You are on page 1of 1

POSISYONG PAPEL

DISKRIMINASYON SA BAWAT STRAND NG K-12


I: Panimula
Ang K-12 ay itinalaga ng gobyerno upang makatulong sa mga kabataang mag-aaral para masanay
ang mga ito at pripirasyon na rin sa kanilang pagkokolihiyo. Ginawa rin ito ng gobyerno upang
makapantay ang Pilipinas sa ibang bansa dahil huli ang Pilipinas sa usaping edukasyon. Ang K-12
ay may dalawang grado, GRADE 11 at GRADE 12, kung saan binubuo ng limang pangkat. Ang
STEM, ABM, HUMSS, GAS at TVL.
II: Paglalahad ng mga Argumentong Tumututol
Ayon sa pahayag ng mga estudyante ay malaki ang naitulong ng K-12 subalit may nagaganap daw
na diskriminasyon sa General Academic Strand. Ayon nga sa isang post ng estudyante sa GAS sa
Facebook, parati raw minamaliit ang kanilang Strand dahil mga bobo at hindi raw sila prayoridad
kumpara sa ibang Strand. Kaya raw sila nasa GAS ay dahil hindi sapat ang kanilang mga utak na
makipagsabayan sa ibang Strand. Nasabi nga raw rin po ng isa sa mga guro ng Senior High School
ng minsan ay magtanong sila sa nasabing guro na hindi raw sila prayoridad at mas prayoridad
daw ang HUMSS kumpara sa kanila. Maliban sa mga post sa Facebook ay marami rin akong
naririnig na diskriminasyon na nagaganap sa iba’t ibang Strand gaya ng pagsasabi sa kanila ng
kanilang guro sa kanila ng mga bobo at iba pang masasakit na salita na maaaring makapag-isip sa
mga estudyante na magrebelde. Isa rin sa mga nabasa kong post ay nasa maganda at malaking
silid ang kanilang kinalalagyang subalit isang araw raw ay biglang sinabi sa kanila na palilipatin
sila ng silid dahil dito ilalagay ang mga HUMSS Students dahil masyado raw silang marami. At
inilagay nga sila sa isang luma at masikip na silid. Hindi naman patas ang ganoon. Hindi naman
pweding paalisin ang isang estudyante sa kanilang silid dahil lang sa hindi kasya ang ibang seksyon
sa kanilang silid.
III: Paglalahad ng mga Pangangatwiran
Ginawa ang K-12 upang mas matututo ang isang mag-aaral hindi upang makipagkompitinsya sa
kapwa nila estudyante. Subalit hindi talaga maiiwasan na minsa ay magkaroon ng diskriminasyon
sa pagitan ng bawat isa. Ngunit maiiwasan ang bagay na ito kung isasapuso ng bawat isa ang
kanilang ginagawa at panatilihin ang kabutihang loob sa kanilang mga puso at damdamin.
Nararapat din na itigil na ng mga guro ang pagkakaroon ng mga bias dahil ditto nagsisimula ang
kompetisyon ng mga estudyante.
IV: Kongklusyon
Nasa kamay ng mga guro kung magkakaroon ng kompetinsya ang mga estudyante kaya nararapat
lamang na gumawa sila ng mga hakbang para maitigil na ang nasabing diskriminasyon at
kompetisyon ng mga estudyante.

You might also like