You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Region I
Pambansang Mataas na Paaaralan ng Pangasinan
Lingayen
Taong Panuruan 2019-2020

AWTPUT

SA

IBA’T-IBANG

URI NG PAGSULAT
(Unang Pangkat sa 12-STEM 1)

Ipinasa nina:

Bautista, Albie

Bumadilla, Nathan James

Cbat, Ahmad

Domalanta, John Benedict

Macatbag, Mark Brian

Soriano, Jemver

Crispin, Czarina

Macaraeg, Alliah

Mendoza, Ma. Claridel

Victorio, Michaela Lana Faye

Ipinasa kay:

BB. KIMBERLY DE VERA


Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Region I
Pambansang Mataas na Paaaralan ng Pangasinan
Lingayen
Taong Panuruan 2019-2020

TALAAN NG NILALAMAN

Akademikong Pagsulat…………………………………………………………………..1

Dyurnalistik na Pagsulat…………………………………………………………………3

Malikhaing Pagsulat……………………………………………………………………..4

Propesyunal na Pagsulat…………………………………………………………………5

Reperensyal na Pagsulat…………………………………………………………………6

Teknikal na Pagsulat…………………………………………………………………….8
Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Region I
Pambansang Mataas na Paaaralan ng Pangasinan
Lingayen
Taong Panuruan 2019-2020

Akademikong Pagsulat – ginagamit ang uri ng pagsulat na ito mula sa primary


hanggang kolehiyo. Sakop nito lahat ng gawaing ginagawa na may kinalaman sa
akademikong aspekto ng isang indibidwal.

Makikita sa ibaba ang isang halimbawa ng akademikong pagsulat, ang isang


sanaysay. Bukod dito saklaw din ng akademikong pagsulat ang mga sulating tulad ng
laboratory report, eksperimento at term paper.

Blueprint

STEM. Apat na letrang napakamakabuluhan. Ano nga ba ang STEM? Ano


nga ba ang kahulugan at kalamangan nito sa iba pang mga strands?

Ang STEM ay pinagisang salita para sa Science, Technology, Engineering, at


Mathematics. Ito ay isang strand na nakapaloob sa academic track ng bagong kurikulum
pang-edukasyon sa Pilipinas na inihahanda ang mag-aaral sa sekondryang antas na nais
kumuha ng kurso sa kolehiyo na naglalayong magkamit ng antas ng Batsiler sa Agham,
kabilang dito ang agham sa pangkalusugan ,pag-iinhinyero, arkitekto at medisina. Ang
mga kasanayan na dapat isaalang-alang ng isang mag-aaral sa kursong STEM ay may
kakayahang mag-analisa, makabuo ng mga proyekto at kakayahang mag-isip ng
konklusyion. Nangangailangan din ito ng kakayahang matematikal, agham at teknikal.
Kinukunsidera din ito ang kakayahang mamuno .

Isa rin sa layunin ng pag-aaral nito ay mamulat ang kabataan patungkol sa


pagbabago ng mundo dulot ng lumalago pang industriya sa buong mundo. Samakatuwid,
ang STEM ay kursong pangsekondarya na nagsisilbing pintuan patungo sa napakaraming
posibilidad at pag-unlad na maaaring maganap sa buong mundo. Isinusulong nito ang
kakayahang magresolba gamit ang agham at matematika.

Ang STEM strand ay nakahihigit dahil sa lawak ng mga kurso nito. Ang STEM ay
nakapagbibigay ng madaming trabaho sapagkat hinuhubog nito ang kakayahan ng isang
estudyante para sa kolehiyo. Ito rin ay nabansagang pinakarepleksibong strand. Ang
karaniwang pokus nito ay agham at matematika na pinaniniwalaang mahirap na
asignatura. Ang pag-aaral na ito ay huhubog sa kakayahan ng isang mag-aaral na suriin
ang madali at kumplikadong suliranin sa lipunan at aktibo sa pagtalakay ng mga solusyon
sa pamamagitan ng aplikasyo at pagsasama ng agham, teknolohikal, pag-iinhinyero, at
matematika.
Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Region I
Pambansang Mataas na Paaaralan ng Pangasinan
Lingayen
Taong Panuruan 2019-2020

Ang pagpili sa STEM ay parang pagpili ng "best among the rest" dahil maraming
benepsiyo ang maaaring makuha dito . Ang estudyante na kumukuha nito ay hindi lamag
sa pang-akademikong pag-aaral ang nahahasa kundi pati narin sa mentalidad at abilidad
nito na tumutugon sa pangangailangan ng baway isa . Ang pagtupad sa pangarap ay
bahagi nitong kurso na ito pagkilalang lubos sa sarili kung gaano ang iyong kagustuhan
sa STEM .

Kaugnay din nito ang pagpuno ng pangangailangan ng bawat isa sa kanyang


kakayahan at kanyang kagustuhan . Ang pagpili ng isang kursong angkop sa iyong hilig
at sa kung anong magpapasiya sayo. Pakatandaan na ang tamang pagdedesisyon at may
naidudulot na magandang epekto. Piliin ang kurso na babagay sayo hindi batay sa tawag
ng responsibilidad ng mga taong nakapaligid sayo kundi kung paano ka makikinabang
dito pati ma rin sa lipunan. Ito ang rason kung bakit piliin nila ang STEM : Una sa lahat ,
ang asignatura sa STEM ay hindi ganon kahirap kagaya ng iniisip ng iba. Walang
sinuman ang nabubuhay ng walang matematika. Maling isipin na kapag STEM ang
kinuha mong strand, ang matematika ay sobrang hirap .

Hindi katulad sa mga paaralan, ang mga dalubhasa sa siyensiya ay nagtatrabaho sa


magagandang lugar. Maraming trabahong naiuugnay sa STEM kung kaya, madaling
kumita ng pera. Ang mga taong nagtatrabaho bilang isang inhinyero ay kumikita at
katumbas sa mga nakatapos ng law at ngayo'y patuloy na namamayagpag. Hindi na
masama ‘di ba?

Ayon sa pag-aaral, ang mga propesyon at trabaho na may kauynayan sa STEM ay


mas mataas na sahod kumpara sa iba pang sektor. Pagkamalikhain. Kung ikaw ay
nangangamba na hindi mo maipapakita ang pagiging malikhain mo, wag na wag mong
isipin na hindi mo kaya bagkus isipin mo na ito ay kaya mo. Ang STEM ay patungkol sa
panibagong pagtuklas ng kaalaman na kung saan nagiging daan din sa pagtuklas ng iba
mo pang kakayahan at talento tulad ng pagiging malikhain. Ito'y pagiging isa ng
malikhain dahil ikaw ang siyang nagdidisenyo ng pangarap at hinaharap mo.
Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Region I
Pambansang Mataas na Paaaralan ng Pangasinan
Lingayen
Taong Panuruan 2019-2020

Dyurnalistik na Pagsulat – ito ay ginagamit ng mga mamamahayag na kadalasang


nababasa o nakikita sa mga pahayagan, tabloid, at broad sheets. Dito rin nakapokus ang
mga estudyanteng Journalism ang major sa kolehiyo.

Naglalaman ng pahina ng balita, editoryal, lathalain, kolum, isports at ilang mga


guhit kartun ang isang pahayagan. Nakapaloob sa ibaba ang isang halimbawa ng
lathalain na artikulo.

Dalawampung Pangarap
“Ang tagal ng uwian,” na naman ang laging sambit ng isang lalaking buong araw
nang nakaupo. Sa loob ng isang silid, habang naghihintay ng oras, nabuo ng malikot
niyang kaisipan ang kaniyang pangarap.

Nagsimula ang lahat sa mauling buwan ng Hunyo at sa paghahanap ng isang


nagbibinata sa seksyon niyang Science, Technology, Engineering and Mathematics
(STEM) A. Hindi pa man desidido sa strand na kinuha, aminado siyang nasa Agham at
Matematikas ang puso niya. Dumaan ang napakarami at madalas ay sabay-sabay na
pagsusulit, proyekto at presentasyon lalo na sa asignaturang Biology, Calculus at Physics
na pawing mga specialized subjects ng mga estudyante sa STEM. Bagaman naisakripisyo
ang maraming gabing halos wala ng tulog at umagang walang almusal, naitawid niya ang
sampung buwan sa ikalabing-isang baitang.

Isang magandang balita nang unti-unti na siyang nalilinawan sa dating malabo


niyang kursong kukunin sa kolehiyo sa tulong na rin ng natapos na immersion niya sa
isang engineering site na malapit lamang sa kanilang eskwelahan. Sa naisagawang
gawain, mas nagamit at napabuti niya ang kaniyang mga kakayahan sa pag-analisa ng
mga problema lalo sa mga imprastraktura. Napag-usapan na rin nila ng kaniyang mga
kaklase ang mga unibersidad na nag-ooffer ng mga programa para sa pagiging inhinyero
at sa medisina. Hanggang sa dumating na ang huling rekwayrment sa Senior Hayskul,
ang kaniyang final defense.

“Joseph Dela Cruz, nagkamit ng pinakamataas na karangalan mula sa STEM A,”


ang pinakamasarap pakinggang parirala sa buong talambuhay ng binate na naipresenta sa
harap ng lahat ng kaniyang mga batchmates. Matapos ang dalawampung buwang
pakikipagsapalaran sa STEM strand sa Senior Hayskul, tiyak niya ang matibay na
pundasyon tungo sa kaniyang pangarap – ang maging isang inhinyero.
Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Region I
Pambansang Mataas na Paaaralan ng Pangasinan
Lingayen
Taong Panuruan 2019-2020

Malikhaing Pagsulat – ang uri ng pagsulat na ito ay pumupukaw sa mga damdamin ng


mambabasa bilang ang pinakasangkap nito ay ang malikot na imahinasyon ng manunulat.
Ito rin ay nakapokus sa iba’t-ibang literatura na umiiral gaya na lamang ng mga maikling
kwento, nobela, epiko, at marami pang iba.

Isang halimbawa rin ng malikhaing pagsulat ay ang tula na madalas ay


ginagamitan ng tugma, ritmo at simbolismo.

Ritmo ng Akademiko

Tamang sukat, tamang anggulo

Lahat ‘yan ay pag-aaralan mo

Diyan ay wala kang takbo

Para maging mahusay na enhinyero't arkitekto.

Mga sugat, tamang gamot

Dapat pag-aralan, ‘wag makalimot

Diyan ay walang kang lusot

Para maging mahusay na manggagamot.

Mga piling trabaho

Para sa mga batang pinili ang akademiko

Mga batang mahilig sa agham at siyentipiko

Mga batang mahilig sa matematika, enhinyero't arkitekto.

Mga piling kurso

Kailangan pagtiyagaan ng husto

Para magkaroon ng marangal na trabaho

At para makabawi sa ating magulang sa kanilang sakripisyo.

Pinili mo ang maging bahagi ng tangkay,

‘Wag kang titigil, ikaw ay makisabay

Sa alon nitong tungo sa iyong tagumpay

Ito ay umpisa pa lamang ng hamon ng buhay, katangkay!


Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Region I
Pambansang Mataas na Paaaralan ng Pangasinan
Lingayen
Taong Panuruan 2019-2020

Propesyunal na Pagsulat – galing na mismo sa salitang ‘propesyon’, ito ay ginagamit ng


mga propesyunal tulad ng mga doktor, guro, at abogado sa kani-kanilang mga napiling
propesyon. Ito ay tiyak sa isang propesyon.

Ilang halimbawa para rito ay ang police report ng mga pulis, banghay-aralin ng
mga guro, at legal forms ng mga abogado.

Petsa: June 24, 2019

Subject: General Biology I

I. Objectives
After the lesson students should:
1. Identify the 2 kinds of cell base from its structure
2. 2. Identify the different parts of a particular cell and its functions
II. Subject matter
A. Reference K to 12 basic education curriculum biology
B. Materials needed - Visual aids
III. Procedure
A. Preliminary activities
1. Prayer
2. Greetings
3. Checking of attendance
4. Recalling of the previous study
5. New lesson
B. Motivation
Group activity
1. Create a 3D model of cell using recyclable materials
IV. Evaluation
Short quiz
Instruction: Give the function of the given part of a cell
1. Flagellum
2. Ribosomes
3. Cell wall
4. Cell Membrane
5. Nucleus
6. Endoplasmic Reticulum
7. Mitochondria
8. Nucleolus
V. Assignment: Study cell cycle and cell division

Prepared by: Mercy Gomez, Master Teacher III SHS Department

Checked by: Dr. Joie Salazar, Principal III SHS


Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Region I
Pambansang Mataas na Paaaralan ng Pangasinan
Lingayen
Taong Panuruan 2019-2020

Reperensyal na Pagsulat – ang pagsulat na ito ay madalas may pinaghanguan na


nangangailangan ng paggalang na mas kilala sa tawag na citation.

Ang bibliograpi ng isang sulatin kagaya ng isang pananaliksik ay kadalasang


ginagamit na halimbawa para sa sulating ito at ang American Psychological Association
(APA) na porma ang standard na ginagamit para rito.

Balanse ng Pagpili ng STEM

Ang STEM o Science, Technology, Engineering and Mathematics ay isang


programang pang-edukasyon, particular sa Senior Hayskul (SHS) sa Pilipinas, na
ipinatupad ni Judith A. Ramaley na may layuning palawakin pa ang kaalaman ng mga
mag-aaral sa SHS upang mas maging handa sa kolehiyo. Karamihan sa mga kumukuha
ng kursong ito ay nagbabalak kumuha ng Engineering. Kagaya ng ibang bagay, ang
pagkuha ng STEM strand ay may maganda at masamang epekto na maibibigay.

Ayon kay Bariso (2017), malaki ang porsiyento at advantage ng mga kukuha ng
STEM bilang strand sa Senior Hayskul dahil umano sa patuloy na pakikipagsabayan ng
bansa sa industriya ng siyensiya. Ilan ang mga makabagong medisina at mga
mahahalagang tuklas sa mga kongkretong ebidensiya sa lumlagong larangan ng agham sa
Pilipinas at ng buong mundo.

Mahalagang parte rin ng buhay ng tao ang mga imprastraktura. Sa pamamagitan


ng naturang strand, mapapadaling maintindihan ng mga mag-aaral ang mga dahilan at
kagamitan sa paggawa ng mga ito. Katulad sa Calculus at Physics na sakop ang mga
pormula upang makabuo ng isang matibay na gusali. (Anonymous, 2017)

Sa kabilang banda, ayon kina Bernabem, et. al (2017), ang pang-agham at


sipnayan na strand ay ang pinakamahirap na SHS dahil umano sa tatlong (3) dahilan.
Una, malaki ang posibilidad ng stress at pressure para sa mga mag-aaral dahil sa dami ng
gawain tulad ng pananaliksik. Pangalawa ay ang kakulangan sa oras ng pagtulog at
pagkain. Isa rin ang kawalan ng oras para sa pamilya at iba pang gawain dahil pa rin sa
sabay-sabay na rekwayrments at gawain.

Sa buhay, hindi laging madali ang daan tungo sa tagumpay. Kagaya ng pagkuha
ng STEM strand sa Senior Hayskul, bago maging isang matagumpay na doktor o
inhinyero, kailangan munang pagdaanan ang lahat ng stress at hirap ng naturang strand.
Kung mayroong pagtitiis at balanse ng lahat, makakamit din ang ninanais na diploma at
dadating ang panahon na sasabay na rin sa globalisasyon ng Pilipinas.
Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Region I
Pambansang Mataas na Paaaralan ng Pangasinan
Lingayen
Taong Panuruan 2019-2020

Bibliograpi

Anonymous. (2017). STEMahinasyon. Retrieved June 20, 2019 from https://stemahina-

syon.blogspot.com/2017/07/engr.html?m=1&fbclid=IwAR0bfgsLv8qN0U0

mMxtrkjrrBRBfmWtN6NGtnGb5VcLyIXlgDoOX3mCRFCM

Bariso, G. (2017). Buksan ang Kamalayan Ukol sa STEM. Retrieved June 20, 2019 from

https://explorestem.blogspot.com/?m=1&fbclid=IwAR3UGMC0GNea7-jKsIU

5RzDWDZk5ma9zRvc8tlDMJ99cB0iUOiPSXr763eQ

Bernabem, K. et. al. (2017). Ano ang STEM?. Retrieved June 21, 2019 from https://man-

dirigstem.wordpress.com/2017/10/08/ano-ang-stem/
Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Region I
Pambansang Mataas na Paaaralan ng Pangasinan
Lingayen
Taong Panuruan 2019-2020

Teknikal na Pagsulat – sa pang-anim na uro ng pagsulat, ito ay nakatuon sa iisang tiyak


na larangan lamang na sumasagot sa kognitibo at sikolohikal na aspekto ng mambabasa.
Ito rin ay nakatutulong sa mga kompleks na suliranin ng mga tao.

Isa ang flyer, na nakatutulong sa pagbibigay ng impormasyon gamit ang mga


malilikhaing disenyo ng mga nagbibigay nito. Madalas din itong ginagamit sa mga
advertisement at mga anunsiyo.

S T E M

Maayos na marka para sa STEM Strand:

Magbasa nang magbasa kahit bakasyon.

Balikan ang mga naunang aralin noong Junior


Hayskul.

Magsanay sa asignaturang ‘mathematics’

Huwag magpapadala sa stress.

Sanayin ang pag-aanalisa ng mga problema.

You might also like