You are on page 1of 6

Pagtibayin ang Pamilyang Pilipino

Ang pamilya ang itinuturing na pinakamaliit na samahan sa isang pamayanan. Ang ama ang tinatawag na
haligi ng tahanan. Ang ina naman ang kinikilalang ilaw ng tahanan. Ang mga anak naman ang
pinagmumulan ng kaligayahan ng pamilya.

SA kasalukuyan, maraming bagay ang nagsisilbing banta sa mahigpit na pagsasamahan ng isang pamilya.
Una rito ang kahirapan ng buhay. Maraming ama’t ina ang napipilitang maghanap-buhay sa ibang bansa
upang matugunan ang pangangailangan ng mag-anak.

Ang media at ang mga makabagong gadget ay naglilimita sa dati’y mahabang oras ng pag-uusap at
pagkukwentuhan ng mag-anak. Gayundin, ang mga bisyo ay nagiging sanhi ng pagkasira ng magandang
samahan ng isang pamilya.

Sa harap ng ganitong sitwasyon, maari pa ring manaig ang pagsisikap ng marami na patatagin ang
pamilya. Maraming paraan ang maaaring isagawa hinggil dito. Sa pamamagitan ng cellphone at internet
ay nagiging madali ang pakikipag-ugnayan sa ating mga kapamilya na nasa malalayong lugar. Maaari rin
nating limitahin ang panonood ng telebisyon at paglalaro ng cellphone at online games upang
magkaroon ng sapat na oras para sa pamilya. Ang pagsisimba tuwing Linggo, pagtitipun-tipon kapag may
mga importanteng okasyon ang pamilya ay makabuluhang paraan ng pagpapatibay ng samahan ng isang
mag-anak.

Sa kabilang dako, naiiwasan ang masasamang bisyo kapag itinutuon natin sa ating pamilya ang ating
atensyon at panahon.

Insulto sa panlasa ng mga Pilipino

Nakakairita na sa bawat umpukan ng kabataan, may isa na tiyak na magbubukas ng usapan tungkol sa
mga artista. Ano bang meron sa kanila, maliban siguro sa kagandahang pisikal at galing sa pag-arte at
ganoon na lamang ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa kanila?

Ito ang kulturang iwinawaksi ng media – internet, print, radio at telebisyon sa kaisipan ng tao.
Nangunguna ang internet sa panahon ngayon sa mga nabanggit. Ang lahat ng mga nabanggit ay may
mga naidudulot sa atin na maganda. Subalit huwag nating kalimutan na mayroon din itong dulot na
hindi kaaya-aya. Matutuo tayong kumilatis sa ating mga nakikita sa iba’t – ibang uri ng media na ating
ginagamit sa araw – araw.

Kailangan nang magtipid sa tubig

Inabiso nan g mga awtoridad ang pagtitipid sa tubig dahil naniniwala sila na hindi na maiiwasan ang
krisis bago matapos ang taong ito.

Sa totoo lang, nagbawas nan g supply ng tubig ang Angat Dam patungo sa La Mesa Dam.

Nag-abiso na rin ang Maynilad at Manila Water ng rasyon ng tubig o pagkaala ng supply sa iba’t – ibang
lugar.
Mahalagang maunawaan ito ng publiko.

Pero ang problema, tanging ang pribadong mamamayan lamang ang nais ng gobyerno na magtipid,
gayong dapat ay maglabas sila ng direktiba sa pagtigil ng supply ng tubig sa mga tanggapan at bisinidad
ng pamahalaan kapag tapos na ang office hours.

Dapat ding iulat ng mga chief of office na sertipikadong wlang “leak” ang instalasyon ng kanilang mga
tubig na ginagamit.

Dapat ding patawan ng malaking singil ang mga golf courses at iba pang luxury places na gumagamit ng
malinis na tubig sa pagdilig ng mga damo sa kanilang bakuran.

MAhalagang makiisa ang lahat sa pagtitipid ng tubig maging ang mga bilyonaryo.
(Ni Dan Salcedo / Ikalawang bahagi)

PAKINABANG NG VIDEO GAMES

PINATATAAS nito ang pagtalas ng pag-iisip. Ang paglalaro ng video o digital games ay
nagpapaunlad ng lohikal na galing ng mga bata sa pangangatwiran.

Pinagbubuti ang kilos at galaw. Isa sa pinakamatandang bentahe ng teknohiya ay ang paglalakad
sa koordinasyon ng mata at kamay ng mga bata. Ang regular na pagsasanay ay magpapaganda sa
kasanayan ng mga galaw na maaaring makatulong sa bata na magtagumpay sa mga paglulunyagi.

Walang limitasyon ang makabagong mga laro at nakatutulong ito na matuto ang mga bata ng
bagong teknolohiya.

VIDEO GAME ADDICTION, ISA NANG SAKIT SA PAG-IISIP

Itinuturing na ng World Health Organization (WHO) na isang mental health disorder ang
pagkalulong sa digital gadgets at video gaming at idinagdag na ang kondisyon sa International
Statistical Classification of Diseases and Related Health Problems o ICD-11, na magiging epektibo
sa Enero 2022.

Ang ICD ay basehan sa pagtukoy ng kalakaran at istatistika sa buong mundo at international na


pamantayan para sa pag-uulat ng mga sakit at kondisyon ng kalusugan. Ito ay ginagamit ng mga
medical practitioner sa mundo upang masuri ang mga kondisyon at ng mga nagsasaliksik upang
mabigyan ng kategorya ang mga kondisyon.

Ang gaming disorder, ayon sa depinisyon ng WHO, ay naglalarawan ng mga indibidwal na


walang ginawa kundi maglaro at wala nang atensyon o interes sa ibang aktibidad.

Ang pagbibigay ng interes sa paglalaro kesa ibang aktibidad, kawalan ng kontrol sa paglalaro at
hindi matigil na paglalaro sa kabila ng masamang epekto nito ay sintomas ng gaming disorder.

Ngunit hindi nangangahulugan na ang laging naglalaro ay may gaming disorder na.

Ayon sa eksperto sa mental health ng WHO, maliit na bilang lang ng indibidwal na naglalaro ng
video games ang magkakaroon ng problema sa pagkalulong.

DESISYON NG WHO, INALMAHAN

Tinuligsa ng mga health official at mga kinatawan ng industriya ng video game ang hakbang ng
WHO.

Ayon sa kasulatan ng internasyonal na grupo ng mga mental health researcher, wala pang sapat
na pananaliksik na gumagarantiya sa klasipikasyon ng gaming disorder..

Inirekomenda naman ng American Psychiatric Association ang higit pang pananaliksik sa


nasabing isyu matapos silang magpahayag na wala pang sapat na katibayan para ituring ang
pagkalulong sa laro bilang kakaibang sakit sa pag-iisip.
Hiniling naman ng mga grupo ng video game sa WHO na muling pag-isipan ang kanilang
desisyon.

BAKIT MAHALAGA ANG LARO NG LAHI?

Ang mga larong Pinoy tulad ng tumbang preso, bahay-bahayan, taguan, sipa, at mga katulad nito
ay mahalagang simbolo sa maraming Filipino lalo na sa mga isinilang noong 60s, 70s at 80s. Ang
mga katutubong laro ng ating lahi ay nagbibigay ng masayang alaala sa halos karamihan ng Pilipino,
lalo na noong hindi pa uso ang mga modernong laruan tulad ng video games. Maraming kwento ang
mga magkakaibigan tungkol sa mga laro na nagpatibay lalo ng kanilang samahan at pagkakaibigan.
Naaalala ng mga kabataan noon na ngayon ay pawang mga magulang na kung paano sila naging bida
sa mga laro, kung paano silang naging “patotot”, kung sino sa kanilang magkakalaro ang laging
balagoong na kapag napag-uusapan sa panahon ngayon ay nagdudulot ng ngiti sa mga labi, tuksuhan
ng mga magkakaibigan at minsan bagaman nakakapikon ay nagiging masayang alala sa isipan. Sa
pakikipaglaro sa kapit-bahayan nabubuo ang samahan at ala-ala ng magkababata.

Ginintuang ala-ala ang dala ng mga larong ito. Ito ang nagbibigay buhay sa mga kumunidad. Ito
rin ay isa sa mga nagbibigay lalim sa samahan ng mga magkababata.

Sabi ni Sen. Win Gatchalian, marami sa mga estudyante na kapag tinanong kung ano ang
paboritong asignatura, sinasabi ng mga ito na Math o Science pero mas marami ang nagsasabi na
Physical Education.

Ang laro ng lahi ay puwedeng-puwede na maging bahagi ng PE sa mga paaralan upang hindi ito
mamatay o mawala tulad nang nangyayari sa panahong ito dahil mas nakakahiligan ng mga bata ang
paglalaro ng video games.

Ayon sa mambabatas, pagkatapos ng mahabang oras nang pakikinig sa mga guro, pagbabasa at
pagsusulat ng leksyon, kailangan din ng mga estudyante ang balanseng gawain tulad ng isports o
laro.

Kasi nga naman, bukod sa saya na dulot nito sa mga bata ay maraming benepisyo ito sa
kalusugan. Ngayon, marami sa mga bata ang hindi maayos at malusog ang pangangatawan dahil
halos hindi nasisikatan ng araw dahil natutuon ang pansin sa computer at iba pang gadyet na kanilang
pinag-uukulan ng pansin at halos hindi na kumakain.

Sabi nga ni Sen. Gatchalian, ang paglalaro ng sports ay isang paraan ng pangangalaga ng katawan
at pagpapaunlad ng pangangatawan ng mga kabataan.

Iginiit ng dating alkalde ng Valenzuela na dapat bigyang diin ng ng P.E. at Health teachers na
maging aktibo sa athletics o sports ang kanilang mga mag-aaral habang sila ay bata pa kaya ang
pagtuturo ng P.E. subject ay dapat magsimula sa nursery.

IMPORTANSIYA NG LARONG PINOY

Nagpapalakas sa resistensiya upang maging mahusay at makaiwas sa sakit.

Humuhusay sa pag-iisip at mabilis makapagbigay ng solusyon sa problema.

Aktibo at praktisado ang utak.


Malakas ang loob sa pakikisalamuha at pakikibagay.

Nakatatanggal ng stress.

Bukod dito, may limang prinsipyo ang pag-eehersisyo upang maging matatag sa paglalaro ang
bata:

Overload—walang humpay na pagsasanay na pabigat nang pabigat hanggang sa maging pamilyar


na ang katawan.

Progression—patuloy na pag-angat ng hirap at bigat ng gawain.

Specificity—pagtukoy ng paraan ng ehersisyo.

Variation—paggamit ng iba’t ibang estilo sa ehersisyo.

Reversibility—kapag masakit ang katawan sa ehersisyo, pansamantalang ihinto, tukuyin ang


pinanggagalingan at magpagaling.

Napakaraming estudyante ang interesado na maging parte ng sports team, ngunit, hindi nakasasali
ang iba dahil sa problema sa mahinang pangangatawan, kakulangan sa taas o hindi sapat ang bilis at
lakas sa pagkilos.

Ang mahalaga, may kaakibat na responsibilidad at disiplina sa sarili, sa loob at labas ng klasrum.
Patuloy nating hikayatin at suportahan ang kabataan sa paglalaro!

BUHAYIN ANG LARO NG LAHI

Makabago na ang teknolohiya, subalit hindi dapat kaligtaan ang mga tradisyonal o larong Pinoy
na sumasalamin sa tradisyon at kultura ng mga Pinoy tungkol sa halaga at kaligayahan ng pagiging
bata.

Mananatili sa ala-ala ang masayang yugto ng pagkabata. Ito ang magpapangiti sa matatanda
kapag sinariwa ang nakalipas.

Ang sulyap sa mga nilaro ay kahapon na nagpapaningning sa karugtong na ngayon..

Nagpasaya sa nagdaang mga henerasyon.

Dapat lang buhayin ang mga tradisyonal na laro – ang laro ng ating lahi.

‘Unang’ ginto ng Pilipinas sa Olympics


Umaabot sa P11 milyon ang insentibo sa unang atletang Filipino na makasusungkit ng gintong medalya
sa gaganaping Olympics sa Beijing, China na magsisimula sa Agosto 8. Pero alam nyo ba na kung
tutuusin ay hindi zero sa gold medal ang Pilipinas sa kompetisyon na ito na ginagawa tuwing ika-apat na
taon.

Mula nang magpadala ang Pilipinas ng manlalaro noong 1924 Summer Olympics sa Paris, France ay
hindi pa nakatitikim ng gintong medalya ang bansa.
Ngunit noong 1988 ay nagdiwang ang Pilipinas nang pitasin ni Arianne Cerdena sa larangan ng bowling
ang “unang" gold medal ng bansa sa ginanap na Summer Olympics sa Seoul, Korea.

Naging doble ang kasiyahan ng mga Filipino nang naibulsa naman ni Leopoldo Serantes ang bronze
medal para sa light flyweight division sa larangan ng boxing.

Ang panalong ito ni Serantes ang dumilig sa matinding pagkauhaw ng Pilipinas sa medalya na huling
nakatikim noong 1964.

Ngunit ang gintong medalya na nakuha ni Cerdena ay hindi naisama sa talaan ng mga medalyang
napanalunan ng Pilipinas dahil ang bowling na kanyang nilahukan ay kabilang lamang sa demonstration
sport at hindi kasama sa official event.

Subalit ang tagumpay na iyon ni Cerdena ay nagbibigay ng pag-asa sa mga atletang Filipino na ang
pagkapanalo ng gintong medalya ay hindi imposible.

You might also like