You are on page 1of 10

SAN PEDRO COLLEGE OF BUSINESS ADMINISTRATION

KM30 National Highway, Brgy. Nueva, San Pedro, Laguna

KABANATA 1

KALIGIRAN NG PANANALIKSIK

Ipinapakita ng kabanatang ito ang introduksyon sa pag-aaral na ito. Naririto rin

ang Batayang konseptwal na nagpapakita ng biswal na presentasyon ng pananaliksik

na ito. Narito rin ang mga katanungan at suliranin ng pananaliksik na ito. Ipinapakita

rin sa kabantang ito ang saklaw at delimitasyon, kahalagahan ng pag-aaral at ang

kahulugan ng mga termino na nabanggit sa pananaliksik.

INTRODUKSYON

Tunay na di mapipigilan ang pagbabago ng ating mundo. Kaalinsabay nito ay

patuloy din tayong binabago nito. Hindi natin mapagkakailang hinaplos nito and pang-

araw-araw nitong pamumuhay. Masasabi ng isa sa mga may pinakamalaking impak sa

ating buhay ay ang social media (sosyal midya). Ginagamit natin ito upang magkaroon

tayo ng komunikasyon sa ating mga kaibigan, kamag-anak, at maging sa mga hindi

natin kakilala.

Ilan sa mga nauusong social media sites ay ang Facebook, Twitter, Snapchat,

Instagram, at Tumblr. Nakatutulong ito sa atin, ngunit madami rin itong hindi
SAN PEDRO COLLEGE OF BUSINESS ADMINISTRATION
KM30 National Highway, Brgy. Nueva, San Pedro, Laguna

magandang epekto sa bawat isa. Bilang isang mag-aaral, alam naming isa ito sa

mga salik na nagiging dahilan ng pagiging wala sa pokus ng mga kamag-aral naming.

Maaaring maging adbanteyj and social media bilang portal ng madaling paraan

ng pagpapasa ng mga fayls, reports, mensahe, at ideya. Ngunit maaari rin nitong

kainin ang ating oras sa mga hindi produktibo at hindi kapaki-pakinabang na bagay. Sa

puntong ito ay nais naming malaman kung nakatutulong ba o hindi ang social media

sa mga mag-aaral ng San Pedro College of Business Administration.


SAN PEDRO COLLEGE OF BUSINESS ADMINISTRATION
KM30 National Highway, Brgy. Nueva, San Pedro, Laguna

BATAYANG KONSEPTWAL

Ang pag-aaral na ito ay ibinatay sa isang mananaliksik sa itinatagong pangalan

na Resident Patriot sa kanyang artikulo na Social Media at and Modernong Pilipino na

nagsasaad ng mga naging epekto sakanya at sa ibang tao ng social media. Sinasabi

dito na ang social media ay isang tulay na maaaring magdugtong sa ating nakaraan,

kasalukuyan, at hinaharap na sitwasyon o kaisipan.

Ang pag-aaral na ito ay masasabi ring kritikal sapagkat malaki ang impak sa

isipan at pamumuhay ng isang tao ang social media. Nais ng mananaliksik na mapag-

aralan kung pano nga ba ito nakaaapekto sa pamumuhay at pag-aaral ng mga mag-

aaral ng SPCBA at kung ano ang kahalagan nito.

INPUT PROCESS OUTPUT


Mga uri ng social Pagsasarbey ukol sa Pamumuhay ng mga
media: nasabing input mag-aaral:
1. Facebook Pagsasama-sama ng 1. Pag-aaral
2. Instagram mga tala ng 2. Grado
3. Twitter nakuhang sagot sa
4. Snapchat sarbey
5. Tumblr Pag-aanalisa ng mga
kasagutan
SAN PEDRO COLLEGE OF BUSINESS ADMINISTRATION
KM30 National Highway, Brgy. Nueva, San Pedro, Laguna

PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay nag-iimbistiga ng maaaring epekto sa pamumuhay ng

mga estudyante ng paggamit ng Sosyal Midya.

1. Ilan sa mga estudyante(halimbawang bilang) ng San Pedro College of Business

Adminstration ang gumagamit ng Sosyal Midya?

Maaaring kasagutan:

1.1 25%

1.2 50%

1.3 75%\

1.4 100%

2. Ano-ano ang rason ng paggamit ng sosyal midya sa pamumuhay ng mga

estudyante?

Maaaring kasagutan:

2.1 Pang-komunikasyon

2.2 Tulong sa Pag-aaral

2.3 Panglibangan
SAN PEDRO COLLEGE OF BUSINESS ADMINISTRATION
KM30 National Highway, Brgy. Nueva, San Pedro, Laguna

3. Anu-ano ang masamang naidudulot ng sosyal midya sa mga estudyante?

Maaaring kasagutan:

3.1 Nalilibang masyado ang mga estudyante at nauubos ang

oras nila sa paggamit nito.

3.2 Nawawala din ang pagkakataon na mas matuto pa sa mga

detalye ng tamang pagbigkas at gramatika ng mga salita at

pangungusap.

4. Anu-ano ang magandang naidulot ng ng sosyal midya sa mga estudyante?

Maaaring kasagutan:

4.1 Nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang mga

estudyante sa mga taong importante sa kanila.

4.2 Nagagamit nila ito upang makahanap ng bagong kaalaman.

4.3 Hindi sila nahuhuli sa balita dahil mabilis ang kumalat ang

impormasyon sa social midya.


SAN PEDRO COLLEGE OF BUSINESS ADMINISTRATION
KM30 National Highway, Brgy. Nueva, San Pedro, Laguna

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sapagkat sa pamamagitan nito, ating

malalaman kung ano at gaano kalaki ang epekto ng social media sa pamumuhay ng

mga mag-aaral ng San Pedro College of Business Administration.

Saklaw nito ang mga mag-aaral ng SPCBA at ang matugunan kung ano

ang maaaring epekto ng sosyal midya sa mga estudyante at kung may kahalagahan ba

ang pagiging aktibo dito.

Aalamin ng mga mananaliksik kung gaano kadalas ang paggamit ng mga

mag-aaral sa iba’t ibang uri ng social media, kung may kahalagahan ba ito para sa

kanila, at kung ano ang epekto nito sa pamumuhay ng mga mag-aaral negatibo man o

positibo.
SAN PEDRO COLLEGE OF BUSINESS ADMINISTRATION
KM30 National Highway, Brgy. Nueva, San Pedro, Laguna

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang social media ay hindi maituturing na maliit na bagay sapagkat

mahigit 70 porsyento ng mga tao sa ating mundo ay nagamit ng iba’t ibang uri ng mga

social networking sites. Sa pagiging aktibo ng maraming tao rito, ito ay nakakabuo ng

komunidad na itinatawag na “virtual community” na kung saan ito ay binubuo ng mga

globalisadong tao na aktibo sa mga social networking sites.

Kung ating papansinin, masasabi natin na mas marami ang bilang ng

kabataan na nag-so-social media kaysa bilang ng matatanda. Dahil dito, naisipan ng

mga mananaliksik na bigyang pansin ang mga mag-aaral na kabataan mula sa kanilang

unibersidad. Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay makahanap ng solusyon para

sa mga mag-aaral na labis na naapektuhan ng social media.

Ang kahalagahan nito ay magkakaroon ng kaalaman ang mga mag-aaral

ukol sa maaaring maging epekto ng social media sa kanila at sa kanilang pamumuhay.


SAN PEDRO COLLEGE OF BUSINESS ADMINISTRATION
KM30 National Highway, Brgy. Nueva, San Pedro, Laguna

KATUTURAN NG TERMINO

Social Media - Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa

mga tao nakung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng

impormasyon atmga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network.

Social Networking Sites – Ang mga halimbawa nito ay Facebook, Twitter, Instagram,

Snapchat, Tumblr atbp.

Virtual Community – Ito ay isang social network ng mga indibidwal na nakikipag-

ugnayan sa pamamagitan ng partikular na social media, posibleng tumatawid ng

heograpikal at pampulitika na mga hangganan upang ituloy ang kapwa interes o

layunin.
SAN PEDRO COLLEGE OF BUSINESS ADMINISTRATION
KM30 National Highway, Brgy. Nueva, San Pedro, Laguna

“EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA PAMUMUHAY NG MGA MAG-AARAL NG

SAN PEDRO COLLEGE OF BUSINESS ADMINISTRATION”

Isang pamanahong papel na inihaharap sa Kagawaran ng Sining at Agham sa San

Pedro College of Business Administration

Bilang bahagi ng Pangangailangan sa Pagbasa at Pagsulat ng Iba’t- ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nila:

Castañeda, Karen Kate

Dimaguila, Jeremy Joyce

Reyes, Amir

Marso 2019
SAN PEDRO COLLEGE OF BUSINESS ADMINISTRATION
KM30 National Highway, Brgy. Nueva, San Pedro, Laguna

TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I………………………………………………………………....1

Introduksyon………………………………………………………..1
Batayang Konseptwal………………………………………………
Saklaw at Delimitasyon……………………………………............
Kahalagahan ng Pag-aaral………………………………………….
Katuturan ng Termino………………………………………………
Kabanata II………………………………………………………………...

Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral………………..


Kaugnay na Literatura(Lokal)………………………………………
(Dayuhan)…………………………………..
Kaugnay na Pag-aaral(Lokal)………………………………………
(Dayuhan)…………………………………..
Kabanata III……………………………………………………………….

Disenyo at Metodo ng Pananaliksik………………………………..


Disenyo ng Pananaliksik…………………………………………..
Respondente……………………………………………………….
Populasyon ng Pananaliksik………………………………………
Instrumento ng Pananaliksik………………………………………
Paraan ng Pagkalap ng Datos……………………………………..

You might also like