You are on page 1of 1

STEMalakas

ni: Precious Danica S. Domingo

Gusto mo ba maging isang doctor o arkitekto o maging mahusay na siyentista? STEM


ang sagot!

Ang Science, Technology, Engineering, and Mathematics ay isa sa mga sangay ng


akademikong track ng K-12 kurikikulum. Ito ay para sa mga estudyanteng naghahangad at
gustong kumuha ng inhinyero, arkitekto, medisina, at iba pang may koneksyon sa siyensya,
teknolohiya, pag-iinhenyero at matematiko.

Alam naman natin na halos lahat ng strand sa Senior High, ang STEM ang
pinakamahirap. Sa pagkuha ng STEM, mararanasan mo ang pagiging “Pressure at Stress”
dahil sa maraming pagsusulit, proyekto at kahit mga “Research Paper” na kapag hindi mo
pinag igihan ay hindi ka makakaraos. Kung kukuha ka nang strand na ito, kailangan mong
sanayin ang sarili mo kung paano panghawakan at pamahalaan ang iyong oras.

Bakit nga ba kailangan nating piliin ang STEM? Ang pagpili sa STEM ay parang pagpili
ng "best among the rest" dahil maraming benepisyo ang maaaring makuha sa kursong ito.
Ang estudyante na kumukuha nito ay hindi lamang sa pang-akademikong pag-aaral
nahahasa kundi pati na rin sa mentalidad at abilidad nito na tumugon sa pangangailangan ng
bawat isa. Ang pagtupad sa iyong mga pangarap ay isa ring bahagi nitong kurso na ito at
pagkilalang lubos sa sarili kung gaano ang iyong kagustuhan sa kurso na STEM. Kaugnay din
nito ang pagpuno ng pangangailangan ng bawat isa sa kanyang kakayahan at kanyang
kagustuhan. Ang kursong STEM ay para sa lahat. Sa panahon ngayon, maraming mga bagay
sa ating paligid tulad ng gadgets, appliances, at mga kagamitan na may kaugnayan sa
teknolohiya. Kalakip ng STEMang ibat ibang sektor at industriya magmula sa "robotics
engineering" patungo sa "rocket scientist", mula sa “veterinary surgeon" patungo sa
"meteorologist". Hangga’t gusto mo ang kasiyahan at “thrill”, ito ang nababagay na kurso para
sayo.

Maraming mga benepisyo ang pagkuha sa kursong STEM. Una, mapag-aaralan mo


ang iba't ibang asignaturang pinag-aaralan ng iba't ibang propesiyon. Pangalawa, maaari
mong ipamahagi at ipakita ang iyong mga talento sa ibang estudyante na katulad din ng mga
kakayahan at mga abilidad na mayroon ka. Tinutulungan ka nito upang tumaas ang tiwala mo
sa iyong sarili at masanay sa pagbabago. Pangatlo, maaari mong matuklasan ang mga
talento at mga kakayahan mo na hindi mo pa nakikita. Pang-apat, masasanay ka sa
“pressure” na kung saan magiging sanay ka na pagdating mo ng kolehiyo. At pang huli,
maraming mga kaugnay na trabaho sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics
kaya naman napakadaling pumili kung saan tayo dapat magtrabaho.

Kung kaya’t ihanda natin an gating sarili lalong lao na an gating mga desisyon sa
pagpili ng kukunin nating kurso. Ang ating kinabukasan ay nakasalalaysa ating mga desisyon
sa buhay. Kung ikaw ay STEM, ikaw ay MALAKAS!

You might also like