You are on page 1of 3

Mga kagalang-galang na guro, mga giliw kong takapakinig, isang magandang araw

po sa inyong lahat.

Isang karangalan para sa akin ang pagpaunlakan Ninyo ako, bilang STEM student
ng Cordillera Career Development College, upang manghikayat ng mga
estudyanteng mag tatapos sa ng secondarya at hindi pa alam kong anong strand ang
kukunin sa kanilang senior year.

Ano ng aba ang STEM? ang ay isa sa apat na strand na nakapaloob sa Academic
Track ng bagong K-12 curriculum sa Pilipinas. Ang STEM ay pinagisang salita
para sa Science, Technology, Engineering at, Mathematics. Ito ay isang strand na
nakapaloob sa academic track ng bagong kurikulum pang-edukasyon sa Pilipinas
na inihahanda ang mga mag-aaral na nasa sekondaryang antas na nais kumuha ng
kurso sa kolehiyo na naglalayong magkamit ng antas ng bachelor of science,
kabilang dito ang Agham pangkalusugan, Agham pang-agrikultura, impormasyong
pang-teknolohiya, arkitektura, pag-iinhinyero, at kursong pang-medisina. 

Ang mga kasanayan na dapat isaalang-alang ng isang mag-aaral ng kursong STEM


ay ang pagkakaroon ng kakayahang makapag-analisa, makabuo ng mga proyekto
at kakayahang makapag-isip ng mga konklusyon mula sa mga resulta ng isang
pananaliksik. Kinakailangan din dito ang kasanayan sa matematika, agham at
teknikal. Kinukunsidera din dito ang pagkakaroon ng abilidad sa pagkikipag-
komunikasyon, pagiging malikhain, at kakayahang mamuno.  Isa rin sa mga
layunin ng pag-aaral nito ay ang mamulat ang mga kabataan patungkol sa patuloy
na pagbabago ng mundo dulot ng lumalago pang industriya ng teknolohiya sa
buong mundo. Kaya napapabilang ang STEM sa iba pang ispesyalisasyon na
mayroon ang programang K-12 ay para makatulong sa paglikha ng mga susunod
pang henerasyon ng mga propesyonal sa larangan na kaakibat ng mga asignaturang
itinuturo sa kursong ito. Halimbawa na rito ay mga inhinyero, doktor, arkitekto, at
iba pa. Kung atin pang susuriin ng maigi ang kursong ito sa Senior High,
mababatid natin na napakalawak ng sinasaklaw nito patunay lamang isa ito sa
pinakakomplikadong kurso sa antas pangsekondarya. Sa kabilang banda, isa rin ito
sa may pinakamalaking posibilidad na makapaghanap ng trabaho sa bansa maging
sa buong mundo dahil sa dami ng oportunidad na iniaalok para sa mga nais
magtrabaho sa larangan ng siyensya, teknolohiya, pag-iinhinyero, at iba pang may
kinalaman dito. 
Samakatuwid, ang STEM ay isang kursong pangsekondaryang nagsisilbing pintuan
patungo sa napakarami pang posibilidad at pag-unlad na maaaring maganap sa
ating mundo. Isinusulong nito kakayanan ng isang mag-aaral sa pagresolba ng
problema gamit ang iba’t ibang sangay ng agham at sipnayan.

Ang mga STEM students ay yong tipo ng studyanteng ang pagkakaalam ng


marami ay matatalino at magagaling dahil sa mga paksang kanilang pinag-aaralan.
Sila yung mga mag-aaral ng Senior High School na masasabi nating bihasa sa
pagkakalkula ng mga numero at pagsasagawa ng eksperimento patungkol sa iba’t
ibang bagay. Higit sa lahat sila yung mga kabataang nais maging mga doktor,
inhinyero, arkitekto, sayantipiko, estatistiko, imbentor, at marami pang iba
pagdating ng araw. Sila ang mga mag-aaral ng STEM.

Agad kong masasabing isa kang estudyante ng STEM kung alam mo ang
hirap ng pagiintindi at pagsasagot ng mga katanungang may kinalaman sa basic at
pre-calculus. Taliwas sa paniniwala ng marami, normal lang din sa isang mag-aaral
ng STEM na isa sa mga strand na nakapaloob sa bagong K-12 curriculum ang
mahirapan sa mga pagkakabisa at pag-unawa ng mga formula na sakop ng mga
paksang may kinalaman sa sipnayan. Ngunit bilang isang estudyante ng strand na
ito, kailangan nila itong intindihin nang sa hinaharap ay kanilang gamitin. Mahirap
man kung tutuusin, wala namang makakatumbas sa karunungang maihahatid ng
pag-aaral nito sa mga kabataan ng kasalukuyang panahon. Komplikado ngunit
masaya, ganito ko mailalarawan ang pag-aaral sa ilalim ng kursong STEM sa antas
pangsekondarya. Kaugnay nito, masasabi kong napakakulay at puno ng buhay ang
mga karanasang mayroon ang isang estudyante ng strand na ito. Ika nga ng ilan,
walang saysay ang buhay kung walang hirap na dito ay dinadanas. Tila isang
istorya sa mga aklat na wala man lang kahit anong problemang kinakaharap ang
bida.
Alam ko ito sapagkat ako ay isang mag-aaral ng STEM. Ang bilang isa sa
mga kabataang nais gumawa ng larangan patungkol sa agham, teknolohiya, pag-
iinhinyero, at matimatika, obligasyon ko na matutong lumutas ng mga problema
gamit ang apat na asignaturang nabanggit. Kaunti man ang oras ng pagtulog, sobra
sobra naman ang kaalamang pumapasok sa aking isipan habang nakikinig sa mga
paksang itinuturo rito. Bukod pa rito, dala-dala ko ang pangarap ng marami na
magkaroon ang bansang ito ng marami pang mas mahuhusay na manggagawang
handang magsilbi para sa kanilang kapwa. Ito ang buhay ng isang mag-aaral ng
STEM.

Ano pa ba ang hinihintay Ninyo? tara na at mag STEM

You might also like