You are on page 1of 7

*Editorial Technology

Kabataan, Alila ng Teknolohiya

-Caburnay, Trisha Mae

Malaki na ang iniunlad ng teknolohiya ngayon. Mas nagiging moderno na ang lahat at
hindi maikakailang lumalawak na ang ating kaalaman tungkol sa mundo dahil sa modernong
kinabibilangan natin ngayon. Kahit saan tayo lumingon, halos lahat may hawak na gadgets, lahat
ay nakikisabay sa uso. Talaga ngang nabago ng teknolohiya ang mundo at kasabay nito ang
malaking pagbabago ng mga kabataan.

Marami rin naming magagandang epekto ang teknoilohiya. Umunlad ang antas ng
libangan, mas napapadali ang pagresponde sa mga kaganapan, mas maraming gawain na ang
maaring gawin at mabilis pa itong natatapos, mas napapatibay at umuunlad pa ng husto ang
komunikasyon. Marami ring natutuklasang bagong mga bagay. Dumadami na rin ang mga
makabagong teknolohiya gaya na lamang ng cellphones,laptops, ipods at marami pang iba. Kaya
nga’t marami na ang naeengganyo at sinasariw ang kakayahang hated ng teknolohiya lalo na ang
mga kabataan. Ngunit, ano nga ba ang epekto ng teknolohiya sa mga kabataan? Dapat ba nating
isisi dito ang unti unting pagbabago sa kanilang pagkatao?

Malaki ang pagkakaiba ng ugaling ng mga kabataan noon at ngayon. Maaaring dahil ito
sa pagkakaroon ng malawak na pagkakataon upang maipakita at maipahayag ang sarili sa
pamamagitan ng teknolohiya. Mapapansin na nagiging tamad na ang itinuturing nating mga
“pag-asa ng bayan”. Ngayon paano na nila magagampanan ang kanilang tungkulin bilang pag-
asa at kinabukasan ng bansa kung sila mismo ay nahihirapang umalis sa kanilang upuan habang
tangan ang kanilang mga telepono at nakaupo sa harap ng kanilang computers?.

Nagiging madali na sa tao ang paggawa ng mga gawaing “instant” kung tawagin.
Maging sa paggawa ng mga takdang aralin ay maari ng kumuha sa Internet at icocopy paste na
lang ito. Kahit na sabihin nating sa paggawa nito ay mas masisigurong tama ang mga sagot sa
naturingang takdang aralin, magiging tama pa rin ba ito kung lagi na lamang umaasa ang mga
kabataan sa abilidad na hated ng teknolohiya at modernisasyon? Hahayaan na lang ba natin na
patuloy tayong maging palaasa sa teknolohiya? Paano na lamang kaya kung ang prebilihiyong
ito ay maaalis sa atin? Isa pa sa halimbawa ng pagiging tamad ng mga kabataan ang paggamit ng
camera sa halip na ballpen. Nakakapagtaka ba? Sa tuwing napapagod na sa pagkopya ng mga
aralin sa klase, isinasalarawan na lamang ito sa halip na tapusin ang kanilang pagsusulat. Isang
simple at nakakatuwang halimbawa na nagpapakitang ang isang simpleng bagay ay hindi natin
magagawa ng maayos. Bakit? Umaasa na lamang tayo sa tulong na hatid ng teknolohiya. Maari
naman itong gamitin ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay may kakahayan itong gawin lahat
ng bagay dahil ito ay may limitasyon din.
Kung kailan pa naging instant ang lahat, doon pa mas umikli ang inilalaan na oras para sa
mas mahahalagang bagay gaya ng pakikipagusap sa Diyos, sa ating pamilya at mga kaibigan. Sa
halip na pumunta sa simbahan upang magdasal sa Diyos ay mas nabibigyan pa ng oras ang
pagtetext, pagsu-surf sa internet at pagfefacebook. Hindi na rin nagagawang lumabas sa kani-
kanilang bahay ang mga kabataan dahil nawiwili sila sa paglalaro ng mga computer games.
Nakakalimutan na rin ang paglalaro ng mga computer games. Nakakalimutan na rin ang
paglalaro ng mga tradisyonal na laro gaya ng patintero at tumbang preso. Mas nabibigyang
pansin ang mga computer games na walang dinudulot na mabuti sa kanila. Naaapektuhan sila ng
mga larong ito na kung minsan ay bayolente at nagdudulot sa pagbabago ng kanilang ugali?
Nasan na ang pagiging magalang at masunurin ng mga kabataang Pilipino sa tuwing sila’y
pinapangaralan ng kanilang mga magulang na unahin ang kanilang pag-aaral kaysa sa paggamit
ng kanilang mga gadgets? Nagagawa na nilang magsinungaling at mangupit ng pera upang
matugunan ang kanilang layunin na sumabay sa uso at maging “techy”. Mukhang naaapektuhan
na rin tayo ng mga di kaaya- ayang ugali ng mga banyaga na natututunan lang naman natin dahil
sa internet.

Naglalantaran anf mga krimen na maaring idugtong sa internet gaya ng cyberbullying,


hacking at marami pang iba. Ang mga cybercrimes na ito ay dulot ng kawalan ng responsibilidad
sa pagpapahayag ng freedom of expression. Nandyan din ang laganap na panloloko sa kapwa sa
pamamagitan ng texts.

Hindi ito upang gawing masama sa inyong mga paningin ang teknolohiya at
moedernisasyon. Ito pa nga ay nakakatulong sa pag-unlad ng ating bansa. Ngunit lagi nating
isaisip na ang pag-unlad natin ay hindi lamang dahil sa teknolohiya, kundi dahil din sa
magagandang ugali ng mga mamamayan nito, lalo na ng mga kabataan. Gamitin natin ang
teknolohiya ng tama at sa paggamit natin nito, huwag sana nating itaboy ang mga magagandang
kaugaliang bantog tayong mga Pilipino. Unti- unti nating paunlarin an gating bansa, kasabay na
an gating magagandang ugali at kultura at huwag nating gawin g dahilan ang pag usbong ng
teknolohiya sa pagbabago ng ugali ng mga pag asa ng ating bansa. Huwag tayong magpaalila sa
teknolohiya.
*News (District Meet 2018)

Konstruksyon ng gusaling pampaaralan, ‘di alintana ng mga manlalaro

- Ivy Macasaet

Hindi nagging balakid sa mga manlalaro ng District Meet 2018 ang konstruksyon ng
gusaling pampaaralan sa Pinagtongulan Integrated National High School (PINHS) na ipakita ang
angking galing sa larangan ng isports sa halip nagging motibasyon upang makamit ang
tagumpay.

Ayon kay Konsehala Gwen Wong sa kanyang talumpati, ang tagumpay ng mga
manlalaro ay nakasalalay sa tibay at lakas ng kanilang sarili anumang oras at lugar gaganapin
ang isports.

‘Sa sarili nagsisimula ang lahat. Lahat ng nasa paligid ninyo ay gawing inspirasyon at
hindi sagabal sa pagtahak ng karangalan na inyong ninanais.”, ani ni Konsehal Gwen Wong.

Naging patunay ang pagkapanalo ng mga manlalaro ng PINHS sa badminton, throwing


event (javelin), long jump, track and field at table tennis sat along araw na ginanap na District
Meet 2018 noong Setyembre 12 hanngang 15.

Nakamit nina Romson Simon Frijas at Aldrin Morata ang kampyonata ng Badminton
Boys Doubles, at Ma. Glady Ann Atienza at Kyla Bretana ang ikalawang karangalan sa
Badminton Girls Doubles.

Samantala, nakakuha ng medalya gayundin sa athletics sina Mark Peter Ventura


(kampyon sa Javelin/Discuss), Delilah Feona Paula Galon (ikalawang karangalan sa 100m at
200m run), Marie Joy Uri (ikatlong karangalan sa Long Jump), Lyka Faye Mabilangan
(ikalawang karangalan sa 400m run) at Marvin Dela Cruz (ikalawang karangalan sa Table
Tennis Singles).

“Labis ang kasiyahan at galak na aming naramdamn nang makamit ang mga karangalang
ito, Matapos ang paghihirap na aming hinarap ay nakuha naming ang mga pagkilalang ito.” wika
ni Mark Peter Ventura, isa sa mga manlalarong nanalo sa District Meet 2018. Ani pa niya, hindi
nila makukuha ang mga karangalang nabanggit kung wala ang tulong ng mga tagapagsanay na
guro na patuloy na sumusuporta at nalilinang ang kanilang mga kakayahan.
“Lubos ang aming pasasalamat sa mga tagapagsanay naming dahil kung wala sila, ang
tagumpay na ito ay hindi naming abot-kamay. Iniaalay naming ito sa kanila, lalong- lalo na sa
pamilya naming at sa Panginoon na nariyan upang gabayan kami,” ani Ventura.

Ang mga teknik na natutunan nila ang nagging lamang sa mga kalaban. Ito ang
nagpayaman sa kanila sa mga nagdaang taon ng pagsali nila rito.

“Sa tingin namim, teknik ang nagging susi naming upang manalo dahil ito ang nagbigay
lamang sa aming mga kalaban. Kaiba ito sa mga nakasanayan at nalaman ng mga kalaban
naming manlalaro. Ito ay yamang aming maituturing.”

Ginanap ang nasabing patimaplak sa apat na lugar: Banay- Banay (Track and Field at
Volleyball), Duhatan (Basketball Boys and Girls), Pinagtongulan (Basketball 3x3 Boys ans
Girls, Table Tennis Singles and Doubles at Volleyball) at Bulaklakan (Badminton Boys and
Girls).

Lumahok ang 23 pampublikong paaralan kabilang dito ang Rizal Nhs, Anilao Nhs,
Pinagkawitan, Pangao, Bugtong na Pulo, G.B Lontok, Lipa City, Fernando Air Base, Lodlod,
Bolboj, San Celestino, Inosluban- Marawoy, Lipa City, Cumba-Quezon, Bulacnin, Lipa City
Science, San Jose, Plaridel, Sen. Claro M. Recto, San Isidro, LASCA at Pinagtongulan INHS.

Dumalo rin si Konsehala Gwen Wong ng Lungsod ng Lipa upang magbigay suporta sa
mga manlalaro na kasali at motibasyon para ipagpatuloy ang paglilinang sa mga manlalaro at
mag aaral sa larangan ng isports.

“Asahan ninyo ang patuloy naming pagsuporta sa pagpapayaman ng larangan ng isports


dito sa Lungsod ng Lipa. Walang sawa kaming magbibigay tulong sa mga manlalaro at mag
aaral na nagnanais na tahakin ang daang ito.

Dagdag pa niya, ang presensya niya sa District Meet 2018 ang patunay na walang
hanggan na suporta at tulong na ibinibigay ng Lunsod ng Lipa sa ngalan ni Mayor Meynard A.
Sabili.

“Nais naming ang kasiyahan at kaligtasan ng bawat manlalaro. Kami ay naririto lamang
sa inyong tabi at bukas-palad hanggang makamit ninyo ang tagumpay na ninanais,” wika ni
Konsehala Wong.

Gayundin, ang mga opisyal ng mga barangay mula sa Pinagtongulan, Bulaklakan,


Duhatan at Banay Banay ay nag abot ng tulong upang masiguro ang kaligtasan ng mga
manlalaro.

Ginanap ang pagbubukas ng District Meet 2018 sa pangunguna ng Pinagtongulan INHS


at Asst.Principal Nelson Evangelista, sa tulong ng mga guro ng PINHS at DepEd Division of
Lipa Officials.
Ngunit nagkaroon ng maliit na problema sa sound system na nagdulot ng saglit na
pagkaantala sa pagbubukas ng patimpalak na ikinadismaya ng mga manlalaro mula sa iba’t-
ibang paaralan.

Sa kabila nito, naging matagumpay na ginanap ang District Meet 2018 dahil sa bagyong
Ompong na nagdadala ng makas na ulan at hangin. Itinuloy ito muli noong ika-17 ng Setyembre
gayundin ang pagtatapos ng patimpalak na ito.

*News (Math Camp)

Mga guro ng matematika, nais mabago ang pananaw ng mga mag- aaral

- Caburnay, Trisha Mae

Binigyang diin ng mga guro ng matematika sa Pinagtongulan Integrated National


Highschool (PINHS) ang layuning ibahin at baguhin ang pananaw ng mga mag-aaral sa
nakaraang Math Camp Na ipakilala ang asignaturang matematika bilang kawili- wili at kasiya-
siyang asignatura.

Ayon kay Mrs. Cristina De Chavez, isa sa mga guro ng matematika sa PINHS, ang tingin
ng mga kabataan ngayon sa asignaturang ito ay mahirap at nakakawalang gana.

“Hindi nyo naiisip na pwede palang maenjoy ang Math. Hindi dahil Matematika,
numero na agad. Maari din tayong maglaro at magsaya.”, giit ni Mrs. De Chavez.

Sa kabilang banda, nasiyahan ang mga kalahok na mag-aaral sa mga inihandang palaro
para sa kanila. Bagaman dalawang beses ng hindi natuloy ang Math Camp dahil sa
pagsususpinde ng pasok dulot ng Bagyong Ompong, kakikitaan pa rin ng ngiti sa mga labi ang
bawat kalahok dahil matagumpay na naidaos ang nasabing aktibidad.

Nagkaroon ng pagagawad ng sertipiko sa bawat koponang manlalaro na nagpamalas ng


pagiging organisado, kooperatibo at aktibo. Binigyang parangal din ang tatlong grupo na
nakakalap ng pinakamataas na puntos sa mga palaro.

Nakatanggap ng sertipiko para sa pagiging organisado ang ika- 10 Team at hinakot ng


ika- 8 team ang sertipiko sa pagiging kooperatibo at aktibo.

Samantala, nakamit ng ika-17 grupo ang pangatlong pwesto sa pinakamaraming puntos.


Ika- pitong grupo ang sa pangalawa at ika-walong grupo muli ang nakatayo sa unang pwesto,
kaya naman nanalo ang team nila sa pangkalahatan, “overall winner”.
Nakatanggap rin ng sertipiko ang lahat ng kalahok sa partisipasyon na ibinibigay nila
kasama ang bracelet na may nakatatak na PINHS: Math Camp 2018 bilang tanda na sila ay
kalahok sa Camp.

Nagsilbi rin ang camp na ito na proyekto ng mga mag-aaral sa Matematika na lalong
nanghikayat sa mga estudyante na sumali.

Hiling pa ng ibang kalahok na maulit muli ang aktibidad dahil sa kasiyahang hatid nito.
Nabura sa kanilang isipan na ang Matematika ay nakakawalang gana at isang mahirap na
asignatura.

*Feature (PINHS Progress)

Progreso Tungo sa Pag-asenso

Pagbabago, isang salita na nagdadala ng dalawang ideya, maaring una ay magbibit ng


mga unos na aakalain ay walang tapos at pangalawa ay kakaiba na tatatak at hindi mawawasak
sapagkat nagmamarka dahil sa gandang dala. Nakabatay ang mga epekto sa mga ideya na
nabubuo.

Sa pagusad ng mga araw, kaliwa’t kanan ay maraming kumakalawang konsepto dahil sa


mundong mapagbago. Hindi maikakaila ang mga nakakamanghang proyektong tutulong sa
pagunlad ng bawat indibidwal sa isang lipunan.

Ang paaralan na nga ang maituturing na pangalawang tahanan ng mga kabataan,


nagbibigay ng mga impormasyon at dagdag na kaalaman kung saan dito din mahuhubog ang
talento ng mga estudyante. Ang mga guro ang gumagabay para sa sariling pagunlad ng mga
magaaral at kung tawagin sila ay pangalawang ina o magulang dahil sa ibinibigay na pag alalay.
Mistulang isang pamilya na nga ang mayroon sa paaralan.

Hindi lamang ang mga bumubuo sa institusyon ang magkakaroon ng epekto sa


edukasyon sapagkat malaki rin ang ginagampanan ng mga gusali o imprastraktura sa pag aaral,
ang mga ito ang nagpapadali sa pagtuturo at pagkatuto dahil dito ginanap ang mga gawain. Ang
Pinagtongulan Integrated National High School (PINHS) ay nahuhulma na patungo sa bagong
kapaligiran, marami na ng napalitan at naidagdag na bagong silid aralan para sa kaginhawaan ng
mga mag aaral at mapapansin ang sunod sunod na biyayang natatanggap mula sa gobyerno pati
na rin sa mga taong bukas palad.

Ang PINHS ay hindi lamang nakikipagsabayan sa pagunlad ng mga silid aralan kundi
pati na rin sa teknolohiya o sa modernong pamumuhay. Mapapansin ang pagkakaroon ng bagong
kagamitan na nagpapadali sa pagtuturo sa mga estudyante at naimumulat din sila sa mga
makabagong kagamitan na makakatulong sa kasalukayang maging sa susunod na panahon.

Malaki ang naiiambag ng mga proyekto sa mga guro at estudyane sapagkat sa tulong ng
mga ito ay nagkakaroon ng mga makabagong paraan sa pagtuturo at pagkatuto. Hindi na
maiiawasan ang makipagsabayan sa pamumuhay na mayroon sa kasalukayan dahil ito ay
nagbibigay ng maraming magagandang dulot sa bawat isa. Ang PINHS ay binubo ng mga
magaaral na may iba’t ibang talent at sa tulong ng mga ito ay nakakayang makipagsabayan sa
ibang estudyante, marami ang nanalo sa ibat ibang kompetisyon sa pampalakasan at talent na
patuloy na nahuhubog sa paaralang ito sapagkat sa pagusad ng panahon ay marami pang
kagamitan at imprastraktura ang nabubuo na nagagamit sa paghuhubog ng mga magaaral ng
PINHS.

Ang progreso sa ibat ibang aspeto ang magbibitbit tungo sa pag asenso hindil lamang ng
paaralan kundi pati na rin ang mga kabataan na nagpupursigi sa pag aaral. Ang mga ideya na
ibibinibigay ay nagmamarka sapagkat ito ang nagbibigay daan para sa magandang hinaharap
upang makamit ang mga pangarap.

You might also like