Professional Documents
Culture Documents
Kabanata 2
Kabanata 2
PAGGAMIT NG
GADYET SA KABATAAN
Kabanata 1
Ayon sa pag-aaral, ang kabataan ang isa sa pangunahing gumagamit ng
gadget tulad ng smartphones at iPad. Ito ang nagsisilbi nilang kagamitan
para sa pag-aaral, tulay sa komunikasyon at libangan. Dahil dito mas
mapapadali ang pang araw araw nilang gawain gaya ng pagawa ng
proyekto at mga takdang aralin sa paaralan. Madali na rin para sa kanila ang
magbigay at tumanggap ng mensahe mula sa kaibigan kaklase at sa kanilang
pamilya. Naka-pagbibigay din ito ng aliw sa pamamagitan ng paglalaro ng
mga online games, pakikinig ng musika,panood ng video mula sa kanilang
gadget at pag- iinternet. Madali na rin para sa kanila ang makatanggap ng
sari-saring impormasyon tulad ng mga bagong balita. Pero ayon sa pag-
aaral mas ginagamit ng mga kabataan ang gadget para lamang sa kanilang
libangan hindi para sa mga bagay na mas makakabuti sa kanila at huhubog
sa kanilang kakayahan bilang kabataan.. Di-tulad ng kabataan dati, nagbago
na rin ang kanilang mga pag-uugali.Mas malaki ang ginugol nilang oras sa
kanilang gadget kaysa panahon para sa pamilya. Naging sanhi ito para
malayo sila sa kanilang magulang at imbes na paglalaro ng mga larong
makahuhubog sa kanilang pisikal na pangangatawan at abillidad ay ang
paglaro gamit lamang ang kanilang daliri.
Paglalahad ng Suliranin