You are on page 1of 9

PHINMA Education Network

PHINMA- Saint Jude College

EPEKTO NG PANG ARAW-ARAW NA RUTIN SA ISTILO NG PAGKATUTO NG MGA


ONLINE NA MANLALARONG ESTUDYANTE SA KURSONG ABM SA PHINMA ST.
JUDE COLLEGE

Isang Pananaliksik na Iniharap


Sa Kagawaran ng Senior High School
at Fakulti ng Filipino
PHINMA- Saint Jude College

Bilang Katuparan ng Pangangailangan sa Pagtatamo


sa Kursong Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino

MGA MANANALIKSIK:
BACUS, ESHEIN
FRANDO, MA. SALVE
GANZON, SHIELA MAY R.
JACINTO,CLARISSA C.
JOSE,HERMINA FAYE A.
MEDINA, CYRIL DESIREE D.
MONTEALTO, ROMEL JR., D.
MORA FRANCESKA P.
ORTIZ, HARMIL YUAN M.
TAMBAL, DENIEL DUKES
Nobyembre 2022

ABSTAK

PANGALAN: BACUS, ESHEIN


FRANDO, MA. SALVE
GANZON, SHIELA MAY R.
JACINTO,CLARISSA C.
JOSE,HERMINA FAYE A.
MEDINA, CYRIL DESIREE D.
MONTEALTO, ROMEL JR., D.
MORA FRANCESKA P.
ORTIZ, HARMIL YUAN M.
TAMBAL, DENIEL DUKES

PAMAGAT: EPEKTO NG PANG ARAW-ARAW NA RUTIN SA


ISTILO NG PAGKATUTO NG MGA ONLINE NA MANLALARONG ESTUDYANTE SA
KURSONG ABM SA PHINMA ST. JUDE COLLEGE

MGA SUSING SALITA: PAGTALAKAY, ISTILO NG PAGKATUTO,


IMPLUWENSYA

DIGRI: Senior High School

TAGAPAYO: G. Edward Erwin K. Esguerra


KABANATA I: ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NG PAG-AARAL

PANIMULA
Madaling pagsabayin ang pag-aaral at paglalaro kung ito ay
nagsisilbing kasiyahan lang o pampalipas oras. Sa pagdaan ng
panahon kasabay ang pag-unlad ng teknolohiya, Ilan sa mga
kabataan ay mas nilalaan ang oras sa paglalaro at nabawasan ang
pokus sa pag-aaral. Ayon kay Jose Rizal “Ang kabataan ang pag-
asa ng bayan” Ngunit paano kung ang mga kabataan mismo ay
nawalan ng pag-asa dahil sila ay nabiktima ng bagong
teknolohiya?. Tayong mga kabataan ang siyang magbibigay ng
magandang kinabukasan sa ating bansa, Kaya’t Nais ng mga
mananaliksik na maipaliwanag ng mahusay ang maganda at masamang
epekto ng paglalaro kasabay ng pag-aaral.
Ayon sa sikolohiyang Pilipino Marami sa panahon ngayon ang
kabataang napapabayaan ang iba’t ibang aspeto ng kanilang
buhay. Ninanais na gamitin ng mga mananaliksik ang online games
upang malaman ang mga epekto nito sa kanila at mga saloobin
nila tungkol dito. Lalo na ang karamihan sa mga kabataan ngayon
ay wala nang sinasanto, napapasok sa iba’t ibang bisyong alam
naman nila na masama ngunit nagsasawalang-bahala na
lamang.Halimbawa ang Alak, sigarilyo, pagbababad sakompyuter,
droga, premarital sex at iba pang bisyo na nakasasama sa
kanila. Hindi lamang kalusugan at pag-aaral ang naapektuhan
kundi pati na rin ang kanilang aspetong sosyal ay nalalagay din
sa alanganin. hindi lamang hangad ng pananaliksik na ito na
malaman kung anu-ano ang mga epekto ng online games sa aspetong
sosyal ng mga estudyante hangarin din ng mga mananaliksik na
mapaalam sa lahat ng kabataan. Ang tungkol sa kahalagahan ng
pakikisalamuha sa ibang tao sa ating buhay at pagbabatid kung
ano ba talaga ang responsibilidad ng bawat isa sakanyang buhay
gumagamit ka man ng teknolohiya o hindi. Gusto ng mga
mananaliksik ingganyuhin ang kabataan na maglaan nang sapat na
oras sa pag aaral, maging responsible sa kanilang sarili at
makisalamuha sa ibang tao upang hindi masayang ang kanilang
oras o panahon at magkaroon nang maayos na kinabukasan.
makatutulong ang pananaliksik na ito upang lalong mapalawak
ang kanilang mga kaalaman kung paano maging isang mahusay na
mag-aaral.
Kailangan itong pag-aralan upang makapagbigay ng impormasyon
hindi lamang sa mag-aaral at mananaliksik kundi pati na sa mga
guro at magulang ng mga mag-aaral. Ang pag-aaral ay
makakatulong upang lubusan maunawaan ang epekto ng online games
sa mga esudyanteng manlalaro, Ang mga impormasyon na makakalap
ay maaring maging gabay sa magulang at mag-aaral na nag lalaro
nito. Ang pag aaral na pinamagatang " EPEKTO NG PANG ARAW-ARAW
NA RUTIN SA ISTILO NG PAGKATUTO NG MGA ONLINE NA MANLALARONG
ESTUDYANTE, kilala rin bilang perspektibo sa pag katuto o
pananaw, kung saan ang anumang kilos o galaw ay isang ugali.
Narito sa ibaba ang mga positibong epekto ng online games.

LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang Layunin ng pananaliksik na aming tatalakayin ay mabigyang
importansya ang pag-aaral sa mga estudyanteng manlalaro. Ito ay
maaring makamit sa pamamagitan ng pagtugon sa mga layunin;
1.)Matukoy ang Mabuti at masamang epekto ng online games
kasabay ng pag-aaral.
2.)Pagbibigay ng tamang oras sa paglalaro.
3.)Pagpupursigi na makatapos ng pag-aaral.

1.Bakit nga ba kailangan mag-aral?


-Upang magkaroon ng kaalaman
-Upang maging handa sa kolehiyo
-Upang makahanap ng magandang trabaho
-At Upang hindi maliitin at mapagsamantalahan ng iba

2.Bakit kailangan natin makapagtapos ng pag-aaral?


-Upang maabot mo ang pangarap mong propesyon
-Upang hindi masayang ang sakripisyo ng nagpapa-aral saiyo.
-Upang makatulong sa kapwa Dahil May mga taong nagtapos ng pag-
aaral hindi lang para kumita ng pera, kundi para makatulong sa
kapwa lalo na sa mahirap.
3.Bakit kailangan na tiyak ang kukunin mong kurso?
Upang maiwasan ang pagsisisi, dahil sa panahon ngayon marami
ang kabataan ang hindi pinag-iisipan ng Mabuti ang kukuning
kurso.
Halimbawa:
-Kukunin ko ang kursong nursing dahil ito ang kurso ng crush
ko, ng sa gayon ay magkasama kami.
-Kukunin ko ang kursong ABM dahil ito ang gusto ng mga kaibigan
ko.
Mas maiging sundin ang gusto ng iyong puso dahil hindi magiging
trabaho ang tingin mo sa trabaho mo, ito ay magiging masayang
paglalakbay dahil dito ka ineteresado.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang mahusay na kasanayan sa pag-aaral ay maaring dagdagan ang
iyong kumpiyansa, kakayahan, at pagpapahalaga sa sarili.
Madaming kabataan ngayon ang kulang sa kaalamanan dahil
nalululong sa online games. Lubos na mahalaga ang pag-aaral
dahil Dito tayo natuto kung papaano magbasa, magsulat,
magbilang at magsalita. Ang pag-aaral ay nagbibigay gabay sa
ating buhay katulad na lamang ng pagintndi kung ano ang tama at
maling gawain.
Sabi nga nila Sa pamamagitan ng pamana ng ating mga magulang,
Pamanang hindi materyal, Pamanang hindi Salapi Kundi ang
pamanang Pag-aaral ng mabuti at pagtatapos ng pag-aaral
Sapagkat ito lamang ang pamanang ma-ibibigay nila sa atin at
tulay patungo sa ating tagumpay.

Para Sa mga guro - magkakaroon sila ng kaalaman sa mga dapat


gawin ng kanilang estudyante nang sa gayon ay magabayan at
matulungan ang mga mag-aaral sa tamang pamamaraan ng kanilang
pag-aaral.
hinaharap.
Para sa mga magulang - ang mga magulang bilang unang guro ng
kanilang mga anak, ay makakapag-isip-isip ng mga bagay na
maipapayo at maitutulong sa kanilang anak, kasabay ng paggabay
tungo sa maayos at magandang pamamaraan ng kanilang pag-aaral.
Para sa mga Estudyante- Maiintindihan nila na hindi masama ang
pag-lalaro dahil mayroong magandang naidudulot ito habang sila
ay nag-aaral.
LAWAK AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL
Ang pananaliksik na nabanggit ay nakatuon sa larangan ng pag-
aaral at sa laro. Kung ating papansinin, maaaring ang pagiging
isang manlalarong estudyante ay nakakaapekto sa akademikong
pagganap. Ngayon, ang pananaliksik ay nilalayon na hanapin ang
solusyon upang mapuksa ang kawalan ng interes ng mga estudyante
sa pag-aaral. Gayunpaman, tinutuon ng pananaliksik na ito na
mas pahalagahan ang pag-aaral kaysa sa paglalaro. Kaya naman
ang pananaliksik na ito ay mainam na bigyang pansin at
masolusyonan.
Ang Pie Graph na ito ay nag papakita ng oras na nilalaan ng mga
estudyanteng manlalaro para sa paglalaro.
Mula sa 20 na Edtudyante Makikita na karamihan sakanila ay
kadalasang naglalaan ng 2-3 oras sa paglalaro. Sumunod naman ay
30 minuto-1 oras at may iilan na umabot sa 4-24 na oras ang
paglalaro. Para sa karamihan, maayos nilang nababalanse ang
paggamit nito ngunit para sa iba, ito ay nagiging isang
malaking problema, kagaya ng nakikita natin sa pie graph,
mayrong naglalaro ng isang buong-araw na maaring humantong sa
adiksyon.
Ang Pie Graph na ito ay nag papakita naman ng oras na nilalaan
ng mga estudyanteng manlalaro para sa pag-aaral. Makikita na
karamihan sa mga sumagot ay naglalaan ng tatlong oras sa pag-
aaral at ang iba naman ay hindi nagbabalik-aral. Ang pinaka
mababang oras na nilalaan ng mga estudyante ay 20 minuto at ang
pinaka mataas naman ay 10 oras.

Mapapansin natin sa dalawang Pie graph, na mas marami ang


nilalaan na oras ng mga estudyante sa pag-lalaro kaysa sa pag-
aaral, Maraming Estudyante ang napabayaan ang pag-aaral sa
paglalaro ng online games. Ang adiksyon sa mga online na laro
ang nagpapalayo sa mga mag-aaral sa tunay na mundo. Ang mundo
na dapat lumilinang sa kanilang mga isipan para maging
propesyonal sa hinaharap.

KAHULAGAN NG MGA TERMINO


MOBILE GAMES - Ang mobile game,ay isang video game na
karaniwang nilalaro sa mobile phone. Ang termino ay tumutukoy
din sa lahat ng mga laro na nilalaro sa anumang portable device
. Halimbawa ng mga laro sa mobile games ay Mobile Legends, PUBG
Mobile, at Call of Duty Mobile.
Ayon sa diksyonaryo Ang paggamit ng internet ay mayroong
malaking naitutulong sa pag-aaral, pananaliksik,
paghahanapbuhay, pangangalakal, libangan, at iba pa. Sa
pamamagitan nito mas gumagaan ang ating buhay, subalit
mapasangayon ay marami parin ang nagtatalo sa mabuti at
masamang dulot ng internet sa ating lipunan, kabilang na riyan
ang maling paggamit ng internet ng mga estudyante at papano ito
nakakaapekto sa kanilang pag-aaral at pang araw-araw na gawain.

HALIMBAWA:
-Pagpapaliban sa paggawa ng gawaing pang paaralan upang
maglaro.
-Pagpapabaya sa respodibilidad sa bahay.
-Wala sa oras na pagkain at pagtulog.
-Adiksyon sa paglalaro.
-Pag-iiba ng ugali dulot ng kawalan ng pagtigil sa paglalaro.
-Pagkakasakit/paghina ng resistesya sa labis na paglalaro.
-Pagbaba ng marka sa paaralan.
-Hindi pagkakaroon ng pokus sa iba pang mas importanteng bagay.
-At nagiging libangan ang paglalaro upang takasan ng depresyon
o stress.

Ayon kay Rosienne Mendoza ang paglalaro ng online games ay


mayroong negatibo at positibong epekto sa mga kabataan. Ayon sa
kanya ang lahat ng bagay raw ay mayroong masama at mabuting
epekto sa isang tao sa artikolong kanyang ginawa. tinalakay
niya ang positibo at negatibong epekto ng paglalaro ng online
games. Ang online games ay larong kinakailangan ng computer,
laptop o kaya ay cellphone at internet. Ito ang larong nauuso
sa kasalukuyan na kinabibilangan ng mga laro katulad ng League
of Legends(LOL), Mobile legends(ML), Rules of Survival(ROS),
Fornite Battle Royale, Counter Strike at marami pang iba. Sa
paglipas ng pahon kapansin pansin na ang ating mga kabataan
noon ay ibang-iba na sa kabatan natin ngayon sa larangan ng
paglalaro, sapagkat karamihan sa ating mga kabataan ay mas
pinipili pang paglalaro ng online games kaysa larong pisikal.
Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto mayroon rin namang magandang
naidudulot ang paglalaro ng online games isa na riyan ang
pagpapagana ng utak o isipan ng isang manlalaro upang makaisip
ng estratehiya upang Manalo, sa madaling salita ay nagagamit
ang paglalaro ng online games upang tumalas ang pagiisip sa
larangan ng malikhaing imahenatibo kung papaano mapapanalo ang
laro kabilang rin diyan ay maaring gamitin ang online games
upang mapagkakitaan sapagkat sa pamamagitan ng paglalaro, ang
manlalaro ay maaring makilala sa larangan na kanilang
kinabibilangan at sinasabi rin na ang paglalaro ng online games
ay maari rin makatulong upang mabawasan ang stress, pagkabugnot
at kalungkutan. Bagamat mayroong magandang naidudulot ang
paglalaro ng online games ay hindi ito na ngangahulugang hindi
ito nakakasama sa atin kung kaya kinakailangan ng disiplina at
pag babalanse ng sarili upang hindi magkaroon ng negatibong
epekto sa kaisipan at pag-aaral ng mga kabataan.

You might also like