You are on page 1of 2

Gamitin sa maganda, huwag sa masama!

By: Khristine Clouie E. Precilla

Karamihan na sa mga Pilipino ay sa gadget na umiikot Ng buhay, laki na ang mga kabataa. Sa loob ng
dalawang taong pagkakakulong natin sa pandemya at ang mga tao ay nasa bahay lamang, mga gadget
ang kanilang mga nakasama na kung saan halos doon na lamang umiikot ang buhay nila sa loob ng ilang
taon na naging resulta ng pagka sobrang tutok ng mga kabataan sa gadget at pagkakaroon ng maraming
kaalaman sa mga social media, katulad nalamang ng mga adult sites na napupuntahan nila ng hindi alam
ng kanilang mga magulang, na nag dulot bg masamang epekto sa kanilang buhay at pagkatao.

Halos lahat ng mga estud’yante sa paaralan ng President Jose P. Laurel National Highschool ay nag lalaan
ng ilang oras sa pag gamit ng kanila mga cellphone, lalo na kapag mga walang pasok o kahit sila ay nasa
paaralan kapag kanilang mga free time. Dahil sila ay mas’yado ng babad sa kanilang mga cellphone, dito
na pumapasok ang pag gamit nila ng mga social media platforms kung saan dito nag sisimula ang mga
ayaw, parinigan ng mga estud’yante. At sa halip na kapag kakauwi nila galing paaralan ay gawin ang
kanilang mga proyekto at asignatura ay mas pinipili nilang mag scroll sa facebook at mag twitter.

Ayon kay Khlowie Molinar ng Grade 8 Grace “masama po ‘yung naging epekto ng pag gamit ng gadget sa
mga kabataan dahil po ‘yung iba ay natututong manood ng hindi dapat naming panoorin, tapos po hindi
po natatapos ‘yung nga assignments dahil po mas inuuna po nila ang pag em-ml, pag f-facebook. Iyong
iba naman po ay hindi nakakatulog ng maaga dahil sa mga paglalaro ng online games, tapos ‘yung iba po
nagkakasakit kasi hindi na po nakakakain sa tamang oras.

Batay kay Marissa Ramilo, Guidance Teacher ng paaralan may naging kaso na ng away ng dahil sa isang
komento ng isang estud’yante sa social media sa isang mag aaral na may kasintahan, na naging resulta ng
pag susuntukan nila pagkatapos ng kanila klase noong November 18 2022 sa ika-3 ng hapon.

Ang mga gadget tulad ng snartphones, ipad, laptop ay maaaring maging isang malaking tulong sa mga
mag-aaral kung saan madali nilang ma-access ang impormasyon sa pamamagitan ng internet, maaaring
magamit bilang kanilang mapagkukunan sa pag-aaral, tulad ng mga online platform, nagbibigay-daan din
ito sa mga mag-aaral na makipagtulungan at makipag-usap sa mga kapantay at sa mga guro. At ito ay
mahalagang tandaan na “Gadgets can bring numerous advantages, if proper guidance, moderation and
responsible usage will be maximized to minimized distraction and negative effects.

Sa makatuwid nag karoon ng maganda at masamang epekto sa buhay ng mga tao ang mga gadget.
Ngayon na ang pagka adik sa mga gadget ay nagiging isang malubhang problema. Kailangan itong
malutas sa lalong madaling panahon upang maiwasan ang mga negatibong epekto sa hinaharap. Ang
mga magulang ay may mahalagang papel upang tulungan ang mga bata na ilihis ang atensyon ng mga
bata mula sa mga gadget at idirekta sila sa mas positibong aktibidad.

Upang maiwasan ang mga masasamang epekto ng sobrang pag gamit ng mga gadgets, kailangan nating
limitahan ang pag gamit nito at gamitin sa maayos na pamamaraan at mahahalagang bagay at hindi kung
saan saan na nag dudulot ng hindi maganda sa atin bilang mag aaral at bilang isang indibidwal sa
lipunan.

You might also like