You are on page 1of 1

VANESSA MAE O.

NAVERA
JUDGE ANTONIO R. MONTILLA SR. ELEMENTARY SCHOOL
DLC VII
(Pagsulat ng Balita/News Writing)

SDO Tacloban, Naglunsad ng Pagsasanay sa Diyurnalismo


Upang mas mapalawak ang kaalaman ng mga guro sa larangan ng
diyurnalismo, ay nagkaroon nang pandibisyong pagsasanay na pinamagatang
“Basic Campus Journalism Training for School Paper Advisers (Filipino) in the New
Normal Using Online Platform”. Ito ay kasalukuyang ginaganap sa Gabaldon
Building ng San Fernando Central School, Lungsod ng Tacloban na nag-umpisa
noong ika-26 ng Mayo hanggang ika-28 ng Mayo taong 2021. Ang nasabing
pagsasanay ay nilahukan ng mga school paper advisers mula sa iba’t-ibang
paaralan sa elementarya at sekundarya, sa pamamagitan nang dalawang paraan,
ang face to face training at virtual training gamit ang ZOOM application.

Sa mensaheng ibinigay nang Schools Division Superintendent na si Mariza S.


Magan, sinabi niya na hindi man katulad ng mga nakaraang pagsasanay ang
nasabing aktibidad, dahil na rin sa pandemyang patuloy na kinakaharap, ito ay
maganda pa rin na plataporma upang patuloy na mapagyaman ang kakayahan ng
mga guro sa aspeto ng diyurnalismo.

Ayon naman kay CID Chief, Mark Chester Anthony G. Tamayo, ang inilunsad
na pagsasanay ay magsisilbing daan upang mas mapalalim ang kaalaman at pag-
unawa ng mga kalahok sa kahalagahan ng diyurnalismo at magbigay inspirasyon sa
mga susunod pang henerasyon ng mga tagapagsulat.

Ilan sa mga paksang tinalakay nang mga dalubhasang tagapagsalita at


miyembro nang Division Association of School Paper Advisers of Tacloban City
(DASPA) ay ang pagsulat ng lathalain, pagwawasto ng sipi, pagsulat ng editoryal,
editorial cartooning, pagsulat ng balita, science and technology writing, sports news
writing, photojournalism, at radio broadcasting.

Tunay nga, na sa kabila nang pandemyang sumusubok sa katatagan ng


bawat isa, ay patuloy na nagpupursige ang kaguruan upang mapalaganap ang
importansya ng diyurnalismo at magsibing tulay upang edukasyon ay mas mapabuti.

You might also like