivan Victoriano
Peace Officer: Asher Andrew Tupas
Grade 10 Class Organization
Chairperson: Sophia Alexandra Calacat
Members: Francelle Rillianne Linco
Jelian Rumbines
Elyza Aiz Aizpuru
Sheena Deligero

Grade 9 Class Organization


Chairperson: John Rolo Flores
Members: Althea Talam
Charlyn Mae Malacad
Philip Joshua Laud
Jenrose Mae Tubilla

Grade 8 Class Organization


Chairperson: Simone Adrianna Calacat
Members: Jellian Tortosa
Gem Adrian Candaganan
Ashtee Nephia Malacaman
Katarzyna Mashael Austria

Atin silang pagkatiwalaan at suportahan para sa kaunlaran ng ating pinakamamahal na Paaralan. Sabi nga
ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal, "Ang kabataan, ang pag-asa ng bayan."

You might also like