You are on page 1of 4

Akademikong Sulatin

Upang ihanda ang mga mag-aaral sa hamon ng buhay, inilunsad ang programang “K to 12” o
nangangahulugang Kinder to Grade 12 na naglalayong dagdagan ng dalawang taon ang pag-aaral ng mga
estudyante na tinatawag na “Senior High School” upang papiliin ng tatahakin na track and strand ng sa
gayo’y maging gabay nila ito papuntang kolehiyo. Pagtungtong ng kolehiyo, nakadepende ang magiging
kahihitnanan ng kursong pipiliin ng estudyante dahil nakasasalay ang strand na pinili nito noong ito ay senior
high school pa lamang. Ngunit may isang namumukod tanging strand na magiging gabay ng estudyante sa
kanilang pag-aaral, ang STEM strand.

Ano ang STEM strand? Ang Science, Technology, Engineering and Mathematics Strand o mas kilala
bilang STEM ay isang strand sa Senior High School na nakapaloob sa akademikong track ng K to 12
curiculum. Layunin ng strand na ito na pataasin ang kaalaman ng mga mag-aaral pagdating sa iba’t-ibang
kursong pang-agham na kukuhanin sa kolehiyo. Sa pagpasok ng mga mag-aaral sa strand na STEM, ito ay
nahahati sa dalawang semestre, ang unang semestre na binubuo ng mga asignaturang Pre-Calculus, Earth
Science, Oral Communication, General Mathematics, Filkom, EAPP, Empowering Technologies at PEH1.
Samantalang ang ikalawang semestre naman ay binubuo ng Basic Calculus, Reading and Writing, Statistics
and Probability, Research 1, D3r, Piling Larang, General Chemistry at Pagpag. Ang lahat ng asignaturang
ito ay may papel sa mag-aaral sa paghubog ng kritikal na pagiisip at pagkakaroon ng matalas na memorya sa
pag-aaral.

Ang STEM Strand ay ginawa para sa mga mag-aaral na gusto kumuha ng kurso katulad na lamang ng
Inhinyerong Sibil, Doktor sa Medisina, Physician, Astronaut at marami pang iba. Ngunit bago makapasok
dito, kinakailangang hindi bababa sa 85 ang nakuhang grado sa NCAE at hindi rin bababa sa 85 ang mga
grado ng estudyante habang nag-aaral ito ng kanyang huling taon sa Junior High School. Kung sakali na
hindi naabot ang mga kwalipikasyon ng pagiging STEM Students, maaring kumuha ng isang exam na kung
saan ito ang magdedetermina kung makakapasok ang mag-aaral o hindi.

Pero kung magbago man ang isip ng mag-aaral sa kanyang kukuhanin na strand ay nandiyan ang iba pang
mga strand sa Academic Track na ABM (Accountancy Business Management), HUMSS (Humanities in
Social Sciences), TVL( Technical-Vocational Livelihood) at GAS( General Academic Strand). Sa ABM
strand, maaaring matutunan ng isang mag-aaral kung paano magnegosyo at pagplanuhan ang magiging
gastos ng kanyang produkto. Samantalang sa HUMMS strand ay kalimitang ito ang pinipili ng mga mag-
aaral na gusto maging isang guro, pulis, abogado, at mamamahayag. Ang TVL strand ay hindi na kailangan
pa ng mahabang panahon para lamang makapagtrabaho dahil pagkatapos pag-aralan ng isang mag-aaral ang
dalawang taon nito sa TVL strand, agad-agad ay pwede na ito magtrabaho sa loob o labas man ng bansa.
Panghuli ang GAS strand, marami sa mga mag-aaral ang pinipili ang GAS strand dahil ang mga ito ay hindi
parin makapagdesisyon kung anong kurso ang nais nilang kuhanin sa kolehiyo kung kaya’t dito sila
nagdedesisyon kung ano ang gusto nilang propesyon paglaki. Sa kabilang banda, STEM strand ang
nangingibabaw sa lahat dahil sa mga asignatura nitong advanced at hindi na kailangan pag-aralan ulit
pagtungtong ng kolehiyo.

Si Erwin Jude F. Galamay ay isa sa mga estuyanteng piniling mag-aral sa strand na STEM ng San Jose
City National High School- Senior High School upang magkaroon ng gabay papunta sa kukuhanin nitong
kurso sa kolehiyo na Inhinyerong Sibil. Dito ay sinubok ang kanyang kritikal na pag-iisip sa pagaanalisa ng
mga equation sa Asignaturang Calculus, paggawa ng Floor Plan sa D3r, pagsulat ng maayos at pagbasa ng
malinaw sa Reading and Writing, at pagsasagawa ng pananaliksik sa Research 1. Mahirap man ay pilit
niyang kinakaya ang anumang pagsubok sa kanyang pag-aaral upang sa gayon ay masuklian jto ng
tagumpay sa bandang dulo. Patunay lamang na inihahanda ng STEM strand ang mag-aaral nito sa ika-apat
na pahina ng kanilang buhay.

DI- AKADEMIKONG SULATIN

[MALI]gayang kaarawan [INAY]

2
Masaya , sobrang daming bisita

Puro tuwa ang makikita sa mga mata

Hindi rin nawala ang ngiti sa labi ni Ina

Dahil ngayon ay kaarawan nya

Dumaan ang takip silim

Nilakbay ko ang pasilyong kay dilim

Wala akong ibang nakikita kundi kulay itim

Sapagkat nawalan ng kuryente sa amin

Ang buong pamilya na lamang ang natira

Ang mga bisita ay nag uwian na

Kumuha ako ng kandila

Upang makita ang daan patungo sa sapa

Pagtapak ng paa sa tubig agad itong nabasa

Ganon din ang mata na puno ng luha

3
Nabitawan ko ang kandilang dala

Nang aking makita ang dugong pulang-pula

Ang kaninang matang tuwang -tuwa

Ay napalitan ng lungkot at awa

Dahil sa hindi sinasadya

Napatay nya si ama

You might also like