You are on page 1of 2

Pagbubuntis ay pigilin, kinabukasan ay isipin

By: Khristine Clouie E. Precilla

Kasabihan na ng mga matatanda na kapag ang isang dalaga ay di marunong maghintay ay tiyak maagang
magiging nanay.

Kailangan mapigil na ang pagdami ng mga biktima nito. Lagi nating tatandaan na nasa simula lang ang
sandaling sarap ngunit ang kasunod nito’y pangmatagalang hirap.

Nakababahala ang patuloy pagtaas ng bilang ng mga kabataang babae na nabubuntis. Ayon sa
Commission on population o Popcom ang isyu ng teenage pregnancy ay isang krisis na kailangang bigyan
ng solusyon.

Kung kaya isa sa mga suliraning patuloy na inaaksyunan ng Paaralan ng President Jose P. Laurel National
High School ay ang posibleng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nabubuntis na kabataan sa paaralan.
Maaaring maapektuhan nito ang kanilang pag-aaral at malagay sa peligro ang kanilang buhay sapagkat
wala pang kamuwang muwang sa mga dapat gawin sa pagbubuntis.

Sa katatapos na pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender
Equality, nalaman ng mga senador na nakapagtala ang Philippine Statistics Authority ng 2,113
kapanganakan ng mga batang babae na may edad 10-14 noong 2020. Makalipas ang isang taon, tumaas
ang bilang na ito sa 2,299 na ipinanganak, ayon sa ang datos ng Department of Health.

Sa porsiyento ng mga kababaihan edad 15-19 years na nabubuntis ng maaga by region noong taong 2022
na inulat ng National Demographic and Health survey, Philippine Statistics Authority, ang CALABARZON
ay pang labing isa sa pinaka maraming may nabubuntis, na may porsiyentong 4.9%, na kung saan ang
CALABARZON ay ating kinabibilangang region.

Ayon kay Senator Sonny Angara bukod sa mga isyung panlipunan at moral na pumapalibot sa teenage
pregnancy, mayroon ding malubhang implikasyon sa kalusugan sa maikli at mahabang panahon.
Ipinapakita ng ebidensya na ang pagbubuntis at panganganak na nagaganap bago ganap na mabuo ang
katawan ng mga batang babae ay isa sa mga pangunahing sanhi ng pangnganak ng may kapansanan.
Bilang karagdagan, ang mga nagdadalaga na ina ay mas madaling kapitan ng mas mataas na presyon ng
dugo na nagreresulta sa mga seizure (eclampsia) at mga systemic na impeksyon kaysa sa mga babaeng
may edad na 20 hanggang 24 na taon.

Ang mga sanggol ng mga ina na nagdadalaga ay nahaharap din sa mas mataas na panganib ng mababang
timbang ng kapanganakan, preterm na kapanganakan, at malubhang kondisyon ng neonatal, batay sa
mga natuklasan ng World Health Organization (WHO).
Bagama’t maraming iba’t ibang paraan upang maiwasan ang pag bubuntis ng isang teenager na babae,
ang isa lamang na ganap na epektibo ay ang pag iwas sa pakikipagtalik at matutong humindi. Ika nga nila
“you’re supposed to be changing the world, not changing diapers”. Matuto tayong maging disiplinado sa
paggawa ng mga desisyon.

Nabatid na ang mga batang babae na nagdadalang tao ay haharap sa mas mataas na mga panganib sa
kalusugan, at kung ang pagbubuntis ay dadalhin aa termino mayroon ding mas mataas na mga medikal
na panganib para sa kanilang mga sanggol. Alam din natin na ang mga teenager na ina, at ang kanilang
mga anak ay maaaring magdusa mula sa mas mahirap na resulta ng buhay. Maapektuhan din bg lubha
ang kanilang edukasyon, sapagkat malaki ang posibilidad na sila ay huminto muna sa pag-aaral para sa
kaligtasan ng kanilang dinadala.

You might also like