You are on page 1of 14

PAGBASA AT PAGSUSURI

SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA

Bago mo ipagpatuloy ang pag-aaral sa modyul na ito, subukin mong sagutin ang pagsusulit na ito upang
malaman natin kung ano na ang iyong nalalaman.

Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat sa inilaang patlang ang salitang TUMPAK kung
tama ang pahayag at salitang WASAK kung mali.
1. Ang tekstong impormatibo ay naglalayong magbigay ng impormasyon.
2. Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad ay nakabatay sa sariling opinyon ng may-akda.
3. Laging may nadaragdag na bagong kaalaman ang tekstong impormatibo.
4. Maituturing na tekstong impormatibo ang isang balita o sulating pangkasaysayan.
5. Hindi kailangang ilahad ang talasangguniang ginamit sa tesktong impormatibo.
6. Isinasaalang-alang sa tekstong impormatibo ang paggamit ng estilo sa pagbibigay- diin sa
mahalagang salita tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis at nakasalungguhit.
7. Ibinabahagi ng tekstong impormatibo ang mga mahahalagang impormasyon patungkol sa tao, hayop at
iba pang mga nabubuhay at mga pangyayari sa paligid.
8. Ang tekstong impormatibo ay naglalahad ng impormasyon tungkol sa paborito mong isports.
9. Isang uri ng tekstong impormatibo ang nagpapaliwanag kung paano at bakit nagaganap ang isang
bagay o pangyayari.
10. Mabibigyang-diin ang teksto kung gagamitan ito ng mga palarawang representasyon.
11. Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon.
12. Halimbawa ng tekstong impormatibo ay tula, facebook post at sanaysay.
13. Naglalayon ang tekstong impormatibo na magbigay o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling
tungkol sa iba’t-ibang paksa tulad ng hayop, isports, agham o siyensiya, kasaysayan, gawain,
paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon at iba pa.
14. Karaniwang makikita ang mga tekstong impormatibo sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin, aklatan,
sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng ensiklopedya at sa ibat’ ibang website sa internet.
15. Walang matatawag na iba’t ibang uri ang tekstong impormatib

TUKLASIN
Basahin ang halimbawa ng balita at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

MIS.OR., Namayagpag sa RFOT 2019!

Misamis Oriental Division sa nagdaang Regional


Festival of Talents 2020 sa Lungsod- Sangay ng Malaybalay
noong ika- 20-21 ng Nobyembre, 2019
Nasungkit ni Jernie C. Lastima , mag- aaral ng
Baliwagan Senior High School (BSHS), ang pagiging
kampeonato sa nasabing paligsahan sa tulong ng
tagapagsanay na si Gng. Maricar C. Ranara, guro mula sa
BSHS.
“Kung may aalis, may babalik. Kung may nawala, may
papalit”, ani Ranara. Hindi
siya makapaniwala nang masungkit ang pagkapanalo dahil sa limitado lamang ang panahong iginugol para sa
pagsasanay. “May plano talaga si God”, dagdag pa nito.
Matatandaan na bago pa ang kompetisyon ay naunang sumubok si Lastima sa larong basketball. Bigo man
s’yang makuha sa nasabing laro, ngunit may magandang naghihintay sa kanya. Mas mahaba ang kanyang panahong
iginugol sa nasabing kompetisyon kumpara sa RFOT.
“Mahirap para sa sitwasyon ko lalo na’t nanggaling ako sa simpleng palaro- laro lamang pero ngayon
biglang nag-iba. Mula sa isports patungo sa larangan ng kasanayan sa pagsasalita. Ganyan ka makapangyarihan
ang ating Panginoon”, pahayag ni Lastima matapos ang kompetisyon.
Halos mangiyak-ngiyak ang dalawa nang idineklara ang pagkapanalo sa patimpalak sa Tagisan ng Talento
sa Filipino. Nagpakitang-gilas si Lastima sa Dagliang Talumpati na nilahukan ng mga mag-aaral ng Senior High mula
sa Rehiyon Diyes.
Matatandaan na ito ang pangalawang pagsalang ng BNHS sa nasabing paligsahan. Sa ngayon, puspusan
na ang kanilang ginagawang paghahanda para sa darating na National Festival of Talents – Tagisan ng Talento sa
Filipino (NFOT)2020 na idaraos sa Ilagan, Isabel
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Ano ang paksa ng balita?
Sino ang mga sangkot?
Saan nangyari ang paligsahan?
Kailan ito nangyari?

SURIIN
TEKSTONG IMPORMATIBO

Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon. Ito ay naglalayong magbigay ng
impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa.
Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad ng may-akda ay hindi nakabatay sa kanyang opinyon
kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa.
Karaniwang may malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat o kaya’y nagsasagawa ng pananaliksik
o pag-aaral ukol dito.
Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin,
aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng ensiklopedya, gayundin sa iba’t ibang websites sa Internet.
Naglalahad ng mga bagong impormasyon, bagong pangyayari, bagong paniniwala, at mga bagong impormasyon
ang tekstong impormatibo. Layunin nitong magbigay ng mahalagang impormasyon upang alisin o linawin ang
mga agam-agam na bumabalot sa isipan ng mambabasa kaugnay sa isang paksa o isyung tinatalakay. Ang mga
kaalaman ay nakaayos nang sunud-sunod at inilalahad nang buong linaw at may kaisahan.

MGA ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO


 Layunin ng may-akda
Maaring magkakaiba ang layunin ng may akda sa pagsulat ng tekstong impormatibo: mapalawak ang
kaalaman ukol sa isang paksa, maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag, matuto ng
maraming bagay ukol sa ating mundo, o mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba’t ibang uri ng insekto o
hayop at iba pang nabubuhay.
 Pangunahing Ideya
Hindi katulad ng tekstong naratibo, dagliang inilalahad ng tekstong impormatibo ang pangunahing ideya
sa mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi o tinatawag na
organizational markers na nakatutulong upang agad na makita at malaman ng mga mambabasa ang
pangunahing ideya ng babasahin.
 Pantulong na Kaisipan
Mahalaga ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o mga detalye. Nakatutulong ito na
mabuo sa isipan ng mga mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.
 Mga istilo sa pagsulat, kagamitan/ sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin:
 Paggamit ng mga nakalarawang interpretasyon
Halimbawa:
Paggamit ng larawan, guhit, dayagram, tsart, timeline at iba pa upang higit na mapalalim ang
pang-unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong impormatibo.
 Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto
Ito ay ang paggamit ng mga6estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis,
nakasalungguhit o paglagay ng “panipi” upang higit na madaling makita ang mga salitang binibigyang-
diin sa babasahin.
 Pagsulat ng mga Talasanggunian
Inilalagay ng mga manunulat ang mga aklat, kagamitan, at iba pang sangguniang ginamit
upang higit na mabigyang-diin ang katotohanang naging batayan ng mga impormasyong taglay nito.

URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO

 Paglalahad ng totoong pangyayari / kasaysayan


Ito ay uri ng tekstong impormatibo na naglalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang
panahon o pagkakataon. Maaring ang pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng manunulat
tulad ng balitang isinulat ng mga reporter ng mga pahayagan o mga pangyayaring may historical account.
 Pag-uulat pang-impormasyon
Ang uri ng tekstong impormatibong ito ay naglalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon
patungkol sa tao, hayop iba pang bagay na nabubuhay gayundin sa mga pangyayari sa paligid.
Halimbawa:
Teknolohiya, Global Warming, Cyberbullying
 Pagpapaliwanag
Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o
bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.
Halimbawa:
Siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo.

Gawain 1

Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong:

Ano ang tesktong impormatibo?


Ano-ano ang mga katangian ng ganitong uri ng teksto?
Ano-ano ang mga elemento ng tekstong impormatibo?
Ano ang iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo?
Bakit kailangang ilahad ng talasangguniang ginamit sa tekstong impormatibo?
Sa paanong paraan magiging mas epektibong maipararating ng manunulat ang mahahalagang
impormasyon sa kanyang mga mambabasa?

PAGYAMANIN

Basahin ang halimbawa ng tesktong impormatibo.

CYBERBULLYING

Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang uri ng pambubuska
ang nabibigyang-daan nito; ang cyberbullying o ang pambubuska sa kapwa gamit ang makabagong teknolohiya.
Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng
masasamang salita maging sa text o e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan, larawan, bidyu,
at iba pa sa e-mail at sa social media; pag-bash o pagpapaskil ng mga nakasisira at walang batayang komento;
paggawa ng mga pekeng account na may layuning mapasama ang isang tao; pag-hack sa account ng iba upang
magamit ang sariling account ng tao; sa paninira sa may-ari nito; at iba pang uri ng harassment sa pamamagitan
ng teknolohiya. Ang mga ito’y karaniwang nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot, o kawalan ng kapayapaan
sa nagiging biktima nito. Naririto ang ilan sa mga epekto ng cyberbullying: mga senyales ng depresyon, pag-inom
ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamot, pagliban o pag- iwas sa pagpasok sa paaralan, pagkakaroon ng
mababang marka sa paaralan, pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng problema sa kalusugan at
pagiging biktima rin ng harapang bullying.

Ayon sa ulat sa Googe Trends, ikaapat sa mga bansa sa buong mundo kung saan may
pinakamaraming naghanap ng impormasyon ukol sa cyberbullying noong 2013 ay ang Pilipinas. Isa itong
indikasyon na ang isyu ng cyberbullying ay isang makatotohanang pangyayari sa ating bansa. Bagama’t sa
kasalukuyan ay wala pang opisyal na istadistika ang Pilipinas patungkol sa cyberbullying. Sa bansang Amerika
ay naitala na nasa 9% ng mga mag-aaral sa Grade 6 hanggang 12 ang nakaranas ng cyberbullying noong 2010
at 2011. Samantalang noong 2013, tumaas sa 15% ang mga mag-aaral sa Grade 9 hanggang 12 na nakaranas
ng cyberbullying.

Gawain 2
Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong:
(F11PS-IIif-92 Naipapaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tesktong binasa)

1. Ano ang cyberbullying? Paano ito naiiba sa pambubuska nang harapan?


2. Paano nakaaapekto ang cyberbullying sa nagiging biktima nito?
3. Ano ang mga layunin ng tekstong impormatibo? Ano- anong katangian ng tekstong binasa ang
magpapatunay na ito ay isang tekstong impormatibo?
4. Mabisa ba ng pagkakalahad ng mga impormasyon?
5. Bilang mag-aaral, paano mo maipakakalat ang mga impormasyong inilahad sa tekstong binasa? Anong
mga hakbang ang maaari mong gawin ukol dito?

Gawain 3
Tukuyin ang kahulugan at katangian ng mga salitang ginamit sa teksto na nakasulat nang madiin sa
bawat bilang.
(F11PT-IIIa-88 Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng tesktong
binasa.)

1. Ang sumusunod ay mga babasahing di-piksyon: talambuhay, balita,at artikulo sa magasin.


Batay sa mga halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o katangian ang maibibigay mo para
sa di-piksyon?

2. Ang sumusunod ay mga babasahing piksyon: maikling kwento, tula, at nobela. Batay sa mga
halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o katangian ang maibibigay mo para sa mga
babasahing piksyon?

3. Ang salitang impormatibo ay nagmula sa salitang Ingles na inform. Batay sa pinagmulan ng salita,
anong kahulugan ang maibibigay mo para sa tekstong impormatibo?

4. Ang ilan sa mga elemento ng tekstong impormatibo ay: layunin ng may-akda, pangunahing ideya,
pantulong na kaisipan, estilo sa pagsulat at kagamitan o sanggunian. Ano ang ibig tukuyin ng pahayag
na pangunahing ideya?

5. Kailangan ng mga pantulong na kaisipan upang mabuo ang pangunahing ideya. Ano ang ibig
ipahiwatig ng pantulong na kaisipan?
ISAGAWA

Gawain 5

Tukuyin kung sa anong uri ng tekstong impormatibo nabibilang ang binabasa ng tauhan sa bawat
sitwasyon sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa kahon at isulat ito sa inilaang patlang.
(F11PB-IIIa-98 Natutukoy ang paksang tinalakay sa tekstong binasa)
Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Pangkasaysayan
Pag-uulat Pang-impormasyon
Pagpapaliwanag

1. Mahilig sa mga insekto si Tony. Nais niya ngayong malaman kung paano at bakit nagbabagong anyo ang
mga ito. Hawak niya ang isang tekstong may pamagat na “Ang Pagbabagong Anyo ng Salagubang.”
2. Patuloy na nararanasan ng mga bansa sa daigidig ang matinding tag-init at napakalakas na bagyong
nagreresulta sa malawakang pagkasira. Nais ni Rodel na magkaroon ng mas maraming impormasyon
ukol dito kaya’t hawak niya ngayon ang tekstong may pamagat na “Mga Epekto ng Global Warming sa
Kapaligiran.”
3. Maraming pag-aaklas ang naganap sa ating bansa laban sa mananakop. Iba’t iba rin ang dahilan sa
mga pag-aaklas na ito. Gustong malaman ni Donna ang istorya sa likod ng pinakahabang pag-aaklas
sa kasaysayan ng Pilipinas - Ang Pag-aaklas ni Dagohoy sa Bohol.
4. Nagbabasa ng balita si Jean. Makikita sa hawak niyang pahayagan ang balitang ito: “51 st International
Eucharistic Congress, Ginanap sa Cebu noong Enero 24-31, 2016.”
5. Masayang-masaya si Gng. Cruz nang mabasa ang balitang nasa pahayagang hawak niya. Sinasabi
ritong “Si Pia Wurtzbach ay nagwagi bilang Ms. Universe 2015.”

Gawain 6
Batay sa binasang tekstong pinamagatang “Cyberbullying”, pagnilayan ang sumusunod na sitwasyon at
iugnay ito sa mga pangyayaring nagaganap sa paligid maging sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
Isulat sa dyornal ang iyong mga kaisipan.
(FIIPB-IIId-99 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig)

1. May kasabihang walang mambu-bully kung walang


magpapa-bully. Ano-ano ang gagawin mo upang
maiwasang maging biktima ng cyberbullying?

2. Kung sakaling ikaw o isa sa mga kapamilya o malapit na


kaibigan mo ang magiging biktima ng cyberbullying,
ano-ano ang gagawin mo o ninyo upang mapigilan
ang ganitong uri ng pang-aabuso at mapanagot ang
taong gumagawa nito?

3. Kung ikaw ang nambu-bully ngayon at nalaman mo ang


masasamang epekto nito sa biktima mo na maaring
bumalik sa iyo sa mga darating na panahon, ano ang
gagawin mo upang makabawi sa nagawang
pagkakamali?

4. Bakit mahalaga ang pagiging responsable sa paggamit


ng internet at laging pagsasaalang-alang sa pahayag
na
“Think before you click”?
TAYAHIN
PANGHULING PAGTATAYA

Batay sa sariling paghihinuha, isulat sa inilaang patlang ang salitang Tama


kung tama ang pahayag at isulat naman ang salitang MALI kung mali ito.

1. Ang tekstong impormatibo ay naglalayong magbigay ng impormasyon.


2. Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad sa tekstong impormatibo ay nakabatay sa sariling
opinyon ng may-akda.
3. Laging may nadaragdag na bagong kaalaman ang tekstong impormatibo.
4. Maituturing na tekstong impormatibo ang isang balita o sulating pangkasaysayan.
5. Hindi kailangang ilahad ang talasangguniang ginagamit sa tesktong impormatibo.
6. Isinasaalang-alang sa tekstong impormatibo ang paggamit ng estilo sa pagbibigay-diin sa
mahalagang salita tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis at nakasalungguhit.
7. Ibinabahagi ng tekstong impormatibo ang mga mahahalagang impormasyong patungkol sa
tao, hayop at iba pang mga nabubuhay at mga pangyayari sa paligid.
8. Ang tekstong impormatibo ay naglalahad ng impormasyon tungkol sa paborito mong isports.
9. Isang uri ng tekstong impormatibo ang nagpapaliwanag kung paano at bakit nagaganap ang
isang bagay o pangyayari.
10. Mabibigyang-diin ang teksto kung gagamitan ito ng mga palarawang representasyon.
11. Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon.
12. Halimbawa ng tekstong impormatibo ay tula, mga facebook post at sanaysay.
13. Layunin ng tekstong impormatibo ang magbigay o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling
tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng mga hayop, isports, agham o siyensiya, kasaysayan, Gawain
1
paglalakbay,heograpiya, kalawakan, panah on at iba pa.
14. Karaniwang makikita ang mga tekstong impormatibo sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin,
aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng encyclopedia at sa ibat’ ibang websites sa
internet.
15. Walang matatawag na iba’t ibang uri ang tekstong impormatibo
11
Gawain 7
12
Ngayon ay ikaw naman ang sumulat ng sarili mong halimbawa ng tekstong
impormatibo. Maari kang mag-isip ng sariling paksang susulatin na ihihingi mo ng
pahintulot sa iyong guro o maaari kang pumili sa mga paksang nakalahad sa ibaba:

 Mga paraan sa pagpapanatili ng malusog na pangangatawan


 Epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa
 Epekto sa katawan ng mga pagkaing na-proseso tulad ng de-lata,
instant noodles at iba pa
 Sanhi at Bunga ng COVID-19
 Isang balitang lokal na personal mong nasaksihan
 Kasaysayan ng iyong barangay o lugar

KARAGDAGANG GAWAIN

Gawain 8

Basahin ang balita sa ibaba at gumawa ng isang reaksyong papel. Isaalang-


alang sa pagsulat ang mabisang paraan ng pagpapahayag at ang kabuluhan ng
teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.

(FIIPU-III-fg-90 Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag sa


reaksyong papel na isinulat at FIIEP-IIIj-37 Nakasusulat ng reaksyong papel batay
sa binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan nito sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa at daigdig)

Lumabas sa imbestigasyon ng Commision of Human Rights (CHR) ng Negros Occidental na ang


isang mag-aaral, na nasa Baitang-8 na si Eric Hain Demafeliz ng Bago City, ay nagpatiwakal dahil sa
Cyberbullying.

Sa pagbisita ng imbestigador ng CHR-Negros Occidental na si G.Vincent Parra, napag-alaman


nitong inakusahan si Demafeliz ng pagnanakaw ng Computer Tablet ng kanyang kaklase. Ipinakita
ng gurong-tagapayo ang larawang kinuha mula sa isang social media site kung saan may mga
mensahe ng pag-akusa kay Demafeliz.

- Halaw mula sa https://www.sunstar.com.ph/article/404657

Binabati kita! Natapos mo nang gawin ang Modyul 1. Sa kabuuan, napagtanto mo na ang tekstong
impormatibo ay isang uri ng babasahing di- piksyon. Ito’y naglalayong magbigay ng impormasyon o
magpaliwanag nang malinaw na walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa. Hindi ito nakabatay sa
sariling opinyon lamang ng sumulat kundi mula ito sa mga datos na kadalasang makikita sa mga
pahayagan, balita, magasin, textbook, encyclopedia, gayundin sa iba’t ibang website sa internet.

Maaari mong ipagpapatuloy ang mga gawain na matatagpuan sa susunod na modyul. Nawa’y patnubayan
ka ng Maykapal.
14

15
TALASANGGUNIAN

MGA AKLAT

Almario, Virgilio. KWF Manwal Sa Masinop Na Pagsulat.


Manila: Komisyon ng Wikang Filipino, 2014.

Bargo, Darwin. Writing in the Discipline.


Quezon City: Great Book Publishing, 2014.

Bernales, R.A. et.al. Komunikasyon sa Makabagong Panahon.


Malabon City: Mutya Publishing House, 2011.

Crizel Sicat-De Laza 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik. Manila, Philippines. REX Book Store

Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma.


Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc., 2016.

De Laza, Crizel S. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


‘Pananaliksik. Manila: REX Bookstore,

Crizel Sicat-De Laza 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik. Manila, Philippines. REX Book Store

INTERNET

https://www.sunstar.com.ph/article/404657
https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-tekstong-impormatibo/
https://www.slideshare.net/REGie3/tekstong-impormatibo-193940830
https://www.academia.edu/33824138/Tekstongimpormatibo_Para_sa_iyong_Kaala
man

16
For inquires or feedback, please write or call: Department of

Education – (Bureau/Office) (Office Address)


Telefax:

Email Address

You might also like