You are on page 1of 4

Recognition No. E-079 s.

2013
St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Recognition No. E-102 s. 2016
Recognition No. S-014 s. 1987
Rizal (Poblacion), Santa Rosa, Nueva Ecija Govt Permit SHSP No. 230 s. 2015
Govt Permit SHSP No. 076 s. 2017
(044) 940 78 34 | srlcs_educ@yahoo.com

ANG PAG-AARAL NA ITO AY MAY LAYUNING MALAMAN ANG EPEKTO NG PAGLALARO NG


ONLINE GAMES SA PAG-AARAL NG MGA MAG-AARAL NG BAITANG 11 NG SHS NG ST.
ROSE OF LIMA CATHOLIC SCHOOL,INC SA TAONG PANURUAN 2022-2023

Isang Pananaliksik na Iniharap sa Faculty ng Senior High School

St. Rose Of Lima Catholic School, Inc.

Rizal(Poblacion), Santa Rosa, Nueva Ecija

Bilang Pagtupad sa Pangangailangan ng Asignaturang


PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
(HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES)

Nina:
Cortez Jovelle C.
Francisco Ezel jane A.
Maglalang Cyrille
Odeza Marco G.
Paras Philip Gabriel
Pangilinan Sam Louis G.
Pascua June S.
Quijano Jonh Charles G.
Ysip Exekiel D.
11- HUMSS 3

Mayo 15, 2023

Page 1 of 4
KABANATA 1

Introduksyon:

Ang Internet bilang mapagkukunan ng impormasyon ay may mahalagang papel

sa pagbuo ng isip at mga karanasan sa buhay sa pamamagitan ng paglikha ng

mga produktibong gawa sa mga paaralan, opisina, at maging sa tahanan. Sa

ngayon, maaari itong maging pinakamabisang madiskarteng tool ng isang tao

para bigyang-daan ang kanyang sarili na pamahalaan at makayanan ang

mabilis na lumalagong teknolohiya.

Ang online gaming ay isa sa malawakang ginagamit na mga aktibidad sa

paglilibang ng maraming tao. Para sa ilang mga tao, sinasabi na ang

paglalaro ng mga video game ay may ilang mga dahilan upang laruin, dahil

maaari itong maging isang pampawala ng stress, hamon at kumpetisyon,

pagpapahinga, kasiyahan, pakikipag-ugnayan sa lipunan, at kahit mental na

pagtakas mula sa totoong mundo.

Hindi maikakaila na ang paglalaro ng mga online games ay nagbibigay sa

kanila ng isang bagay na hindi kayang ibigay ng sinuman. Ayon sa ilang

pananaliksik, ito ay kapaki-pakinabang. Binibigyang-daan nito ang isip ng

mga manlalaro na maging mas aktibo, lalo na ang mga larong nakabase sa

palaisipan. Higit pa rito, tinutulungan nito ang manlalaro na makabuo ng

mga desisyon sa mahigpit na sitwasyon, lalo na ang mga larong

Page 2 of 4
pakikipagsapalaran na nagpapanatili sa mga manlalaro na maging alerto,

aktibo at madiskarte.

Natuklasan ng mga pag-aaral na ang utak ng tao ay madaling sirain at isa

sa mga dahilan ay ang paggamit ng teknolohiya. Ang sistema ng edukasyon

ay may posibilidad na sumabay sa patuloy na pagbabagong ito sa lipunan

upang magkaroon ng mga bagay na nauugnay sa mga henerasyon ngayon.

Nadama ng mga mananaliksik ang pangangailangang tukuyin ang epekto ng

online gaming sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral at kanilang

panlipunang pag-uugali. Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang

implikasyon ng on-line gaming sa akademikong performance at social

behavior ng mga mag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin:

1. Naapektuhan ba ng paglalaro ng Online Games ang akademikong perpormans


ng mga mag-aaral ng St.Rose of De Lima Catholic School

2. Anu-ano ang mga naidudulot sa mga mag-aaral ng St.Rose of De Lima


Catholic School sa paglalaro ng Online Games?

2.1 Positibong naidudulot ng Online Games sa mga mag-aaral


2.2 Negatibong naidudulot ng Online Games sa mga mag-aaral

3. Paano mababalanse ang pag-aaral at paglalaro ng Online Games?

LAYUNIN NG PAG-AARAL

 Nilalayon nito na matukoy kung ano ang epekto ng Online Games sa mga
mga mag-aaral ng St. Rose of Lima Catholic School,inc.n
 Nilalayon nito na matukoy kung paano naiimpluwensyahan ng Online
Games ang mga mag-aaral ng Baitang 11 ng SRLCSI.
 Nilalayon nito na matukoy ang negatibo at positibong epekto ng
Online Games sa mga mag-aaral.

Kahalagahan sa Pag-aaral
Ang paglalaro ng online games ay makatutulong upang mapabilis ang pag
gana ng utak o isip ng manlalaro at paggamit ng maraming estratehiya kung

Page 3 of 4
paano manalo sa laro. Maraming kabataan sa panahon ngayon ang kumikita sa
pamamagitan ng paglalaro lamang ng mga online games katulad ng Mobile
Legends at nakikilala sila sa larangan ng larong kanilang kinabibilangan.
Marami din ang nagsasabi na nakakatulong ang paglalaro ng online games
upang mabawasan ang stress, pagkabugnot at kalungkutan.
Ang paglalaro ay kinakailangan ng disiplina at gabay ng magulang lalo na
sa mga kabataan upang hindi maapektuhan ang kanilang kaisipan at pag-
aaral.
Ang paglalaro ay kinakailangan ng disiplina at gabay ng magulang lalo na
sa mga kabataan upang hindi maapektuhan ang kanilang kaisipan at pag-
aaral.

Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagtataya hinggil sa naidudulot ng
online games sa mga mag-aaral ng St.Rose of Lima Catholic School. Saklaw
nito ang mag-aaral na nasa baitang-11 na kadahilanang sila ay mas
nakakatanda at mas madami sakanila ang naglalaro ng online games.
Mapapansin namas nakatatanda ang nasa ika- labing dalawang baitang
subalit hindi namin sakanila maiisagawa ang pagsasarbey sa kadahilanang
sila ay nasa imersyon.

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa Epekto ng Paglalaro ng


Online Games sa Pagaaral ng mga Piling Estudyante sa Baitang 11 ng
St.Rose of De lima Catholic school . Kaakibat ng pag-aaral na ito na
makapangalap ng mga impormasyon at datos tungkol sa mga posibleng maging
epekto nito. Saklaw lamang ng pananaliksik na ito ang mga piling mag-
aaral sa baitang 11 na naglalaro ng Online Games sa taong 2022-2023.

Page 4 of 4

You might also like